Chapter 56
Reya's POV
"Hm. Ahm. Kumusta?" Alangang tanong ni Maggi sa akin. Nakatitig lang ako sa kaniya.
"Bakit mo pala gustong makipagkita ngayon?" tanong niyang muli. Halata sa mga mata niya ang pagtataka sa aking hitsura ngayon. Tsk, maging ang magpalit ng damit ay hindi ko na nagawa. Suot ko pa rin ang sweatshirt at jogging pant hanggang ngayon.
"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. I want to know. Bakit hindi lumabas sa balita ang nangyari noong nakaraan? Alam natin pareho na kaya ka naroon upang gawan iyon ng artikulo? Pero walang lumabas?" puno ng pagdududang tanong ko. Hinila niya ako upang tuluyang nakapasok sa maliit niyang bahay. Isa itong payak na apartment. Hindi ko na kailangang ilibot ang paningin upang makita kung gaano kasikip ang kaniyang lugar.
Napayuko siya. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ng babae sa mga oras na ito.
"Tsk. Sabihin mo. What happened?" mariing tanong ko.
"Na-reject ang pinasa ko. Ginawa ko ang trabaho ko pero... Hindi ko alam kung bakit. Huwag na lang daw akong magtanong. Alam mo na, kailangan sumunod sa nakatataas."
"Tsk. Ganoon na lang ba iyon? How disgusting." Hindi ko mapigilan ang sariling maibulalas. "Wala nang pag-asa ang bansang ito."
Mas lalo siyang napayuko na mas kinainis ko. Guilty?
"Look. Isa lang akong hamak na empleyado. Ramdam ko na may ayaw banggain na malaking tao ang boss ko. Pinoprotektahan lang niya ang kompanya, pati ang mga tao niya. Media killings are everywhere. Kung magmamatigas ako, paano na ang pangarap ko? Pinaghirapan kong makapagtapos at makakuha ng trabaho."
Naiiling ako na napatingin sa nakayukong babae. "Duwag."
Pinili na niya ang landas na nais niya, wala na akong magagawa pa. Hindi siya ang kailangan ko.
Nilagpasan ko siya at humawak sa doorknob. Ngunit may pumipigil sa aking buksan ito. I sigh, out of disappointment.
"Gusto ko sanang sabihin na mag-quit ka na sa trabaho mo dahil sa hindi mo naman ginagawa ito ng tama. Even the whole company, hindi nararapat sa field na pinili nila. Magsara na kayo... Pero ano nga ba ang alam ko sa kalakaran ng mundo mo? Sino ba ako? At higit sa lahat marami na akong problema para intindihan pa iyan. Ngunit sinasabi ko sa iyo, if you're not happy, kung hindi mo kaya, may dalawa kang options, ipagpatuloy ang nasimulan mo at maging sunud-sunuran hanggang sa masanay ka na o kaya naman mag-quit ka na habang maaga pa."
Napatawa siya ng mahina. "Ang dami ko nang pinagdaanan para mag-give up."
"Mukhang nakapili ka na." Tuluyan na sana akong lalabas nang maramdaman ko ang kamay niya sa aking braso.
"Yes. Nakapili na ako. Mananatili ako sa propesyon ko. Ngayon sabihin mo sa akin anong dahilan kung bakit nandito ka?"
Hindi ko siya nilingon. Umiling ako. "No need to know." Tsk. Wala ka namang pakinabang... Gusto ko sanang idagdag.
"Alam kong may sadya ka pang iba. Noong araw na iyon, hindi lang nagkataon na nandoon ka hindi ba? Hinanap mo talaga ako."
"Bakit? Kung sasabihin ko bang mayroon nga akong pakay sa iyo, tutulungan mo ba ako?" Hinarap ko siya at direktang tumingin sa kaniyang mga mata.
"Depende kung kaya ko." Hindi ko inaasahan ang sagot niya.
"Maaring malalaking tao ang makabangga ko, damay ka na roon. Kaya mo ba?" paglilinaw ko. Nakita ko ang paglunok niya ng mangilang beses.
"Sabihin mo muna ang mga detalye" aniya.
"Gusto ko ng hustisya. Gusto kong maparusahan ang mga taong gumawa ng masama. Gusto kong mapabagsak ang isang taong naghahari-harian gamit ang katiwalian. Matutulungan mo ba ako?"
"S-Seryoso ka ba?"
Napahalakhak ako sa tanong na iyon. "Siyempre hindi. Hindi naman ako isang bayani upang gawin ito. I just want to know something, the rest, hindi natin alam baka makatulong upang makamit ng iba ang hustisyang matagal na nilang gustong makamit. Pero the main point is... I'm doing all these for myself."
