Chapter 19

Tanghali na nagising si Drake, alam ko rin naman kasi na nakainom siya ng kaunti kaya ganoon siyang oras bumangon. Tsaka ramdam ko na wasak talaga ang puso niya dahil doon sa ex niya. Kawawa naman.

"Davina, tara na?" sabi ni Drake. Nakita niya kasi akong pababa ng hagdan at nakaayos na rin. Pagkatapos ko kasing maligo ay nagbihis na kaagad ako ng panglakad kasi susundan na namin 'yong dating katipan niya.

"Let's go?"

Tumango ako at hindi pa rin umimik, naiilang parin kasi ako ng bahagya sa kaniya hanggang ngayon. Dahil na rin sa nangyari kagabi...

"Hindi ka yata maingay ngayon?" Tanong nito nang tuluyan na kaming makapasok sa sasakyan. Hindi ko parin siya pinansin at ikinabit ko nalang ang seatbelt ko ng maayos bago tumingin ng diretso sa labas ng bintana nitong kotse.

Tumikhim siya at nagsimula ng magmaneho pero bigla na naman niyang inapakan ang preno. Tinitigan ko lang siya ng masama dahil alam kong sinadya niyang gawin 'yon para lang sumagot ako sa mga tanong niya.

"Naiilang ako." bulong ko.

"Bakit naman? Tutulungan din naman kita magkatrabaho diba? Quits lang tayo... Magiging cover lang naman kita para hindi niya mapansin nasinusundan ko siya."

"Ewan ko sa'yo! Bakit mo ba kasi ako hinalikan kagabi?!" Napahawak ako sa bibig ko dahil sa nasabi ko. Ito kasi ang kanina pa gumuvulo talaga sa isip ko.

"Baka ibinalik ko lang? Hinalikan mo rin kasi ako nung lasing na lasing ka." sagot nito at tumawa na parang wala lang.

"Hoy hindi a?! Hindi ko maalala!" tanggi ko. Hinalikan ko ba talaga siya? Ibig sabihin nasayang lang pala ang first kiss ko. buset na iyan!

"Bahala ka diyan, basta umayos ka ha?"

Tumgil siya 'di kalayuan sa tapat ng isang bahay, hindi naman 'yon gaanong kalaki at sapat lang pero moderno ang disenyo. Lumabas doon ang isang maganda at seksing babae bago sumakay sa kulay puting kotse.

Sinundan ni Drake ang kotse at noon lang namin napagtanto na papunta pala ito sa mall. Natatandaan ko ang underground parking lot na ito dahil dito ako pinahirapan ni Drake noon sa paghahanap ng sasakyan niyang nakalimutan 'daw' niya kung nasaan.

Nauna siyang bumaba habang tanaw-tanaw parin 'yong dati niyang katipan. Pagkatapos ay binagbuksan niya ako ng pinto.

"Aray dahan-dahan naman!" angal ko. Bigla nalang kasi akong hinigit!

"I'm sorry, we need to go fast!"

"Oo na!" Binilisan ko na ang paglalakad ko.

"Wow!" 'yon lang ang nasabi ko. Nung makita ko sa mas malapitan kung sino ang babaeng sinusundan namin. Ang tangkad ang sexy tapos ang ganda talaga! Hindi na ako magtataka kung bakit patay na patay si Drake sa kanya.

Sinundan namin siya hanggang sa loob ng department store. Sinusundan lang namin siya kanina pa, kung tutuusin para kaming mga sindikato na minamanmanan siya.

Natawa ako ng bahagya sa naiisip ko kaya napalingon sa amin 'yong babae. Kaya kami naman ni Drake ay biglang humarap sa isang rack at kunwaring namimili ng mga gamit.

"Eto bagay sa'yo 'to Drake." Patay malisyang sabi ko sabay taas ng isang kulay yellow na brief.

Napatingin ako du'n saleslady na nanlalaki yung mata sa akin. Grabe ate, hindi ako kriminal!

"A-ano masikip pala yan." Halos maibato ko 'yun habang natataranta akong ibalik ito sa pagkakasabit sa rack.

Hinila ko agad palayo si Drake doon sa tindahan ng mga brief kasi hindi ko na kaya ang kahihiyan. Nagtinginan pa 'yong ibang mga tao sa akin! Bakit ba kasi doon pa kami napahinto e?

Teka nga? Ang tanga rin nito ni Drake. Paano naman namin malalaman kung may nararamdan pa si Arlene sa kanya kung susundan lang namin siya ng susundan? "Itanong mo nalang kaya?"

"No Vina! Gusto kong makita at malaman kung meron pa nga." Umiling-iling siya.

Binitawan ko ang braso ni Drake at may binulong sa kanya.

"Sigurado ka ba?" Nag-aalinlangan na tanong niya.

Ngumiti ako at tumango. "Magtiwala ka lang ."

