Chapter 34

Kinagabihan ay nagsimula na ang birthday party ng kambal. Halos lahat ng tao na invited ay naka-formal attire. Ang gwapo nga ng mga lalaki sa suot nila.

Si Drake, 'yong kambal na si Grien at Ried, pati si Air nga. Si Air, nandoon siya sa kabilang table. Originally, dapat ay kasama namin siya dito pero mukhang ayaw niya.

Tumingin ako sa ibang direksyon dahil nakita niya yatang napatingin ako sa kaniya. Nakipalakpak na lang ako, tutal pumapalakpak naman ang mga bisita. Tumingin na rin ako sa platform kung saan naroon 'yung kambal na magbibigay ng message ngayon para sa aming mga pumunta.

"Good evening everyone, I'm Ried. Thank you for joining us on our birthay party."

Hindi pa tapos ang sinasabi noong kapatid niya ay inagaw na ni Grien yung microphone.

"Hey! You guys know me already, I don't need to introduce myself. Thanks for coming!" Ani Grien kaya nagtawanan ang mga bisita. Kumindat pa talaga ito.

Napansin kong mas matured umasta si Ried kaysa kay Grien, may chickboy aura kasi itong isa. Kinuha ulit ni Ried yung mic at nagpatuloy sa formal niyang message.

Umirap si Grien at binabara-bara ang bawat sinasabi ng kakambal niya. Parang bata naman! Umirap rin ako at saktong pagtigil ng mata ko'y aksidenteng tumapat ito sa kung nasaan si Air. Nakatitig na din pala siya sa akin kaya agad kong iniwas 'yong tingin ko at muling nag-focus sa kambal.

Nag-seryoso na sila ngayon sa pagbibigay ng message para sa lahat ng dumalo. Bawat may nakakatouch silang sinabi ay nagpapalakpakan kami.

"This thing is boring," ani Drake at isiniksik ang mukha sa leeg ko.

"Huy, there's people watching."


"I don't care, I can even give them a show." Sininghot niya ang leeg ko.

Habang ginagawa iyon ni Drake ay muli akong napatingin kay Air, titig na titig pa rin pala siya sa akin. Bakit kung titigan niya ako ay parang may ginagawa akong mali?

Wala naman kaming relasyon ni Air. Bakit parang hinuhusgahan na niya ako sa titig pa lang niya? And why do I feel guilty? Is it because I see that his eyes are full of hurt?

Baka kailangan ko siyang kausapin?Bahala na nga! Sasabihin ko na lang sa kanya 'yung totoo, kailangan na naming mag-usap. Para magkalinawan na rin, tapos na naman ang kasunduan namin ni Drake.

Biglang tumayo si Air at nagpaalam sa mga kasama niya sa table. So I took the chance to go and talk to him. Nagpaalam ako kay Drake na magbabanyo pero ang totoo ay sinundan ko talaga si Air.

Nakita ko siyang tumigil sa may gilid ng pool. Pumikit ako at huminga nang malalim, iisang hakbang pa lang ang nagagawa ko ay parang gusto ko nalang bumalik kay Drake. Nagsisisi kaagad ako na sumunod pa ako.

"Air!" May nauna sa akin na lumapit kay Air at si Yaelle iyon.

Paglapit niya ay hinalikan niya pa ito sa labi, parang gusto kong dukutin ang sarili kong mga mata dahil sa nakita. It was not just a simple kiss because there was tongue involved!

"Air, sinasagot na kita!" Saad ni Yaelle pagkatapos noong paghahalikan nila.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa likod. Kahit nanlalamot ang mga tuhod ko ay nagawa ko pa rin na tumakbo pabalik sa kwarto namin ni Drake.

Isinubsob ko ang mukha ko sa unan at doon ibinuhos ang sama ng loob ko. Bakit naman kasi kung kailan aaminin ko na ang lahat kay Air ay ngayon ko pa malalaman na may iba na pala siya? Bakit kailangan niya pa akong titigan na parang gusto niya ako?

Hindi ko na dapat sinundan 'yong si Air! Heto tuloy ang napala ko. Magpapaliwanag lang naman sana ako kung anong meron sa amin ni Drake, nagbabakasakali na maiintindihan 'yon lahat ni Air. Because I genuinely liked him and I wanted to know him more.

'Di na ako bumalik sa party dahil nangyari ngayon, ilang oras rin akong nakahiga sa kama kahit hindi naman ako natutulog. Paulit-ulit kasi na nagp-play sa utak ko 'yung nakita ko kanina! 'Langya naman!

"Vina!" Maya-maya'y may kumatok sa pinto kaya patamad kong binuksan iyon.

Si Troy pala ito at akay-akay niya ang lasing na lasing na si Drake, nakapikit na siya at parang lantang gulay.

"Naparami ng inom, kaya hinatid ko na."

"Salamat, Troy. " Kinuha si Drake at sinarado ko na rin ang pinto.

Parang magkakapasa ako dahil sa bigat ng katawan nito!

"Ang bigat mo!" ibinagsak ko kaagad siya sa kama.

Binuksan ko ang mga butones polo niya para makahinga naman siya nang maayos.

"Siguro hindi ka pa talaga nakaka-move on 'no? Sinasabi mo lang iyon." Bulong ko sa kaniya.

Wala naman kasi akong alam na dahilan kung bakit siya magpapakalasing nang ganito. Malamang kasi ay hindi pa niya tototoong nakakalimutan si Arlene. He is still broken hearted like me. Ngayon, nakakarelate na kami sa isa't isa.

Tatayo sana ako upang kumuha ng basang bimpo para punasan ang katawan niya pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Bakit 'di ka bumalik?"

Bumangon siya ng bahagya at hinigit ako sa batok, dahilan para mapaupo kaming dalawa sa kama.

He kissed me passionately, I kissed him back and I tasted the alcohol in his mouth. Parang ito 'yong ginawa ni Yaelle at Air kanina, ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ko at ginawa ko rin.

"I love you." He whispered to my ear after the kiss.

"Hindi naman ako si Arlene."

"I love you," ulit niya.

Napatulala ako saglit sa mukha niya, muntik ko nang seryosohin 'yong sinabi niya. Ang mabuti na lang ay naalala ko na lasing lang ang lokong 'to kaya kung anu-anong nasasabi.

Lumayo ako sa kanya at pumunta sa sofa. Nang makalayo ako ay narinig ko pa siyang umungot at magsalita. "Huwag mo akong iwan ulit."

Oh, sinabi na nga ba! Drake is referring to his ex-girlfriend and not me. Tsaka bakit naman niya sasabihin 'yon sa akin? Parang 'di naman ako kamahal-mahal sa mata ng kahit sino, eh.

Humiga ako sa sofa at ipinikit ang mga mata ko.

Mahal ko ang sarili ko, ayos na 'yun.

•••

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top