Bala #10

Bala #10

Brother

After a day of staying at the hotel, Sir Markeio told me that the vicinity is safe and clear. Mabilis kaming bunalik sa Santino at maraming naghihintay na trabaho kay Sir Marco.

Pumapalakpak si Miss Semele habang patuloy ang photoshoot nila Sir Marco at nang ilan pang sikat na mga modelo kasabay din nito ang pagpa-practice nila sa susunod nilang catwalk. They're practicing the ramp and their poses.

When it's Sir Marco's turned, he walked towards the stage with oozing confidence as if he owns the world, as if he's an angel and he can do whatever the fuck he wants. Lahat ng mga taong nanonood sa practice ay napasinghap dahil kahit na nakasuot lang siya ng t-shirt at jeans ay bakat na bakat pa rin ang kanyang katawan.

Nang nasa dulo na siya ng stage ay nag-pose na siya.

"Come on, Marco! Fiercer!"

Iyon nga ang ginawa ni Sir Marco sa utos ni Miss Semele. Tumayo pa ang babae at metikulosong pinagmasdan ang bawat pose na ginawa niya.

Nang matapos na siya ay tumingin siya sa akin at kumindat pa! Naghiyawan halos lahat ng mga babae at binabae dahil sa ginawa niya! Napa-iling na lang ako.

Hottest playboy, huh?

Pumalakpak si Miss Semele at nangingiting pinuri siya. Pumalakpak na rin ako at ang iba. Judging from their practice it looks like it will be a huge success these coming two weeks!

Nang makababa si Sir Marco ay dumiretso siya sa akin at hinapit ako sa bewang. I let out a small smile and he stole a kiss from my cheeks. Namula ako dahil sa ginawa niya.

Shit! This tease-monster!

Nakagat ko ang labi ko at nakita ko ang iilang pagsulyap sa amin ng mga tao. Nangingiti naman ang anghel dahil alam kong tuwang-tuwa na naman siya sa reaksyon ko!

"Marco, stop stealing kisses," bulong na suway ko sa kanya.

He chuckled bago niya inilapit ang kanyang mukha sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin nang akmang hahalikan niya ulit ako.

"Easy, querida. I'm going to kiss you again..."

Napalunok ako sa ginawa niya. Magproprotesta na sana ako pero inagaw ni Miss Semele ang atensyon ng lahat. Nasa may stage na siya at pumapalakpak ng mabagal.

Marco pulled me more on his body as we listened to whatever she's going to say.

"This will be our biggest event in this year. I want everything to be organized. I am not asking it to be perfect, but I want us to proved something this year!"

Tumingin ito sa aming lahat habang hawak ang isang wine glass na naglalaman ng champagne.

"I want you all to remember our theme. I want you all to relaxed for this upcoming week, do some exercise and watch what you eat! I want you all to look fresh, to look like a badass angel!"

Sinulyapan ko si Sir Marco na nangingiting tumatango. Lumingon siya sa akin bago ako hinalikan sa noo. Napapikit ako at muling tumingin sa harapan.

This is his passion and probably his world. Many girls flock to the side waiting for him to notice them. Busy works and hectic schedules.

Kaya ko bang makasabay sa mundong kinabibilangan niya? Maybe after this month, I'm going to realize that he's too much for me.

Natapos ang maikling speech ni Miss Semele bago siya lumapit sa mga naka-antabay na staff. Marco's seemed preoccupied while talking to his co-model, si Damon Johann na isa sa mga crush ni Dagger because of his bad boy looks.

"I suggest that you triple the exercise on your thighs," he said while Damon's touching his legs.

Tumango si Damon sa kanya at napansin ko ang piercing nito sa kanyang kaliwang tenga. Sinulyapan niya ako at ngumiti. Sinuklian ko iyon bago siya nagpaalam ng makitang papalapit sa amin si Miss Semele.

"Can I have a minute with you, Mr. Gustav?" her voice was sexy as her body. Mapupula ang mga labi at maamo ang kanyang hugis-pusong mukha.

