Chapter 12

Hindi mapakali si Davina pagkatapos ng nangyari sa baba. Hindi niya malaman kung uupo ba siya, dadapa o hihiga sa kama.

Bakit naman kasi ganoon ang pakikitungo ni Air sa kaniya? Bakit napaka-bait nito at ganoon na lang siya kung titigan?

Hindi niya tuloy maiwasan ang kiligin, syempre gwapo 'yong lalaking kaharapa niya! Ang kaso nalaman niya na pinsan ito ni Drake, kaya hindi malayong pareho ito ng mga ugali.

Baka nga mamaya pinagpupustahan lang siya ng dalawang iyon?

Napasabunot si Davina sa kaniyang sarili dahil kung anu-ano nalang ang naiisip niya. Wala naman kasing sinabi Air na gusto siya nito pero 'eto siya grabe kung makapag-assume.

Humiga siya sa kama at huminga ng malalim. "Pigilan mo nga 'yang nararamdaman mo Davina."

Nagmumukha na siyang tanga habang kinakausap ang sarili. Bakit ba kasi napaka-sweet ng lalaking iyon? Parang lahat ng babaeng mapapalapit dito ay mahuhulog sa kaniya!

"Age doesn't matter ."

Naalala na naman niya kung paano 'yon sinabi ni Air sa kaniya, naalala niya kung paano siya nito tinitigan. Napatingin siya sa mga kamay niyang nahawakan ni Air nang kunin nito ang platito sa kaniya.

Nagpapagulong-gulong siya sa kama nang biglang may kumatok, sa pagmamadali niyang tumayo ay sumabit ang paa niya sa kumot dahilan para masubsob ang mukha niya sa sahig. Mabuti nalang at may unan kaya hindi siya masyadong nasaktan.

"Sino yan?"

"Ako." Simpleng sagot nito.

Napalunok siya at kaagad niyang inayos ang buhok, tumayo siya ng tuwid na para bang hindi nag-dive ang mukha sa matigas na tiles ng kuwarto. Dali-dali niya itong binuksan at nginitian ng malawak ang binata.

"Davina ayos ka lang ba?" Bungad kaagad nito pagkatapos niyang mabuksan ang pinto.

"Bakit may problema ba?" Bakit ganito makatitig si Air sa kaniya?

"May narinig kasi akong lumagabog sa loob ng kwarto mo?"

Napalakas yata talaga ang pagbagsak niya, buwisit na kilig kasi iyan! "Wala iyon!"

"Bakit may dugo 'yang ilong mo?"

Nanlaki ang mga mata ni Davina nang marinig iyon, nilabas ni Air ang kaniyang puting panyo at ibinigay iyon sa kaniya. "Ayos ka lang ba?"

"T-tara pumasok ka muna." Hinila niya ito sa loob ng kuwarto.

"Bakit ba kasi dumugo?"

"Hindi ko alam, first time lang naman 'to e." Nakangiting sabi niya dahil natutuwa siya kasi mukhang concern na concern itong si Air sa kaniya.

"Baka naman kasi nahulog ka? Mag-iingat sa susunod, patingin nga."Lumapit si Air sa kaniya at iniangat ang kaniyang mukha. Natutulala si Davina dahil sa mga titig nito, para talagang nakukuryente siya kapag nakatitig itong si Air sa kaniya.

Siguro'y naiilang siya? Alam niyang naiilang siya at hindi iyon dahil kinikilig siya. Hindi naman porque gwapo, mayaman, mabait at masarap kausap si Air ay dapat may something na kaagad.

Wala naman siyang pakialam dito kahit pa parang lahat ng gusto niya sa isang lalaki ay na kay Air na. Hindi! Hindi siya madaling mag-kagusto sa mga gwapo na matangkad, may mapulang labi, matangos na ilong at mapungay na mga mata.

Napakagat siya sa kaniyang sariling labi.

"S-sigurado ka bang pinsan mo talaga si Drake?" Hindi na napigilang itanong iyon.