Katahimikan ang bumalot sa buong lugar. Hinintay kong makapag-isip-isip siya ngunit ibang boses ang aking narinig kasabay ng pagbukas ng pinto ng kaniyang kuwarto. Hindi pala siya nag-iisa? Nanlaki ang aking mata nang mapagtanto kung sino ang lumabas. "Ako. Willing akong tulungan ka."
"Anong ginagawa mo rito?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Tinutulungan ka." Nakangiti niyang sagot. I roll my eyes.
Napahawak ako sa aking beywang. "Ibig bang sabihin nag-usap na kayo?" hindi makapaniwalang tanong ko. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o ano. I didn't expect this, tsk.
"Yes, I approached her a day ago. I'm doing this to help. Please don't disregard me. Alam ko na may kinalaman sa kaibigan ko ang gagawin mo. Count me in."
"Sinabi ko sa kaniya na magkikita tayo ngayon. Hindi ko alam kung anong meron kaya nang sinabi niyang gusto niya ring pumunta, pumayag na ako." singit naman ni Maggi.
"What?!" tanging naisagot ko na lamang.
"Don't be mad Reya please. Unfair naman na hindi mo ako isali sa plano mo."
"Pwede bang sabihin niyo sa akin ang detalye kung ano ba talaga ang sadya niyo? Nakapagdesisyon na ako, kung kaya ko, kung worth it naman ito, makakaasa ka sa serbisyo ko."
"Sigurado ka ba?" hamon kong muli sa kaniya.
"Yes. Tama ka, mali nga ang kalakaran sa mundong pinasok ko ngunit anong magagawa ko? Nasa pinakaibaba lang ako. Kung ito ang chance ko upang gumawa ng maganda, bakit hindi?"
Wala sa loob na umangat ang aking labi. "I'll explain."
****
Hapon na nang makarating ako sa tapat ng bahay ni Renzo. Nakatingin lang ako sa nakasaradong gate, nag-iipon ng sapat na dahilan upang magpakita sa kaniya. Hindi ko na alam ang mga nangyari matapos na iwanan ko si Davin at kausapin si Maggi at Celene. Alam na kaya niya?
Nasa kalagitnaan ako ng pagtatanong sa sarili ng mga bagay na hindi ko naman masasagot nang kusang bumukas ang malaking gate. Hindi sa lalaking matapos akong pagbuksan ay agad na umalis ako nakatuon kung hindi sa lalaking papalapit ng papalapit sa kinatatayuan ko. Halata na galing siya sa trabaho dahil sa suot nito. "Hanggang kailan mo balak tumayo dito sa labas?"
"Huh. A-Ano?" Ibig sabihin alam niyang nandito ako.
Bago siya tuluyang makalapit ay umatras ako. Gumuhit ang pagtataka sa kaniyang mukha. "Bakit ka lumalayo?" Humakbang siya palapit pero hinarang ko ang aking kamay.
"You stop! Huwag kang lalapit."
"Ano bang problema Reya?"
"B-Basta."
Aatras pa sana ako nang hawakan niya ang kamay ko at hatakin ako. Napadpad ang aking katawan sa kaniyang bisig. Napapikit ako habang sinasamyo ang pamilyar na amoy niya. Hindi. Iba na ang pabango niya pero bakit pakiramdam ko makikilala ko pa rin siya sa amoy pa lang?
"Huwag na huwag mong tangkaing lumayo sa akin dahil hahatakin kita pabalik." May kung ano akong naramdaman mula sa aking dibdib. Napangiti na lang ako. Sa dami ng mga nangyari ngayong araw, napawing lahat dahil sa taong ito.
Gustuhin ko man ang pakiramdam na ito, kailangan ko nang gumising. Buong puwersa ko siyang tinulak. "What the!" galit niyang sigaw.
"Don't go near me!" sigaw ko rin. "H-Hindi... Pa... Ako... Aist. Naliligo." nauutal kong pag-amin.
Mula sa gulat ay napalitan ng pigil na tawa ang kaniyang mukha pagkatapos ay tuluyang humalakhak ng malakas. Napasimangot naman ako. Inamoy ko ang sarili. "Tsk. Anong nakakatawa? Totoo naman ang sinabi ko."
Ayaw pa rin niyang tumigil kaya tinitigan ko siya ng masama. Nang mapansin niya ang madilim kong awra ay saka siya napatigil. Nakatitig din siya sa akin ngunit hindi nakaligtas ang sa aking paningin ang paglobo ng kaniyang mga pisngi dahil sa pagpipigil na matawa. Nais ko siyang batukan pero... Ang saya niya at ang cute niyang magpigil ng tawa.
