Deal #6

"Hindi mo talaga ako titigilan hangga't hindi ako nawawala sa pagmumukha mo 'no?" matapang na tanong ko. Nagtinginan lahat ng tao sa canteen, maging sila Dong ay pinipigilan na kami.

"Mahiya naman kayo uy, hindi naman sinasadya ni Mark yun..." sabi ni Ren.

Tinignan ko si Mark para magtanong kung sinasadya niya ba iyon o hindi sa pamamagitan ng tingin ko.

"Sinadya ko yun..." pagaamin niya.

Tinulak ko siya, "Kupal ka talaga!"

"Hoy Mark, ano bang pinag-sasabi mo?!" gulat at galit na sabi ni Dong.

Bigla namang pumasok sina Koeun kasama ang mga kaibigan niya. Ngumisi siya kay Mark saka lumapit.

"Yeri, may nabalitaan ka bang nabugbog kanina?" tanong niya sa kasama niya pero obvious naman na nagpaparinig siya sa akin.

"Yup! At balita ko, lampa daw!"

Nag-init ang ulo ko. Pinigilan ko ang sarili ko dahil tama ang sinabi ni Mark kanina, mapupunta lang ako sa guidance at mapapahiya sina Nanay at Tatay.

"Bakit hindi mo sabihin sa akin mismo hindi iyong nagpaparinig ka?" mahinahong sabi ko kay Koeun pero sa loob loob ko ay sasabog na ako.

"Oh! Natamaan ka ba? Ilag ilag din kasi..."

"Stop this Koeun..." seryosong sabi ni Mark. Tinignan siya ni Koeun nang masama.

"Pinagtatanggol mo ba siya?" kunot noong tanong niya.

Hindi sumagot si Mark. Tumayo naman si Jaemin para umawat na din, dumating na din sina Lami.

"Mga kupal kayo, away ba gusto niyo?" matapang na sabi ni Hina.

"Bakit? Lalaban ka bang hapon ka?" sabi ni Yeri saka lumapit kay Hina.

"Tss," hinila ni Mark ang kamay ko.

"Bitiwan mo nga ako!"

Tuloy-tuloy lang siya sa paghila sa akin. Nilagpasan namin ang field kaya nagtaka na ako kung saan ako dadalhin ni Mark.

"May klase pa hoy!" sambit ko nang bigla kaming sumakay sa bus na huminto sa aming harapan.

Tinulak niya ako para mapaupo sa may bintana. Tumabi siya sa akin at nagbayad na sa conductor. Inis na inis ako habang matalim siyang tinitignan.

"Ano nanamang trip mo, Mark?"

"Huwag ka ngang maingay." inis na saway niya sa akin.

So, ako pa ang may kasalanan? Siya pa magagalit, e siya nga tong lagi nalang umiiwas kay Koeun tapos sinasali pa niya ako sa mga kalokohan niya.

Bumaba kami sa mall, tamang tama may bibilhin ako ngayon. Dumiretso agad ako sa department store at namili ng mga damit.

"Talaga bang uubusin mo lahat ng pera mo para lang sa mga damit?" kunot noo niyang tanong.

"Pakielam mo?"

"Kung sabagay, ayos na rin iyan. Para maghanap ka na ng mapapangasawa mong mayaman. Aherm! Mayaman ako."

Inirapan ko siya at hindi nalang pinansin. May babaeng lumapit sa amin, dumiretso ito kay Mark para magpapicture.

"Pwede po magpapicture?" binilang ko sila habang hawak ang mga damit. Lima sila.

Nagkamot ng batok si Mark, "Tanong niyo muna kung ayos lang sa asawa ko..." nginuso niya ako.

Gulat na napalingon sa akin ang mga babae. Umirap ako, "Ayos lang! By the way, hindi ko iyan kilala."

Nagpapicture ang mga babae. Ngising ngisi si Mark sa kanila, ang iba ay hinalikan pa ang pisngi niya. At si Kupal, tuwang tuwa naman!