"Yes, Madame?" tanong ni Sir Marco bago pinagsiklop ang aming mga palad. Sinulyapan ko siya at mas humigpit pa ang hawak niya sa kamay ko.

"I just want you to make sure that you're going to be early on the event day because the last time we worked together you are late. And you can bring your male bodyguards in the backstage," she said as her eyes darkened while staring at me.

Kumunot ang noo ko. Bakit mga lalaki lang?

"Why can't she come with me?"

Tumaas ang sulok ng labi ni Miss Semele. Madiin kong nakagat ang aking labi ng mahulaan ko na ang pinapahiwatig ng mga titig niya sa akin.

Looks like Blood manipulated the industry of fashion huh? But why?

"Because she's a great distraction to you. So I want her to be on the audience rather than in the backstage so you won't be distracted from your work, Marco!"

Humigpit ang hawak ni Marco sa akin. I glanced at him and I saw how his smile faded. Napalunok ako dahil maaring totoo nga ang mga sinasabi ni Miss Semele.

After all, she's the expert in this field.

"How can you say that?"

"Marco, Demure Agency has one rule and that is to make your angelic face turned to badass! Like a fallen angels face! I want to see it from you earlier! I must say, you did great, but that's not enough! I want to see your bad boy expression but you are distracted!"

Sinulyapan ako ni Sir Marco.

"You focused on Bullet so much! I want it gone. Focus on your work, love life can comes next! Do you understand?" I avoided her gaze as thoughts flooded my mind.

"Work is important, success will be nothing if you let your emotions control you." I clenched my jaw as Sir Acuv's words sting to my system. Sinulyapan ko si Sir Marco at nagkatinginan kami ng ilang saglit bago siya huminga ng malalim.

"Fine. If that's what you want, Madame."

And success is important for him.

Miss Semele reminded Sir Marco about the rules and that's what he did. For the past four days he did nothing but exercise and eat vegetables. He watches his weight and he always sleep on time.

He's so busy with his body that we rarely talk. Lagi naman siyang nakangiti kapag nakikita ako at ninanakawan ako ng halik sa pisngi, but I wondered for the past days.

Tapos na ba siya sa akin? Now that he took my virginity, now that he already satisfied himself with my body. Will he be that angel that loves to play the fire of sex but not the fire of love?

We never talked about it. He regularly kissed my cheeks, but he never gave me any hint that he wants my commitment. Maybe it's my fault too?

Hindi ako nanghingi ng label. Hindi muna ako nanigurado. Masyado akong nagpadala sa init, sa lagablab ng damdamin. At ngayong nakuha na niya ako, tapos na kaya ang pagkagusto niya sa akin?

Lust for me was gone and he wants nothing to do with me! For sure, I am not the only virgin he fucked!

May namumuong sakit sa aking sistema habang iniisip ko ang mga maaaring mangyari sa amin. Isang buwan ko na siyang binabantayan at sa loob ng isang buwan na 'yon.

Na-attached ako sa kanya ng todo.

"What are you thinking?"

Pumulupot ang mainit na mga bisig sa aking bewang. I could still feel his sweats in my back. Mukhang tapos na siya sa kanyang exercise.

Nakatanaw ako sa baba habang dinidiligan ng kanilang hardinero ang mga rosas na maayos na nakatanim sa kanilang bakuran.

Humarap ako sa kanya at ngumiti ng bahagya. My eyes were welcomed by his angelic face, the one he used to charmed girls, the one he used to play with women's heart.

And the one he used to play with fire.

"Nothing. You look busy these past few days."

He wrapped his arms around my waist as he leaned to kiss my forehead.

"I'm sorry."

"No, don't be. I am fine."

I remained my eyes on his chest, I could see how he ease the tension in his body. Mukhang nahulaan niyang nagtatampo ako, huh?

"I am going to make it up to you, querida. I want to ask you for a date." Napalunok ako sa kanyang sinabi.

Hinapit niya ako palapit sa kanyang katawan. Hindi ko iniangat ang aking mukha para matingnan ang kanyang mga mata.

Date, huh?

"Are you courting me?"

