Deal #7
"Sorry..."
Hindi ko alam kung ano dapat ang sasabihin kaya iyan nalang ang nasabi ko. Hindi ko alam na may ganiyang problema pala siyang pinag-daanan.
Ngumisi siya saka ginulo ang buhok ko, "Matagal na yun!"
Natahimik ako. Naisip ko na, swerte pa din pala ako dahil kumpleto ang pamilya ko. Masaya kami at hindi naman hirap sa pera.
"Kumain ka na! Akala ko ba gutom ka? Mamaya sabihin mo hindi kita pinapakain a."
Nilingon ko siya. Ayan nanaman siya sa pang-aasar! Okay na sana e. Naawa na ako.
"Hindi naman talaga! Kanina pa ako gutom pero ngayon mo lang ako papakainin?" Inis na sabi ko saka hinablot sa kaniya ang ulam na binila niya kanina.
Tumawa siya, "Kaya ang taba taba mo e. Ang takaw mo kasi." Pang-asar na sabi niya.
"Anong mataba? Excuse me, sexy ako!"
Pinalo ko ang braso nang hindi siya magtigil sa kakatawa. Nilagay niya ang magkabilang kamay sa dibdib at inilagan ang mga suntok ko.
"Sexy ba ang may bilbil?"
Nanlaki ang mata ko at mas nilakasan pa ang pagsuntok sa kaniya. Wala akong bilbil! Katunayan nga sobrang payat ko pa, hindi sa wala kaming makain, sadyang hindi lang ako tumataba kahit kain naman ako ng kain.
"Bulag ka ba? Oo, bulag ka nga! Kita mong buto't balat na nga ako."
"Tss, kaya nga kumain ka na. Bakit ba ayaw ng mataba? Mahal pa din naman kita." Ngumisi siya sa akin.
Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya saka lumunok. Ang salitang iyon ay sagrado sa akin, naniniwala kasi ako na kapag sinabi mo ang salitang iyon, totoo talaga. Hindi biro.
"Ewan ko sayo." Sumimangot ako sa kaniya at kumain nalang.
"O, ba't natahimik ka?" Seryosong tanong niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. Tinatanong talaga niya kung bakit? Sabagay ano naman ang aasahan ko kay Mark? Playboy iyan e. Wala lang kaniya iyon.
"Iniisip mo ba iyong sinabi kong mahal kita? Mahal naman talaga kita!" Ngumisi pa siya.
Sinuntok ko ang mukha niya. "Ikaw ha! Matuto ka kung kailan at ano ang mga sinasabi kapag nagbibiro!"
Humalakhak siya habang humihiga sa damuhan, "Damn. Hindi mo ako pinapaniwalaan..."
"Sino ka para paniwalaan ko?"
Hindi siya sumagot. Tinapos ko ang pag kain ko ng bopis. Infairness, masarap itong luto nila, kahit ang rice. Minsan kasi may mga rice na ang titigas at halatang NFA pero sampung piso ang presyo!
Nilingon ko si Mark nang maitapon ko sa basurahan ang plastic. Mahimbing siyang nakapikit. Hindi ko alam kung gising ba siya o hindi.
"May wipes diyan sa bag ko, magpunas ka." Biglang sabi niya.
"Sinasabi mo bang mabaho ang kamay ko?" Inis na sabi ko pero kinuha ko pa rin ang wipes niya sa bag.
Gulat na napadilat siya ng mata, "Hindi ko alam kung saan nanggagaling iyang mga iniisip mo! Nagmamagandang loob lang ang tao."
"Tss..." humiga ako sa tabi niya.
Ang ganda ng ulap, hindi gaanong mainit ngayon. Siguro kaya nilagay ng Diyos ang ulap taas dahil gusto Niyang iparating na kapag may problema, tumingala ka lang sa Kaniya, makikita mo ang ganda ng mundo.
"Alam mo ba ang storya ng piso at araw?" Tanong niya.
"Hindi."
"Itanong mo sa akin kung ano tapos ikukwento ko." Sabi niya pero hindi ako nagsalita. "Tss! Ikukwento ko pa din kahit ayaw mo,"
Tumawa ako, "Ano?"
"Sinong mas malaki, ang piso o ang araw?" Tanong niya. Inis na binalingan ko siya ng tingin.
"Tanga ka? Siyempre araw!"
"Easy. So araw nga. Tapos maliit iyong piso, hindi ba?"
Tumango ako. Parang nagkaroon ako ng interes sa sinasabi niya. Sana naman this time may sense na.
"Sabihin nating ang piso ay ang negative at ang araw ay positive. Kapag nilagay mo sa harap mo ang piso, lumiliit ang araw at lumalaki ang piso. It means, kahit gaano kalaki ang mga positive sa buhay ng isang tao kung ilalagay niya sa kaniyang harapan ang negative, liliit iyon at hindi mo makikita ang napakalaking positive."
Napatingin ako sa kaniya. Seryoso lang siyang nakatingin sa mga ulap. Sumulyap siya sa akin saka ngumiti. May sense ang sinabi niya, hindi ko akalain na may ganoon pala siyang pagiisip.
Tumawa siya, "Narinig ko lang iyon sa preacher namin sa simbahan."
