Chapter 8 Proposal
Reya's POV
It is just six in the morning but my eyes are already wide-open. I have lots to do today but first I have to clean myself. Dali-dali akong pumasok sa loob ng aking bathroom at tumambad ang malaking bathtub na nakaprepare na para sa akin. May mga petals pa ng rosas at mabangong oil ang tubig nito. Puro kaartehan. Tinanggal ko ang aking mga saplot at lumusong dito.
Naaah... of course its just a joke. Bakit masama?
Nakaupo lang ako sa couch at katatapos lang maligo using the shower not a bathtub. Nakatira ako sa isang condominium. Wala akong katulong kaya anong aasahan sa buong bahay? Everything in this tiny room is as chaotic as my life. In short MA-GU-LO. Kahit isang kitchen utensils wala rin ako, fastfood chains and restaurants must thank me dahil pinayayaman ko sila masyado.
Inabot ko ang gwantis na nasa table at sinuot ito sa aking mga kamay. Naka-tube dress ako at boots. Type kong isuot eh, so walang paki ang kahit sino kung maganda ba sa paningin o hindi. Now I'm done and ready to leave.
***
"Hi, long time no see." Sabi ko sa lalaking kaharap ko. As if totoo, nakita ko lang siya kagabi at the underground battle. Kahit nakatakip ang mukha niya ng sumbrero, I am certain to what I saw nang makabangga ko siya at makita ang mukha niya ng ilang segundo. The wealthy and mighty Lorenzo Andrews went to that place? Wow ha, may plano rin ba siyang sumapi sa mga patapon ng lipunan? Posible yun, dahil halos lahat naman ng mga nalilinya sa kanya ay konektado sa organisasyon, either as a member or valued clients ng mga hitad.
"Why are you here?" Renzo asked. Nagtataka ito sa pag-approach ko sa kanya. Napangisi ako. Alam ba niyang pinagod niya ko? Nagpunta ako sa Nisia mall pero wala siya doon, at ngayon nandito ako sa main company niya para lang magpakita sa kanya. Swerte ko yata at saktong pagpasok ko ay siya namang papalabas siya kaya't hinarang ko na lang ang paimportanteng ito.
Tinignan ako ni Renzo mula ulo hanggang paa dahilan para mas lalong mag-init ang ulo ko. Tinaasan ko siya ng kilay. "What are you staring at? Enjoying the view?"
"In your dreams Miss Clemente." I gritted my teeth. Relax Reya, pilit kong pinakakalma ang sarili ko. He seems a different person now.
"Oh talaga? Ba't titig na titig ka?" I teased him. I should be angry now dahil sa pagtitig niya sa katawan ko.
"Natural dahil napaka-eskandalosa ng suot mo. Halos ipakita mo na lahat at alam mong nasa teritoryo kita. Nakikita mo ba ang mga tao dito? Lahat sila mga disenteng tao." He said meaningfully. Hindi ako tanga para hindi maintindihan ang sinabi niya.
"So you think I don't fit in this place? Paano naman ang mga taong kung makatingin ay malagkit pa sa tikoy at halos hubaran na ako? Are they decent? Mas marami diyang kung manamit at kumilos akala mo santa, pero sa likod nito ay masahol pa sa umaalingasaw na patay na daga ang ugali. Tandaan mo yan Lorenzo Andrews." Halos makalimutan ko na ang pakay ko dahil sa pang-iinsulto sa akin ng lalaking ito. Hindi ako padadaig sa kahit kanino. I clenched my fist to calm myself. Gusto kong manuntok pero hindi maaari. I need this guy.
"Oh, I see. Pero ang tinutukoy ko lang ay ang tungkol sa tamang pananamit na naaayon sa lugar na kinaroroonan mo Miss Clemente. Pumunta ka lang ba rito para makipag-away? Sorry pero masyado akong busy para harapin ka." Balewala niya sa akin. Ibang-iba na nga siya kumpara sa mga nakaraan naming pagkikita.
"I want to talk to you. Its about business." Sagot ko na lamang.
"Ha?" Nagulat siya sa sinabi ko, as if expecting a different answer from me. Huh! Anong akala niya? Puro away lang ang kaya kong gawin? Well, maaari.
Nangunot ang noo niya at tila nag-iisip ng malalim. Napadako ang mga mata niya sa nakakuyom kong palad. At dahil doon, nakaramdam ako ng hapdi sa aking kamay. I almost forgot my wound, ang sugat na natamo ko nang makipagbasag-ulo ako sa underground kagabi. Medyo malalim pa naman ito. Naramdaman ko ang pagtagas ng dugo mula sa palad ko. Hindi niya dapat makita ito. Kahit naka-gwantis pa ako, mahahalata pa rin ang mantsa ng dugo. I need to do something.
