Bala #5
Bala #5
Pale
After the long day of driving him to every places he wanted to visit. I glanced at my watch and saw that it was 9:30 in the evening.
Damn, aren't we already late? But shit. He probably missed his night life and here we are in a bar, he met with his friends and they're having fun.
Crowded ang buong lugar. Malalakas na tugtog at maraming mga taong nagsasayaw sa baba.
I saw how he smiled but I doubt if it's genuine?
Huminga ako ng malalim at kahit mula sa iba't ibang ilaw na nagsasayawan ay nakita ko siyang lumilingon-lingon na tila ba hinahanap ako.
I thought you don't trust me, baby?
Umalis ako mula sa dilim at lumapit sa kanila. When his eyes landed on me I saw how his body relaxed. Gusto kong matawa. Akala ko ba wala siyang tiwala sa kakayahan ko?
Lumapit ako sa kanya at agad niyang hinawakan ang kamay ko. Muntik pa akong mapaigtad dahil sa pagkabigla.
His hands felt so soft… he's really an angel. Damn, what the fuck am I thinking?
Pinapaupo niya ako sa kanyang tabi habang tuloy ang tawanan ng kanyang mga kaibigan.
"One more, Martina!"
Tumatawang kantyaw nila sa babaeng blonde ang straight na buhok. Malandi itong tumawa bago kinuha ang baso na naglalaman ng margarita at ininom ng diretso.
Habang tahimik akong nakatayo sa gilid ng upuan ni Sir Marco.
"Miss, there are two suspicious people here." Tumiim ang bagang ko sa narinig kay Franco mula sa earpiece.
Si Franco ang second-in-command ko. He's the captain of the bodyguards and he was glad when he met me to lead them.
Hindi kagaya ng iba r'yan na dine-degrade agad ang kakayahan ko, just because I am a girl. Sinulyapan ko si Sir Marco na nakikipagbulungan sa isang lalaking katabi niya.
"Keep an eye on them, Franco," mahinang utos ko sa kanila.
Tumingin ako sa paligid at napansin ko ang tatlong tao na tahimik na umiinom pero patingin-tingin ito sa gawi namin at parang nangingiti pa.
Fuck! May kasama pa sila!
Hindi ako nagpahalatang napansin ko na sila at mas lumapit pa ako sa upuan ni Sir Marco. Mabilis kong ibinulong kay Franco ang nangyayari at mabilis niyang inutusan ang mga tao niya na umikot sa buong lugar.
"Oh, you have a new fling? Damn, Marco! Am I that easy to forget?" biro ng isang babaeng itim na itim ang buhok habang tumatawa.
Sinulyapan ko siya at nakilala ko siya, she was the rumored girlfriend of Marco's rival company, my brother's company actually. Tsismis din na hiwalay sila kaso walang nakakaalam kung bakit.
Is it because of Marco? But I doubt it. Wala namang sinasabi si Kuya at mas lalong walang kumukumpirma kung ano ba talaga ang nangyari. Maybe it's all just gossip.
Lumunok ako nang hinapit ni Sir Marco ang bewang ko at pinaupo niya ako sa hita niya. Tututol sana ako pero mas humigpit ang hawak niya sa bewang ko.
Ramdam ko ang walang awang pagwawala ng puso ko sa bawat pagtibok nang ipinatong niya ang kanyang baba sa balikat ko. Ramdam na ramdam ko na naman ang init ng kanyang hininga sa aking leeg.
Shit, Bullet! He's teasing you again!
"Shut up, Lauren," he said seriously before his hands traveled up into my underboob. Natawa si Lauren bago siya hinila ni Martina patungo sa dancefloor.
"Oh, man! She got a nice body!" biro nang lalaking tinawag niyang Kean at ngumisi na tila ba nang-aasar.
"S-sir… aren't we going home?" hindi makatiis na bulong ko sa kanya.
"Why?"
"Aren't you tired?" sagot ko.
Hindi siya sumagot pero mabilis niya akong pinakawalan. Nagtatakang tumayo rin ako at inilibot ko ang tingin ko sa paligid.
I saw Franco from afar nodding at me before I heard his voice from the earpiece I'm wearing. "We got them, Miss."
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa nangyari. I hope that this night can be stress free. Nagtatawanan pa rin ang mga kaibigan niya ng mapansin nilang nakatayo na kami pareho.
"Leaving so soon?" tanong no'ng lalaking kamukha ni Marco, I am suspecting that he's Marco's cousin.
"She's sleepy, Jacob! Take care here!" Nagkamayan silang lahat at bumeso naman ang dalawang babae kay Marco na kakabalik lang mula sa dancefloor.
