Chapter 55
Davin's POV
"Wait! Bakit ka ba nagmamadaling tumakbo?! Ano bang nakain mo at para kang kiti-kiti?"
Napatakip ako sa bibig kasabay ng pigil na tawa. Inayos ko ang posisyon ng aking cellphone upang makunan ng maayos ang dalawa sa video.
"See? She' so fine, bro. Alive and kicking... running rather." Natatawang sabi ko kay Renzo. Masyadong seryoso ang mukha niya habang nanonood sa screen. Naka-video call kami ngayon.
Inilipat ko sa selfie mode ang camera upang makita niya ang pogi kong mukha. "I'll be there as soon as I finish some paperworks."
"What? You're coming? Bro, ginising mo ako ng maaga para pumunta rito, iyon naman pala e pupuntahan mo naman siya? Nasaan ang hustisya? Dapat ay natutulog pa ako ngayon."
"My supposed meeting has canceled, kaya may time akong dumaan. At trabaho mo ang bantayan siya hindi ba? Bakit nagrereklamo ka ngayon?"
"Dude, sige na talo na ako."
Matapos magpaalam ay nawala na siya sa screen. Naiiling na nakatingin pa rin ako sa aking phone nang makita ko sa aking peripheral vision ang paglapit ng isang taong naka-jogging pants at sweatshirt. Kahit hindi ko masyadong makita, alam ko na may hila-hila siyang aso.
Naibaba ko tuloy ang hawak na phone nang huminto siya sa mismong harapan ko. Isang alangang ngiti ang aking pinakawalan nang makita siyang nakapameywang habang nakakunot ang noo. "Uhm. Hi!" kaway ko.
Mas lalo siyang napasimangot. "Bakit ka nandito?"
"Siyempre bodyguard mo ako. I'm just doing my job."
"Wait! Wala akong sinabing puntahan mo ako ngayon? Paano mo nalaman na narito ako huh?"
Tinugunan ko ang matatalim niyang mga mata ng isang nakakalokong ngiti. "Magaling kasi ako."
Lumapit pa siya sa akin at akmang sisipain ako sa binti. Napaatras naman ako. "R-Reya. Heto na nga seseryoso na. Ikaw naman hindi ka na mabiro. Nanggaling ako sa bahay niyo. Sinabi sa akin ni manang kung nasaan ka." Napabaling ako sa kaniyang aso na tahimik na nakaupo sa bandang likuran niya.
"You can now go away." masungit niyang pagtataboy habang nakapameywang.
Hindi ko mapigilang mapangiti. "Nope. Nandito na ako eh. At isa pa, marunong naman akong sumunod sa napagkasunduan nating tatlo. I'm here because its my job and I'm already paid."
Tinalikuran niya ako at kinarga ang mabalahibo niyang alaga. "Bahala ka sa buhay mo. Bakit ba sinasayang ko ang oras ko sa pakikipag-usap sa iyo?"
Naglakad siya palayo kaya sinundan ko na lang siya. Inilibot ko ang paningin sa paligid. Mapuno ang lugar at walang ibang tao. "Nakakatakot naman dito. Ano bang klaseng parke ito?" tanong ko habang hinihimas ang aking magkabilang braso.
"Maghanap ka ng ibang tatambayan mo kung ayaw mo rito."
Lagi na lang may regla ang isang ito, tsk. "Alam mo nahihirapan ako sa set up na ganito. May alam akong paraan para hindi ganito kagulo ang mga mundo natin."
Hindi siya sumagot. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad ngunit pakiramdam ko nakikinig naman siya sa akin. Iyan talaga ang Reya na nakilala ko, parang walang pakialam ngunit sa totoo lang, pinipigilan lang niya ang sarili. Sa oras ng pangangailangan, maaasahan din siya.
"Bakit hindi ka na lang muna tumira pansamantala sa bahay ni Renzo?"