Naglakad na ako papalayo sa kanya, para simulan na yung plano na ibinulong ko sa kaniya.

"Ay sorry!" Sabi ko sa babaeng nabangga ko. Este binangga ko.

"Okay la-" Hindi niya na naituloy ang sasabihin niya. Kasi siguro ay namukhaan na niya ako.

"Ayos ka lang? Kanina pa kita hinahanap." Tanong ni Drake sa akin ng may malambing na tono tapos inakbayan ako. Hinalikan niya ako sa pisngi. Kahit wala naman sa plano!

"Hooneeey!" Sabi ko sabay pinalo ang braso niya.

"O Arlene?" Kunwaring nagulat si Drake nang makita niya ang dati niyang katipan. Habang ako naman ay pinipigilan ang sariling matawa dito sa mga pinaggagagawa namin. Tsaka grabe ang galing lang umarte ni Drake, ang sarap niyang sipain sa mukha sa sobrang galing niya! Grabe talaga!

"Omg, magkakilala kayo?" matinis ang boses ko nang sabihin ko iyon. Maging ako ay naiinis narin sa kaartehan ko ngayon.

"Yeah, she's a friend." sagot nito.

Napatingin naman ako sa mga kamay ni Drake sa balikat ko kanina at napataas ng kilay, unti-unti na kasing bumababa iyon sa beywang ko.

"I need to go, baka nakaka-istorbo na ako sa inyo." biglang sabi naman ng babae.

"Hindi naman, okay lang! Gusto mo nga sumama ka samin, para makabawi ako kasi nabangga kita." maarteng sabi ko.

"Hayaan mo na siya Honey."

"Pero kaibigan mo siya! Kaya dapat kilala ko rin siya. Hello! Ako si Davina, girlfriend niya." nilahad ko ang kamay ko.

Tinanggap naman niya 'yun. "A-Arlene, sige na I really need to go."

Umalis si Arlene sa harapan namin. Pinanood namin siyang makalayo. Tapos nagkatitigan kami ni Drake. Ngumisi siya sa akin habang nakalagay parin ang mga kamay niya sa likod ko.

"Sabi sa'yo effective 'yun." Pailing-iling pa ako habang nakangiti.

"Sigurado ka ba?" Tanong ng mokong na 'to. Kaya inirapan ko muna siya bago sumagot.

"Nakita mo naman siguro yung reaksyon nya? Kitang-kita na affected ang ate mo~"

Naglakad na ulit kami para sundan si Arlene na mag-isang pumasok sa isang fast food chain. Iniwan ko si Drake sa may counter. Kasi sinabi ko nalang 'yung mga gusto. Syempre umupo ako 'dun sa malapit kay Arlene. Binati ko pa nga siya at nagkunwaring nagulat.

"Honey ang kalat mo namang kumain!" malandi akong humagikhik. Pinunasan ko ang gilid ng labi ni Drake ng tissue kasi nakita kong nakatingin si Arlene sa amin mula sa gilid ng mga mata ko.

"Ikaw din naman, kagabi a. Ang ingay mo pa nga." Sabi ni Drake at tsaka tumawa.

Nag-init tuloy ang mukha ko. Baka kasi kung anong isipin nung ibang nakarinig.

Kinuha niya sa akin yung tissue tapos pinunasan niya rin ang labi ko. Agad namang tumayo si Arlene at naglakad palayo.

Madali lang naman pala ito eh!

"Hoy Drake! Ilakad mo na ako sa company niyo para makapagsimula na ako." Ngumisi ako ng malaki sa kanya habang sinisiko siya.

Naglalakad kami ngayon sa parking lot at hinahanap yung sports car niya dahil pauwi na kami.

"Oo na, pupunta na tayo do'n ngayon. Do you have a college diploma?"

Umiling ako, wala naman kasi ako nun. "Hanggang third year lang ako sa college e? Bawal ba?"

"Ha? Sige, ako ng bahala. Ihanda na natin yung mga requirements mo. Tapos ipasa narin natin 'yung resume mo. Akong bahala sa'yo."

Pilit kong pinipigilan ang mga ngiti ko habang nagsasalita si Drake. Kahit papaano talaga may pakinabang rin sa akin 'tong si mokong.

"Oh anong ngini-ngiti mo d'yan?"

"Excited lang ako!" Sabi ko tsaka siya hinampas sa braso.

"Vina, I forgot something." Natigil siya sa paglalakad.

"Ano 'yun?"

"Tara bumalik tayo sa loob ng Mall. Pa-request tayo ng birth certificate mo."

"Sige tara! Thank you Drake ha?"

Ang bait-bait niya ngayon! Sana lagi nalang siyang ganito, magkakasundo pa kami!

"No Davina, thank you!" Saad niya habang nakangiti at naunang maglakad pabalik sa loob ng mall. Nice! Gusto ko itong good mood na Drake na 'to!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top