I ended up smiling too. Hindi ko mapigilan ang aking sariling matuwa habang pinagmamasdan ang galak sa mukha niya.
Tumigil siya sa pagtawa at sumeryoso. "What?!" tanong ko. Bakit nahihiya ako sa titig niya? I want to check my eyes kung may muta ba? Tsk, bakit bigla akong na-conscious?
Hindi ko tuloy namalayan na lumapit na siya sa akin. Hinawakan niya ang aking ulo at inilapit sa kaniyang mukha. "Hoy Renzo, anong ginagawa mo? Sabi nang hindi pa ako naliligo!"
"Shh. You smell great."
Natahimik na naman ako. Pakiramdam ko namumula ang aking pisngi. Kung hindi si Renzo ito baka sinuntok ko na. But coming from his lips? It feels something different.
"What the heck are you saying!?"
"Your mouth Reya."
He let go of me. Tiningala ko siya. "Ikaw ang nauna. Anong akala mo? Hindi ko narinig? Nagmura ka kanina."
Isang pitik sa noo ang natamo ko mula sa kaniya. "Sa pagkakaalala ko, hindi ko iyon tinuloy."
"Tsk. Madaya." nguso ko.
Ngumiti siya sabay kurot sa aking ilong. "Cute. Papasok ka ba sa loob o gusto mong tumayo lang talaga dito?"
"Uuwi na ako." Oo gusto kong pumasok sa bahay niya. Hindi lang dahil sa nangako ako kay Davin na ako ang magsasabi kay Renzo ng lahat ng nangyari kaninang umaga pero dahil gusto ko rin talaga siyang makita. Ngunit nahihiya naman akong aminin iyon.
"Okay." sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Hinihila na niya ako papasok sa kaniyang bahay.
"R-Renzo." Naguguluhan ako sa taong ito. Halos takpan ko na ang aking mukha nang mapagtantong may mga nakakalat na guards sa loob. Naku! Nakita ba nila kami kanina sa labas?
"Ako, gusto kitang imbitahan sa loob" wika niya pa.
Napakagat-labi ako, gusto ko nang isubsob ang aking ulo sa lupa, hindi dahil sa kahihiyan kung hindi sa ngiting pinipilit kong alisin sa aking mukha. Malala na talaga ito. I admit it, masaya ako ngayon. Pakiramdam ko, buhay na buhay ako ngayon. Lihim na napahawak ako sa tapat ng aking puso. Matapos ng ilang taon sa kadiliman, ngayon ko pinagpapasalamat na tumitibok ka pa rin...
*****
"Nasaan si Renzo?" tanong ko sa maid na nasa kusina. Kanina, nagpaalam ako na maliligo muna. Hindi ko maatim na hindi maglinis ng katawan. May mga damit na pambabae na rin siyang nakatabi. I asked him why he has female clothes and I was shocked by his answer."The last tine you're here, wala kang magamit." Pagkatapos ay iniwan na niya ako.
"Lumabas po sandali Ma'am. Hmm may kailangan po ba kayo? Sabi ni Sir Renzo, magsabi lang kayo sa amin kung may kailangan kayo."
"Wala." Saan naman kaya nagpunta ang lalaking iyon? Aalis na sana ako nang mapansin ko ang maid na abala sa pagluluto. Biglang pumasok sa utak ko ang mga sinabi ni Davin.
Pinasadahan ko ng tingin ang babaeng abala sa paghiwa ng isda. Nakasuot ng daster at apron na bulaklakin ito. Hindi maaaring ganito ang tipo ni Renzo. "Ano bang pangalan mo at ilang taon ka na?" hindi ko mapigilang maitanong.
Napatigil siya sa ginagawa niya. "Ah ako po pala si Abegail. Bente uno po Ma'am."
"Hindi kita nakita rito noong nakaraang pumunta ako rito."
"Ah. Opo. Bago lang po ako."
"Abegail, ano tapos ka na-" Hindi natapos ang sasabihin sana ng bagong dating nang makita na nakaharang ako sa may pintuan.
"Am. Nandito po pala kayo Ma'am." pagbababa ng boses niya. Ang bilis namang magpalit ng katulong ang lalaking 'yon. May edad na ang babae. Hindi maaaring ito ang umakit kay Renzo. Hindi ko masikmura kahit sa imahinasyon lang.
"Yes." tipid kong sagot bago bigyan siya ng daan.
"Naku Ma'am doon ka na lang at baka madumihan ka rito. Malapit nang maluto ang ulam. Parating na rin panigurado si Renzo."