"Okay na ba?"

"Last na, ano pong pangalan mo?"

"Mark Lee..." sagot niya. Tumitili namang umalis ang mga babae saka ako binalingan ng tingin ni Mark.

"Anong masasabi mo sa boyfriend mong gwapo?" nagpogi sign pa siya.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Wala!"

Tumawa lang siya. Sa dami ng pinili ko ay hindi ko na mabuhat lahat iyon. Lumapit sa akin si Mark na akala ko ay tutulungan ako.

"Ano, mabigat ba?" ngising tanong niya.

"Kung hindi mo naman ako tutulungan, umalis ka nalang sa harap ko okay?"

Nag-cutting pa tuloy ako dahil sa kanya! Hindi ko alam kung saan ang punta namin after dito sa mall. Hindi pa pala ako kumakain.

"Tss," inagaw niya sa akin ang mga damit.

"Wow! Nakakahiya naman." sarkastikong sabi ko. Inirapan niya lang ako.

"Saan na tayo ngayon?" tanong niya. Mahigpit kong hinawakan ang plastic na punong puno nang pinamili ko.

"Hindi pa ako kumakain!"

"Pakielam ko? Kumain na ako kanina kaya hindi na ulit ako kakain."

Gaspang talaga ng ugali, hindi manlang gentleman! May matino bang lalaki na walang pakielam sa girlfriend niyang gutom at hindi pa naglalunch?!

"Ewan ko sayo!" nilagpasan ko siya.

Narinig ko ang tawa niya saka hinawakan ang plastic na hawak ko, hinawakan niya din ang braso ko.

"Bitiwan mo nga ako."

"Anong problema kung hawakan kita?"

Ang ibang tao ay pinagtitinginan na kami pero wala siyang pakielam kaya magpapatalo ba ako sa kanya? Syempre hindi.

"Madudumihan ako."

Ngumisi siya, "Herin, paninirang puri iyan. Mabang ako. Gusto mo amoyin mo pa?"

Tinaas niya ang kanang kamay at akmang ipapaamoy sa akin ang kili-kili niya. Nagsumbong na ako sa guard na nasa gilid namin.

"Kuya Guard, may bastos ho dito!"

Inis na inakbayan ako ni Mark para hilain palabas ng mall. Kumakalam na ang sikmura ko, huwag niyang sabihin na hindi talaga niya ako papakainin?!

"Nagugutom nga ako sabi!"

Kung hindi dahil sa mean girls na iyon, edi sinisimot ko sana ang beef mushroom ko ngayon. At kung hindi sana ako hinila ni Mark! Kaya ko namang labanan ang mga iyon e.

"Hindi ba makakapaghintay iyang gutom mo? May pupuntahan pa tayo."

Napasimangot ako. Ang malas ko ata ngayong araw. Ay mali! Ang malas ko na ata simula nung nakilala ko si Mark.

"Saan ba?"

"Basta," kinutungan niya ako saka hinila papasok ng bus.

May isang oras ang byahe namin at gutom na gutom na talaga ako. Bumaba kami. Hindi ko alam kung saan na ito banda dahil ngayon ko lang nakita itong lugar.

Tahimik at mukhang walang nagagawi dito. Hinila niya ako. Bumili siya ng pagkain sa karinderya saka kami umakyat sa parang maliit na bundo.

Pagdating namin doon ay literal na nalaglag ang panga ko. Ang ganda dito! Kitang kita mula dito sa taas ang mga nasa baba. Parang bigla ata akong nabusog.

"Paano mo nalaman itong lugar?"

"Syempre gwapo ako tsaka mayaman. Kaya kung ako sayo, si Mark Lee na ang pakakasalanan ko."

"Seryoso nga kasi!"

Tumawa siya, "Si Mommy ang nagdadala sa akin noon dito... siya ang talagang may alam ng lugar na ito."

"Talaga? Nasan na Mommy mo ngayon?"

Ngumisi siya, "Patay na..."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top