"I need to go to the rest room, querida," he whispered.
Tumango ako at pinauna siya. Para hindi na siya kabahan na sinusundan ko siya hanggang rest room ay pinapunta ko na lang si Franco sa loob at nagpasyang hintayin na lang si Sir Marco sa labas.
Pero bago pa man ako makalayo ay naramdaman ko ang paghawak sa aking kamay para pigilan akong lumabas. Kumalabog ang dibdib ko ng maamoy ko ang strawberry scent sa kanya.
"Kuya…"
"Don't let him hurt you, sister. I don't want you to get hurt, so please, mag-iingat ka," bulong niya at agad akong pinakawalan bago nauna sa aking lumabas na akala mo ay hindi kami magkakilala.
My heart aches. He's still wearing his tuxedo when he's here. I know that he can do anything just to protect me. Pero hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay magiging maayos ako.
I am twenty years old now and I need to face things like this like an adult. But still… to be cared like this kahit na parehas na nagbago ang ugali naming dalawa made a great ache in my heart kasi parang wala namang nagbago.
Baka kasi ako lang ang nag-iisip no'n?
"Miss! Miss! Hurry up here!" I was snapped back from my reverie when I heard Franco's panicking voice.
Mabilis akong pumasok muli at binangga ang mga taong nagsasayawan na akala mo ay huling gabi nang buhay nila.
"Anong nangyari, Franco?" natataranta ko na ring tanong dahil ilang beses ko siyang narinig na nagmumura.
"Tangina! Bantayan niyo kasing mabuti!"
"Ano bang nangyayari?" malumanay na tanong ko ulit at nang makita kong namumutla si Sir Marco nang bumaling at lumapit sa akin ay nanghina ako.
"Gumagalaw na 'yong taong nasa likod nito, Miss," sagot ni Franco sa kanina ko pang tanong habang inaabot sa akin ang isang papel na nilamukos dahil sa gigil.
"Querida…" tila batang yumakap sa akin si Sir Marco. Mas nanghina ako ng maramdam ko ang init ng katawan niya.
Shit! Bullet, get your grip together! Nasa mission ka! Shit!
"Clear the whole parking lot, Franco!" utos ko kaya't mabilis itong umalis at iniwanan kaming dalawa ni Sir Marco na ramdam ko ang takot.
"Don't be afraid, Sir," I said and tapped his back before I held his hand and pulled him to move now. Nagpakuha ako ng blue print mula kay Hacker na nasa may Buena Costanza at kasalukuyang nasa misyon kaya naman kabisado ko ang Club Cara Mia.
Nanatiling tahimik si Sir Marco at nagpapatianod sa akin. Kahit na ayaw ko ay dumaan kami sa gitna nang dancefloor kung saan may mga nagsasayawan para maiwala namin ang sumusunod sa amin, kung meron man. Wala na akong pakialam kung makabangga man kami o makasagi o makatapak ng paa.
What's important now is his safety.
Mahigpit kong hinawakan ang kanyang kamay ng marinig ko ang kaguluhan sa labas mula sa earpiece na suot ko. I could hear their loud and rugged breathing.
"Fuck!" mura ko ng makarating na kami sa labas at natanaw ko mula sa parking lot ang mga taong nagtututukan ng baril.
"Hindi gano'n kakitid ang boss namin para ipapatay na niya ngayon ang amo niyo," someone spoke at narinig ko ang pagbungisngis niya.
"Wag mo kong hayaang bigyan ka ng babala ng dalawang beses. Umalis na kayo rito bago pa man magkapatayan," banta ni Franco.
Hinila ko si Sir Marco sa dilim at tinanong. "Are you ready to run? Are you tipsy?"
"I'm fine, I didn't drink that much, querida," sagot niya sa mahinang boses.
Binunot ko ang handgun ko mula sa holster na nakatago sa damit ko. Ikinasa ko ito at inutusan siyang 'wag bibitawan ang kamay ko.
"Wag mo akong gawing tanga, gago! Walang magagawa ang babaeng 'yon para protektahan ang tarantado niyong amo!" Nagtagis ang bagang ko ng may sumabat.
This is just the start of that anonymous prick on threatening his life.
"Shoot, Franco. But don't kill anyone." Nilingon ko si Sir Marco na nakatingin sa akin.
This is just the start, baby.
Ilang saglit pa ay nakarinig na kami ng putukan. Hindi iyon maririnig sa loob ng bar dahil bukod sa malakas ang tugtog ay halos lasing na ang lahat ng mga tao ro'n.