Hindi nakaligtas sa aking pandinig ang pagtawag niya sa pangalan ni Renzo. Nangunot ang aking noo. "Matagal mo na bang kilala si Renzo Manang?" Ngumiti ang matanda.
"Medyo po. Ako kasi ang naging caretaker ng bahay na ito simula nang mangibang bansa si Renzo. Nang dumating siya, nakauwi ako sa aming probinsiya, dinala ko na rin itong pamangkin ko pabalik dahil gustong magtrabaho. Ako nga pala si Rose."
"I'm Reya" abot ko sa aking kamay. Well, nakikita ko na malapit sila ni Renzo kaya wala namang masama kung magpakilala.
Masayang tinanggap ng matanda ang aking kamay. "Nobya ka ba ni Renzo iha?" nakangiting tanong niya.
Napaisip tuloy ako. Ano nga ba kami ni Renzo? Naalala ko noong sinabi niya na parang kapatid niya na ako. Haist! Bakit naiinis ako? He is the reason kung bakit gumaan ang bigat sa aking puso. Hindi ko alam kung hanggang kailan pero masaya na ako na may nagparamdam sa akin nito.
"We're good friends" sagot ko. Napansin ko na halos ayaw bitawan ng matanda ang kamay ko. Gusto kong alisin ang kamay niya pero paano? Kung gagamitan ko ng pwersa, baka magulat siya.
"Ay. Akala ko po mag-jowa kayo Ma'am. Bagay na bagay pa naman kayo." Nabaling ang atensyon namin kay Abegail.
"Aist, Abegail. Manahimik ka diyan." saway ni Manang. Halata na natatakot siyang ma-offend ako.
"Nasaan na ang ibang maids? May mga nakita akong iba pa noong huling punta ko rito." pagbabago ko sa usapan. Ayokong mambara ngayon.
"Pinaalis na po ni Sir, Ma'am. Parang mga linta kay Sir Renzo e."
"What?" pigil na pigil kong sigaw. Damn it. Parang gusto kong manabunot.
Sa wakas ay bumitaw na rin ang matanda. "Ikaw na bata ka, manahimik ka sabi" natatarantang lapit niya kay Abegail.
"Tita, totoo naman ang sinabi ko. Mas gugustuhin ko pa na kay Ma'am mapunta si Sir kaysa sa malalanding 'yon. Aaahh. Aray ko!" tili niya matapos kurutin ni Manang sa tagiliran.
"I disagree" wika ko. Natigil naman ang dalawa at napatingin sa akin. "Ngunit maswerte ang babaeng mamahalin niya. He deserves the best woman in this world." Hindi ako iyon.
"Ikaw, ituloy mo na ang pagluluto." Utos ni Manang.
"Pwede bang..." mahinang usal ko.
Napatingin muli silang dalawa sa akin. The atmosphere is getting awkward.
"Ako na ang magluto niyan?" Sa wakas ay nasabi ko ito.
"Ma'am?"
"Anong luto ang gagawin mo sa isda?" baling ko kay Abegail.
"Ah. Prito lang po. Paborito daw ni Sir itong bangus sabi ni tita Rose. Tapos ko na ang ibang putahe, ito na lang Ma'am. Nagugutom ka na po ba?"
"Ah. Ako na ang magtutuloy niyan."
"Pe...pero-" alangang sagot niya.
"Akin na. I can do this." Kinuha ko ang lagayang may laman na bangus.
Nakatingin lang silang dalawa sa akin. "Excuse me? Ayoko sanang may nanonood sa akin habang nagluluto."
Naintindihan naman ni Manang Rose ang pagtataboy ko sa kanila. Hinila na niya palayo ang pamangkin niya.
Nang sa wakas ay mag-isa na lang ako, sinimulan kong buksan ang kalan, naglagay ng mantika sa kawali. Muntik nang umapaw ang mantika sa dami ng nilagay ko. Tama naman siguro ang ginagawa ko? Deep fry nga hindi ba kaya maraming mantika.
Hinihintay kong uminit ang mantika ngunit nakakainip pala. "Pwede na siguro ito?" tanong ko sa sarili bago ihulog ang isang isda.
"Shit!" nanggigil na sigaw ko nang magtalsikan ang mantika. Binalewa ko ang mga talsik nito sa kamay at sa bandang harap ng aking siko. Naghulog ulit ako ng isa. Mas lalong lumakas ang tilamsik. Kinuha ko ang ispatula dahil iyon ang unang nakita ng aking mata.
Babaliktarin ko na sana ang isda ngunit nakadikit ito sa kawali. "Tsk, hindi pa ba mainit ang mantika para dumikit ng ganto! Come on!" inis kong turan. Mas mahirap pala ito sa inaakala ko.
