Chapter 7 New Beginning
Third Person's POV
Makalipas ng ilang oras na pamamalagi sa loob ng mosoleyo, lumabas si Renzo. Matiyagang hinintay ni Celine ang lalaki. Nang makita niya ang paglabas ni Renzo ay kaagad niya itong sinalubong. Hindi niya mapigilang maawa sa hitsura ng binata. Wala siyang magawa para mapagaan ang bigat sa dibdib ng lalaki.
"Let's go?" Aya na lamang niya. Naalalang muli ni Celine ang mga katagang binitawan ni Merian noon...
Tragic? Ang buhay ng tao ay isang kwento ng trahedya. Lahat tayo mawawala, may nauuna nga lang, may naiiwan.
"Renzo, magsimula kang muli. Palayain mo na si Merian." Natapos na ang mga huling pahina sa aklat ng kwento ni Merian and Renzo's new chapter should start now, iyan ang nasa isip ni Celine sa mga sandaling iyon.
"Bibigyan ko ng hustisya ang pagkawala nila." Matigas na sabi ni Renzo.
Hindi nakasagot kaagad si Celine. Hindi siya makapaniwala sa narinig. Things are getting complicated. As she stares at the man, alam na niya kung ano ang naglalaro sa isipan nito... hindi magpapapigil ang binata. A new chapter is about to begin carrying out the past.
***
Renzo's POV
"Sir, matagal nang close ang kaso ni dating Senator Roman Felipe. Wala ka nang magagawa pa."
Pinukulan ko ng matalim na tingin ang private investigator na aking kausap. Ipinatawag ko siya dito sa opisina para mag-report. Tinanggal nito ang mga kamay sa bulsa ng maong niyang pantalon at inayos ang salamin sa mata. I guess he's just on his mid-30's but he looks older.
I also instructed him to investigate about Roman Felipe's case. Nahalata ko ang paglunok nito ng mangilang beses.
"Kaya nga nandyan ka hindi ba? I want you to investigate. Mangalap ng mga impormasyon tungkol sa mga nangyari noon." Gusto kong malinis ang pangalan ni tito Roman. Isa siya sa taong pinakahinahangaan ko. Nakita ko ang dedikasyon niya bilang public servant. I've witnessed how pure and true to his job he is." Nakita kong lahat iyon...
"Sige po sir. Uumpisan kong gawin ito as soon as possible. By the way sir, tungkol sa mag-asawang pinatay, Luisa and Antonio Perez. Mga drug dealer ang mag-asawa. Maliit na sindikato lang sila at ayon sa mga humawak ng kaso maaaring alitan sa negosyo ang dahilan ng pagpatay."
"Narinig ko na yan sa mga pulis Mr. Alvin. I want to know more." I said trying to cool down. Is this all he can do? I should consider replacing him.
"Lahat ng tauhan nila, patay nang lahat, even their 5-year old daughter, pinasok sa kanilang bahay at pinatay. Maging ang katulong ng mag-asawa na kasama ng bata." Maski inosenteng bata? Anong klaseng mga tao ang kayang gumawa ng ganitong krimen?
"Nangyari ang lahat ng iyon noong araw din na pinatay ang mag-asawa. Hindi mo ba nakita sir ang mga killer? Baka naman nakita mo o ng kasama mo noong gabing iyon. Reya Clemente ang pangalan ng kasama mo nang mga oras na iyon hindi ba?" Tanong niya. That girl, halos makalimutan ko na ang babaeng iyon. I've been harsh to her the last time we met. Its her fault anyway. Saka ko na aayusin ang tungkol sa aming dalawa.
"Maybe I need to ask her kung may nakita ba siyang kakaiba."
"Gawin mo ang nararapat." I immediately said. It's a good idea but I doubt if she'll cooperate.
Unti-unti, naniniwala na akong hindi siya si Merian. May kumirot sa aking dibdib, I've been always feeling this unbearable pain everytime I think of her. Gagawin ko ang lahat para lang lumabas ang katotohanan. Kahit sino o ano pa ang makabangga ko.
"Sino kaya ang maaaring gumawa nito?" I asked while directly looking at his eyes as if telling him to give me more informations.
Napabuntong-hininga siya. "Have you ever heard of the organization, Mr. Andrews?"
"Maraming organisasyon sa mundo. Paano ko malalaman kung ano ang sinasabi mo?" Pagtanggi ko ngunit sa likod ng utak ko'y naglalaro ang mga bagay-bagay... Organisasyon, ngayon ko na lang ulit ito narinig.