Dito na siya napatigil sa paglalakad. Dahan-dahan siyang humarap sa akin. Nawala ang aliwalas sa perpekto kong mukha nang makita ang madilim niyang awra.
"What? Alam mo ba ang hirap ko para lang makaalis sa bahay na iyon tapos gusto mo akong pabalikin?"
Isang hakbang na lang niya, tatakbo na talaga ako. Mas nakakatakot pa siya sa lugar na ito.
"Uy relax lang. Huwag mo akong papatayin. Iniisip lang kita. Alam mo na. Lalaki lang si Renzo, natutukso rin." Nagpaikot-ikot ang aking paningin sa iba't ibang direksiyon habang iniisip ng maigi kung itutuloy ko ba ang aking sasabihin?
"What do you mean?" Napalitan ng pagtataka ang buong mukha niya.
"Ganito kasi iyan. Nakita mo naman hindi ba ang mga kasama ni Renzo sa bahay niya? Sa hula ko, may mga dalaga sa maids ni Renzo. Hindi natin alam baka isang gabi, pasukin na lang siya sa kuwarto at akitin? Lalaki ang kaibigan ko Reya, sa palagay mo hindi siya matutukso? Baka magising na lang tayo isang araw nakabuntis na siya at kailangang magpakasal?"
Naging blangko ang ekspresyon ng mukha niya. Umihip ang malamig na hangin at pakiramdam ko ito na ang magiging katapusan ko. Mali yata ako ng nasabi?
"Dapa!"
Ang bilis ng mga pangyayari, sa ilang sandali lang nakaharap na ako sa lupa, kasabay ng putok ng baril. Walang tigil sa pagkahol ang aso ni Reya. Nanginginig ang buo kong kalamnan. Nilingon ko si Reya na nasa tabi ko na. Nakayuko rin siya, yakap ng kanan niyang braso ang aso habang ang kabila naman ay nasa ulo ko. Kung hindi niya ako hinablot pababa, may posibilidad na isa sa amin ang natamaan.
"A-Anong nangyayari?" akmang iaangat ko ang aking ulo nang diinan niya ang hawak sa aking ulo, mas lalo akong mapayuko. Nakarinig na naman ako ng putok ng baril.
"Nahihibang ka na ba?! " malakas niyang sigaw. Hindi ko maintindihan ang lahat.
"Damn! Anong nangyayari?!" sigaw
ko rin.
Naiiling na tinignan ko siya. Takot ang unang rumehistro sa aking mukha nang makita ang pagkaalarma din niya.
Bigla niyang inabot sa akin ang aso. "Davin, ikaw muna ang bahala kay Yoh." Tinawag niya ang pangalan ko.
"R-Reya!" sigaw ko nang bigla siyang tumakbo. Napatakbo na rin tuloy ako upang sundan siya.
Hinila niya ako. "Bilisan mo ang kilos kung hindi mamamatay tayo pareho!" Nagawa naming makarating sa pinakamalapit na puno at magtago rito. Hindi makapaniwalang kinapa ko ang aking sariling katawan. Buhay pa ako!
Natigilan akong muli nang makita si Reya na mula sa ilalim ng jogging pant na suot niya ay kinuha nito ang isang baril na nakatago sa kaniyang hita.
Wala akong nagawa kung hindi ang panoorin siya habang mahigpit na hawak ang aso nito.
Reya's POV
Hindi ko akalaing dadating ako sa puntong ito ng buhay ko. Mabuti na lang at nagpasya akong magdala nito matapos ang lahat ng nangyari sa akin noong nakaraang gabi. Sa wakas, magagamit ko na ito. Pilit kong tinatagan ang aking loob kahit pa sa totoo lang halos malaglag na sa lupa ang aking puso sa sobrang kaba.
Sumilip ako sa direksiyon kung nasaan ang taong nagtangka sa amin.
Nakatago rin sila sa mga puno. Tama, hindi lang isa kung hindi tatlo sila.