Napahawak ako sa hawakan ng kawali at pwersahang babaliktarin sana ang isda ngunit babaliktad na ang kawali sa lakas ng pagkakatulak ko sa ispatula. "Oh no! Shit!" Hindi na ako makapag-isip sa sobrang taranta, pumikit na lang habang hinihintay na matapon ang laman ng kawali. Ngunit hindi nangyari ito.
May kamay na kumapit sa hawak kong kawali, dahilan upang mapigilan ito sa pagkatapon. Pagmulat ko ng mga mata, sermon niya ang sumalubong sa akin.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?! Are you out of your mind?!" pagtataas niya ng boses. Nasa likod ko lang siya at halos magdikit na ang aming katawan. Mabilis niyang pinatay ang kalan. Ako naman halos matuod sa kinatatayuan.
"I'm just trying to cook. Hindi ko intensyong sunugin ang bahay mo." paliwanag ko naman.
Hindi niya ako inimik, binawi ko ang aking kamay na nakakapit sa hawakan ng kawali. Muntik na akong mapamura nang masilip ang isdang durog-durog na. Hinarap ko siya at nakita na ang sama ng tingin niya sa lasog na isda sa kawali.
"H-Hindi ko rin balak na babuyin ang paborito mong ulam." Napahawak ako sa aking bibig. Damn it! Napapahiya na ako rito.
Bigla niyang hinablot ang kamay ko at hinila papuntang lababo. "Don't tell me you also unintentionally hurting yourself."
"Huh. Ha?" Naguguluhang tanong ko.
Namalayan ko na lang na nakabukas na ang faucet at tinapat niya ang kamay ko sa umaagos na tubig.
"Tingnan mo, namumula na ang kamay mo."
"Tsk. Did you forget who I am? Wala ito, hindi masakit."
Pinatay niya ang gripo, pero ang isang kamay niya ay nakahawak pa rin sa kamay ko. Gusto kong bawiin na ang aking kamay pero hinigpitan niya ang hawak. Marahan nitong hinaplos ang mapulang bahagi na dala ng talsik ng mantika.
"Alam kong nagtanim ng malalim na sugat ang mga pinagdaanan mo upang pabayaan ng ganito ang iyong sarili Reya. Pero maaari ba, huwag mong lokohin ang sarili mo? Ayos lang na sabihin mong masakit kung may kirot kang nararamdaman. Kung masaya ka, ilabas mo lang at huwag mong itago sa sarili mo. Kung nais mong umiyak...kapag malungkot ka, hayaan mong tumulo ang iyong luha. Life isn't always happy nor sad."
"But memories can affect the present Renzo. What we are now is the fruit of what we experienced in the past. Kung nasanay akong maging manhid, itago lahat ng nararamdaman at mamuhay na palang patay, dahil ito sa nakaraan na mahirap takasan. You know what? Wala tayong pinagkaiba, bihag ka rin ng nakaraan mo at nakulong sa lungkot. And the effect? You barely smile."
"Tsk. Lagi ka na lang may dahilan."
"Ako pa ba? I am Reya Clemente, remember?" Tiniklop ko ang mga daliri sa aking kamay na hawak pa rin ni Renzo maliban sa hinliliit.
"But to be honest. I am so happy right now." I showed my sincerest smile.
"Hindi madali pero subukan natin. Make a promise. Laugh kung may nakakatawa, cry kapag malungkot o nasasaktan, shout when frustrated and so on?"
Nginuso ko ang hinliliit ko sa kanya nang hindi siya umimik. Hindi nagtagal kumawala ang ngiti sa kaniyang labi. Parang nakakakita ako ng anghel sa aking harapan. "Promise me, you'll do the same? Ah mahirap pala iyon. At least, try natin?"
Hindi mawala ang kagalakan sa aking puso sa mga oras na ito habang pinagmamasdan siyang ilapit ang kaniyang daliri sa aking daliri. Para kaming mga bata pero wala akong pakialam.
****
Sabi nga ni Renzo, hindi araw-araw ay masaya o malungkot. Kahit na, masaya ako kagabi! We had our dinner together, tahimik lang at hindi nag-open ng topics na makakasira sa peaceful na atmosphere.
Malalakas na katok sa pinto ang nagpagising sa akin sa mahimbing na pagkakatulog. Wala akong balak na pansinin ito ngunit mas lalong lumakas ang mga katok. "Miss Reya, may mga pulis sa ibaba!" sigaw ni Manang sa labas na nagpabangon sa akin. Tila nawala lahat ng antok ko sa katawan. "What's happening?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top