Deal #3
Tahimik lang ako habang naglalakad sa hallway. Nakatali ng sobrang taas ang aking buhok at hawak ko ng mahigpit ang strap ng bag ko.
Yumuko ako nang mapaso ako sa talim ng titig ng mga babaeng nadadaanan ko sa hallway. Sinadya talaga nila yan, hindi naman sila namamalagi doon.
"Ang panget nya talaga, ang kapal ng mukha na si Mark pa ang pinili!"
"Hindi ko nga alam na nageexist pala yang babaeng yan sa mundo!"
Hindi ko nalang pinansin ang mga naririnig ko. Alam ko naman sa sarili ko na maganda talaga ako, bahala na sila sa kung anong isipin nila. Mga inggitera!
"What the? Ngayon lang ata kita nakitang nagtali ng buhok..." salubong sa akin ni Hina.
Kumunot ang noo ni Lami habang tinitignan ako. Lumipat ang tingin nya sa labas ng classroom at nakita ang mga babaeng sinundan pa talaga ako hanggang dito.
Ngumisi ako ng pilit, "Bagay ba?"
"Herin..." napawi ang ngiti ko. Ayoko sana syang lingunin dahil alam kong papatayin na ako anytime ng mga fangirls nya.
Magkasalubong ang kanyang kilay at seryosong nakatingin sa akin. Pinasadahan nya ng tingin ang buhok kong nakatali ngayon kaya hinawakan ko iyon.
"What?" tanong ko.
Umigting ang panga nya nang lumipat ang kanyang tingin sa aking mata. Suminghap ang mga babaeng nakasilip sa aming classroom.
"Nag eye to eye sila?" rinig kong bulungan nila.
Inirapan ko siya, "Mark pwede ba kung wala ka namang sasabihin sa akin ay umalis ka nalang?"
Naningkit ang mata nya, "Paano kung may sasabihin ako?"
"Then say it! Hindi yung gumagawa ka ng eksena..."
Tumaas ang isang kilay nya na parang manghang mangha dahil dito mismo nya sasabihin ang gusto nyang sabihin sa akin.
"Bakit mo ako iniwasan kahapon? And I told you to wait for me outside your house... bakit ka pumasok nang hindi ako kasama?" seryosong sabi nya. Ngumisi sya ng sarkastiko at kitang kita ko ang pagka-inis nya sa kanyang mata.
"Kasi kaya kong pumasok mag-isa! Now, umalis ka na dito kasi may klase pa kami..." hinawakan ko ang braso nya para i-guide sana sya palabas ng room pero agad nya yung hinawakan at pinigilan ako.
"Sabay tayong magla-lunch mamaya, huwag mo akong iwasan." napairap ako sa sinabi nya at tumango nalang para umalis na sya.
Umupo ako sa gitna ni Hina at Lami na tinititigan ako.
"Herin, ang haba ng hair mo!" sabay nilang sabi. Umiling nalang ako at hindi sila pinansin.
"Pero bakit ka nagtali ng buhok?" tanong ni Lami habang hinahawakan ang buhok ko.
"Panget ba? Nakita ko naman sa salamin kanina na bagay sa akin, a?" kunot noong tanong ko. Maging si Kuya Ten ay nagulat nang makita ako dahil mukha na daw akong babae.
"Bakit nga?"
Huminga ako ng malalim, "Baka kasi malagas buhok ko kapag sinabunutan ako ng mga babae ni Mark..." bulong ko sa kanila.
Humagalpak sila sa tawa saka naghampasan pa. Nasa gitna nila ako kaya maging ako ay nahahampas nila.
"Si Herin, takot?" lumuluha pa ang mata ni Hina dahil sa sobrang tawa.
Sumimangot ako. Matapang ako pero anong laban ko sa dami ng fangirls ni Mark? Alam ko namang hindi ako tutulungan nung lalaking yun. Baka kapag nakita nya ako binubully ng mga babae ay pagtawanan pa nya ako.
Hindi pa natatapos ang klase namin bago maglunch ay nakita ko na agad si Mark sa labas ng room namin. Nagsigawan ang mga babae dahilan kung bakit nainis ang teacher namin.
Lumabas sya at sinermunan ang mga babaeng nagtitilian. Tinuro ng mga babae si Mark na kasama ngayon ang mga kaibigan nya kaya napabaling ang tingin ng teacher namin sa kanya.
"Lunch nyo na hindi ba? Wala dito ang canteen..." anang teacher namin.
Nasa magkabilang bulsa ng uniform ang kamay ni Mark at nakasandal sa pader. Tinignan nya ang teacher namin na parang studyante lang ang kausap nya.
"Hinihintay ko si Herin..." walang alinlangan nyang sabi. Napapikit ako.
Patay ako! Gusto ko syang suntukin at murahin ngayon. Mapapahamak pa ako neto!