Kanina ko pa napapansin na may sumusunod sa akin. Nakarinig rin ako ng kaluskos habang nakikipag-usap si Davin sa akin. Tama nga ang kutob ko.
Napansin ko ang pagsilip ng isa sa kanila. Mabilis na nakapagtago ako bago pa ito bumaril. Nang sa wakas ay tumigil ito ay siya namang labas ko upang bumaril ngunit nakapagtago rin siya.
"Kailangan kong tumawag ng tulong." narinig kong sabi ni Davin.
"Tsk. Kailan sila darating? Kapag wala na tayo?" I have to do something bago pa mahuli ang lahat.
Concentrate. Huminga ako ng malalim. Ito ang panahon na pinaghahandaan ko kaya ako nag-aral gumamit ng baril. Dapat magamit ko ang aking natutunan.
Tuldok... Tama! Kailangan kong patamaan ang tuldok. I need to set a specific target. Tinangka kong sumilip muli. Sakto namang nakita ko ang isa sa kaliwa na nakapuntirya ang baril sa aming direksiyon.I need to draw an emaginary target point.
"Reya!"
Hindi ko pinansin ang sigaw na iyon ni Davin. Lumabas ako sa aming pinagtataguan at pinaputukan ang target. Nakakaiwas ang lalaki pero sunod na pinatamaan ko siya sa tuhod. Napaluhod ito. Nagawa ko! Nakabaril ako ng tao, dapat matuwa ako.
Nakita ko na mula sa katabing puno ay lumabas ang kasama nito. Nakaitim din siya at naka-bonnet.
Pinaputukan ko kaagad siya. This time, hindi ko alam kung saan tumama ang bala ngunit natumba ito. Hindi ko namalayan ang isa pang kasama nila. Huli na ang lahat upang makapagtago nang bumaril siya sa direksyon ko.
"Reya!"
Akala ko katapusan ko na. Akala ko matatamaan na ako... But Davin's just on time. Bumagsak kaming dalawa sa lupa matapos niya akong itulak. Alam kong nandoon pa ang kalaban kaya wala akong sinayang na oras. Itinutok ko kaagad ang baril sa taong muntik nang pumatay sa akin at kahit halos pagapang na sa lupa ay tinangka ko siyang patamaan.
Napabitaw ang lalaki sa hawak na baril. Pinaputukan ko siyang muli at nakita ko na dumaplis ang bala sa binti ng lalaki. Tumakbo siya palayo. Again, I pointed my gun at the target... Malinaw na nakikita ko na ang patatamaan. Its his back...Pero hindi ko pala kaya. Ibinaba ko ang baril at napabaling sa nakadapang si Davin.
"Davin! Come on Davin! Magsalita ka! Are you okay?" Nilapitan ko siya. Nangangatog ang aking katawan at napakabilis ng tibok ng aking puso. Natamaan ba siya? Hindi ko alam ang gagawin ko kung oo.
"Ah-ha? A-Ano?" natataranta niyang sagot.
"Haist!" Parang nagbalik ang kaluluwa ko sa aking katawan nang marinig ang boses niya. "Peste, you scared me."
"Ayos ka lang ba?" tanong niya. Nakikita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.
"Yes. Thanks to you." napakahinang sagot ko.
"Anong sabi m-!?"
"Davin, as my bodyguard, kailangan ko ng tulong mo. Huwag mong hayaang makawala ang dalawang iyon." sabi ko bago bumangon. I'll try to catch the other one.
"A-Ano bang nangyayari? Damn it. Saan ka pupunta?"
Hindi ko na pinansin pa si Davin.
***
"Stop!" Nagpaputok ako paitaas. Akala ko hindi hihinto ang pangahas na taong hinahabol ko ngunit nagkamali ako. May tama siya sa binti ngunit nakakatakbo pa siya.
