Chapter 25
BUMANGON ako na sobrang sakit ng ulo ko, parang tumitibok-tibok pa nga e. Naparami yata ang inom ko, napasarap kasi ako sa pagkekwento ng talambuhay ko kay Drake. Nakakapangsisi tuloy ngayon dahil hindi ako makapag-focus dito sa report na tina-type ko.
"Vy sasabay ka ba samin maglunch?" Tanong ng kasamahan ko sa trabaho na si Lena, habang nakahawak sa balikat ko. Inayos ko muna ang mga gamit ko sa cubicle ko bago tumayo. "Hindi na-"
"Tatanungin mo pa! E alam mo naman na dun siya sa jowa niya sasabay." sabi pa ng isa.
"Oonga pala! Eh Vy, masarap naman ba pinapakain niya sa'yo?" Kiniliti ako nito sa tagiliran.
"Hindi pa niya ako pinagluluto e." I laughed nervously.
Baka kasi mabuking nila na hindi kami talaga ni Drake. Dapat kasi kahit peke lang 'yung relasyon namin, sweet parin siya! Tumawa rin silang dalawa bago nagsalita si Bria. "Nako Vy! Gusto ko sana itanong kung anong lasa ng hotdog niya, pero kailangan na naming umalis dahil kumukulo na ang sikmura ko!"
Ano daw?
"Bye na nga! Tara na Bria!"
Tumango ako sa kanila. "Ingat kayo."
Agad ko namang sinagot ang telepono ko nang mag-ring ito.
"Hey?"
"Bakit?" Nangunot ang noo ko.
"Wala naman, gusto ko lang marinig ang boses mo." Casual na sabi nito bago tumawa. Nag-init ang mga pisngi ko at hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya. Nagtataasan pa ang mga balahibo ko dahil sa tawa niya mula sa kabilang linya. "A-air naman, para kang ewan!"
"Davina!" Napalingon ako kay Drake habang kausap ko pa si Air sa cellphone ko.
"Tara, may pupuntahan tayo."
"Air sige na! Bye!" Binaba ko agad ang tawag at tumingin ulit kay Drake.
"Saan na naman?" tanong ko. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang bewang ko bago bumulong. "Wag ka ng maraming tanong pwede ba?"
"Oo na! Bitawan mo na ako."
"As you wish." sabi nito. Hinalikan niya ako sa pisngi bago binitawan. Kadiri talaga 'tong si Drake e! Mamaya kung sino pa ang hinalikan niya diyan!
Ngumisi siya. "Ano papalag ka?"
Hinawakan niya ang kamay ko at naunang maglakad hanggang sa kotse niya. Nauna akong pumasok sa loob ng sasakyan pagkatapos niya itong buksan.
Saan na naman kaya kami pupunta ng mokong na 'to? Sana naman hindi ako mapagod ngayong araw! Napatingin ako kay Drake at napatigil sa pagkakabit ng seatbelt ko nang sumakay siya driver's seat.
"Your aunt is here," ani Drake. Nagsalubong kaagad ang kilay ko dahil doon sa sinabi niya.
"Ha?"
"Are you deaf?" tanong nito habang nag-iistart ng sasakyan.
"Ang ibig kong sabihin e bakit? Bakit siya nandito?"
"Sila, Davina, tsaka ako dapat ang nagtatanong niyan sa'yo. Bakit sila nandito?" Nakakunot noong tanong niya habang minamaneho ang kotse palabas sa parking lot.
"Kasama niya si Claire?!" Nasapo ko ang noo ko. Bakit naman kaya pumunta yung mag-inang 'yun dito sa Manila?
Tahimik lang si Drake na nagmaneho hanggang nakauwi na kami sa bahay nila. Hindi ko rin naman kasi siya makausap kasi, parang handang-handa na siyang manapak.
"Ate Davina! Nay nandito na si Ate!" Napaismid ako nang makita ko si Claire.
