Chapter 11

Nakatulala lang ako sa gilid ng pool, pilit na pinoproseso ang mga nangyari kanina. Totoo palang nagkaroon ng relasyon ang Nanay ko at ang ama ni Drake, sila raw ang nauna talaga. Marami rin palang tumutol sa kanila, maraming nangyari hanggang sa magkahiwalay sila.

   Pagkatapos doon na sila nagkakilala ni Tita Camilla, doon na rin nakilala ni Nanay si Tatay. Pero ganoon pa rin ang naging tadhana ni Nanay, tinutulan pa rin siya ng lahat. Nalulungkot ako para sa kaniya, parang hindi siya hiayaang maging masaya ng tadhana.

Bumalik ako sa ulirat nang may kumalabit sa akin. “Nasaan si Mommy?”

    “Ah, kausap ang pinsan mo.” Sagot ko kay Air.

  Naka polo siya at slacks, mukhang galing pa kung saan. Pagkatapos may dala siyang kahon ng cake.

"Salamat. You had your lunch already?"

       Umiling ako. “Hindi ako nagugutom, sige na. Baka tapos na rin naman silang mag-usap, hanapin mo na siya.”

Napatigil siya at sinuri nang mabuti ang mukha ko, umiwas naman ako kaagad pero kapansin-pansin yata talagang namamaga ang mata ko. “Umiyak ka ba?”

“Hindi, napuyat lang ako.” Pagsisinungaling ko.

“You can tell me your problems, I'll listen.”

   Na-appreciate ko ang kabaitan niya, pero sa ngayon ay ayaw ko na munang pag-usapan ang tungkol doon. Hindi ko pa kaya.
  
Nagkibit-balikat siya. “But I'll understand if you don't want to.”

Bakit siya mabait? Buti na lang ay hindi siya kagaya noong pinsan niya na lumaking walang sympathy at konsensiya.

    “Magpinsan ba talaga kayo?”

Tumawa siya, “Ni Drake?”

Tumango lang ako at tumitig sa kaniya. Hindi ko akalain na may ganito pa palang tao na kung anong amo ng mukha ay siyang amo rin ng ugali. Hindi ako magtataka kung bakit maraming babae ang mahuhulog sa kaniya, lalo na kapag nakausap siya nang ganito.

      “Oo, sobrang lapit rin namin. Noong highschool nga madalas kaming mapaaway tapos uuwing may pasa sa mukha kaya gigil sa amin si Mommy.”

Si Air nakikipagbugbugan? Parang wala naman iyon sa personality niya! “Hindi nga?”

   Tumango siya at kung anu-ano pang kwento, para rin siyang si Tita Camilla na may sounds and actions pa. Pumasok na rin kami sa loob at dumiretso sa kusina.

  “Eh? Grabe naman iyon, dapat na suspend rin 'yong pumalo sa inyo ng dospordos!”

     “Yeah! Ang unfair 'di ba?! Kaya hanggang ngayon masama pa rin ang loob ko doon! Kapag nakita ko 'yun ay talagang gaganti ako.” Galit pero pabirong sabi niya.

Tumawa kami pareho tapos nagsimula na naman siyang magkuwento nang panibago. Nakakatuwa naman, dahil sa kaniya ay medyo gumaan ang pakiramdam ko.

     "Oh, kumain ka na." Hiniwa niya na kase 'yung chocolate cake at ibinigay sa akin ang unang slice.

"Sigurado ka baka may bayad yan?"

    "Wag kang mag-alala libre yan para sa'yo, huwag ka mo lang ako paluin ng dospordos sa likod."

      “Buwisit ka! Iginaya mo ba ako kay Freddy!” Tumawa na naman kami.

   "Ah Davina, ano nga bang ginagawa mo dito sa bahay nila Tita Camilla?" Bigla namang tanong niya.

Natigil ako sa pagkain ng chocolate cake at tinaasan siya ng kilay. "Bakit mo tinatanong?"