May lumukob na takot sa aking dibdib. The kind of fear that's very unfamiliar for me. I trusted my instinct when it comes to reading people's facial expressions.

He might says that he's courting me but what if he don't, based on his expression?

"Look at me," he demanded with a voice so hard.

It's as if a voice of a man rather than an angel like him. Kumalabog ang dibdib ko sa kaba. Hindi ko siya sinunod at nanatili akong nakayuko.

"I said, look at me, querida. Come on..." he trailed off.

Nakagat ko ang labi ko. My gut told me to do so...

Iniangat ko ang aking mukha at nakita ko ang marahang ngiti sa kanyang labi. Nagusot ko ang kanyang basang t-shirt dahil sa kalabog sa aking dibdib na hindi tumitigil.

"I want us to know each other more before we enter a relationship."

Napapikit ako dahil sa kakaibang kirot na dinulot ng kanyang sinabi sa akin. Nagseryoso ang ekspresyon ko nang muli siyang humalik sa aking pisngi.

Hindi naman niya sinagot ang tanong ko! Hindi siya nanliligaw pero may nangyari na sa amin! So, ano kami? Friends with some fucking session? O baka nga hindi pa friends e!

Kasi sabi niya gusto pa niyang magkakilala kami! So, ganito kami! Acquaintances with benefits?

"Gonna change, querida."

Nagtapos do'n ang pag-uusap namin.

Narinig ko ang mga mura ni Dagger sa kabilang linya habang ang kanyang background ay isang news report muli sa isang bayan.

"Hindi maganda ang pinasok mo, Bulz..."

Huminga ako ng malalim at tumingin sa labas ng bintana. Bukas na ang fashion show ni Sir Marco kaya't maaga siyang natulog ngayon.

Habang ako ay gising na gising at umiinom ng beer. Malamig at sariwa ang hangin na umiihip dahil sa susunod na buwan na ang Pasko. 'Yon ang wala sa Centro.

Nakasuot lang ako ng white oversized t-shirt at panty na kulay pula. Lumagok ako sa bote habang tinatanaw ang mga nagtatayugang puno sa buong lupain ng mga Gustav.

"Friends with benefits ang gusto ng palyboy na 'yan ha," she said as I heard her turned off the T.V.

"Pero ang hindi ko maintinfihan ay ang nararamdaman kong kirot sa puso ko, Dagz."

"Ugh! The fuck? You like him more than what you fucking know!"

Huminga ulit ako ng malalim bago inilapag sa barandilya ang bote ng alak. Hindi ko siya sinagot habang nagsisimula na siyang dumaldal.

"Is that Bullet?" Narinig ko ang boses ni Blood na sumisingit sa pagdaldal ni Dagger.

"Yeah, bakit?"

"I need to talk to her. Give me the phone!" she demanded at narinig ko pa ang pag-aagawan nila sa cellphone ni Dagger.

Napangiwi ako at pumasok na sa kwartong tinutuluyan ko. Binuksan ko ang bintana bago umupo sa kama. Patay ang ilaw at naritinig ko ang kwentuhan ng mga katulong sa ibaba.

"Bullet, may meeting kayo ni Mr. Trivandrum sa Isla Ventes Hotel, bukas! Alas-otso ng gabi," Blood said as I heard Dagger's loud curses in the background.

Bukas na? That's why she manipulated Miss Semele! And I'm going to meet my brother for my mission. Fuck!

Walang alam sina Dagger sa totoong pagkatao ni Daniel. We keep each other's lives a secret. Ang tanging nakakaalam lang na natagpuan ko na ang kapatid ko ay si Gun.

"Bukas ng gabi? May trabaho si Sir Marco at baka may umatake—"

"I will send Gun and his group there. Don't worry," she said that sent peace in my system.

Si Gun at ang kanyang limang kasamahan ay mga assassin ng dibisyon ng Pilipinas. Sila ang grupong kasabayan namin at naging matatalik naming mga kaibigan. Parehas lang kami ng expertise at nagkasama na rin sa mga misyon. Mas naka-focus nga lang sila sa politika, 'di kagaya naming lima na kahit saan ay pwede.