"Isang grupo na nagpapatakbo ng isang underground fight. May kutob akong may atraso ang mga Perez sa kanila." Underground battle? Napakunot-noo ako. Its more than that. Sa pagkakaalala ko, higit pa riyan ang ginagawa ng organisasyon. Bakit ayaw niyang sabihin ang lahat?
"Kutob pa lang naman po. I need to investigate more-" I cut him off.
"Mr. Alvin, tulungan mo akong makapasok sa loob ng underground battle."
"Sir?" My private investigator looks so uneasy.
"Ayaw mo ba? Maaari akong kumuha ng iba kung hindi mo kaya."
"Madali lang makapasok sir, ang mahirap ay kapag nasa loob ka na. Lahat ng mga uri ng tao, makikita mo sa loob. Sa nakikita ko, desididong-desidido ka na sa mga gagawin mo. Okay, tutulong ako, it seems exciting having a client like you."
****
Reya's POV
"Bilisan mo. Mag-uumpisa na ang laban mo. Bakit ngayon ka lang? Kanina pa naiinip ang mga tao sa loob."
"Tssk. Shut up!" I shouted to the man in black. Utusan lang din siya rito kaya huwag siyang makatanong-tanong sa akin ng ganyan. At dahil nauurat ako sa pagmumukha ng hayop, mas binagalan ko pa. I am Pink, known to be hardheaded.
Pagpasok ko sa loob ay nariyan ang mga sigawan at hiyawan. Mga pamilyar na eksena... mausok, maingay, magulo.
Lalaban na naman ako. Kung sino man ang tinapat nila sa akin pasensyahan na lang kami. Mainit ang ulo ko ngayon at wala akong balak magpatalo.
Nasa loob na pala ng malahawlang ring ang aking makakalaban. Nakatalikod siya sa akin. All I could see is her back at ang mahabang buhok niyang naka-braid. Babae. A cat woman outfit?
The sound of the ringing bell signals the start of our fight. Naghintay ako na lumapit si catwoman. I don't know her name. Hindi ko kasi iniintindi ang pinagsasabi ng announcer kanina.
1
2
3
4...
Ilang segundo pa ba ang bibilangin ko bago siya sumugod? Nakatayo lang siya at nakatingin sa akin, ayoko ng mga tingin niya. Tssk. A waste of time. Now I'm starting to get pissed. Palagi na lang mga baguhan ang ihinaharap sa akin.Ako na lang ang susugod!
Agad akong lumapit sa nakatayo lang na babae. Tinuhod ko ang tiyan niya.
"Ughh!" Dumaing sa sakit ang aking kalaban. "H-huwag! Pakiusap. Tu-tulungan niyo ko!" Nagsisigaw siya na parang kinakatay na kuting. Isa itong malaking kalokohan! Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko. Anong pumasok sa kukote ng matandang hukluban na yun at binigyan ako ng ganitong kalaban? Bullshit! Gusto kong lumabas ng battlefield at dukutin ang dila ng announcer for not stopping the fight. Tapos na ang laban. Isang napakawalang-kwentang laban, pero wala akong marinig. It only means one thing... iniinsulto niya ako!
"TAYO!" Napatigil ang mga tao sa sigaw ko. Waring mga gagong nag-aabang ng susunod na mangyayari sa paborito nilang palabas.
"SINABI NANG TUMAYO KA!" hinatak ko ang buhok niya. She's now crying, angsakit sa tainga ng iyak niya. Mas hinigpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa buhok nito, dahilan para mapatingala siya.
"Fight!" Utos ko. "Pakiusap. Huwag. Natatakot ako! Pinambayad ako ng tatay ko sa utang niya. Maawa po kayo." Napangisi ako sa sinabi niya.
"Wala akong awa my dear.Tanggapin mo ang kapalaran mo. Wala ka ng ibang magagawa pa." Binitawan ko siya saka sinipa sa likod.
"Lumaban ka!" I shouted saka sinuntok ko siya sa mukha. Ayaw mo ha. Okay then, gagawin kitang punching bag.
Tinulak ko siya papunta sa bakal na rehas kung saan likod niya ang unang tumama. I saw her eyes again, mga matang mas lalong nagpasidhi ng galit na nararamdaman ko. Hopeless...
Sinampal ko siya sa magkabilang pisngi. Pinararanas ko lang kung paano ang buhay dito. I was about to slap her annoying face nang sinangga niya ang kamay ko. Hawak-hawak niya ang kaliwang kamay ko habang umiiyak.
"Wa- wala kayong awa. Pare-pareho kayo. An-anong klaseng mga tao kayo?"
