Chapter 26

Gusto kong mabingi dahil sa walang sawang panenermon ni Drake sa akin. Akala niya siguro'y gagaling ako sa ginagawa niya?

"Sinabi ko naman kasi sa'yo, magpalit ka na kaagad. Tingnan mo tuloy ang nangyari sa'yo."

Pasalamat siya hindi ako makabangon ngayon dahil masama ng pakiramdam ko gawa ng ubo at sipon. Hindi ko siya mababatukan.

"Nagbihis naman agad ako, sa pagod lang siguro 'to."

Narito nga pala si sa kuwarto ko ngayon dahil hinatiran niya ako ng pagkain rito sa kama. Sweet na sana kung totoo, tsaka minus nalang rin 'yung panenermon niya.

"Nahihirapan ka sa trabaho mo? Puwede ka namang tumigil doon, bibigyan pa rin naman kita ng pera habang tinutulungan mo ako."

"Kaya ko naman kahit mahirap, tsaka ang pangit naman kung tutunganga lang ako dito sa bahay niyo maghapon 'di ba?"

Nagkibit balikat siya. "Fine, gusto mo 'yan."

Palabas na sana siya ng kwarto pero bigla ulit siyang humarap. "Oo nga pala, may pupuntahan tayo mamayang gabi. Kung magiging okay ka na."

"Kay Arlene ba?"

Parang ang pait bigla ng panlasa ko, hindi ko alam kung dahil ba ito sa sakit ko o ano.

"Oo, inumin mo 'yang mga gamot na dinala ko ha?"

"Magiging okay na ako mamaya! Promise!" itinaas ko ang kanang kamay ko.

"Thank you, Davina."

Ngumiti siya kaya napangiti rin ako pagtalikod niya.

Ginising ako ni Drake ng alas syete ng gabi dahil pupuntahan na raw namin si Arlene. Mabuti nga at medyo okay na yung pakiramdam ko, hindi tulad kanina na para akong jelly ace sa lambot.

"Ayos ka na ba talaga?" tanong ni Drake, habang nag-iintay sa paglabas ni Arlene sa bahay nila.

Ang creepy nitong ginagawa namin, para kaming mga sindikato na nagmamanman. Pero magrereklamo pa ba ako? Binabayaran naman ako ni Drake tsaka wala naman talaga kaming ginagawang masama.

Kung mayroon man, ako ang unang-unang pipigil sa gunggong na ito.

"Okay na nga ako, magfocus ka nalang sa pagbabantay kay Arlene. Baka mamaya makaalis na 'yun."

"Oo nga naman."

"Ang talino ko 'no? Tulog muna ako ha?" Iidlip na sana ako, pero bigla siyang nagsalita na ikinagising ng diwa ko.

"Ayan na siya."

"Ang ganda niya, sana lahat 'no?" Sabi ko habang titig na titig rito.

Naka jeans lang siya at simpleng t-shirt, pero kita ang hugis ng katawan niya.

"Ewan ko," sagot ni Drake habang namumula ang tenga.

Sinundan ni Drake 'yung motor ni Arlene, habang ako natulog muna ng saglit sa byahe.

"Bilisan mo Davina."

Ginising niya na ako at kaagad na pinababa mula dito sa sasakyan, humikikab pa akong naglalakad. Nakakainis ang hirap kaya lumakad ng naka-heels!

"Dali hon," bulong pa niya.

Naghintay pa kami ng konti papasok ni Arlene sa restaurant. Dito yata siya nagtatrabaho?

"Anong ginagawa niya dito? Dito ba siya nagtatrabaho?" bulong ko kay Drake.

"'Wag ka ng maraming tanong." Hinigit niya ako at pinaupo sa isa sa mga table.

"Ayun siya Drake." Tinuro ko ng nguso si Arlene na nakauniporme ng pang waitress.

May kinausap itong isa pang waiter at mukhang ayaw niyang lumapit sa amin kahit inuutusan na siya nito. Kakaunti palang rin ang customer sa loob nitong pinoy style na resto.

Itong si Gunggong, parang wala namang pakialam. Hindi manlang siya tumingin sa direksyon ni Arlene, hindi niya rin yata napansin na papalapit na ito.

