Bala #1

Bala #1

Solo

"Bullet! Gusto kang makita nina Miss Assurey!" Tumaas ang kilay ko sa lakas ng boses ni Shuriken mula sa labas ng aking kwarto.

Kahit kailan, ang hyper ng batang 'yon.

Tumayo na ako mula sa aking kama, ang kumot nito ay ginawang personalized ni Sir Acuv. It looks like an endless waves of the clear blue sea.

My room were almost painted with dark blue except for the bathroom which have a more lighter blue color. May mga picture frame rin na nakasabit sa mga dingding na naglalaman ng iba't ibang litrato ng kalikasan. Habang ang mismong dingding kung saan nakasandal ang kama ay pinintahan ng isang malaking pink na butterfly.

Sinulyapan ko ang orasan na tahimik na nakasabit sa dingding at nakita kong ala-syete na! Anong kailangan ni Miss Assurey sa akin?

Or maybe she will discuss about our new mission? Napangiti ako sa naisip at pinatay na ang lamp shade at lumabas na. My eyes were welcomed by the endless colors of blue.

Walls were painted with navy blue, the carpet were royal blue, ceilings were painted with prussian blue or also called as the midnight blue while the staircase were aquamarine.

Seriously? Sir Acuv, hindi halatang paborito mo 'yong blue at mas lalong hindi halatang ikaw ang may-ari nito!

Napa-iling na lang ako habang pababa at dumiretso pakaliwa kung saan nando'n ang nag-iisang kwartong lagi naming ginagamit na meeting place.

Ilang hakbang lang mula roon ay ang daan pababa sa basement kung nasaan naroon naman ang mga training rooms namin.

May kakaibang kabog sa dibdib ko ng huminto ako sa harapan ng pinto. It was like something's pulling me away from this door.

Nakagat ko ang labi ko bago kumatok. Is there something going to happen and my instincts are warning me? I shrugged it off as soon as I heard a voice inside this room.

"Pasok," malamyos na boses ng isang lalaki ang narinig ko mula sa loob. Binuksan ko na ang pinto at dumiretso na papasok.

Nakagat ko ang dila ko sa pagsuyod ng mga mata ko sa buong kwarto. May mahabang lamesa, labing-limang upuan, and guess what? Asul ulit ang kulay ng buong kwarto. Pinakatitigan ko ang royal blue curtain na nakatakip sa bintana.

Sir Acuv, you should be thankful that blue is my favorite color! Kung 'di ay baka maumay na ako dahil puro asul ang nakikita ko sa mansion mo!

"Bullet, maupo ka na." Napatingin ako kay Miss Assurey na ininguso ang upuan na katabi nang kay Sir Vyrti.

Miss Assurey have a rounded face, gentle but alluring black eyes, plum lips and pointed nose. She looked like a sweet and elegant person matches with her gentle voice. You can be easily fooled by her looks and she used it to her advantage.

"So, what is this meeting about?" tanong ko bago inilapag ni Sir Vyrti ang itim na folder sa harapan lo.

I glanced at his direction, he have these cruel and soulless eyes matches with his sharp features. He's a beautiful beast with his frightening and enchanting presence.

"About your mission," malamyos ngunit madiin niyang sagot sa tanong ko. Napalunok ako at binuksan ang folder at agad na tumambad sa akin ang mukha ng isang lalaki.

Natuyo yata lahat ng tubig ko sa katawan at naging mabilis ang ritmo ng bawat pagtibok ng puso ko. Napalunok ako habang pinagmamasdan ang mukha niya.

He have a deep set of black eyes that can  suck your sensible thoughts, rounded face, thick brown eyebrows, pointed nose and pinkish kissable lips. He's only wearing a suit, but he looked like a model.

"He's Marcois Sven Gustav, the only heir of Primero Gustav Canning Inc." panimula ni Miss Assurey habang titig na titig ako sa kanyang litrato.

"He's also a former model from Demure Agency and a billionaire for his clever mind. But he left it for a month now because his life was threatened by an anonymous person."

Tumango ako at isinarado na ang folder at nakinig na lang sasabihin niya. At tumaas ang kilay ko sa mga sunod niyang sinabi.

Bakit niya ba sinasabi sa akin 'to? At nasaan sila Blood?

"Now, after months of hiding and trying to make it fine, his life is still in danger. That's why his father did everything to find a suitable personal bodyguard for his son."

Nagtagis ang bagang ko ng mahulaan ko na ang sinasabi niya.

"So, you're telling me that he found our organization?" paniniguro ko. Tumango si Miss Assurey.

"And we assigned you to be his head bodyguard." Kumunot ang noo ko sa narinig.

"Ha? Did I heard it, right? Ako lang?"

"Yes," Miss Assurey said while her eyes became more gentle.

Napangiwi ako.

"Pero bakit?"

Sumabat na si Sir Vyrti sa tanong ko, "This is Acuv's directions. Gusto niyang makita ang pagbabago sa inyong lima, your performances and the way you handle a difficult situation without Blood."