Tinago ko ang aking kamay sa likod.
"Anong problema Miss Clemente?" Tanong sa akin ni Renzo. Nanghihinala ang mga mata niya. Napaatras ako ng ilang hakbang hanggang sa muntik ko ng mabangga ang isang jar na nakadisplay sa malapit sa pader. Good timing. Sinagi ko ang jar at nalaglag ito sa sahig.
"Oh! Its not my fault. Aksidente ko lang namang nasagi itong display niyo." Balewala kong sabi saka yumuko at mabilis na hawakan ang basag na jar. Dumampot ako sa magkabilang kamay at nagkunwaring natataranta. Sinadya kong diinan ang aking pagkakahawak. And my hands bleeded.
"Ano bang ginagawa mo? Are you stupid!?" Galit niyang sigaw matapos hawakan ang mga dumudugo kong kamay. Of course napakahapdi ng mga ito. Naglapitan ang mga tao para makiusyuso.
"Sir what happened?" Tanong ng isang babaeng empleyado.
"Ang daming dugo!" Another one shouted. Bigla akong nakaramdam ng hilo. No way! Kailangan ko ng makaalis dito.
"A-aalis n-na ako." Sinubukan kong alisin ang kamay ni Renzo pero nanghihina na ako. Shit! Not again! Bakit ba lagi na lang akong nawawalan ng malay? Unti-unti naramdaman ko ang pagbigat ng mga talukap ng aking mga mata. Alam kong maingay sa paligid pero wala na akong marinig.
***
Sa ilalim ng madilim na kalangitan, maliliit na eskinita ang maaari mong daanan at walang mga taong maaaring malapitan. Umiiyak ako habang matuling tumatakbo... takbo lang ako ng takbo, paulit-ulit na nananalangin, ngunit kahit anong gawin kong pagtakbo, naabutan pa rin nila ako.
Malinaw na malinaw ang mga mukha nila, dinala ako sa isang talahiban. At doon...
"NOOOOO!" I shouted so loud. Bakit? All of a sudden, bumalik na naman ang panaginip na iyan? Pinaghahampas ko ang aking higaan habang nakapikit pa rin at nakahiga. No! No! No!
Hanggang sa maramdaman ko ang isang kamay na pumigil sa aking pagwawala.
"Stop it!" Hindi ko pinansin ang boses ng lalaki.
"Leave me alone!" Sigaw ko sa kanya ng nakapikit pa rin.
"Hindi ko alam kung ano ang pinagdadaanan mo Miss Clemente, BUT CALM DOWN! Ano bang ginagawa mo sa sarili mo?" Hindi ko sinagot ang tanong niya, ni hindi ako nagmulat ng mga mata. Nagpumiglas ako mula sa pagkakahawak niya sa kamay ko pero nanghihina ang mga ito dahilan para hindi ako makawala.
"I said calm down! Ano bang nangyayari sa'yo? Over fatigue... lack of sleep...starving yourself at hindi nag-iingat kaya nasusugatan. NAG... NAGPAPAKAMATAY KA BA?!" He shouted at me. The sound of his voice... nakaramdam ako ng kakaiba. Am I scared to him? No, I should not.
Nagmulat ako ng mga mata at tumambad sa akin ang mukha niyang hindi maipinta. Shit! Napagtanto ko kung nasaan ako ngayon at dumagdag ito sa uneasiness na nararamdaman ko.
"Bakit ako nandito? I have to leave now." I said then tried to get up pero mas hinigpitan ni Renzo ang kapit sa akin. Bumaling ako sa siko ko na hawak niya pa rin. Nakita ko rin ang dextrose na nakakabit malapit sa parte na hawak ni Renzo. And my hands are wrapped with bandages.
"No. Ang sabi ng doktor ay hindi ka pa maaaring makalabas. Pwede ba kahit ngayon lang, huwag mong pairalin ang katigasan ng ulo mo." Malamig niyang utos. The way he speaks, makes me feel something unexplainable.
"Hindi maaari. Ayoko sa lugar na ito. Pwede ba hayaan mo ako sa gusto ko?" Napapikit akong muli. Ayokong makita ang lugar na ito, ayokong manatili rito.
"Tell me... Makikinig ako." Nag-iba siya ng tono. Sympathy? Duh! I don't need it.
"Huwag kang umarte ng ganyan Mr. Andrews." Hindi ako sanay... dugtong ng utak ko, mabuti na lang at hindi ko naisatinig ito. Mabuti na lang at bumukas ang pinto. Nakapikit pa rin ako nang alisin ni Lorenzo ang pagkakahawak niya sa akin.