"Hindi pa tapos ang klase namin, kaya kung pwede sa canteen ka nalang maghintay?" mahinahon pero galit na sabi ng teacher namin.
Tinignan ko si Mark. Umiling sya at tumingin na din sa akin, "Baka iwasan nya ako."
Nagbulungan ang mga tao sa paligid. Fucking shit Mark! Sarap tahiin ang bunganga mo.
Bumaling sa akin ang mata ng teacher namin. Nanlaki ang mata ko sa gulat at napayuko nalang. Baka maapektuhan ang grado ko shit!
"Herin, lumabas ka na..."
Nag-angat ako ng tingin, "Pero Ma'am-"
"Lumabas ka na! Alam mo na tong tinuturo ko hindi ba? Okay na..."
Hindi ko alam kung susundin ko ba sya dahil baka nagbibiro lang sya pero agad na pumasok si Mark sa classroom namin at sya na ang nagbuhat ng bag ko.
"Let's go..." hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako.
Naggi-give way ang mga tao kapag dumadaan kami ni Mark. Nasa likod namin ang mga barkada nya na nagkukwentuhan na parang wala lang sa kanila ang mga babaeng nagkakadarapa sa kanila.
"Oh my God!" rinig kong sigaw ng tropa ni Mark. Kanina pa nya iyon binabanggit at nakakairita na.
Tumawa ang isa na may malalim na boses, "Nagugulat si Herin sa sigaw mo Chenle..."
Nilingon ako nung Chenle at ngumiti saka nag wave. "Hi Herin!"
Humigpit ang hawak sa akin ni Mark at hinila ako palapit sa kanya. "Back off, Chenle..."
"What?" tumatawang sabi ni Dong. "Nagseselos ka kay Chenle? Iba na to pre! Akala ko ba si Herin ang patay na patay sayo?"
"Sinong may sabi na patay na patay ako sa kanya?" Inis na tanong ko. Nakarating kami sa canteen, umiwas si Mark dahil sa tanong ko. Tumayo sya at pumunta sa counter para umorder.
"Sabi nya..." nginuso ni Jaemin si Mark na seryosong nag-oorder ngayon.
Tumayo na din sila para mag-order. Okay? Ako ang babae tas ako ang huling mag-oorder? Wow gentleman naman pala ng mga to.
Inis na sinipa ko ang upuan sa harap. Hindi ako makaalis dahil nasa table namin ang mga gamit nila at kahit naiinis ako ay hindi ko pa din maiwan dahil baka may importante doon.
"Oh? Pati sa upuan naiinis ka?" manghang mangha si Mark. Umupo sya sa tabi ko.
Nagulat ako nang ilagay nya sa harap ko ang beef mushroom na may dalawang rice. Nilingon ko sya para sana magtanong pero nailang ako nang maabutang nakatitig sya sa akin at pinapanuod ang reaction ko.
"What? Diba favorite mo yan. Nakakailang rice ka nga kapag yan ang ulam mo... kulang pa ba ang rice?"
Nagulat ako kasi alam nyang favorite ko yun. Kahit sila Lami ay hindi nila alam tsaka hindi ko naman binabanggit ang mga paborito kong ulam.
"Paano mo nalaman?"
Nag-iwas sya ng tingin habang inaalis ang plastic sa kanyang kutsara't tinidor. "Basta! Kumain ka nalang..."
Habang kumakain kami ay daldal ng daldal ang mga tropa nya habang si Mark naman ay minu-minuto akong chine-check kung kumakain ba ako.
Tumawa sya, "Ang hinhin mo ata kumain ngayon?"
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang dumating sina Hina at Lami. Umupo sila sa harap ko, katabi ang mga tropa ni Mark.
"Order-an mo ako Lami!" utos ni Hina na katabi ngayon si Jaemin.
"Wow ayos a, may katulong ka?" sarcastic na sabi ni Lami saka dumiretso na sa counter.
"Savage!" tumatawang sabi ni Jaemin kaya sinamaan sya ng tingin ni Hina. Tumayo na din sya para um-order.
"Kumain ka pa..."
"Kumakain naman ako a? Chill ka lang kasi!" inis na sabi ko. Ano bang gusto nya, mabilaukan ako saka nya ako tatawanan?
Tumawa sya, "Gusto ko kasing tumaba ka para pumanget ka..."
"So sinasabi mong maganda ako?"
"You wish!" he smirked.
Tahimik lang akong kumakain habang nagtatawanan sila Lami dahil sa joke ni Dong. Hindi na nga ako minsan makakain dahil sa kadaldalan ni nila Lami, lumala pa ngayon dahil nadagdagan sila.
Ang maingay na canteen ay lalong umingay dahil sa mga babaeng pumasok. Diretso ang tingin nya kay Mark habang nakangisi.
"Hi baby!" nilapitan ng isa si Mark at hinalikan sa pisngi.
Isa siguro to sa babae ni Mark dati? Well, maganda sila at maganda sya.
"Koeun..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top