Chapter 30
Narito na kami ngayon sa cabin, hinatid kami dito nu'ng isa sa mga staff. Mukhang kaibigan pa nga ni Arlene iyon dahil nakita ko silang nagsesenyasan bago lumapit ito sa amin ni Drake.
Maliit lang ang cabin na ito, may laman itong isang kama, isang closet, tapos isang sofa na nakalagay lang sa may bintana na katabi ng pinto. Pero may sarili itong banyo. Parang kubo ang style nito pero 'di hamak na mas maganda sa kubo ni Aling Ana na inuupahan ko dati.
Umupo ako sa malambot na kama at tahimik kong pinagmasdan si Drake habang hinuhubad niya ang polo niya.
Kung ako si Arlene makikipagbalikan na ako kay Drake...
Mabait naman pala kasi itong gunggong na 'to, may topak nga lang minsan. Tsaka ang swerte nga ni Arlene kasi ramdam ko na mahal na mahal talaga siya ni Drake.
Masyadong lang ma-pride ang lalaking 'to, nakakagigil nga...
Bigla siyang lumingon sa akin kaya nag-iwas ako kaagad ako ng tingin, kunwari kong sinisipat itong higaan. "Ahh, ano? Bakit naman iisa lang 'yung kama?"
"Para namang hindi pa tayo nagtabi?" sabi nito tsaka tuluyang tinaggal ang polo niya.
"Okay,"
Hindi ko na siya tinitigan ulit. Lumapit ako sa mga maleta namin at binuksan iyon. Inilabas ko na 'yung mga gamit ko sa isang upuan. "S-sa labas muna ako ha?"
"Sige."
Ang lamig!
Niyakap ko ang sarili ko habang nakatingin sa langit. Siguro pinapanood ako nila Nanay at tatay tapos nanggi-gigil nalang sila sa mga katangahang ginagawa ko sa buhay ko.
Walang makikitang bituin sa langit ngayon, pati 'yong buwan na kalahati ay natatakpan pa ng ulap. Pero okay na 'to, naiilang kasi ako doon sa loob, e.
"Bakit hindi mo sinabi agad?"
"Air, nandiyan ka pala." Pilit ang ngiti na ipinakita ko sa kaniya.
"
Kayo na pala talaga ng pinsan ko?" walang emosyon na sabi niya, hindi katulad noon na palagi siyang nakangiti.
"Air hayaan mo muna akong-"
"Akala ko iba ka." He sighed.
"Pasensiya na," 'yun nalang nasabi ko, at ewan ko rin kung bakit.
Pakiramdam ko para akong nakokonsensiya at nanghihinayang kahit hindi naman yata talaga dapat.
"You broke it," tumawa siya ng mapait.
Pagkatapos tinapik niya yung balikat ko bago siya umalis. Pinanood ko nalang siyang makalayo, kasabay ng pagpatak ng mga luha ko.
Sana tama itong desisyon ko na layuan nalang siya. Siguro mabuti na rin ito, para hindi na ako mas lalo pang masaktan kung sakaling mas maging malalim pa ang relasyon naming dalawa?
"Ano ba talagang gusto niyo?"
Pinunasan ko ang luha ko at tumingin kay Arlene na lumapit pa sa akin para itanong 'yon.
"Anong gusto?" takang tanong ko.
"Alam ko ang ginagawa niyo!" Matalim ang titog niya.
Mukhang nakahahalata na ito sa mga pinaggagawa namin ni Drake, ngunit pinili ko pa rin na magpatay malisya. "Ano ba yun?"
"Tigilan niyo na ako! Kahit pagselosin niyo pa ako ni Drake, hinding-hindi na ako babalik sa kanya. Wala siyang kwenta!"
Yung pakiramdam ko parang nasampal ako dahil sa mga narinig ko, nasasaktan ako para kay Drake.
Tumawa ako ng bahagya, "Hindi ka namin pinagseselos."
Nakakainis ang babaeng 'to, kung tutuusin nga mas masahol pa nga siya kaysa kay Drake!
"Tumigil na kayo sa ginagawa niyo!" gigil na sigaw nito sa akin.
"Ikaw ang tumigil! Nagmamahalan kami tapos manggugulo ka?! Saang lupalop mo ba naman kasi nakuha ang tsismis na pinagseselos ka namin? Masyado ka naman yatang assumera!" Umatake na naman ang pagiging palikera ko. Ngayon ko na-realize na pamangkin talaga ako ni Tiya Clara.
"Tama si Vina, bakit naman namin gagawin yun? Tingin mo ba talaga na gagawin ko yang sinasabi mo para lang bumalik ka sa akin?" Ngumisi si drake ng nakakaloko.
"Drake," si Arlene.
"'Wag na 'wag ka ng lalapit sa amin," banta ni Drake. Humawal ako sa braso niya pagkatapos niyang sabihin 'yun.
Teka lang kasi!
Mali na yung ginagawa niya! Hindi na niya pinagseselos si Arlene, sinasaktan na niya. Dapat ako lang itong nang-aayaw diyan sa ex niya, e!
"'Wag ka ng lalapit pa ulit kay Davina." Pagkatapos niyang sabihin 'yun siya naman ang humawak sa braso ko at dinala ako malayo kay Arlene.
Akala ko pa naman mabait yung babaeng 'yun. Akala ko hindi siya maka-basag pinggan pero grabe siya at ang kapal ng mukha niya na pagsalitaan ng ganun si Drake. Kahit kulang-kulang yan, may kwenta naman siya kahit papaano.
---
"Ah!" Sinasabunutan ni Drake ang ulo niya ngayon, habang ako eto relax na relax na nakaupo sa kama at nagbabasa ng libro.
"Bakit ba kasi kayo naghiwalay?" tanong ko.
Isinara ko ang libro ko at tumingin sa kanya, umupo siya doon sa sofa at nginudngod ang mukha sa kanyang mga palad. Tumayo ako mula sa kama at umupo sa sahig para silipin ang mukha niya.
Kumunot ang noo niya pagtingin niya sa akin, "Ewan ko, nalaman ko nalang na hiwalay na kami nung oras na naglasing ka sa restaurant."
Halatang pinipigil niya ang pag-iyak niya kaya tumayo ako at tumabi sa kanya sa sofa.
"Siya, iyak ka na nga," pinagpag ko ang balikat ko at inalok ito sa kanya.
"Davina, ginagago mo ba ako?"
Ipinatong ko ang ulo niya sa balikat ko, "Hindi masamang umiyak, kahit minsan lang. Libre lang yun!" Pagbibiro ko habang sapo ang ulo niya.
"Wag ka ng mahiya." Pagkasabi ko noon ay nakaramdam ako ng konting basa sa balikat ko at mahinang paghikbi.
Hinaplos ko ang likod niya, "'Wag mo masyadong dibdibin, may likod ka pa."
"Tsaka alam mo pakiramdam ko naman may gusto pa yun sa'yo, kasi siya na mismo ang nagsabi ng nagseselos siya e. Diba?"
"Ewan."
"Kung nandyan ka para protektahan ako, nandito lang din ako kung sakaling kailangan mo ng karamay." Bulong ko, pero hindi siya sumagot. Tiningnan ko siya, pero nakatulog na pala ito. Para siyang anghel pag-tulog. Inuulit ko, pagtulog.
Inayos ko ang pagkaka-higa niya sa sofa at nilagayan siya ng unan at kumot. May ibang side pa pala ang. Masungit at supladong Drake na 'to, at gusto ko pa siyang mas makilala pa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top