"Bumalik na sila mula sa Mabueno?" I asked, excitedly.

Tumawa si Dagger at inunahan si Blood sa pagsagot.

"Of course, Bulz! Those fuckers missed you and Sword so fucking much!" then she laughed.

"By the way, I want to let you know that he's a busy man. Mag-iingat ka sa pakikipag-usap sa kanya, Bullet. Baka mahalata niya na hindi business ang pag-uusapan niyo," bilin ni Blood sa akin bago ko narinig ang pagpapalayas ni Dagger sa kanya.

Humiga ako sa kama. Natapos ang tawag sa pagbabanta sa akin ni Dagger na tigilan na ang pagkaka-attach ko sa kay Sir Marco.

"Why do I need to meet you tomorrow?" ang bungad ni Kuya sa akin matapos ang mahabang pag-de-debate ko sa aking sarili kung tatawagan ko ba siya o hindi.

"Kuya... can we talk about that for tomorrow? I just want to ask you if you're going to come?" Kagat-kagat ko ang labi ko habang nakatanaw sa malayo. The ladies drink I drank doesn't have any effect in me.

"Fine. Mag-usap tayo bukas, Bullet," sarkastiko ang pagkakabigkas niya ng pangalan ko na tila ba may mali akong ginawa. Kumalabog ang dibdib ko sa kaba ng patayan niya ako.

Why is he so angry?

I was awakened by Sir Marco's soft kisses.

"Good morning," he greeted with a smile.

Ngumiti rin ako at tatayo na sana ng muli niya akong halikan sa labi. Napapikit ako at kahit sumasakit ang ulo ay tinugon ko pa rin ang mararahang halik niya.

"You tasted alcohol, querida. Did you drink last night?"

Ngumiti ako at hindi siya sinagot.

"Is there any problem?" tanong niya ulit.

"No. I can't sleep. So, I decided to have some drink."

Tumango siya at nagpaalam na. Kasama naman niya sina Franco kaya kampante naman ako. Ayaw din niya kasing suwayin si Miss Semele kaya iniwanan na lang niya ako. Sinulyapan ko ang nakabukas na bintana at nakita kong madilim pa.

He will be very busy, huh? At ganito lagi?

Tahimik ako habang inaayusan ng isang sikat na stylist sa mansion ng mga Gustav. Avery Cosette gave me a fierce makeup that would let everyone notice my blue eyes and will suit into my royal blue off-shoulder cocktail dress.

Nang matapos ay sinalubong ako ni Sir Markeio na malapad ang ngiti habang inaalalayan ako ni Franco sa pagbaba.

"You look gorgeous, hija," he complimented. Ngumiti ako at nagpasalamat.

"Hindi ako makakadalo ngayon kaya ikaw na ang bahala sa anak ko."

Tumango ako at dumiretso kami ni Franco sa event place. He's telling me that the vicinity is safe and they already did a fast rounds and before the event start they will check everything again.

Pagpasok pa lang namin ay napansin ko na si Gun na nasa may entrance. He looked like an innocent devil with his piercing gaze and enchanting smile.

We looked at each other for a minute, he nodded at me and I did the same. Maraming tao sa loob, puno ng mga taong bigatin sa industriyang kinabibilangan ni Marco.

"Franco, aalis ako mamaya-maya."

Kinalabit ko si Franco na inaalalayan ako habang naglalakad kami papasok. Hindi kasi ako sanay sa heels. Tumingin siya sa akin at kumunot ang noo.

He looked like a rugged man. Somehow, I could see Sir Markeio in him. Magkadugo kaya sila? Pero, iba ang apelyido niya.

"Bakit? Saan ka pupunta?"

I bit my lower lip.

"May kailangan lang akong kausapin sa kabilang hotel," I answered, honestly.

His brown hooded eyes stared at me for a moment as if asking for more explanation why will I leave Sir Marco for some petty reason.

"Wala kasi siyang free time at ngayon lang. Please, don't tell it to Sir Marco."

"Paano kung may umatake rito?" Natahimik ako sa tinanong niya.