Bumalik ang atensyon ko kay Drake nang hawakan niya ang kamay ko. At tanungin ng may bahid ng pag-aalala ang tono. Akala mo talaga'y totoo, "Ayos ka na ba talaga? Sabihin mo lang kung may nararamdaman ka pa."

Lumunok ako bago magsalita,"O-okay na ako hon."

"May I take your orders?"

Parang gulat na gulat naman si Drake nang makita niyang nakalapit na si Arlene sa amin.

"Hon, ikaw nalang ang pumili." Tinitigan ko ng sobrang lagkit si Drake, kahit nakakasuka.

"Sure, hon."

Napatingin kaming dalawa kay Arlene noong tumukhim siya, dahil doon ay binitawan naman ni Drake 'yung kamay ko.

--

"You know what Davina? You're really pretty." Sabi niya sa akin, noong papalapit na ulit si Arlene. Mukhang tapos na yata iyon i-follow up ang mga in-order ni Drake.

"Sobrang saya ko dahil nabigyan ako ng pagkakataon na mas makilala ka pa."

Biglang bumilis ang tibok nitong puso ko at namawis ang noon ko, nakailang kurap rin ako bago magsalita. "T-thank you."

Hindi ko alam kung saan ako kinakabahan. Dahil ba nandito si Arlene at hindi ako sanay umarte?

"Ako po si Arlene, kung may kailangan pa kayo'y pwede niyo po akong tawagin." Sabi niya nang mailagay na nung mga waiter yung mga orders namin.

"Sige Arlene, salamat." Nginitian ko siya bago siya yumuko at umalis.

Nagsmula na rin kami ni Drake kumain, ni hindi naman siya tumititig kay Arlene. Ang galing naman kasi magpaselos nito, kung ako siguro si Arlene umuusok na ilong ko.

Isipin ko palang kasi na ginagawa ito ni Air sa iba ay sobrang naiinis na ako.

"Ang sarap Drake," hindi ko mapigilang sabihin pagkagat ko dun sa steak.

Kung ganito nalang sana lagi matutuwa pa ako, kakain lang kami sa harapan ni Arlene? No problem! Ang sasarap pa naman, iba talaga ang lasa pag mahal.

"Hon."

"Bakit?" tanong ko habang puno pa ng pagkain ang bibig.

Nakatingin lang siya sa akin at hindi ko mabasa ang ekspresyon ng mukha niya. Naguguluhan akong habang nilalabanan rin siya ng tingin.

"Ano ba 'yun?" Tanong ko ulit pagkatapos ko lunukin yung mga pagkain sa bibig ko. Ngumiti lang ito, tapos bigla nalang akong hinalikan sa labi.

Nanlalaki ang mata ko habang yung sa kanya naman nakapikit. Siguro limang segundo rin nagkadikit ang mga labi namin.

"S-sir, bill niyo po." Inabot ni Arlene yung bill.

Kaya pala niya ako biglang hinalikan, kasi narito... narito 'yung pinagseswlos namin? Ano bang iba pang rason? Wala naman.

Parang tinagalan pa ni Drake ang pagkuha ng pera sa wallet niya. Pasimple kong pinagmasdan ang maganda ngunit nakabusangot na mukha ni Arlene habang pinanonood si Drake.

Nang umalis na si Arlene ay inalalayan akong makatayo ni Drake. Mabuti nalang, dahil parang nanlambot 'yung tuhod ko dahil sa ginawa niya. Patay ka sa akin. Buwisit ka.

"Walanghiya ka talaga 'no? Bakit hinalikan mo na naman ako?" Sigaw ko sa kanya habang nagmamaneho na siya pauwi.

"Gusto ko, e." sagot niya ng itigil niya ang sasakyan sa may stoplight.

"W-wag mo nga akong titigan!" Nag-iwas ako ng tingin at hinintay na mag-green yung stoplight.

Tumawa siya ng bahagya, dahilan para lalo akong kilabutan. "Gusto mo na ako 'no?"

"'Di ako magkakagusto sa'yo!"

Kapal ng mukha ng gunggong na 'to, baka ako crush niya?

"Sabi mo 'yan," aniya.

Nakakagigil, gwapong-gwapo siya sa sarili niya ah?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top