"Uh, gising ka na. How are you feeling now?" Oh no, he's here. Tumagilid ako ng higa para talikuran ang dalawa habang nakasara pa rin ang aking mga mata.
"Pwede ka ng umalis Mr. Andrews. Alam kong masyado kang busy sa trabaho. Pagpasensyahan mo na ang abala. Naayos ko na ang lahat ng kailangan ni Reya at ng bills sa hospital. Ako na ang bahala rito." Pagtataboy ni Arthur.
"Where's her family? Hindi ba hinahanap ng hospital ang pamilya ng kanilang pasyente?" Asked Lorenzo. Hello! I'm here, pag-usapan ba naman ako? Kinuha ko ang unan na hinihigaan ko at itinakip sa mukha ko.
"Unfortunately, hindi makakarating ang father niya. I've already fixed everything so don't bother anymore."
"Shut up! Pwede ba? Hindi na ako bata! Umalis na nga lang kayo. Hindi ba busy ka ring tao Arthur? Kaya ko na ang sarili ko." I said without looking at them. Ano ako bata? Aalis naman na ako eh.
"I have a supposed meeting with Mr. Andrews today, pero dahil sa mga nangyari kanina, it was rescheduled. Marami akong oras para bantayan ka." Tssk. Meeting? Bahala ka na nga sa buhay mo.
"Kailangan ko ng umalis." Yun lang ang sinabi ni Lorenzo at nilisan na niya ang kwarto. But why? Why am I expecting more from him before leaving? Tssk.
"You need to rest and eat. Masyado mo ng pinahihirapan ang katawan mo. Your fight will be scheduled soon. Paano ka mananalo kung bumibigay na ang katawan mo ngayon pa lang?" Hindi ko pa rin hinarap si Arthur. May mas malaki akong problema ngayon kaysa sa sinasabi niya. I sighed and lowered my voice.
"Can I go now? You know how I badly dislike this place. Baka dito na ko matuluyan niyan, hindi pa man ako nakakalaban."
"Okay, doon ka sa bahay magpapahinga." Hindi na lang ako sumagot kahit ayoko rin sa mansyon niya. Wala naman akong magagawa.
"Ngunit kung ako ang tatanungin, mas gusto kong dito ka. At least nandyan ang mga doktor at nurse para mag-asikaso sa'yo." Nakangisi siya at halatang iniinis lang ako.
"Tssk! They're useless. Nakakabuhay ba sila ng patay?! Kung minsan pinapalala pa nila ang sakit ng isang tao. They give false hopes." I gritted my teeth as I am remembering something.
"Nope, hindi nila kayang bumuhay ng patay, pero may pagkakataong nakakalunas sila ng karamdaman at nakakadugtong ng buhay. Its a fact. Stop arguing or else, ikukulong kita rito ng isang Linggo." Banta niya sa akin.
"Basta I don't like this place! I get it, titigil na ako. Kaya please let's go." I pleaded. Iyan lang naman ang hinihintay niya.
"Before we go, answer me first. Anong nais mong mangyari? Bigla ka na lang nanghamon kay Henry at gumawa ng isang napakahirap na pusta. Sa tingin mo mananalo ka sa kanya? Maruming makipaglaro ang matanda. Makakasabay ka kaya?"
"Hinanda ko na ang sarili ko sa mga mangyayari. At hindi naman ako basta-basta magpapatalo sa kanya. May gusto lang akong patunayan sa sarili ko." I answered. Sa totoo lang, ang daming naglalaro sa isip ko. Ang dami kong gustong gawin at hindi ko alam kung kaya ko itong panindigan. Sa ngayon, hindi dapat malaman ni Arthur ang mga plano ko.
"Ten times higher than the price you are receiving from the organization? Barya lang iyan sa organisasyon. Wala kang mararating sa ganoong kaliit na halaga. Not unless, your intention is to gain power? To have a higher rank in the underground battle?" Nanghihinala niyang tanong.
"Sabihin na lang nating ganoon na nga." I answered. Yes, I want power, not just inside the battlefield. Higit pa diyan Arthur.
"How, about Lorenzo Andrews? Bakit ka lumalapit sa kanya?"
"I need him." Makahulugan kong sagot. "And?" He asked, expecting me to answer.
"Sa akin na lang yun." Matigas kong sagot. I don't have to tell everything. He can treat me as his dog, I'll sit if he says "sit", sleep when he says "sleep"... but not this time. Dogs can't talk 'di ba?