Kung meron mang umatake rito ay kampante akong walang mangyayari kay Sir Marco. Sinulyapan ko si Gun na nakatingin sa akin tatlong upuan lang ang layo sa akin.

He smirked at me. Ngumuso ako at ibinalik ang tingin kay Franco.

"Sandali lang ako," I negotiated while we sat on the front.

Bumuntong-hininga siya at saka tumango. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinagot niya.

"Pero, sandali lang, Miss. Hindi ka pwedeng magtagal," paalala niya bago magsimula ang event.

Habang ipinapakita sa screen ang theme nila ay nagsimulang tumugtog ang isang sikat na sexy song. The theme for this event was:

"Behold with the heavensent Angels with their fierce hearts."

Sinimulan ito ng mga solong babae, nakasuot sila ng mga bikini habang may iba't ibang design ang mga ito at kitang-kita sa kanilang pag-pose ang pagiging matitigas ng kanilang mga maamong mukha. Ang ilan sa kanila ay may mga costume pa ng mga anghel.

Nang natapos sila ay nagsimula ng rumampa ang mga lalaki. Maraming flashes ng camera, nagpapalakpakan at nagpapahayag ng paghanga sa mga modelo at sa mga produktong suot. Nagkatinginan kami ni Franco ng makita namin si Sir Marco na nagsisimulang lumakad.

He was wearing a black and white boxer shorts with angel wings in his back and my mouth went dry while looking at his body. Ilang araw lang na pagiging istrikto ay parang mas lumaki at mas nakakatakam pa siya

I couldn't help my eyes but to let it roamed in his almost naked glory as my mind drifted into the night where I saw his... glory.

Napalunok ako at naramdaman ko ang pamamawis ng aking noo. Damn! I could feel my body hungered for something. Mahina akong napamura dahil alam ko kung ano ang ipinapahiwatig ng pagkagutom ko!

I am hungry for his touch! Damn that tease-monster!

Pinilig ko ang ulo ko at napansin ko ang paghihiyawan ng mga tao dahil sa pagkindat niya bago muling bumalik sa backstage. Nakahinga ako ng malalim.

Nang matapos na siya ay tumingin ako kay Franco at muling nagpaalam. I walked away from the event at nang makalabas ay pumara ng taxi.

Nang makarating sa isang five star hotel ay dumiretso ako sa restaurant sa ibaba at kahit nag-aalangan ay magpapakilala na sana sa receptionist.

"Miss?" Hindi ko natuloy ang sinasabi ko ng lumapit ang isang lalaki sa akin. Humarap ito sa akin at ngumiti.

"Y-Yes?"

"Mr. Trivandrum is already waiting. Please follow me."

Sinundan ko ang lalaking nagpakilalang si Ice Isla Ventes. He was the opposite of Sir Marco's features.

Isla Ventes Hotel was a very extravagant and classy hotel. Punong-puno ng vases at mga painting ang restaurant and it was filled with warm colors that made the ambiance comfortable and pleasing.

I only want to meet my brother so that I can ask him if he's the mastermind for Sir Marco's life-turning events. And if he's indeed the one based on his expressions, I'm going to talk to him seriously and ask or more like beg him to stop.

I will lower my pride for Marco's safety. I will risk my life and my rank by going here, only for him.

Only for you, baby.

Dumiretso kami sa isang VIP room at nagkatinginan kaming dalawa. Ngumiti siya.

"I want you to be ready before you opened this door and I tell you, he is very, very mad," he said.

Kumalabog ang dibdih ko sa kaba. Bakit galit si Kuya? I should be the one angry because he always, always kept me in the dark!

When we got in the VIP room my eyes were welcomed by the yellow light and a small chandelier in the ceiling.

Daniel Trivandrum has the same features as mine. With his heart-shaped face, pointed nose and narrow lips, you couldn't tell any difference between us.

May nakahanda ng pagkain sa hapag at nang tiningnan ko ang lalaking naka-upo sa sofa ay parang bumaliktad ang mundo ko sa kaba at takot. Parang umurong ang dila ko dahil sa kanyang itsura na ngayon ko lang nakita.

