Chapter 04
Uuwi na talaga ako dahil hindi ko na kayang tiisin pang maniraham doon sa bahay nila kasama sng Drake na. 'yan. Pagbalik ko sa probinsya ay kalilimutan ko na lang ang lahat ng nangyari dito at ituturing na isang masamang panaginip.
"Ma'am ayos na po ba lahat 'yan?" Tanong ni Trisha sa akin pagkatapos kong magsukat, siya yung sales lady na kanina pa kami pinupuri ni Drake.
"Oo, ayos na itong lahat. Kasya na naman sa akin." Sagot ko.
Luminga-linga ako para hanapin yung gunggong na 'yon. Kanina kasi ay atat na. siyang umuwi, pero wala akong pakialam dahil minsan lang ako mailibre.
"Nabayaran na po lahat 'yan ni Sir. Ang bait-bait po talaga niya sa inyo 'no? Ang swerte mo sa kanya." Nakangiting sabi niya habang inaayos ang mga pinamili ko.
Ngumiti rin ako sa kanya kahit medyo naiilang na ako. "Oonga eh, nasan na ba siya?"
"Uuwi na daw po siya, magkita na lang daw po kayo sa bahay? Iisa rin pala kayo ng inuuwiang bahay? Malapit na siguro kayong magpakasal?" Kinikilig na sabi nito.
Pero wala akong naintindihan sa lahat ng mga pinagsasabi niya. Dahil 'yung unang pangungusap lang na binanggit niya ang paulit-ulit sa utak ko. Halos hindi ko maigalaw ang paa ko dito sa kinatatayuan ko. Parang gusto kong magwala dito at paggugupitin ang mga damit nila.
Umuwi raw? Ang buwisit na yun, napaka walang hiya talaga. Iniwanan talaga akong mag-isa nang walang paalam? Hindi ko pa naman alam ang pasikot-sikot dito, tapos wala pa akong pera!
Nginitian ko na lang yung saleslady at lumabas ng store, hindi ako pahahalatang hindi ko alam dito ano. Paikot-ikot lang ako sa buong mall habang iniisip kung anong gagawin ko, magsasarado na itong mall pero hindi ko pa rin alam kung paano ako babalik kila Ma'am Camila.
Kung may pera man lang sana ako'y kahit dumiretso na lang ako pauwi sa probinsya.
"Sorry Miss." Tiningnan ko nang masama yung nakabangga sa akin na parang lalamunin ko siya kaya napaatras siya ng bahagya at madali siyang naglakad palayo sa akin.
Masyadong mainit ang ulo ko dahil sa ginawa sa akin ng Drake na 'yan.
Umupo ako sa may sulok at sumandal sa pader, pwede naman sigurong umupo muna dito 'no? Wala akong makitang upuan at tsaka may mga nakaupo namang kabataan sa sahig, nagkukuhanan pa nga sila ng letrato. Pinangangalandkan nila yung bonnet at jacket nilang maluwag.
Paano ako uuwi?
Halos wala na akong pakialam kahit yung mga nagdadaan ay nakikita ko na pinagbubulungan ako. Pagod na pagod na kaya ako, aarte pa ba ako?
Maya-maya'y naiyak na naman ako. Bakit ba kasi ang babaw ng luha ko?
"Ma'am, may problema ba?" Tanong sa akin noong gwardya.
Sasagutin ko na sana yung tanong niya nang biglang may sumigaw ng malakas mula sa likuran niya.
"Annabelle!" Nakita ko si Drake na papalapit sa akin.
Ang laki ng ngiti niya. Parang wala siyang kasalanan sa akin, ang galing niyang mang-iwan!
"Saan ka ba nagpunta? Kanina pa kita hinahanap! Saan ka na naman ba nagsusuot?"
Teka ano raw? Hinahanap niya ako? Eh, siya nga itong nang-iwan sa akin!
"Sorry boss, Medyo may problema po kasi 'to sa pag-iisip at ako ang nagbabantay sa kanya. Buti na lang nahanap ko siya!"
Anong pinagsasabi niya?! "Hoy Dra-"
"Ah ganun po ba sir? Pakibantayan na lang siya sa susunod. Baka makaistorbo siya sa ibang mga mamimili."
"Sige, salamat po boss."
Hindi ako makasingit sa kanilang dalawa! Ano na namang bang pumasok sa isip nitong si Drake at kung anu-ano na naman ang pinagsasabi niya? May sira ako sa ulo? Sino kaya sa aming dalawa ang hindi matino? Ang galing rin niyang mangbaliktad ha?!
"Sige, Ser!" Sabi nung guard at umalis na.
Nagiinit ang dugo ko sa kaniya dahil nakaplaster sa pagmumukha niya ang nakakagigil niyang pag-ngisi. Kung pwede lang talaga'y ihahampas ko sa pagmumukha niya ang batuta noong guard.
"Tara na Anabelle!"
"Hindi ako si Annabelle! Saang lupalop mo naman nakuha ang pangalang yan?" Sigaw ko, pero nakangiti lang siya at lumingon doon sa may likuran ko. Nasa may sinehan pala ako, at ang tinitingnan niya yung poster ng The Conjuring. Sa pagkaka-alam ko, Anabelle ang pangalan ng demonyang manika sa pelikula na yun.
Pinagpapalo ko siya ngunit tawa lang siya nang tawa. Kaya naman pala parang nagipigil rim ng tawa kanina yung guard! Buwisit na Drake 'to, napaka walanghiya niya talaga.
"Tama na yan, Annabelle!" Sabi niya.
Tapos hinila niya kamay ko, naglibot muna kami sa mall hanggang sa magsara na talaga iyon. Hindi man lang niya ako tinulungan sa pagdadala nitong paper bags kanina.
Kahit ngayong papunta na kami sa sasakyan ay 'di pa rin niya ako tinutulungan.
"Sorry, hindi ko talaga mahanap." Mukhang tuwang-tuwa pa siya na nahihirapan ako dito sa pagdadala.
Nagmukha na tuloy akong alalay niya dahil sa dami nito, halos naglalag-lagan na nga ang ibang kahon nitong mga sapatos. Pero wala talaga siyang pakialam.
"Buwisit."
Tinawanan pa nga ako. "Ha? Ano 'yun may sinasabi ka ba?"
May araw ka rin sa akin gunggong ka, itawa mo na lahat 'yan dahil kapag ako na ang gumanti ay tameme ka.
-----------
#mAkhUleTZ
Hayaan mo na Anabelle, este Davina kamukha naman siya ni Chucky. 😂😂
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top