Chapter 02

Lintik 'yung Drake na 'yon! Kung tingnan ako kagabi mula ulo hanggang paa ay parang nakakita siya ng tae sa kalsada, dahil gumuhit ang disgusto sa mukha niya. Palibhasa wala lang akong ayos at naka-duster lang ako nang dumating kami sa kanila!

Naku! Walang-wala siya sa ugali ng mga magulang niya, 'yung tatay niya tinawag pa akong maganda at pagkatapos si Ma'am ay Camila todo ang pag-aasikaso sa akin. Ampon lang yata nila 'yong lokong 'yon eh.

Kakaistress!

Kaya naglibot na lang dito sa village kahit tanghaling tapat at tirik na tirik ang araw. Sanay na naman kasi ako sa ganitong klima sa balat dahil mas mainit pa rito ang araw tuwing naglalakad ako sa may pilapil.

Pero parang ang boring ng mga bahay dito,  magaganda nga pero pare-pareho naman ang design. Lahat sila patag ang mga bubong tsaka minimal at plain lang ang pintura. Iyon na yata ka kasi ang uso.

    'Di katulad noong mga architectural designs noon na ultimo dingding ng banyo ay may ukit pa.

'Yung bahay nila Ma'am Camila ang medyo naiiba, parang papunta na ito sa mansyon ng mga hacienda. Ang bango-bango rin doon, wala na 'yung pinaghalong amoy ng mga tuyong dahon at ipot ng manok. Wala na rin yung maingay na bunganga ng mag-ina na walang palya na sumisira sa bawat umaga ko, kaya naman ang sarap ng gising ko kanina.

      “I'm sorry! Are you hurt?” Tanong ng lalaking nakabanggaan ko habang naglalakad.

Muntik na akong matumba, buti na lang at nahawakan niya ang magkabilang braso ko.

     "Sorry rin!” saad ko dahil kasalanan ko rin naman, hindi kasi ako nakatingin sa dinaraanan ko.

  Binitawan niya ako, tapos napahawak ako sa sarili kong batok bago tumingala ng kaunti sa mukha niya. Nakasuot siya ng shades kaya 'di ko makita ng maayos ang mukha niya, pero halata namang gwapo ang isang ito dahil matangos ang ilong niya at maganda pa ang labi.

Bumaba ang tingin ko itim na buttoned down polo na suot niya, hindi nakakabit yung unang tatlong butones nito at nakatupi ang manggas nito hanggang siko.

    "Tulungan na kita." alok ko dahil napansin kong naglaglagan pala ang laman ng dala niyang folder.

“Huwag na, Miss.” Lumuhod siya sa harap ko at isa-isang dinampot 'yung mga papel.

   Hindi ko maalis ang titig ko sa kanya dahil para siyang artista, ang lakas ng appeal niya.

Pagkatapos niyang damputin ang mga papel ay pinagpag niya ang itim niyang slacks, tapos nag-angat siya ng tingin at ngumiti sa akin. Pati ngipin niya ay maputi rin.

   "Osige, mauuna na ako." Sinuklay niya ng daliri ang medyo mahaba niyang buhok, tapos umalis na siya sa harapan ko.

Halos mabali ang leeg ko sa pagsunod ng tingin sa kaniya, ngayon lang kasi ako nakakita ng lalaking ganiyang kagwapo sa personal. Literal na nakakabusog pala talaga ng mata. Siguro mayaman din 'yung lalaking 'yon kung dito siya nakatira, kasi ang ganda-ganda at ang lalaki ng mga bahay dito.

Ah, para siyang si Drake, 'yung na anak ni Ma'am Camilla. Pero mabait ang isang 'to, tsaka 'di ko naman nalapitan iyong Drake na suplado na 'yun.

    Pag-balik ko sa bahay nila Ma'am Camila ay sinalubong niya kaagad ako, tapos pumunta kami sa loob ng office ng asawa niya. Nakaupo ito sa swivel chair sa tapat ng desk niya. Mukhang busy siya dahil may kausap sa telepono. Nagbow na lang ako bilang paggalang, gumanti naman niya ng ngiti at tumango.

Pinaupo ako ni Ma'am Camila sa couch at tumabi na rin ito sa akin, naramdaman ko kaagad ang lamig dahil nakatapat sa puwestong ito 'yung split type aircon. Tahimik akong nakatitig sa desk name na gold and black, nakasulat doon ang malaking ceo tapos sa ilalim ay ang pangalan na Alfredo Francisco Garcia.

       “Where are you?” puno ng awtoridad ang boses niya.

Kahit nakikinig lang ako dito sa tabi ay parang gusto kong sumagot na narito ako.