"Exactly. You're on a place where there's no room for mercy." I just answered, saka sinuntok siya sa sikmura gamit ang kanan kong kamay. Tssk. Sinabak siya sa laban without training her. THAT BASTARD! SIYA ANG MAY PAKANA NITO!
Bumagsak ang babae at hinimatay, agad akong pumunta sa pinto ng ring na naka-kadena.
"BUKSAN NIYO 'TO!" Sinipa ko ang pinto. Wala akong ibang nais sa mga oras na ito kung hindi ang makalabas. Hindi ko na hihintayin ang announcement ng nanalo o ng kahit anong bwisit na seremonyas.
Nandidilim ang paningin ko. Gusto kong magwala. Lumapit ang isang nakaitim na bantay sa lugar. Naglabas siya ng susi upang i-unlock ang pinto. Pagtanggal niya sa kadena, agad akong lumabas at sinuntok siya sa mukha.
"Ang tagal mo!" I said. Naglapitan ang iba pa niyang kasama pero inunahan ko na sila ng isang warning.
"Sige lumapit kayo nang pagbabasagin ko ang mga mukha niyo!"
But instead, I saw Arthur. Nasa gilid siya wearing his fancy mask of a knight. Nagsignal siya sa mga lalaki na lumayo. I thought lalapitan niya ako pero tumalikod siya na parang hindi ako nakita. Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa loob. I want to see him, now.
***
"HOY! OPEN THIS DAMN DOOR! HARAPIN MO KO! LUMABAS KA DIYAN!" Nagsisigaw ako sa tapat ng kwarto niya. Sa loob ng silid na ito siya madalas manood ng mga laban nang mag-isa.
Walang pumigil sa akin na pumunta rito. It only means one thing, he is expecting me to come.
Bumukas ang pinto at iniluwa ang isang bodyguard ng matanda. Gumilid siya para bigyan ako ng daan papasok.
Then I saw the old man sitting like a king. Nakaupo siya sa couch at nakaharap sa salamin kung saan kita ang ibaba.
"Congrats Pink. You won." Nang-aasar niyang turan.
"Anong gusto mong palabasin ha!?"
"Relax ka lang Pink. Masyado talagang mainitin ang ulo mo. I just granted your request. You want to fight earlier than your schedule? Well, ginawan ko ng paraan but unfortunately, the newcomer is the only available fighter."
I'm not buying his explanation. Alam ko ang tumatakbo sa utak niya. "Sa tingin mo maniniwala ako sa sinasabi mo? BWISIT! GINAGAGO MO 'KO EH!" Binigyan niya aki ng isang walang kwentang kalaban. Ano ba ang naglalaro sa matandang hukluban na ito?
"SHUT UP! Masyado nang lumalaki ang ulo mo. Nakalimutan mo na yata kung nasaan ka at ano ka rito." Warning niya. Of course hinding-hindi ko makakalimutan iyon, ngunit hindi ko mapapalampas ang pang-iinsulto niya sa akin. Sinadya niya ang lahat para galitin ako.
"Let's have a deal." I declared. Tumayo siya sa kinauupuan at dahan-dahang gumalaw paharap. Kung maaari ko lang dukutin ang mga mata niya.
"Gusto kong lumaban sa isang malakas na fighter. Class A fighter, rank 10 or above." Pagbibigay-diin ko.
He crossed-arms while staring at me.
"Tapos?"
"If I win, gusto kong ang panalo ko ay sampung beses na mas mataas sa binibigay mo."
"Sa tingin mo papayag ako? Pink, Pink, Pink... Your personality is exactly the opposite of your name. You're so unpredictable."
"I need an answer." Ang dami pa niyang sinasabi.
"Alam mo kung gaano ka kaswerte sa iba. In this underground battle, ang mga fighters ay kailangang lumaban, for what? For money. Sa kasamaang palad, ang ibang fighters ay kailangang manatili dito sa loob, iyon ang mga may atraso sa organisasyon at kailangang pagbayaran, pero kapag nagustuhan ng organisasyon ay maaring maging miyembro nito. Ang babaeng nakalaban mo kanina ay isang perpektong halimbawa. Pag-aari na siya ng organisasyon ngayon. She will fight without being paid. Makukulong siya rito subalit maaring magbago ang kapalaran niya base sa ipapakita niya... Ah. Muntik ko nang makalimutan, ganyan din pala nagsimula si Arthur." Tumalikod siya at humarap sa salamin. Gusto kong sabihing mag-direct to the point na lang sana siya. On the other hand, gusto kong malaman ang tinutumbok ng sinasabi niya.