   "Sorry." Sabi ni Air at umiling-iling.

Sumubo nalang rin siya ng cake, ang cute naman. Nasobrahan yata siya sa respect!

   "Charot lang! Nandito ako kasi magpapakasal sana kami ni Drake."

Bigla siyang naubo, napahawak siya sa dibdib niya at pinalo iyon. Inabutan ko naman agad siya ng isang basong tubig.

     “Huy! Ayos ka lang?!”

"T-talaga? Magpapakasal kayo?" tanong niya nang makabawi.

  "Oo, pero hindi na matutuloy 'yon. Babalik na ako sa probinsya. See you when I see you na lang. "

     "Bakit hindi na tuloy ang kasal niyo?"

"Ayaw namin, tsaka bata pa naman ako. Marami pang iba diyan!" Pagkikibit-balikat  ko.

    Ayaw ko nga kasing pag-usapan muna ang problema ko.

"Ilang taon ka na ba?" Tanong niya.

   "Bente tres, pero mukhang seventeen lang 'no?" Hinawi nito ang kaniyang buhok at kumindat. "Ano rin ba ang ginagawa mo rito? Kapatid mo ba si Drake?"

Tumikhim siya, "Pinsan ko si Drake, tatay ko at ang nanay ni Drake ay magkapatid."

     "Eh, ilang taon ka na?"

"I just turned twenty one last month." Sagot niya at lumunok.

  "Ang bata mo pa pala, hindi halata." Siguro lahi na talaga nila ang matatangkad, pareho kasi sila ng pinsan niya na hanggang balikat lang ako.

     "Age doesn't matter, does it?"

Bakit ganiyan ang titig niya? Nag-iinit tuloy ang mukha ko.

      "Ayos ka lang?"

"Oo, salamat sa cake." Tumayo ako dala ang pinagkainan ngunit kinuha niya ito sa akin, nasundan ulit ang makapigil hiningang titigan namin dahil doon.

Umubo ako kunwari para umiwas tapos umalis na.

   "Salamat talaga!”

“Marami pa naman 'to, ayaw mo na ba?”

    Bakit niya ba ako sinusundan? Bakit ba ang bait niya sa akin? Huwag niyang sabihin na... Putek! Naiilang ako sa titig niya! Nahihiya ako na ewan kaya kailangan ko nang lumayo.

“Air!”

  Buti na lang nandyan na si Tita Camilla!

"Mommy! Wait, did you cry too?"

Ngumiti ito at umiling sa kaniya. "Wala ito."

   "Are you sure? May dala akong paborito mo, pasensiya na at nabawasan na."

Tinapik nito ang kaniyang balikat, "Nag-abala ka pa talaga."

Mabait naman pala talaga siya sa lahat, pero bakit kasi kailangan niya akong titigan ng ganoon? Hindi ba puwedeng kwentuhan at tawanan lang?

“Davina, tara?”

    “Aakyat na po ako sa taas, may gagawin lang po ako saglit.” Sagot ko kahit wala naman talaga akong gagawin doon kung hindi tumunganga.

“Sige, bumaba ka rin kaagad pagkatapos mo.”

   Ayaw ko na, okay na rin naman sa akin 'yong mga narinig kong kuwanto tungkol sa mga magulang ko. Ayaw ko nang marinig kung may mga bago pa ba silang rebelasyon.

Tsaka ayoko na rin munang makita 'yang pamangkin niya, iba na kasi ang nararamdaman ko. Parang may nagtatambol na dito sa dibdib ko.

       “Sige po, bibilisan ko na lang.”

Patakbo akong umakyat, hindi ko alam kung sinundan pa ako ni Air dahil hindi na rin naman ako lumingon sa kanila.

     “Davina?”

Kasasara ko lang ng pinto nitong kwarto ay bigla nang kumatok si Air, sinundan nga niya talaga ako!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top