Nagtago ang mga tauhan namin at narinig ko ang tanong ni Franco. "We can't kill, Miss?"
"Wait for my order, Franco."
Ramdam ko ang isang presensyang nakatago sa dilim bukod sa sampung kalaban ng mga bodyguard ni Sir Marco.
Shit! Siya ba ang may pakana nito?
Mula sa distansya namin ay nakita ko ang paglabas nang baril no'ng napuruhang kalaban at akmang babarilin si Franco na nakatago sa isang trash bin!
"The fuck!" naibulaslas ko bago mabilis na gumana ang kamay ko at tatlong beses siyang binaril!
Mas humigpit ang hawak ni Sir Marco sa kamay ko at ramdam ko ring pinagpapawisan na siya.
"Don't kill, just shoot!" utos ko
"Pero, Miss..." may tututol pero agad ko iyong pinutol.
"You heard my order, right? Fucking move, now!" I commanded, full of authority.
Mabilis na nagsikilusan ang mga tauhan ko at sa iilang saglit lang ay bumagsak na ang siyam na taong kalaban nila.
Kinuha ko ang pagkakataon at mabilis kong hinila si Sir Marco habang nagkakaputukan pa rin ay tumakbo kami papalayo ro'n at dumiretso sa pinakamalapit na convenient store.
Malilikot ang mga mata kong sinuyod ang lahat ng madaanan namin pero parang bulang nawala 'yong pakiramdam na may nakamasid sa amin mula sa malayo.
Sino ba siya? At anong dahilan niya para ganituhin ang buhay ni Marco?
Pinaupo ko siya at nakita kong namumutla siya. Nakagat ko ang labi ko bago bumili ng cup noodles.
He looks like he was okay but I can see how his hand's shaking. Maybe it was the first time he saw an actual killing? Or he's just so tense because he doubted my skill?
"Eat this and calm down, then we'll go home," masuyong utos ko sa kanya habang inilalapag ko sa kanyang harapan ang cup noodles.
Pilit itong ngumiti at tumango bago kumain nang cup noodles. Pansin na pansin ko ang pamumutla niya kaya't mas lalo akong nag-alala. Nanatili akong tahimik na sinusulyapan siya at sinusuyod ng tingin ang labas.
"Kamusta kayo r'yan?" tanong ko kay Franco.
"We're fine, Miss. May natamaan sa balikat at sa binti. Tumawag na rin kami ng ambulansya at pulis," sagot ni Franco.
"Pwede mo na kaming puntahan dito. May aayos na n'yan."
"Okay, Miss."
Binalingam ko si Sir Marco at nakita kong nakatingin siya sa akin na tila may mali sa akin. Nilapitan ko siya at binigyan ng mineral water.
"Sir, are you done?" tanong ko. He nodded.
Papalabas kami ng convenient store ng makita namin ang sunod-sunod na pagdating ng mga police mobile at ang pagragasa ng mga ambulansya.
It was a mess for them, huh? First time bang may mangyaring ganito sa Santino?
"Miss Bullet, ayos na po. Pupunta na po kami r'yan," saad ni Franco mula sa earpiece.
Hinawakan ko ang nanginginig na kamay ni Sir Marco.
"Are you okay?" tanong ko.
"Yeah, don't worry, querida."
Nang makarating ang SUV sa harapan namin ay mabilis siyang pumasok. Franco was the one who drove until we got home.
Tahimik itong umakyat at nakita ko ang nag-aalalang mukha ni Sir Markeio. Inaya niya ako sa may balkonahe at do'n ko kinuwento sa kanya ang mga nangyari.
"He's not used to your world, hija. Kaya gano'n ang takot niya." Tumango ako sa sinabu ni Sir Markeio at pumasok na sa loob ng kwarto. Nagpahinga ako saglit bago naligo.
He's not used to my world, so it's better to be cautious when he's around. I'll try to protect him without killing in front of him.
But how? If killing is the only thing that can save him?
Nakikita ko pa rin ang namumutlang imahe niya habang nakapikit ako. He's so scared.
Damn, Bullet! What did you do? Baka lalong hindi ka pagkatiwalaan no'n! Baka matakot sa 'yo!
Pagkalabas ko sa banyo ay tinawagan ko si Sir Acuv and he told me that those attackers were still alive aside from the one I shot.
"I'm going to interrogate them," he said.
"No problem, just update me everything that you'll going to find."
"Okay, kid. Night." And he ended the call.
What is the real reason behind this?
darkFortalejo_16 | Dey Fortalejo
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top