"See? You're luckier." Narindi ang tenga ko sa narinig. He's talking nonsense. Talaga lang ha.
"Huwag kang magpatawa."
He laughed like a villain on a corny movie.
"WHAT'S YOUR ANSWER!?"
"Ill-tempered brat. I wonder why Arthur keeps on helping you.Paano na lang kung dumating ang araw na hindi na siya kailanganin dito?" Tinatakot niya ba ako? Hindi ako sumagot kahit gustung-gusto ko pa. Bahala siyang magdadakdak. I just need an answer from him.
"Ah... bakit ko pa ba kailangang hintayin ang araw na iyon. Pero sige, I will schedule your request. And if you win, ang premyo mo ay sampung beses ang laki. BUT... kapag natalo ka, IBABALIK KITA SA DAPAT MONG KALAGYAN, PINK. MAKUKULONG KANG MULI SA LUGAR NA ITO NAINTINDIHAN MO?" Napakuyom ang aking kamao sa narinig. Nanginginig ang mga ito sa galit.
"Call." I answered. Henry will always be Henry, what do I expect? Hinahamon niya ko? Sige.
***
Renzo's POV
Anong klaseng lugar ito? Hindi ako makapaniwalang ito ang lugar na ninais kong pasukin noon. Noong hindi ko pa nakikilala si Merian. Nakatayo lang ako sa isang tabi, maingat na nagmamasid sa mga taong maingay na nononood sa laban. Pangalawa na ang nakasalang sa ring.
Sa napanood ko kanina, ang lugar na ito'y isang malaking kalokohan! Paanong tatawaging laban ang nangyari? Halata naman na napilitan lang ang babae kanina. And she's even asking for help, for Pete's sake! Habang ang kalaban naman niya ay walang pusong pinahirapan siya. Its obviously a mismatched!
The government should blamed, nagbubulag-bulagan lang sila sa nangyayari.
Paano ba maipapaliwanag ang buong lugar? Beers, smokes, flirts, and even illegal drugs... lahat nandito na sa loob.
Inayos ko ang aking sumbrero na tumatakip sa kalahati ng aking mukha. Everybody's busy on their business, saan kaya ako maaaring makakuha ng impormasyon? Sinong tao ang maaaring lapitan? I am so clueless.
"Uy si Pink oh!"
"Nasaan? Imposible, hindi siya pumupunta rito. Baka iba naman 'yan?"
"Puta! Ang galing niya kanina!"
Hinanap ko ang taong pinag-uusapan ng mga lasing na nasa gilid ko. Pink... A female fighter dressed in full black, but she chose to be called the opposite. Siya yung lumaban kanina, isang walang pusong tao.
"Ikaw! Ulitun mo ang sinabi mo!" Her voice attracted most of the crowd. Kinuwelyuhan niya ang isang lalaking maliit ang katawan.
"Wala kang kuwenta." Narinig kong sagot ng lalaki na mukhang lasing na lasing na.
Tila nangangamoy away dito. Anong aasahan mo sa lugar na tulad nito? Tinulak niya ang lalaki. Sinipa niya ang isang silya dahilan para lumayo ang mga tayo sa kanya.
"Ang angas mo ha! Tuturuan kita ng leksyon." Sinugod siya ng isang lalaki galing sa likod. And the commotion continued. Nag-aaway na sila at parang walang may balak na pigilan ito. Instead, people around just watched, habang may mangilan na nakisawsaw sa gulo. Nasa tabi lang ang mga bantay ng lugar, umaaktong parang walang nakikita at sanay na sa ganitong senaryo. Sa isang iglap lang, nag-aaway-away na ang mga tao. Nagsusuntukan, halos magpatayan. All because of that girl, Pink, she's obviously troublemaker.
Kailangan ko nang makaalis dito kaagad.
Suddenly, may bumangga sa likod ko. Napalingon ako, only to see the back of the woman they call Pink.
Sinugod siya ng dalawang lalaki, naiwasan niya ang suntok ng isa subalit tinangka siyang paluin ng bote ng alak ng isa pang lalaki. Sinangga ni Pink ang bote papatama sa ulo niya gamit ang kamay. Nagdugo ang kamay niya dahil sa pagkabasag ng bote.
Napaatras na lang ako, at humanap ng tyempo para makaalis. Getting involve in any fight isn't part of my plans.
****
A/N kuno haha
Huhu ang hirap pala talagang magsulat, mas madaling mag-imagine haha!
But I really want to finish this story though its already done on my mind. Hope there'll be readers to appreciate hehe.
And paunawa, pls. minor readers, know the difference between good and evil ha!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top