Napairap ako. Akala ko naman galing talaga sa kaniya. Pero atleast nakinig siya at inaapply niya sa kaniyang buhay.
I'm so proud of you, Mark!
"Hindi pa ba tayo uuwi?" Tanong niya nang bandang hapon na. Kitang kita mula rito ang araw na papalubog na.
"Tara?"
Tumayo siya saka inabot ang kamay sa akin at hinila patayo. Nagpagpag ako ng pwet. Kinuha niya ang aking bag at mga plastic na pinamili ko.
"Hoy akin na bag ko!" Imbes na ibigay niya ang bag ko ay bag niya ang binigay niya sa akin.
"Mas magaan iyan dahil walang libro."
Bahala nga siya riyan! Ang dami ko kayang libro sa bag ko tapos buhat pa niya ang plastic ng mga damit ko.
Sumakay kami sa bus katulad ng sinakyan namin kanina. Pinasadahan ko ng tingin itong lugar, napakatahimik. Sana manatili iyong ganoon.
"Ihahatid kita hanggang sa bahay niyo."
"Huwag na! Nandoon sina Tatay at Kuya, lagot ka doon." Pananakot ko.
"Ano naman? Feeling mo matatakot na ako? Ha! Batang may laban yata to." Tinaas niya pa ang dalawang kilay niya saka ngumisi. Tumawa ako at sinampal ang mukha niya.
Ngayong araw, ibang Mark ang nakilala ko. Mark na may malambot na puso, Mark na maalaga, Mark na may sense at Mark na mahal na mahal ang ina.
"Dito na nga lang kasi!"
Nag-aaway pa kami kasi ayoko sanang ihatid niya ako hanggang sa bahay namin pero ang kulit kulit niya. Sinusulyapan niya pa ang loob ng subdivision.
"Bakit may lalaki ka ba maliban sa akin?"
Siraulo talaga! Siya ang unang boyfriend ko at hindi ko alam kung icoconsider ko ba siyang boyfriend dahil nga deal lang naman ito.
"Matapang ka ha! Huwag na huwag kang aatras kapag nakita mo ang Tatay at Kuya ko."
Sa huli ay wala na din akong nagawa kundi isama siya hanggang bahay. Nang papasok kami sa subdivision ay ang tapang tapang niya at kwento siya ng kwento sa mga nakakaaway niyang gang sa school pero nang makapasok na siya sa loob ng aming bahay ay para siyang tuta.
"Anong pangalan mo?" Tanong ni Tatay.
Sinulyapan ako ni Mark. Nakaupo siya ngayon sa couch habang si Tatay at Kuya Ten ay nakatayo sa kaniyang harapan. Inirapan ko siya.
Bahala ka sa buhay mo! Ginusto mo iyan e. Ipakita mo ngayon ang tapang mo.
Pumunta ako sa kusina para tulungan si Mama sa paghahanda ng aming dinner. Narinig ko ang mga sagot ni Mark at ang iba pang tanong nila Tatay at Kuya.
"Huwag niyo ngang tinatakot iyang bata..." ani ni Mama kina Tatay. Binalingan niya ang tingin, "Nga pala, pupunta ngayon sina Sierra dito kaya dagdagan mo ang plato."
Bigla naman nabuhay ang dugo ko sa sinabi ni Mama. Si Sierra ang pinakaclose kong pinsan dahil parehas kami ng edad at parehas kami ng mga gusto.
"Sinong kasama niya?"
"Ang tita Sandra mo. May mga dala daw silang pasalubong, lalo na sa iyo galing kay Sierra."
Nasa ibang bansa sina Sierra at tuwing umuuwi sila dito sa pilipinas ay dito agad sa amin ang diretso bago sa probinsya.
Wala pang ilang minuto ay narinig ko nang may kumatok sa pintuan. Dali-dali ko iyong tinakbo at nakita ko si Mark na bubuksan sana ang pinto kaso naunahan ko na siya.
"Sierra!" Sigaw ko saka niyakap siya. Nagtatalon talon kami habang magkayakap.
"Omg couz, namiss kita!"
"Ang dami kong kwento sa iyo. Pero bago iyon, nasan ang pasalubong ko?" Inilahad ko sa harap niya ang kamay ko. Ngumisi siya saka tinuro ang likuran kung saan nandoon ang medyo malaking box.
"Sa iyo lahat iyan!" Sa gulat ko ay hindi agad ako nakagalaw. Pumunta si Sierra sa couch para maupo. Tinakbo ko naman ang box saka binuhat.
"Akin lahat to? May chocolates ba? Dress? Make ups?"
"Lahat." Aniya. Lumipat ang tingin niya kay Mark na tahumik kaming pinapanuod sa gilid.
"Sino siya?" Tanong niya saka ngumiti.
"Ah, iyan? Pulubi sa labas-"
"Herin!" Saway ni Tatay.
Umirap ako, "Si Mark, schoolmate ko." Pakilala ko.
"Boyfriend." Pagtatama ni Mark. Inilahad niya kay Sierra ang kaniyang kamay at nag shake hands sila. "You are?"
"Sierra. Pinsan ni Herin." Sa boses palang ni Sierra ay alam ko ng kinikilig siya. Umirap ako.
Wawarngingan ko ata ang pinsan ko na playboy iyang si Mark para maputol na ang pagkagusto niya rito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top