Tumigil siya sa pagtakbo at tumayo ng matuwid. Tinutok ko ang baril sa kaniya habang dahan-dahang lumalapit. "Show your face!" mariin kong sigaw.
Malalalim ang bawat paghinga niya. "Humarap ka o kakalabitin ko itong gatilyo?" Come on, I'm silently praying he'll do what I said... Kung hindi, baka mabaril ko talaga siya. He tried to kill me, even Davin and my Yoh.
Nagulat ako nang itaas nito ang mga kamay. "Hindi ko alam na marunong ka na palang gumamit ng baril. Hindi mo iyan natutunan sa lugar ko hindi ba?"
Bigla akong nanlumo nang marinig ang pamilyar na boses. Humarap siya sa akin ng nakangisi.
Halos hindi ako makapagsalita. "Ikaw..." Nagbuga ako ng malakas na hangin. "Sinong nagpadala sa iyo rito? O sariling desisyon mo ba ito? Ha!?"
Sa halip na sumagot ay ibinaba niya ang kaniyang mga kamay at nagsimulang tumawa ng malakas.
Itinaas ko ang hawak na baril at tinutok sa kaniyang ulo. "Huwag mo akong tawanan. Baka magdilim ang paningin ko, hindi kita makilala."
Sumeryoso ang mukha niya sa sinabi ko. "Alam mo kung bakit ako narito? Ha, Reya?"
"You want me to die. Of course. But I never expect this. Hindi ko akalain na ikaw pa."
"What?! Dahil lagi akong sunud-sunuran hindi ba? Sinasabi ko sa iyo! Hindi ako nananahimik at sumusunod lang sa isang tabi dahil sa natatakot ako sa iyo! Na'kay Arthur lang ang katapatan ko. Pero dahil sa iyo, kailangan kong gawin ito!"
Namalayan ko na lang na nanginginig na ang aking kamay. "Sino? Sabihin mo, sino ang nag-utos sa iyo?"
"Mas maganda kung barilin mo na lang ako." Sa tono ng pananalita ni Derek, alam ko na mas nanaisin pa niyang mamatay kaysa magsalita.
Biglang sinipa ni Derek ang kamay ko. Tumilapon ang hawak kong baril. Sumuntok ako pero naiwasan niya ito. Nagpalitan kami ng sipa at suntok. Alam ni Derek ang mga galaw ko. Kahit pa may pinsala siya, mahusay pa rin siyang lumaban.
Nahulaan ko na sisipa siya, napatingin ako sa tama niya sa binti habang dumadapo ang paa niya sa aking tiyan. Hindi ko siya inilagan. Napaupo ako sa lakas ng kaniyang pagsipa. May gusto akong matiyak.
"Bakit?" mahinang tanong ko.
"Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito."
"Reya!"
Nabaling ang atensyon namin pareho sa sunud-sunod na kahol ng isang aso sa bandang likuran ko.
"Yoh!" rinig kong sigaw naman ni Davin na humahabol sa aking aso papunta sa aking direksyon.
Tumalikod si Derek at tumakbo palapit sa motorsiklong nasa likod ng isang puno.
Nakatakas siya...
Pagkaraan ng ilang segundo, naramdaman ko ang isang munting nilalang sa aking paanan. Patuloy ito sa pagkahol.
Tumayo ako na parang walang nangyari.
"Nahihibang ka na ba? Tang'na! Muntik na tayong mamatay kanina!" galit na sabi ni Davin. Parang gusto pa niyang habulin si Derek, hinarang ko ang aking kamay.
"Aaarrgh.."
Tinignan ko ang galit na galit pa ring si Yoh. "Calm down. Its all over." Binuhat ko si Yoh at niyakap, dito na siya tumahimik.
Naramdaman ko na nakatingin sa akin si Davin kaya't hinarap ko siya."He doesn't intend to kill us."
"What? Paano mo nasabi?"
"Hula ko lang. O maaaring mali ako."
