Chapter 20

Nandito ako ngayon sa may hagdanan ng mall na papunta sa underground parking lot, hinihintay ko nalang si Drake na lumabas sa comfort room tapos uuwi na kami. Nakapagpa-request na rin kami ng birth certificate ko, mabuti nga at good mood parin si Drake hanggang ngayon, hindi na niya ako iniinis o sinusungitan. Sana magtuloy-tuloy ng ganito kami para naman iwas sa bad vibes.

"Anabelle!" Binuhat ako bigla ni Drake pa-bridal style kasabay ng panggugulat niya sa akin.

"Drake baka mahulog tayo?! Ano ka ba?" sigaw ko.

"Ikaw lang ang mahuhulog." Tumawa siya at binitawan ako bigla, buti nalang naipulupot ko agad yung braso ko sa leeg niya. Ilalaglag pa daw ako sa hagdan? Limang baitang pa kaya ang taas nito!

"Aray ko Vina!" Napwersa kasi yung leeg niya, dahil sa pagkakapit ko. Sa braso niya sana ako kakapit, kaso mas inuna niyang bitawan yung ulunan ko kesa paa. Nag-panic tuloy ako!

"Sino bang nauna?" Sabi ko at inirapan siya.

"Drake?" Napalingon ako nang biglang may tumawag kay Drake na babae. Nanlaki pa 'yung mata niya habang nakatitig sa amin, tsaka ko lang napansin na nakapulupot parin pala ang mga braso ko sa leeg ni Drake kaya naman dali-dali kong tinanggal ito at ngumisi kahit naiilang.

"Yaelle, it's nice seeing you here! Ang ganda mo parin." bati ni Drake sa kanya.

"Who is She?" tanong nito. Ang kapal ng accent niya ha?

Tiningnan ko ang babae mula ulo hanggang paa, ang kinis niya. Lalo pa't masyadong sexy ang suot niyang tube top minidress na kulay itim. Hapit na hapit iyon sa balingkinitan niyang katawan, kahit sino ay talagang mapapalingon sa kaniya.

"She's Vina, my-"

"Friend!" dugtong ko.

"Ah tama, kilala rin siya ni Air." ngumisi si Drake.

"Hello Vina! I'm Yaelle, Air's Wife." Sabi niya tsaka nakipag-kamay sa akin.

Teka-Anong wife?! Wife as in asawa? Asawa daw siya ni Air? Paano nangyari 'yon eh sa pagkakaalam ko single ang lalaking 'yon? Walanghiya!

Tumawa ulit si Drake dahil sa sinabi ni Yaelle. "Hindi ka pa nakakalimot sa pinsan ko?"

"I'm just kiddin', bye guys! Basta ikamusta niyo nalang ako kay Air ha?" Sabi ni Yaelle kay Drake sabay tapik sa balikat nito.

"Sino ba yung Yaelle na yon?" Salubong ang kilay ko ng sinundan ng tingin ang babaeng 'yon.

"Si Yaelle Manuel, siya 'yung cover ng sikat na magazine."

Ahh siya pala 'yung model doon sa binilihan ko ng damit noon? "Ha? Siya ba 'yun bakit parang ang layo naman?" Edited siguro 'yon!

"Hindi naman malayo, ang ganda nga niya." Pati ba naman si Drake nagagandahan du'n? Nakakainis na!

"Ang layo kaya." humalukipkip ako.

"Obviously, you're being insecure."

Hindi ako insecure 'no! Bakit naman ako magiging insecure sa babaeng yun? Wife 'lang' naman 'daw' siya ni Air! Hindi ako insecured, kasi nagseselos ako!

"Umuwi na nga lang tayo nakakainis na!"

Ngumisi siya. "Why?"

"Wala, umuwi nalang nga kasi tayo."

Bad vibes talaga! Panira ng araw yung Yaelle na 'yon.

"Tara sa office, palipasin muna natin 'yang inis na nararamdaman mo."

"Anong gagawin natin doon? Hindi pa naman ako empleyado 'diba?"

"Ipapakilala ko lang naman sa kanila 'yung girlfriend ng anak ng CEO nila." Humalakhak siya.

Hindi ko alam pero bigla akong napangiti dahil sa sinabi niya, hinampas ko ang braso niya at umirap ulit. Pero bakit niya pa ako ipapakilala doon? Pagseselosin lang naman namin sandali si Arlene. "Bakit pa?"

"Gusto kong makilala ka nila para naman 'pag nagsimula ka na do'n, matuto silang irespeto ka." Umakbay siya sa akin at hinigpitan ito para masakal ako.

Kinurot ko ang tagiliran niya kaya tinigil niya ang ginagawa niyang pangto-torture sa akin.

"Ayokong mailang sila sa akin 'no! Tsaka paano kung magka-balikan na kayo ni Arlene? Edi magiging sentro ako ng tsismisan do'n?"

"Sa tingin mo ba hahayaan kong mangyari 'yon Davina?"

"H-ha?" biglang nanginig ang buo kong katawan at lumakas ang kabog ng dibdib ko. Nauutal tuloy ako! Ano ba kasi ang mga pinagsasabi nitong letseng ito? Hindi ba siya kinikilabutan?

Kumindat pa sa akin ang letse!

"Syempre hindi ko hahayaan 'yon Vina, malaki ang utang na loob ko sa'yo kung sakaling magkabalikan nga kami ni Arlene. I won't let them talk trash about you."

"Baka maistorbo pa sila doon Drake." sabi ko pa.

"Lunch Break naman Vina."

Talagang hindi papatalo ang isang ito e, kapag gusto niya wala talagang makakapigil! Wala magagawa ang lahat ng pagpo-protesta ko. Basta gusto niya raw talaga akong ipakilala doon sa mga empleyado sa office.

Siguro mas maganda pa nga na sumama ako doon sa company. Para naman mawala 'yung inis ko doon sa "wife" ni Air. Ang kapal rin naman talaga ng mukha no'n ni Air para paasahin ako sa wala! Ang sakit kayang umasa. Payakap-yakap pa siya sa akin, binobola-bola pala niya ako. Tapos malalaman ko na may jowa siyang Model?!

Buong akala ko mawawala ang inis ko kapag sumama ako dito sa office! Okay na sana, kaso bukang bibig ng mga empleyado yung Yaelle Manuel na 'yon! Dumaan rin daw kasi siya kanina dito at ang ganda-ganda daw talaga niya. Ang swerte pa daw ng magiging boyfriend niya!

"Kung ako magiging boyfriend nu'n hindi ko na siya papakawalan."

"Oo nga e. Ang ganda talaga." Sabi nung dalawang empleyado na nag-uusap sa isang cubicle mg co-worker nila.

Edi si Yaelle na ang Maganda! Magsama sila ng paasang Air na 'yon!

"Drake tara na."

Hinawakan niya ang bewang ko bago lumapit sa akin sa bumulong sa tenga ko. "Inis ka parin ba?"

"Ano ba sa tingin mo?" bumuga ako ng hangin.

"Sabi ko nga, uuwi na tayo." Humagikhik na naman siya.

Parang natutuwa pa siyang nasasaktan ako ah? Buwisit, nakakainis talaga ang araw na ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top