Chapter 16
--Davina's Point of View--
"Tanga ka talaga ano?! Kwarta na 'yun itinapon mo pa!" Sumbat iyan ng tiyahin kong bungangera. Pero medyo na miss ko rin ang boses niya kahit mas nakakarindi pa ito sa mga busina ng sasakyan doon sa siudad lalo na kapag traffic. Isa pa, mas okay na ako ako dito kaysa naman sa panglalait ng Drake na 'yon sa pagkatao ko.
Napakasakit ng mga pinagsasabi niya sa akin kagabi, mas gugustuhin ko nalang sampal-sampalin at sabunutan ng tiyahin ko dito. "Nakakahiya naman ho kasi."
"Talagang inuna mo pa yung hiya mo kaysa sa pera ano?" Sabi nito. Nasapo ko ang ulo ko dahil binato niya ako ng sandok, saktong-sakto iyon. Sa ilang taon ba naman niyang ginagawa iyon e hindi pa niya mapeperpekto?
"Walanghiya kasi si Drake." Bulong ko sa sarili ko. Masama ang timpla ko ngayon, dahil halos sampung oras akong walang tulog! Pagkagaling ko ba naman sa limang oras na byahe, hindi talaga ako pinagpahinga ng tiyahin ko sa bunganga niya.
"Ako pa talaga ang walanghiya? Pagkatapos kitang bihisan at palamunin?" Lumapit siya sa akin at kinaladkad ako habang hila-hila ang buhok ko. Hindi naman siya ang tinutukoy ko!
"Aray ho! Tama na- aray ko naman!" pilit kong sinusunod ang ulo ko sa pagkakahila ni Tita upang hindi ako gaanong masaktan. Pakiramdam ko makakalbo ako dahil sa ginagawa niya!
"Tama na tiya!" Angal ko pero parang hindi niya ako naririnig.
"Claire ilabas mo ang mga gamit nitong babaeng 'to!"
"Okay Ma!"
Napaiyak na ako dahil sa kahihiyan at sa sakit ng pagsabunot nito sa buhok ko, mabuti nalang talaga at layo-layo ang mga kubo dito sa probinsiya kaya wala masyadong nakakakita nito.
"Anong ginagawa niyo sa kaniya?"
Pare-pareho kaming nagulat sa biglang nagsalita. Pati tiyahin ko ay napabitaw sa buhok ko kaya napasubsob ako sa lupa na medyo maputik. Lumakas rin ang pagkahol ng aming aso na nakatali sa may pinto ng kubo. Pamilyar 'yung boses pero sigurado naman ako na hindi 'yon si Air, kauuwi lang kasi nu'n matapos akong ihatid dito. Babalik nga daw siya bukas, umuwi lang siya agad dahil yung daddy niya'y inatake.
Itiningala ko ang ulo at- putang ina. Anong ginagawa niyan dito? May reunion ba silang mga buwiset sa buhay ko?
"Mama," Natigil si Claire sa pagsasalita at halos mabitawan na nito 'yung mga damit ko.
"S-sino ka ba?" nauutal na tanong ng tiyahin ko at pinagpag ang palda niya.
"H-hey I'm Claire." Pagpapa-kilala nito kay Drake, nagpagpag rin ito sa maikli niyang short at naglahad ng kamay. Nahulog na tuloy ang mga gamit ko na bitbit niya.
"Ang kire."
"May sinasabi ka ba?" Pagtataray ni Claire at parang handa na akong sugurin.
"Don't you dare hurt my fiancèe."
"Ano?" Sabay-sabay naming tanong.
Teka fiancee daw? Kailan pa at akala ko ba ayaw niya sa akin pagkatapos niya akong sabihan ng kung anu-ano at palayasin sa kanila, ngayon fiancee niya na ako?!
"I'm her fiance." Pagpapakilala niya habang tinulungan akong makatayo. Lumawak ang ngiti ng tiyahin ko habang napanganga naman si Claire. Ako naman ay naguguluhan pa rin, hindi ko lubos na maintindihan kung bakit ako sinundan ni Drake dito at nagpakilala pa bilang fiance ko dito kila Tiya.
"Mawalang galang na, aalis na kami ni Vina." Hinapit niya ang bewang ko upang magkadikit ang mga katawan namin. Napatalon ako ng bahagya dahil sa gulat, akala ko kasi kung anong gagawin niya! Anong magagawa ko? Hindi ako sanay na ganito siya kaya naguguluhan pa ako.
"Mag kape muna kayo o kaya magpahinga sa loob, dumidilim na rin naman." ani tiya.
Nakita lang niya na gwapo at mukhang mayaman itong si Drake at bigla na siyang bumait. Kahit kailan naman talaga, Oo.
