Chapter 33

Dahan-dahan siyang tumango, ako naman ay napanganga na lang. Hindi ko alam kung ano bang dapat na maging reaksyon ko kasi hindi pa nag na a-absorb ng utak ko ang nangyayari.

'Yung mga halik, yakap at landian namin sa isa't-isa, wala na lang pala 'yon? Hindi naman sa ayaw ko siyang maka-move on, pero mapupunta na lang lahat 'yon sa wala?

"Ah... E-Edi ititigigil na natin 'yong deal natin?"

Sandali muna siyang tumitig sa akin bago sumagot. "Hindi."

"Anong hindi?!" Wala na naman siyang balak na makipagbalikan pa kay Arlene ah? Para saan pa't magkukunwari pa kami na may relasyon?

"Hindi pa ngayon kasi baka mahalata nila. Siguro mga isang linggo na lang pag-uwi natin?"

Ayon naman pala, may punto nga siya. Talagang magiging kaduda-duda kami kapag bigla na lang kaming hindi magkarelasyon kung umasta.


Nang mag-dinner kami ay pinangatawanan talaga ni Drake ang pagiging mabuting boyfriend sa akin. Kulang na lang ay subuan niya ako ng pagkain dahil sa sobrang pag-aasikaso niya.

Kung wala siguro kaming usapan at ganito siya umasta ay baka nahulog na ako sa kaniya. Aaminin ko, noong una ay sobrang nabubuwiset ako sa loko na 'to. Hanggang ngayon naman. Pero mas nakilala ko na kasi siya at may mga redeeming qualities din naman pala 'to.

"Drake, hindi naman ako mawawala. Puwede mo nang bitawan ang kamay ko, 'di kasi ako makalaro ng ayos dito sa cellphone mo." Angal ko habang sinusubukang maglaro ng mobile game gamit ang isang kamay lang.

"Nope." Lalo niyang hinigpitan ang hawak niya para inisin ako.

"Ayan, napatay na naman ako!"

Kinuha niya 'yung phone at ibinulsa iyon kaya napanguso ako.

"Huwag ka na kasing maglaro, makinig nalang tayo sa banda."

Ngayong wala na akong hawak na cellphone ay napansin ko ang mga tao sa paligid. Para itong music festival dahil sa dami nila, ine-enjoy ang upbeat na melody ng kanta. Sayang lang at wala akong makita dahil ang lalaki nilang harang.

"I can carry you on my shoulders." Bulong ni Drake at lumuhod sa may harapan ko. Narinig niya ba ang isip ko?

I waved my hands to signal, "Huwag na!"

Pero hinigit niya ang kamay ko at nagpumilit, sumakay na lang ako kasi ang tagal na niyang nakaluhod sa buhanginan. Pagtayo niya ay humawak nlsiya sa mga hita ko para alalayan ako sa balikat niya.

Itinaas ko naman ang mga kamay ko sa ere at sumabay sa kanta, ganoon rin ang ginawa niya. Sobrang lakas ng pagkanta ng mga tao dito, paniguradong magwawalaan kami ng ng boses kinabukasan.

Noong maging mabagal at sweet na ang kanta ay ibinaba niya na ako, akala ko ay babalik na kami sa kuwarto namin pero bigla niyang hinapit ang beywang ko at sumabay sa kanta. Drake rested his head on my shoulders while we were dancing with the slow music.

"Thank you," bulong niya pa.

"Saan naman?" Hinawakan ko ang likod ng ulo niya at bahagyang nilaro ang kaniyang buhok.

"For everything."

Natawa ako at sinubukang kalasin ang yakap niya pero mas lalo niya 'yong hinihigpitan sa tuwing magpupumiglas ako.

"Let's just stay like this for a while."

Wala akong nagawa kumg hindi magbuntong-hininga na lang at hayaan siya sa gusto niya. I hugged him back and a tear escaped from my eye.

Pagkatapos mag-perform ng banda ay nagbalikan na lahat ng bisita sa kani-kanilang cottage. Kami ni Drake ay pumunta sa may tabi ng beach. Umupo lamg kami roon, sa isang nakatumbang punong kahoy. Nakaakbay siya sa akin habang nakatingin kami sa kawalan.

"Ayaw mo pang bumalik?" Humikab ako at ihinilig ang ulo ko sa balikat niya.

Ang liwanag ng bilog na bilog na buwan ay maaninag sa dagat. Hindi tumitigil ang pag-alon nitong pabalik-balik na parang pilit inaabot ang paanan namin.

"Ayaw ko nang bumalik."

"Sa cottage?" Napabangon ako sa sinabi niya.

"Biro lang, antok ka na ba? Bumalik na tayo."

Pagbalik namin sa cottage ay ako ang unang naligo, pagkatapos ko ay nagtuyo na lamang ako ng buhok pagkatapos ay natulog na kaagad. Hindi ko na siya hinintay na matapos kasi wala na naman akong sasabihin at tsaka antok na antok na talaga ako.

Tapos kinabukasan ng umaga ay ako ang unang nagising sa kaniya, magkatabi pala kami at yakap ko siya. Napanguso ako at dahan-dahang bumangon para hindi ko maistorbo ang tulog niya. Tatayo na ako nang bigla niyang idantay ang paa niya sa akin.

"Drake, ano ba?!" Napaungot ako.

Nagmulat siya ng mata at ngmiti.

"Good morning," he said with his morning voice.

"M-Morning, bangon na tayo."

Parang baliw siyang ngumiti habang nakapikit.

"Bangon na tayo," pag-uulit niya sa sinabi ko.

Nagsisimula nang mag-ayos ang staff sa labas para birthday party ng kambal na sila Red at Green mamayang gabi. Mahal na mahal talaga sila ng mga magulang nila. Biruin mo 'yon? Ilang araw na kami dito at sagot nila ang gastos doon kasi mga bisita kami.

"Do you enjoy parties like that?"

"Huh? Bakit?" Ang random naman nito, nanonood lang naman kami sa staff.

"Wala, gusto lang kitang mas makilala."

Pasimple akong ngumiti, kunwari may nilingon ako sa ibang direksyon para 'di niya makita iyon.

"Sakto lang, 'di ako mahilig sa mga bonggang party. Kasi wala naman akong pangparty na ganito, wala rin naman akong maraming kaibigan. Ayos na sa akin 'yung simpleng handaan lang, basta kasama kong mag-celebrate 'yung mga mahal ko sa buhay. Ikaw ba?"

"Gusto ko rin 'yun."

"'Di ba? Pero 'di ko naman sinasabi na pangit ang ganito, mas preferred ko lang ang simple."

"Kung mga mahal mo lang sa buhay ang puwedeng pumunta sa celebration mo, imbitado ba ako?"

"Oo naman!"

"Mahal mo ba ako?" seryosong tanong niya.

Nasamid ako sa sarili kong laway at naubo, "H-Ha?"

Bigla siyang tumawa, 'yung tawang halos maiyak na. "Joke lang! Gulat na gulat ka naman d'yan!"

Hinampas ko ang dibdib niya, "Buwisit ka talaga!"

Naglakad ako palayo sa kaniya at pasimple na minasahe ang dibdib ko, sobrang lakas kasi ng pagkabog ng puso ko ko noong itanong niya ang bagay na iyon. Loko ka talaga Drake!

"Sandali lang!"

Hindi na ako lumingon, dire-diretso na lang ako hanggang sa mini bar. Mukhang kailangan ko yatang uminom kahit kaunti para naman kumalma ako.

Hindi naman kasi nakakatawa ang mga biro niya! Masyado naman kasi siyang nambibigla!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top