Ngayon ko lang ata narinig na tawagin niya akong Ate. Napatingin ako kay Tiya Clara na halos mabali na ang leeg kakalibot ng mata dito sa bahay nila Drake.
"Davina kanina ka pa namin hinihintay! Ang ganda-ganda mo na ngayon!" Yayakap na sana ito sa akin pero biglang tumabi sa gilid ko si Drake kaya napatigil siya.
"Kuya Drake salamat pala sa pagsundo sa kanya." Malambing na sabi nito habang nagpapacute pa.
"Ah kumain na ba kayo?" tanong ko dahil tumahimik silang dalawa dahil sa awra nitong mokong na 'to. Nakakatakot, hindi naman siya ganiyan sa akin kahit noong una kaming magkita. Kasi nakakainis lang talaga siya noon, tapos ngayon para siyang tigre.
"Oo Davina, ang sarap nga ng mga luto nila rine." ani tiya.
Umupo kami sa sala habang si Drake ay binulungan ko na ikuha kami ng tubig sa kusina dahil kakausapin ko itong mag-ina.
"Ba't pala kayo naparito Tiya?"
"Alam mo na, gusto lang namin mamasyal nila Mama."
"Talaga ba?" pinaningkitan ko si Claire.
"Ano bang gusto mong palabasin Davina ha?" Hindi napigilan ng tiyahin ko ang mapasigaw.
"Nagtatanong lang naman ako-" hindi na natapos ang sasabihin ko dahil biglang hinablot ng tiyahin ko ang dalang baso ni Drake at binuhos ang malamig na tubig sa akin.
"What the? Why did you do that?" Hindi rin napigilan ni Drake ang mapasigaw.
"Lumalaki na kasi ang ulo niyang Davina na 'yan! Akala niya kung sino siya dahil nakatira siya sa ganito kagandang bahay!"
"Ma hayaan mo na, sigurado naman ako na babalik rin siya sa atin katulad ng dati kapag wala siyang napala dito." Mahinang sabi ni Claire habang pinapakalma aang kanyang ina.
Pero ano raw? Anong babalik katulad ng dati? "Ano bang sinasabi mo Claire?"
"Bakit ayaw mong malaman ni Drake na manggagamit ka?" Lalo akong naguluhan dahil sa sinabi ng pinsan ko.
"Claire hayaan mo na siya, karma na ang bahala sa mga babaeng katulad niya. Hijo Drake mag-iingat ka sa kanya. Mauna na kami." Binaba ni Tita Clara ang baso ng dahan-dahan bago niya hinila si Claire palabas ng bahay.
Napabuntong hininga na lang ako dahil sa ginawa nung dalawa. Pumunta pa talaga sila rito para gawin lang sa akin 'to?
"Are you alright?" natatawang tanong niya kahit bakas sa mukha ang pag-aalala.
Umirap ako. "Tinatawanan mo ba ako?"
"Natatawa ako dun sa mag nanay. Ang galing umarte e, may mga topak ba 'yun?" Tuluyan na siyang natawa kaya napangiti ako.
"Oo nga! Pumunta pa talaga sila dito para lang doon. Ano kayang napala nila?"
"Binigyan naman sila ni Mommy ng pera, parang talent fee na nila." pagbibiro pa nito.
"Malaki siguro 'yun? Biruin mo yun, tinapunan pa ako ng malamig na tubig."
Biglang nawala ang ngiti niya dahil sa sinabi ko, pero bago ko pa itanong kung bakit ay nagsalita na siya.
"Dapat pala 'di nalang ako umalis sa tabi mo."
Napalunok ako habang nakatingin ang mga mata namin sa isat-isa. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko at namawis ang mga palad ko. "H-hindi mo naman kasalanan yun! A-ano ka ba!"
Nag-iwas siya ng tingin. "Yeah right, magbihis ka na sa taas baka magkasakit ka pa dyan."
Tumango ako. "Sige, salamat Drake."
Bakit nagkakaganito ako dahil sa mga titig niya?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top