Kabanata 1

Kabanata 1

Booth

Siniko siko ako ni Donghyuck habang nakatago kami sa isang kotse. Inaantay namin ang gagawing hakbang nila Hyung tsaka kami aakto na akala mo ay nililigtas talaga namin si Herin.

"Ayan na, ayan na." bulong ni Jeno nang lumabas si Herin sa gate hawak ang kanyang libro.

Nag-uunahang lumabas sila Hyung na nakatakip nang itim na mask ang kanilang mukha. Luminga-linga si Herin nang lumapit sila Hyung sa kanila. Hinawakan nila ang braso ni Herin at hinila sa isang itim na van.

Bago pa siya maipasok nila Hyung sa van ay papasok na sana ako sa eksena ngunit bigla nalang may isang lalaki ang kinuha ang role ko. Tulalang pinapanuod ko lang sila kung ano ang nangyayari. Ako sana ang maglikigtas kay Herin. Ako sana iyon. Pero bakit sa iba napunta?

That should be me!

Paika-ikang bumalik ng van sila Hyung at umalis na. Alam na rin kasi nilang sira na ang plano kaya umalis nalang sila. At ako? Nanatiling nakatayo sa harap nila. Pinapanuod kung paano pasalamatan ni Herin ang lalaki.

"Dino, bro!" biglang lumabas mula sa likod ko si Dong tsaka nakipag-apir sa Dino na tinawag niya.

Nalipat ang tingin ni Herin sa amin. Nagulat siya ng bahagya nang makita ako. Wala akong pinakitang kahit na anong emosyon sa kanya. Naiinis kasi talaga ako sa sarili ko. Ako naman talaga ang may kasalanan ng lahat, e.

Bumuntong hininga ako at tahimik na tumalikod tsaka naglakad palayo. Kahit anong gawin ko, hindi na babalik sa akin si Herin, hindi na kami pwedeng dalawa. Wala ng kami.

Mabilis akong umalis doon nang walang nakakapansin sa akin. Bagsak na bagsak anv balikat ko sa nangyari, wala na yata akong matinong magagawa. Puro nalang kapalpakan. Pero ang totoong tanong dito ay...

Kung mahal pa rin ba ako ni Herin? Kung gusto pa rin ba niya? Eh mukhang hindi na rin, e.

Binagsak ko ang sarili ko sa couch tsaka tumingala. Ang hirap naman neto. Mas mahirap pa sa inaakala ko. Worth it ba ang lahat ng pagpapansin ko sa kanya? Eh kung inamin ko na kaya sa kanya lahat? Worth it din ba?

"Bigla ka nalang nawala," boses ni Jae ang narinig ko tsaka ang pagbagsak ng pinto.

Pinanuod ko siyang lumapit sa akin. Ayaw kong magsalita. Nakakahiya ang nangyari kanina. Bakit ba nakatayo lang ako? Pwede namang tulungan ang Dino na iyon, pero bakit hindi ko ginawa?

"Alam mo Hyung, may mga bagay talaga na hindi para sa isa't isa."

Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya. It's not that, hindi ko alam iyon. Ang nakakaasar lang dito ay kailangan talaga sabihin pa niya iyon? Imbes na sana ay pinagaan nalang niya ang pakiramdam ko at nagsabi ng mga pambobolang salita?

"Pakyu, Jaemin. Umalis ka sa harap ko," inis na sambit ko at humalakhak lang siya.

"Ngayon lang kita nakitang nawalan ng pag-asa. Tiwalang tiwala ka nga sa sarili mo tapos ngayon ay parang wala ng magandang mangyayari sa buhay mo sa inaakto mo."

Hindi ko nga rin alam kung bakit naging ganito ako. Usually, malaki ang tiwala ko sa sarili ko pagdating sa babae dahil alam kong isang kindat ko lang ay titili na agad sila. Pero iba si Herin. Mas lalaki pa iyon sa akin kaya alam kong hindi siya titili para sa akin.

Herin's POV

Ano ang balak sa akin ng mga kalalakihang balak akong kunin kahapon? Kung hindi dumating si Dino, ang classmate namin, ay panigurado nakuha na nila ako.

Si Mark. Nakita ko siya kahapon na nakatayo malapit sa amin. Hindi manlang niya ako tinulungan. Parang wala kaming pinagsamahan sa ginawa niya. Kita ko ang naasar niyang mukha kahapon, siguro dahil mas gusto niyang sana ay nakuha nalang ako ng mga lalaki.

