Chapter 23
Dinala ni Air si Davina sa isang food park, maganda ang ambiance ng lugar na ito at napupuno ng mga ilaw na nakasabit sa kani-kanilang mga tent. Kaniya-kaniya ring pakulo ang mga bawat vendor sa design ng kanilang stand. Kaya kahit medyo maingay ang lugar ay nakakarelax parin.
Niyakap ni Dabina ang kaniyang sarili dahil sa lamig ng hangin ngayong gabi. "Tara, do'n nalang tayo?" itinuro ni Davina ang ihawan.
"Sigurado ka ba?"
Tumango si Davina kay Air at excited na lumakad papunta sa ale na nagpapaypay ng mga ihaw-ihaw.
"Apat na isaw po sa akin! Ilan ang sa iyo Air?" nauna na kaagad na magsabi si Davina ng gusto niya, gutom na gutom na kasi talaga siya. At isa pa ay minsan lang ang libre sa panahon ngayon kaya naman lulubos-lubosin niya na.
"Dalawa lang sa akin, ang dami naman ng sa'yo." ani Air at lumapit kay Davina upang hawakan ang balikat nito.
"Apat lang naman." umikot ang mata ni Davina.
"It's bad for your health." panunuway ni Air at bahagyang pinisil ang kaniyang balikat.
"Worth it naman!" sagot ni Davina at humagikhik.
Umiling-iling ang binata bago nagsalita at tumingin sa kaniya ng diretso. "Not funny."
Natahimik na lamang si Davina at umurong sa gilid, hindi na naman kasi siya mapakali ng dahil kay Air. Anglakas kasi talaga ng epekto ng lalaking ito sa kaniya.
"Boyfriend mo ba siya?"
Nabigla siya sa tanong noong ale na nag-iihaw. "Ha? H-hindi po."
"Ah, ganu'n? Bagay kasi kayo. Sayang naman."
Oonga, sayang si Air! Swerte niya sana kung girlfriend nalang niya si Davina.
"Magiging kami rin naman. Tiwala lang, puso lang." Bahagyang tumawa si Air bago siya umakbay
Galing din naman mambola nito!
"Ah yung isaw tapos na ba?" tanong ni Davina upang ibahin ang usapan. Baka kasi niya na mapigilan ang nararamdaman at bigla nalang sunggaban ng halik itong si Mijarez.
Tumango ang tindera at tinuro ang mga naihaw na na isaw, kinuha naman kaagad 'yon ni Davina.
"Ikaw ha! Wag ka ng pakipot!" pang-aasar ng babae sa kaniya.
Namumula na ang mukha niya dahil sa hiya at nilalamig naman ang buo niyang katawan. Inipit niya ang ilang hibla ng buhok niya sa likod ang kaniyang tainga at umiling. "Hindi ah!"
"Sorry."
Nagtama kasi ang mga kamay nilang dalawa ni Air noong sabay sana silang magsasawsaw sa suka.
"Mauna ka na."
Tumango siya at nanginginig na sinawsaw agad ang apat isaw tsaka naglakad palayo. Iniwan niya na si Air doon dahil nagsisimula na namang mag-alburoto ang puso niya at ang lakas na ng tibok.
"Bakit ang bilis mo?"
"Kasi mabagal ka?" lutang na sagot ni Davina.
Umupo siya sa isang sementadong upuan, nakakapagod kasing mag-inarte.
"Kilala mo ba si Yaelle?" tanong nito bago tumabi kay Davina.
Buwisit pinaalala pa! "Oo, yung asawa mong magandang model."
"Hindi ko asawa yun, niligawan ko lang siya."
Aba! Nililigawan pa lang? Ah! Ayos lang iyon, wala namang pakialam si Davina! Bakit naman siya magkakaroon ng pake?! Wala lang naman si Air sa kania...
Gigil niyang kinagat ang isaw mula sa stick at mabikis na nginuya iyon kahit mapait-pait pa. Pagkatapos ay nagmamadaling tumayo siya at naglakad pabalik sa kotse.
"Davina!" sigaw ni Air nang makalayo na ito.
Hinabol niya ang dalaga at hinawakan ang braso nito.
"Sinagot ka na ba niya?" paarang naiinis na tanong ni Davina.
Napalunok si Air bahagyang napatitig sa magandang mga mata nito. "Hindi, tinigilan ko kasi may gusto 'kong iba."
"Pakealam ko?" ani Davina at sumakay sa sasakyan. Parang lalo pa itong nagalit sa kaniya at hindi niya alam kung bakit.
"Gusto mo bang malaman kung sino?"
"Ayoko." isinandal ng dalaga ang ulo niya sa bintana at pumikit."
"Bakit ayaw mo?" pangungulit ni Air kay Davina.
"Wag kang magulo kasi inaantok na ako!" sabi nito habang nakapikit at bumibilog na ang kamao.
"Makinig ka muna kasi sa akin."
Hindi umimik si Davina nanatili lang itong nakapikit habang hinihintay dalawin ng antok. Napagpasyahan nalang ni Air na sumakay na rin, hindi na rin naman siya nagsalita kaya nabalot ng katahimikan yung buong kotse.
"Kaya ko tinigil yung panliligaw sa kanya, kasi may gusto na akong iba." tumikhim si Air at lumunok noong aminin niya iyon. "Kasi gusto kita, I like you Davina."
Hinintay niyang sumagot ang dalaga pero isang mahinang hilik lang ang narinig niya. Napabuntong hininga siya dahil nakatulog na pala ito at hindi narinig ang pag-amin niya.
Alam ni Air na masyadong mabilis kung sasabihin niyang gusto niyang maging kasintahan si Davina, pero ayaw na kasi niyang mag-aksaya pa ng panahon. Nais na niyang malaman ng dalaga ang totoong nararamdaman niya.
Pagkatapos ng byahe ay ginising niya na si Davina. "Davy, nandito na tayo."
Iniunat nito ang kamay niya bago ngumiti at umirap. Nanlambot si Air dahil doon, ang lakas ng epekto noon sa sistema niya kahit iyon lang naman ang ginawa nito.
"Sarap ng tulog mo ah."
"Tse, manahik ka!" tinanggal niya ang seatbelt niya tsaka bumaba.
"Goodbye beautiful! I really like-" bigla nitong isinara ang pinto.
Uulitin pa ba ni Air ang pag-amin niya? Pero paano kung ayaw pala talaga sa kaniya ni Davina? At isa pa, hindi pa siya nasisigurado kung ano ba talaga ang namamagitan sa pinsan niya at kay Davina. Hindi parin kasi malinaw sa kaniya ang lahat, pero naiinis na rin siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top