"Ang galing niyo namang magkunwari." Nakangising sabi ni Drake sa tiyahin ko.
"Ha?"
"Kanina lang halos patayin nyo na itong mapapangasawa ko pagkatapos ngayon magbabait-baitan ka?" Umigting ang panga ni Drake at kumuyom ang mga kamao.
Pinagtatanggol niya ba ako?
Kumirot ang puso ko, hindi sa sakit kun'di sa saya. Ngayon ko lang kasi naramdaman na ipagtanggol ng ibang tao.
"Kayo na nga ang inaalok! Napakayabang mo naman, tara nga't pumasok na tayo sa loob Claire!" Hinigit niya yung anak niyang nakanganga parin. Tumikhim si Drake pagpasok nila Tita sa kubo, umirap naman ako pagkatapos ko ulit makita ang mukha niya.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko. Pinapaalis-alis ako, tapos pupunta-punta siya dito? Nanggigigil parin ako sa mga ginawa niya sa akin kahit na pinagtanggol niya ako ngayon.
Ngumisi siya. "Salamat ha?"
"Hindi ko naman hiniling na ipagtanggol mo ako. Umuwi ka nalang sa maganda niyong bahay." Babalik na sana ako sa loob ng kubo pero bigla siyang magsalita at hinawakan ang kanang braso ko.
"Babalik ka pa talaga d'yan?"
Oo nga 'no? Galit sa akin yung mag-ina at pagkatapos ginatungan pa niya. Saan na ako pupulutin nito ngayon?
Nilingon ko siya. "Ano ba talagang kailangan mo at naparito ka?"
Alam kong hindi naman siya pupunta dito kung wala 'yang kailangan, nasisigurado ko iyon.
"Ikaw ang ipinunta ko dito, gusto kong humingi ng tawad sa lahat ng sinabi at ginawa ko." Nanginig ako dahil sa sinabi niya. Ano bang problema niya? Umuwi na nga ako't lahat para wala na kaming problema, sinundan parin niya ako hanggang dito.
"I'm really sorry, Vina."
Bumibilis bigla ang tibok ng puso ko habang pinagmamasdan ko siya kaya naman nag-iwas na ako ng tingin.
"Lumuhod ka muna." utos ko. Dahilan para kumunot ang noo niya.
"Nasabi ko na ang dapat kong sabihin, uuwi na ako." Sabi nito tsaka siya naglakad pabalik sa sasakyan niya.
"Heto naman! Huy biro lang!" Akala ko kasi gagawin niya! Sinundan at sumakay sa loob ng kotse dahil biglang nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan na kanina'y ambon lang.
"Bakit ka sumakay dito?" Nagsalubong ang kilay niya.
"Pasilong muna, ang lakas ng ulan." Tinuro ko ang bintana ng kotse niya.
"Dapat talaga hindi na ako pumunta dito." Umiling-iling siya. Hindi ko alam kung bakit ako napapangiti ngayon nakikita ko siya, nakikita ko siyang miserable.
"Aba't sino ba ang pumilit sa'yo? Anong oras ka nga ba nakarating dito?" Tanong ko. Gusto ko pa sana siyang asarin pero nag-aalala rin ako.
"Kararating ko lang, uuwi na rin ako."
Seryoso ba siya?
"Natulog ka na ba? Limang oras kaya ang byahe dito! Madilim na at ang lakas pa ng ulan tapos uuwi ka ng ganito?" Saad ko at pinagkatitigan siya.
Tumingin naman siya ng seryoso sa akin. "At saan naman ako matutulog?"
Napalunok ako dahil sa titig niya, pinilit kong magsalita. "Hindi tayo pwedeng umuwi sa Manila ng ganito."
"Hindi rin tayo pwedeng matulog dito sa kotse ng ganito Vina, delikado."
Tama, may punto siya. Baka ma-suffocate kami o 'di kaya'y basagin ang kotse niya nila tiya dahil sa galit.
"May nakita akong hotel paglabas dito kanina pero madulas na ang kalsada." Sabi niya tsaka hinilot ang sentido niya. Mukhang inaantok na siya, hindi talaga pwedeng magmaneho pa siya ng malayo.
"M-may kakilala ako baka pwede muna tayong makitulog sa kaniya, iyon ay kung a-ayos lang sa'yo? Malapit lang naman iyon dito."
Nagitla ako sa biglang pag-kulog at pag-kidlat. Tumango siya at pinagana ang sasakyan. "Sige na, ituro mo nalang sa akin kung saan para makapunta na tayo."
Umayos ako ng upo at nagsimulang ituro ang papunta sa bahay ni Aling Ana. Siguro naman patutuluyin niya kami doon ni Drake kahit isang gabi lang? Nakakaawa narin kasi ito, napansin kong kanina pa siya hikab ng hikab.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top