"Nakikinig ka ba, Herin?" inis na tanong ni Koeun.

"A-ano nga ulit iyon?" kunot noong tanong ko.

Nasa harap ko sila. Umirap si Hina at Lami. Kanina pa yata sila naguusap kaso wala akong maintindihan dahil iba ang naiisip ko.

"Ang sabi ko, anong booth ang sasalihan mo bukas?" ulit ni Koeun.

Festival nga pala sa school bukas. Kung saan, walang pasok ang mga estudyante at mga guro. Ang mga estudyante ay magtatatag ng bawat booth para kumita ng pera, depende sa diskarte niyo.

"Kahit ano," kibit balikat na sabi ko.

"Ang iniisip kasi namin ay maglalagay tayo ng bawat bilog sa quadrangle, kung sino makaapak noon, ikukulong natin at para makalaya sila ay magmumulta sila."

"Okay," tumango ako sa sinabi ni Lami.

Okay naman kasi ako sa kahit ano. Huwag nila akong asahan sa pagbibigay ng idea dahil wala ako sa sarili ngayon para mag-isip.

"May problema ka ba, Herin?" nagaalalang tanong ni Yeri. Umiling lang ako.

Hindi ko sasabihin sa kanila. Dagdag lang sa iisipin nila. Bumuntong hininga ako. Wala naman talagang problema, ako lang itong nagiisip ng kung ano. Nakakainis.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok dahil magkakabit kami ng booth. Marami ng estudyante na nagaayos na rin ng sarili nilang booth. Dumiretso ako kay Koeun nang makit ko sila.

"Ano kayang booth nila Mark? Last year, sila ang pinaka-maraming naipong pera, e," sabi ni Natty.

Paanong hindi marami? Kissing booth ang booth nila noon. Sinong babae ang hindi magbabayad para sa isang halik nila kahit na sa pisngi lang iyon? Ginagamit nila ang mukha sa ganitong bagay.

Dumaan sa booth namin si Dong. Naapakan niya ang bilong kaya agad siyang nilapitan ni Lami at Hina tsaka pinasok sa loob ng kulungan.

"Hoy kapapasok ko lang, ano na ito?!" sigaw niya. "Lagot ako kay Mark! Na-late na nga ako tapos ito pa ang nangyari? I hate drugs!"

Sumandal ako sa gilid habang pinapanuod na nanghuhuli sila Koeun. Kaya na nila iyon. Taga bantay nalang ako rito. Maaga talaga silang pumasok para hindi makita ng mga estudyante kung saan nakalagay ang mga bilong na iyon.

"Herin, pakawalan mo ako rito! Suntok aabutin ko sa mga kagrupo ko!"

"Bahala ka riyan, magpatubos ka nalang," ngising sabi ko.

Saktong dumaan si Jisung sa amin pero naiwasan niya ang bilog. Nanlalaki ang mata niyang nakatingin kay Dong na nasa loob ng booth namin.

"Jisung! Sabihin mo kay Mark na tubusin niya ako rito! Ingatan niyong huwag tapakan ang mga bilog na gawa nila para wala na silang mabiktima."

Gusto kong matawa sa sinasabi ni Dong pero hindi ko ginawa. Para siyang bata na talagang kinulong sa kulungan. Mabilis namang tumakbo si Jisung pagkatapos noon.

"Tutubusin na ako ni Mark," paulit ulit na sabi niya.

"Edi may pera na agad kami!" tumatawang sabi ko.

Umagang umaga. Puhunan agad itong si Dong. Nakakatuwa pala ang booth namin. Bakit hindi ako natuwa kahapon? Wala kasi ako sa sarili, e.

Ilang minuto ang lumipas ay dumami na ang estudyanteng kinulong. Ang iba ay agad na tinubos ng mga kagrupo nila. Si Dong ay naghihintay pa rin sa gagawin ng mga kagrupo niya.

"Don't lose hope, Dong," biro ko pa sa kanya.

Napawi ang ngisi ko nang makita ko ang isang lalaking naglalakad papunta sa booth namin. Nasa likod niya ang dalawa pang lalaki na kagrupo. Seryoso at diretso ang tingin niya sa akin. Huminto siya sa harap ko.

"Magkano?"

Hindi ako makasalita. Nasa harap ko siya ngayon. Kinakausap niya ako!

____________

hindi ko alam kung kelan ulit ang next na update. may nagbabasa pa rin ba nito? :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top