Gano'n ba siya kagalit para hindi man lang ako tingnan at batiin?

Tumayo ang kapatid ko at humarap sa akin. Nanlaki ang mga mata ko ng pinindot ni Ice ang switch ng ilaw at mas lumiwanag ang buong paligid namin.

May black eye siya!

"K-kuya, anong nangyari sa 'yo?"

Hindi niya ako pinansin, tumayo siya at hinarap ako.

"I'll leave now, and p're," ang mga mata ni Kuya ay sumulyap kay Ice. "No mess."

At tulyan nang lumabas si Ice mula sa kwarto. May nakahandang pagkain sa lamesa at puro mga paborito namin 'yon pero hindi ko magawang ngumiti o gumalaw man lang dahil sa tensyong namumuo sa aming dalawa.

"Tell me, may gusto ka ba kay Marco?" he asked in a low voice.

Nanlamig ako. Dahil ba 'to sa statement na inilabas niya? Hindi ako makasagot. Nakagat ko ang labi ko at nanatiling tahimik.

"Althesa Zavina, do you fucking like him?! Huh?!" Napa-igik ako sa gulat dahil sa galit niya. He never raised his voice to me.

He never did. Ngayon lang. Umawang ang labi ko sa gulat.

"Kuya—" he cut me off.

"Fucking tell me, Althesa Zavina! Gusto mo ba 'yong modelo'ng 'yon?!" Napayuko ako at naluluhang tiningnan siya. His bloodshot eyes looked at me with anger. Nanubig ang mata ko sa nakikita kong galit sa kanya. The kind of anger that I don't see in him.

"Kaya ba tinanggap mo 'yang misyon mo kahit na ilang beses na kitang binalaan na lumayo sa mga modelo?! Dahil ba may gusto ka sa kanya?! Huh?! Huh?!" he bursted and I saw how his jaw clenched.

"Oo, K-kuya," utal at takot na sagot ko.

"Putangina..." nanghihinang sambit niya at napaupo. Nag-aalangang lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa leeg. Narinig ko ang ilang beses niyang pagbuntong-hininga.

"Kaya ka ba nandito para sa gagong 'yon?" mahinang tanong niya. Tumango ako.

Ilang beses siyang bumuga ng hangin bago hinawakan ang braso ko at tinapik-tapik. Nakagat ko ang labi ko. I am not that emotional but I just feel like I want to cry.

Alam ko na kung sa'n ang pinanggagalingan niya. When he finally talks about his failed relationship with the famous news reporter, alam kong nasaktan siya.

"I'm sorry if I didn't know your pain, Kuya. Hindi mo kasi ako hinayaang makapasok e," bulong ko at humigpit ang yakap sa kanya.

Tumayo siya kaya't humiwalay ako. This time, he's the one who hug me in his arms as he kiss my hair.

"Shh, I'm sorry if I raised my voice, sister. I was just... worried and scared," he said, the vulnerability on his voice made me weak.

Siya pa rin talaga ang kakambal ko. Na kahit ayaw niya sa gusto ko, iintindihin ka pa rin niya.

"Bakit ka naman nag-aalala?" tanong ko.

"Coz... he's a playboy at his finest and I don't want you getting hurt." Pinaupo niya ako at tipid na ngumiti.

"You look beautiful, sister," pilit niyang iniba ang usapan para gumaan ang atmosphere pero hindi ko na kayang tanggalin ang tanong sa utak ko.

"Eh ano 'yong statement na inilabas mo?"

He smirked.

"Just to pissed him off and to warn you."

"Warn me? Kuya, your statement informs the whole world that you and that news reporter is now officially separated." Inabutan niya ako ng isang baso ng tubig bago tumabi sa akin.

"Yeah, I want to warn you that he has a past that evolves around a bunch of girls he bedded. Na..." tumingin siya sa akin. "...isa siya sa mga dahilan kung bakit kami naghiwalay. Matatanggap mo pa rin ba siya?"

Napipilan ako. Isa si Marco sa nakasakit sa kapatid ko?

darkFortalejo_16 | Dey Fortalejo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top