Chapter 14

Si Drake ay nagpapakalunod ngayon sa alak, kung makakapagreklamo lang siguro ang atay niya ay nagsisigaw na iyon ng "Tama na."

Narito siya ngayon sa bahay ng isa niyang kaibigan na si Red Cruz, hindi na siya nag-abala pang pumunta sa kahit saang club o bar dahil baka makasalubong niyang ang babaeng nanloko sa kaniya.

Walanghiyang Arlene 'yon? Nalaman lang na babawian siya ng mana ay iniwan na siya?

"May problema ka ba?" Parang nang-aasar na tanong ni Red sa kaniya, marahil na ninibago ito ngayon sa inaasal niya.

Kilala kasi siya nito bilang 'unbothered', pagkatapos ngayon ay kulang nalang ay maglupasay siya sa sahig. Siguro kasi sobrang natapakan ng dati niyang nobya ang ego niya?

"Wala akong problema, nakipaghiwalay lang naman si Arlene." Nilagok nito ang isang shot ng whiskey.

"Oooh akala ko ba mahal na mahal ka no'n?" Gumuhit sa mukha ni Green ang kunwaring pagkagulat.

"Akala ko rin,"

Halos wala na sa wisyo si Drake habang sinasagot ang mga tinatanong ng mg kaibigan niya. He's hurt and it shows, he can't deny that fact even though he acts like he doesn't.

"Baka naman may dahilan." Sumabat si Troy, napatingin ng masama si Drake kay Troy at sa sa babaeng nakakandong dito bago uminom at umiling ulit.

Alam niya ang dahilan noon, akala ni Arlene mawawalan na ng pera si Drake kaya iniwan na siya nito. Mautak rin talaga ang babaeng iyon!

Akala ba nito hindi napansin ni Drake kung paano namutla si Arlene noong narinig niya na tatanggalan ito ng mana? Hindi siya ganoon katanga.

"If I were you, I'd stalk her." Seryosong sabi ni Red habang nakatingin sa telepono niya.

"Seriously?"

Balak naman talaga niya iyon, gustong patunayan ni Drake na kaya siya iniwan ni Arlene ay dahil lang sa pera. Gusto niyang ipakita sa babaeng 'yon na wala naman talaga siyang pakealam.

"Kaso baka magmukha kang desperado-" lalong nagsalubong ang kilay ni Drake.

"Sino ba ang lasing sa atin?" Humalakhak si Drake pagkatapos niyang sabihin iyon. Bakit naman ganon ang takbo ng utak ng mga kaibigan niya?

"I'm just giving an advice, kung ayaw mo edi 'wag." Nagkibit balikat ito.

Pero tama nga ito, baka magmukha lang siyang desperado kapag sinundan niya at pinanood ang bawat galaw ng babaeng nagwarak sa ego niya.

Nagawang makapag-maneho ni Drake kahit lasing na siya, nakapagpahinga naman kasi siya ng saglit bago umalis. Wala na rin naman kasi siya pakialam kung ano pa ang mangyari sa kaniya.

"Drake nagmameho ka na naman ng lasing, paano kung naaksidente ka ha?" Nilagpasan ni Drake ang kaniyang ina at pasuray-suray siyang naglakad patungo sa loob ng bahay.

"Pinag alala mo ako, mabuti nalang tumawag sa akin sila Red at sinabi ang ginawa mo!"

"Sir good evening. " Bati ni Berta sa kaniya.

"Pakigawa mo 'ko ng kape- O bakit nandito ka pa?" Napabaling ang tingin niya kay Davina na may karga na tuta, kay Air iyon kung hindi siya nagkakamali.

"Wala ng kasal 'di ba ka akit nandito ka pa rin?- Oo nga pala wala ka ng mga magulang, siguro pati bahay at lalo na pera?"

Pinababa ni Davina ang alaga tinalikuran siya ngunit lumapit si Drake sa kay Davina at hinawakan ito sa braso, pilit silang pinaggitanaan ni Camilla pero wala itong magawa.

"Nasasaktan ako Drake!"

"So do I."

Hinila siya ni Drake palabas sa likod ng bahay, agad naman sulang sinundan nila Berta, Camilla at Fe.

Amoy na amoy ni Davina ang alak sa sistema ni Drake nang hindi makalapit ang tatlo sa kanila.

"Drake anak!"

"Sir!" Pang-aawat ng mga ito.

"Sumosobra ka na Drake!"

"Totoo naman diba? Para may matirahan at makain ginagamit mo ang tatay mo."

"Mahirap lang ako pero kahit kailan hindi ko ginawa ang manggamit ng kapwa ko, lalong-lalo na tatay ko! Wala ka sa lugar para lait-laitin ako ng ganyan!" Halos narinig sa loob ng bahay ang ginawang pag-sigaw ni Davina pero parang natutuwa pa ito na nagagalit siya.

Agad naman na nawala ang nakaplaster na ngiti niya nang sampalin siya ni Davina, parang nagising siya sa isang mahimbing na pagkakatulog. "Bakit mo ako sinamp-"

Muli siyang sinampal ni Davina sa kabilang pisngi kahit hindi pa tapos ang pagpoprotesta niya. "Dahil gago ka!"

"What?" Medyo nahimasmasan si Drake dahil sa mga sampal na natanggap niya mula kay Davina.

"Hindi mo rin naman ako maiintindihan kasi mayaman ka at nasa harapan mo na lahat! Pero sana naman magkaroon ka ng kahit konting awa at respeto-"

Huminga ng malalim si Davina at tinitigan siya ng matalim, wala na itong pakialam kung makita pa sila ng mga kasama nila sa bahay.

"Libre lang naman 'yung respeto Drake!- teka nga pala 'no? Hindi ka nga pala sanay sa libre kasi ang yaman-yaman mong gago ka!"

"Listen to me." Hinawakan ni Drake ang magkabilang balikat ni Davina.

"Davina, bawiin mo nalang ang pera mo kay Daddy at hindi naman natin kailangan magpakasal pa."

Sa galit ni Davina ay iniwanan na lamang niya si Drake doon at hindi na sumagot.

Uuwi na talaga siya sa probinsya kahit anong mangyari, wala na talagang makakapigil sa kaniya ngayon dahil puno na siya sa ugali ni Drake.

♥♥♥♥

#goodbye

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top