Sumimangot ito at nag-igting ang panga, parang hindi niya nagustuhan ang sagot ng kausap niya sa kabilang linya.

    “You're not running away.” saad niya.

“I'm sorry, akala ko tapos na silang mag-usap.” Bulong sa akin ni Ma'am Camila.

  “A-Ayos lang po.” Hindi ayos.

Hindi naman ako na-inform na nakakatakot palang magalit ang asawa ninyo.

    Pinalo nang malakas ni Sir Alfredo ang desk niya kaya umalog ang mga nakapatong doon. “Don't wait for me to go there and drag your grown ass back here! I don't care about your girlfriend!”

   May girlfriend si Drake? Bakit nila ipapakasal sa akin?

    "Umuwi ka na." Kalmado na ito, pero nakakatakot pa rin ang awra niya.

Ako ho ba pwede na rin umuwi?

"Kapag hindi ka pa umuwi ngayon, kalimutan mo nang anak kita. Babawiin ko lahat ng mana ko sa'yo pati ang mga gamit mo na binigay ko."

Nag-igting lalo ang panga ni Sir Alfredo, mukhang hindi kasi umubra iyong pananakot niya sa anak.

    "Huwag mo akong subukan, Drake. Kilala ko ang kasinatahan mo ngayon, hindi mo gugustuhing makipagmatigasan sa ama mo dahil alam mo ang mangyayari." humalakhak ito.

   Eh, papaano naman kung ako ang tumanggi? Tatakutin rin ba ako ng pamilyang 'to?

    "Just go home, son." Hindi parin nagpatalo ito. Mayabang na tumayo si Sir Alfredo at ni-loud speaker ang telepono niya para marinig namin ang sagot ng anak niya.

  "Ako mismo ang papatay sa'yo kahit tatay pa kita!" Hindi nagpatinag ang anak niya.

     "Kung ganoon, magpatayan tayo. Baka gusto mong simulan ko na ngayon diyan?"

Narinig ko ang pag-buntong hininga ni Drake, tanda ng pagkatalo. "I-I'm going home, just don't do anything to her."

     "Mabuti naman kung gano'n, anak."

Pinatay niya ang tawag sabay ngiti sa amin na para bang walang nangyari. “I'm sorry about that, minsan kasi ay matigas ang ulo ng isang 'yon.”

"A-Ayos lang ho.”

  Kinapitan ni Ma'am Camila ang kamay ko at pinisil iyon. "Ayos ka lang ba talaga?"

   “Opo.”

Hindi talaga, parang gusto ko nang bumalik sa amin.

Nang makauwi na si Drake sa bahay nila ay sinalubong kaagad siya ng ina niya, yayakap sana ito sa kanya pero umiwas lang siya.

   "Bakit niyo ba ako pinauwi?" Diretsang tanong nito at lumakad papunta sa kinatatayuan ng ama niya.

"Sasamahan mo si Vina na mamili ng mga damit, hindi kasi siya nakapag-impake nang umuwi kami dito." sagot ni Ma'am Camila.

   Napapuluntong-hininga siya at hinilot ang kaniyang sentido. “Para doon lang?! Para doon lang pinagbantaan niyo pa ang buhay namin ng girlfriend ko? Gaano ba kahalaga ang babaeng 'yan sa inyo? Ginto ba 'yan?”

“Drake!”

Parang nasampal ako dahil sa sinabi niya. Bakit nga naman parang lumalabas akong pa-importante. "H'wag na po kaya ko na-"

"No, let's go."

Naglahad ng kamay si Drake, nagdadalawang isip pa akong kuhanin 'yon pero parang mas nakakahiya kung hahayaan ko lang iyon dahil nakatingin sa amin ang mga magulang niya.

Hinila niya kaagad ako palabas, hindi na tuloy ako nakapag-paalam nang maayos sa mga magulang niya.

  "Napakagaspang ng kamay mo." Saad niya nang makasakay na kami sa sasakyan.

      "Kasing gaspang ba ng ugali mo?"

Hinilot ni Drake and sentido niya bago nagsalita. "Hindi ko talaga maintindihan ang takbo ng utak ng mga magulang ko. Bakit kailangan pa nilang ipakasal ako sa iyo 'diba para silang mga adik? I think my parents are on drugs.”

"Oo nga e, parang ikaw din yata." sagot ko.

Napatingin siya sa akin at pinaningkitan ako ng mata, tinaasan ko naman siya ng kilay. Akala niya siguro'y magpapatalo ako sa kasamaan ng ugali niya, nako, sa pinsan ko pa lang ay sanay na sanay na ako.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top