"Oo naman, hindi ba kapani-paniwala? Dahil ba mas gwapo ako sa kanya?"

Bigla na naman kasi niyang naalala si Drake, napakalayo ng ugali nitong si Air. Kung mukha naman ang pag-uusapan ay walang duda na magpinsan talaga silang dalawa, parehong nabiyayaan.

Palahi naman.

Napailing na naman siya, ang garos ng isip niya! "A-ano, ang layo kasi ng ugali niyo kasi kumbaga ikaw ang anghel siya naman- 'lam mo na." Sagot nito.

"Mabait naman 'yon ah, bakit nagsusungit sa'yo?"

Lalo siyang nanggigil dahil sa sinabi ni Air, napahigpit ang hawak niya sa isang unan at inisip na balat iyon ni Drake.

Mukhang sa kaniya lang talaga ganoon ang ugali ni Drake? Pero siguro hindi naman niya ito masisisi dahil sino ba naman ang gusto na mawalan ng karapatan na pumuli ng mapapangasawa?

Pero sana naman ay maintindihan rin ni Drake na hindi rin naman niya ginusto itong nangyari sa kanilang dalawa! "Napaka-kitid ng utak niya."

"Ayaw mo talaga sa kanya 'no?" Sabi ni Air at hinawi ang buhok na tumatakip sa mukha niya.

"Kulang pa yata ang salitang 'ayaw' para sa nararamdaman ko sa pinsan mo."

Natawa silang pareho dahil sa sagot niya, ngunit natahimik rin ng bahagya dahil nawalan na sila ng mapag-uusapan.

"Davina." Napagpasyahan ni Air na siya na ang bumasag ng katahimikan, seryoso niyang tinitigan ang dalaga at tumikhim.

Bakit ba siya pinapakaba nitong si Air?

"Bakit na naman?"

"May itatanong lang ako." Sabi ni Air, hindi na ito nakatitig sa kaniya.

Hindi niya alam kung anong gustong iaparating nang kanina pa pagtitig ng malagkit ng lalaking ito sa kaniya, bakit kasi ayaw nalang siyang diretsuhin nito?

"Kapag sinabi ko bang nagusgustuhan kita kahit ngayon palang tayong nagkakakilala, maniniwala ka ba?"

Natigil siya dahil sa tanong nito, hindi niya talaga alam kung anong gustong iparating nito sa kaniya! Totoo kaya ang kutob niya na may gusto ito sa kaniya?

Ayaw naman niya mag-mukhang assuming!

"Syempre- hindi." Nag-iwas kaagad ng tingin si Davina sa binata.

"Hindi?" Nagsalubong ang magandang kilay nito.

"Syempre hindi ako naniniwala sa sabi-sabi lang, gusto ko iparamdam mo sa 'kin at hindi sabihin."

"Alam mo nawiwirdohan talaga ako sa 'yo." Sabi nito tat pinisil ang ilong niya.

"Bakit naman?"Nawiwirdohan lang pala ang lalaking ito sa kaniya? Akala naman may kung anong malalim na dahilan na ang mga pagtitig nito! Paasa!

"Nakita kasi kita sa kusina noon at may hinahalo, nagsasalita ka pang mag-isa, akala ko nga no'n baliw ka e."

"Aba?" Si Davina.

"Pero wag kang mag-alala kasi kahit totoong baliw ka pa talaga, ikaw parin." Saad ni Air sabay turo sa sentido nito.

Hindi naman maintindihan ni Davina ang gustong sabihin ni Air, anong "ikaw parin" sabay turo sa ulo?

"Huh?" Pilit na pinoproseso ni Davina ang mga sinasabi ng binata.

Ibig bang sabihin nito na siya parin ang baliw o hindi siya magiging siraulo? Ganoon ba?

"Ang slow mo naman pala pagkatapos sasabihin mo iparamdam sa iyo at h'wag sabihin?" Lalong naguluhan si Davina dahil sa sinabi nito.

"Air bakit ang gulo mo?" Sabi ni Davina at kumamot pa sa ulo.

-----
#gUl0nggUlol

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top