Bala #8

Bala #8

Lost

"Fuck!" galit kong bulong habang nakatingin sa limang taong nasa harapan namin ni Sir Marco.

Nilingon ko siya at binulungan, "Don't look at what I'm going to do and stay behind me, okay?"

Tumango ang anghel at sinunod ang utos ko. Mabilis kong inilabas ang dalawang baril na nakalagay sa holster ng jeans ko. Tiningnan ko silang lahat na nakatutok ang mga baril sa akin.

Before their leader could give them a go signal, I immediately shot them habang umaatras ako at pinoprotektahan si Sir Marco. I could hear his rugged breathing and how he cursed.

Mag-lo-load pa sana ako ng bala ngunit nakaramdam ako ng mga yapak mula sa aming likuran na papalapit. Malamig ang mga matang tinanaw ko ang mga bangkay sa harapan ko at mabilis na ibinulsa ang baril bago ko muling hilahin si Sir Marco papalampas sa mga bangkay.

I will do everything to keep you safe, baby. Even if it means killing in front of you, even if it means you're going to hate me!

Nakagat ko ang labi ko at napamura ako nang makarinig ng putukan sa likuran namin. Sino ba talaga ang may pakana nito? Shit.

Inutusan ko si Sir Marco na mauna na sa akin dahil baka madaplisan pa siya. Mabilis kaming tumakbo papaalis do'n ngunit mukhang nasundan yata kami dahil naramdaman ko ang pagdaplis ng dalawang bala sa aking pisngi at braso.

Mas tumindi ang galit ko sa taong may pakana nito ng makitang dead end na ang nalikuan namin. Sandali akong tumingala at nakitang dumidilim na ang kalangitan.

Shit, mukhang uulan pa yata.

Humarap ako sa aming likuran at itinago ko sa likod si Sir Marco at malamig ang tinging ibinigay ko sa kanila

"Who the fuck sent you?" tanong ko sa tatlong taong humahabol sa amin.

Ngumisi ang lalaking nasa may gitna at may hawak ng baril na nakatutok sa akin. Diretso ang tingin niya sa mga mata ko. Naramdaman ko ang kaba ni Sir Marco na hawak-hawak ko ang braso dahil sa mga mahihinang mura niya.

"Gusto mong malaman? Bakit 'di ka sumama?" Nakatawang sagot niya sa akin.

"Hindi kami tanga para sumama sa mga kagaya ninyo," seryosong sagot ko sa kanya. Nawala ang ngisi ng lalaking nasa gitna at nakipagtagisan ng titig sa akin.

Pinakiramdaman ko sila at may namumuong tensyon sa amin. Gusto kong mapamura dahil hindi ko pa na-re-reload ang mga baril ko at papaubos na rin ang mga balang dala ko.

No choice. Fuck. Mukhang matatamaan ako ngayon.

I need to take them down by my hands, huh? So much for being a bodyguard. Fuck.

"Duck your body when I let go of your arms," utos ko kay Sir Marco.

Nilingon ko siya at tumango siya. Inihanda ko ang sarili ko sa pagtakbo at nang sandaling binitawan ko si Sir Marco ay naramdaman ko ang pag-upo niya sa lupa habang sinusugod ko ang mga tatlong tao na mukhang leader ng mga umatake sa amin.

Pero mukhang hindi sila ang mastermind.

Mabilis silang nagpaputok pero naiwasan ko ang iba ngunit 'di pa ring maiwasang madaplisan ako. Nang makalapit na ako ay  sinipa ko ang kamay ng kanilang lider na patuloy ang pagpapaulan ng bala sa akin.

Napamura ito ng sinuntok ko ang kanyang balikat dahilan para tumumba ito sa lupa. Papatulugin ko na sana ito nang biglang sumugod ang lalaking nasa kaliwa niya. Sumuntok siya at sumipa ngunit mas mabilis ako sa kanya dahil nararamdaman ko ang pressure sa hangin.

Sinulyapan ko ang nasa kanan at nakita kong papalapit na ito kay Sir Marco habang nakatutok ang baril. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nakita!

Hindi talaga patas ang laban! Fuck!

Kaya naman mabilis akong yumuko at kinuha ang baril ng kanilang lider na namimilipit pa rin sa sakit dahil sa mga tamang natamo niya sa aking sipa at suntok.

Mabilis kong pinagbabaril sa ulo ang lalaking papasugod kay Sir Marco habang lumalapit sa kanya ngunit 'di ko agad napansin ang paparating na suntok sa aking tagiliran mula sa nakalaban ko kanina.

"Shit!" Napangiwi ako at babalingan na sana siya ngunit nanlaki ang mga mata ko sa nasaksihan.

Sir Marco lunged towards him and punched him, real hard. Bumagsak sa lupa ang lalaki ngunit kinubabawan siya ni Sir Marco at pinagsusuntok pa.

Nilingon ko ang kanilang lider at sinabunutan. Itinutok ko ang malamig niyang baril sa kanyang sentido para matakot ko siya.

"Tell this to your fucking boss, I will find him and when I did he should be ready to face my wrath. Papatayin ko siya," malanig na bilin ko rito bago ko ito binitawan at malakas na tinadyakan ang kanyang tyan.

Dumaing siya ngunit 'di ko na pinansin at nilingon ang nagmumurang si Sir Marco. Inilagay ko na sa holster ang baril na nakuha ko at nilapitan na siya.

"That's enough. We need to go," pigil ko sa kanya at hinila na siya patayo.

Tumingin siya sa akin.

"Are you okay?"

Parang kailan lang ako ang nagtatanong sa 'yo n'yan, huh?

Ngumiti ako at tumango. Kahit nangingiwi dahil sa mga sugat na natamo ay hinawakan ko pa rin ang kanyang kamay,

"Let's go," I said.

Kahit na gusto kong tumigil na muna at palipasin ang sakit ay tiniis ko na lang at baka masundan pa kami ng mga galamay nila. Mabilis kaming naglakad papalabas sa eskinitang iyon.

Napangiwi akong lalo ng mapagtanto ko na hindi ko kabisado ang lugar na ito. What the actual fuck? Shit.

"Malas naman oh!" inis na bulong ko ng maramdaman ko ang malalaking patak ng ulan.

Lumingon ako at 'di ko na alam kung may nakasunod pa ba sa amin kaya mas hinila ko pa si Sir Marco sa mas mataong lugar na nagkakagulo na dahil sa biglaang pag-ulan.

"Where are we going?" tanong ni Sir Marco sa akin. Umiling ako at sabay kaming sumilong sa waiting shed na nasa gilid ng kalsada.

Sana naiwala na namin sila.

"I don't know. I think… we're lost," I said as I roamed my eyes in the unfamiliar place in the Centro.

So much for protecting him! Shit.

Bumuntong-hininga siya at nilibot ang tingin sa buong paligid. Tinanggal niya ang kamay kong nakakapit sa kanyang braso at inilagay sa kanyang kamay.

Nilingon niya ako. "Don't worry, querida. I think, I know this place," he said.

Sinulyapan ko siya at tinaasan ng kilay.

"Are you sure?"

Tumango siya at hinigpitan ang hawak sa aking kamay.

"At least we're safe now. Let's go, you might catch a cold."

Hinila niya ako papalapit sa kanya at sabay kaming tumakbo patungo sa direksyong 'di ko alam kung saan papunta. Ang importante ngayon ay ang kaligtasan niya.

And everything that comes in this rainy day seems like a trial before we see the daylight.

darkFortalejo_16 | Dey Fortalejo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top