Napayuko ako at lalong kinabahan. I don't expect any of this! Bakit biglaan? May plano ba silang paghiwalayin kaming lima?

"Bullet, it was just a test. We don't have any plans to destroy your group. Lalo na at kayo ang pinakamagaling sa division natin," Miss Assurey assured me.

Mabigat ang loob na tumango ako at nagpaalam na. Lutang na lumakad ako papalayo at dumiretso sa kusina. Umupo ako sa wooden chair at nakapangalumbabang pinanood si Shuriken na nagluluto.

Naka-hairnet ang kanyang kayumangging buhok, may dalawang pearl earrings, apron na pula at ternong damit. Mukha siyang teenager na naligaw sa kusina.

Tumaas ang kilay niya nang mapansin ang ayos ko. "Oh, bakit ganyan ang mukha mo?"

Ginulo ko ang hanggang balikat kong buhok habang humihinga ng malalim.

"Solo mission." She gasped loudly before she walked towards the ref.

"Ano? Solo?"

Tumango ako at problemadong inilapag ang folder sa lamesa. Nasapo ko ang noo ko at umiling-iling. Anong gagawin ko? Sasabihin ko ba sa kanya?

"Bakit biglaan naman yata, Shuriken?" naiinis na tanong ko sa kanya.

It was so sudden at naiinis ako dahil sa mga dahilang naiisip ko. Even if Miss Assurey gave me assurance, I still couldn't help but think about that possibility.

Bubuwagin na ba nila ang grupo? The two division of Black, in France and London disbanded their best group for an unknown reason.

Tinapik niya ang balikat ko bago siya naglapag ng orange juice sa harapan ko at bumalik na sa pagluluto.

"Baka gusto lang nilang i-test tayo kung kaya nating gawin ang mission ng walang nagplaplano, nagmamando at nag-iisip ng iba't ibang strategies kung sakaling may pumalpak. This is an organization, Bullet. There's no room for mistakes here." Nakangiting paliwanag niya bago hinango ang lasagna mula sa oven.

She have a point 'cause Blood is our brain while we are her senses.

"O baka trip lang nila paghiwa-hiwalayin tayo para ma-miss natin kahit papano ang mga pagmumukha natin?" Tumawa siya ng malakas at nagpatuloy sa pagluluto.

Sira talaga ulo ng hahaeng 'to!

Napangiti ako at binuksan muli ang folder. My lips portruded as I looked at his face. Kahit may kaba at takot dahil baka hindi maging maganda ang resulta nito, parang…

Lumaki ang ngiti ko at tinanaw ang paglapit ni Dagger sa kusina habang nasa likod niya sina Blood at Sword na seryosong nag-uusap.

Guarding a man like him for a solo mission? Maybe it's not quite bad, huh?

Alas-otso y media na kami nagsimulang maghapunan. Kumpleto kami sa lamesa na bihirang mangyari dahil kadalasan ay nasa ibang parte ng Pilipinas ang mga kasama namin.

Tahimik na sinulyapan ko ang limang bakanteng upuan. Nasa'n kaya sila?

Mukhang napansin ni Dagger 'yon at dumikit sa akin ng bahagya.

"Nasa may Mabueno 'yong lima. Uuwi rin 'yon, Bulz," she whispered. Tumango ako at tahimik na kumuha ng lasagna.

At least, okay pa rin sila.

"Packed your things?" malamig ang boses na tanong ni Sir Acuv na nasa harapan ko. Umiling ako at sumubo ng lasagna.

They planned to send me tomorrow to my new boss. Honestly, I don't have any complaints. Mas maaga, mas maganda.

Nagtatawanan sina Sword at Shuriken dahil sa pang-aalaska nila kay Miss Hythania habang ngingiti-ngiti naman si Dagger dahil sa kalokohan ng mga kaibigan namin.

"Gago ka, Shuriken! Baka magalit si Miss Hythania!"

Natatawang awat ni Sword sa sunod-sunod na pang-aasar ni Shuriken tungkol sa maling pronunciation niya sa ilang Tagalog words. Maging siya ay natatawa na sa sariling kalokohan.

"Di 'yan! Sus! Duwag ka pala, Sword e!"

Balik-asar ni Shuriken kay Sword na binatukan siya ng malakas. Nangingiting napa-iling-iling ako dahil sa ka-ingayan nila sa mesa.

I will definitely miss all of them! Their laughs, silent smiles, loud rants and their warmth as a family. I will miss them so much!

I was staring at them longingly when Dagger's left arm tapped my back softly. Sinulyapan ko siya at nakita kong nakangiti siya.

"You will be back naman, Bulz," she whispered bago nakisali naman sa pagtatanong kay Sir Vyrti tungkol sa fling nito.

Basta fling at related sa gano'ng topic laging game itong si Dagger. A playful woman.

Huminga ako ng malalim at kumalabog ang dibdib ko habang tinitingnan silang nagkakatuwaan. They are my family and having this solo mission will prove that we are unbreakable after all.

darkFortalejo_16 | Dey Fortalejo

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top