"Kahit anong gawin mo, hindi ko sasabihin sa'yo." Deretsahan kong turan sa kanya.
"Hahaha! Like I've said before, sige hindi ako mangingialam sa mga gagawin mo HUWAG LANG KAPAG AYOKO NG GINAGAWA MO. Kaya galingan mo ang pagtatago sa mga pinaggagawa mo Reya." Iyan talaga ang gagawin ko.
"How about you? A meeting with Andrews? Smells fishy." Pag-iiba ko ng usapan.
"Its all about business." He answered. Nasabi ko na bang kay Henry din ang kompanya kung saan nagtatrabaho si Arthur? Pinatatakbo niya ang ilan sa mga business ni Henry. Ngunit malaki na rin ang naipundar ni Arthur dahil dito. He can build his own company kung gugustuhin niya.
"Can we go now?" Tanong ko sa kanya.
Dalawang araw na ang nakakalipas mula nang makalabas ako ng hospital. My hands are still wrapped with bandages. Ayaw paalis ni Arthur hanggang hindi tuluyang gumagaling. Nag-stay ako sa house niya for two days at wala akong ginawa kundi ang tumambay sa balkonahe. Hindi ko naman siya nakasama doon dahil palagi siyang wala but he always leaves so many commands. Sige lang, hindi ko siya babarahin o sasalungatin. Magpapakabait ako basta wag lang niyang pakikialaman ang mga plano ko. Here I am now, trying to meet Lorenzo Andrews again. Wala na akong narinig tungkol sa kanya after niyang umalis sa hospital. But like what I've said to Arthur, kailangan ko siya.
Nagmamaneho ako nang magring ang phone ko. Inabot ko ang bag ko at kinuha ang phone. I used an earphone.
"Ano?" Tanong ko kaagad.
"Positive Ma'am, nasa office po niya ngayon si Sir Renzo." Sagot ni John. I instructed him to check if Lorenzo is at the mall today.
"Siguraduhin mo lang dahil kung hindi mananagot ka sa akin. How about the appointment?"
"Opo Ma'am. Naayos ko na po. At exactly 9:00 am ang meeting mo with Sir Andrews." Napangisi ako nang sumulyap ako sa relo ko. Its already 8:50 and the mall is still far from here. "Bakit ngayon mo lang sinabi?!" Naiinis kong tanong.
"Ma'am? Ilang beses ko pong tinext sa iyo at pati sa email ninyo sinend ko po ang time ng appointment niyo. Ilang beses na rin po akong tumatawag simula nang inutusan niyo ako tungkol dito pero hindi kayo sumasagot."
"Wala akong mareceive na text at hindi pa ako nagbubukas ng email account ko. Masyado akong busy para sagutin ang tawag mo." Pangangatwiran ko bago patayan ng phone ang kausap." Arrgghh!
***
9:43... yes, nakarating ako sa bwisit na pinto ng opisina niya at exactly 9:43. Ang laki ng wall clock niya sa taas ng pinto. I entered his office without knocking. There he is on his table reading a paper. Again? Kagaya ng huling punta ko dito, nasa ganoong ayos na naman siya.
"You're late." He said without looking at me.
"Kasalanan ng traffic." Katwiran ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya dahil sa sinabi ko.
"Ano ba ang pakay mo at bigla ka yatang nag-set ng meeting? Pakibilisan at marami akong ginagawa." Kumuha siya ng ballpen at parang pinirmahan ang hawak na papel. Tssk. Ganito ba ang isang appointment? Nakakabastos ha! He's treating me like a dump! Look! Nagbihis pa ako ng pang-office just to meet his standard. Nakakagago! I sighed... a very deep one, I should calm down. Relax Reya...
"Ganito ka ba tumanggap ng bisita Mr. Andrews? Well, sige bibilisan ko lang ito." Bwisit ka! Asan na yang sinasabi mong disente? Eh nakakabastos ka na eh! Gusto ko siyang sigawan pero hindi pwede ngayon.
"Gusto kong maging co-owner ng mall na ito. I have the money and alam ko kung gaano kabigat ng trabaho mo sa mga business ng pamilya mo. Kung tutuusin, maliit lang ang business na ito para sa iyo pero if you need a help in managing the mall, pwede ako."
"Uh. Alam mo ba ang pinagsasabi mo?" He asked. Binitawan niya ang hawak at tumingin ng deretso sa akin. Now I caught his attention. Parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Lumapit pa ako sa table niya. Malapit ko nang taasan ng kilay ang lalaking ito. But I caught her eyes landed on my bandaged hand.
"Of course. Mukha ba akong nagjo-joke?".
★★★
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top