"Tsk. Seryoso ako ngayon Reya. Sabihin mo sa akin, ano nga ba ang totoong nangyayari? B-Baka isang araw mamalayan ko na lang na niraratrat na tayo ng mafia?"
"Shit! I'm serious too!" sigaw ko rin. Nais kong magtimpi ngunit hindi ko mapigilan ang sarili na maging emosyonal. Hindi niya alam kung gaano ako natakot. The mere fact na akala ko mawawalan ako ng mahalagang bagay sa aking buhay, parang may nanunudyo sa aking pumatay! Niyakap ko pa lalo ng mahigpit si Yoh.
"I can't afford to see Yoh dying right in front of me. Siya lang ang mayroon ako. And also, if you die because of me, its another nightmare I will carry for the rest of my life. Naiintindihan mo ba? Hindi ako nagbibiro Davin. Hindi biro ang lahat ng ito!"
"Then tell me. Ano ito? Ba-bakit ganito? Anong pinasok mo? Ninyo ni Renzo?"
"No. Wala siyang kinalaman dito. Its something personal. Hindi ko alam kung kailangan mong malaman ang lahat. You have to stay away from me. Quit being my bodyguard. Sa pamamagitan nito, magkakaroon ka ng tahimik na buhay."
Tinalikuran ko siya. Its the best thing I could do for him. Its for his own good.
"Tama. That's the best option. Pero hindi kakayanin ng konsensiya ko. Hindi ko kayang tumakas at iwanan ang isang kaibigan. Hindi ako marunong makipaglaban o gumamit ng baril na tulad mo, pero alam kong may maitutulong ako kahit papaano."
Sa mga sinabi niya, isa lang ang tumatak sa akin... Kaibigan?
"Salamat, ngunit hindi mo na kailangang gawin ito. Don't worry. Babayadan pa rin kita. All you have to do is stay away from me."
"Hindi mo naintindihan. Hindi na ako maaaring umatras. Ganyan lang ba kaliit ang tingin mo sa akin? Dahil ako, ang laki ng respeto ko sa iyo. Alam mo ba na sinabi sa akin ng asawa ko na niligtas mo ako noong birthday ko? Mas lalong tumaas ang tingin ko sa iyo ng dahil dito. Kahit hindi mo sabihin, pinahahalagahan mo ang kaibigan mo! Kaya pinangako ko na pahahalagahan at pu-protektahan din kita bilang kaibigan ko."
Napatigil ako sa paghakbang.
"I don't want people to see dying because of me."
"Ganyan din ang nararamdaman ko. So protect me at all cost and I'll do the same. Pero kung mabigo ang isa sa atin, ipaburol natin ng maganda ha."
Biglang naningkit ang aking mga mata sa sinabi niya. "Sure." Sa halip na pagalitan siya ay sumang-ayon ang ginawa ko. "Pfft" rinig ko ang pigil niyang tawa. Bahagyang gumaan ang tensyon sa pagitan naming dalawa.
Naglakad kami pabalik ng tahimik. Ako ang unang bumasag nito. "Kilala ko ang lalaki kanina. Hindi pa ako sigurado kung bakit pero malalaman ko rin ito."
"Hindi lang iyan ang gusto kong marinig Reya. Alam ko marami ka pang hindi nasasabi."
"Tama ka. Naghahanap si Renzo ng hustisya para sa kamatayan ng kaniyang dating girl friend. Ganoon din si Celine, she created articles online about Merian. Dahil naniniwala sila na may mali sa pagkamatay niya. Hindi ko alam kung may patutunguhan ang ginagawa nila pero ang nakakatawa, I am also trying to help them."
Naramdaman ko na tumigil siya sa paglalakad kaya napalingon ako rito.
"Alam ko na ang lahat ng iyan. Sagutin mo ako, kilala niyo na ba kung sino ang kaaway niyo rito? Celine's abduction, the death of her kidnapper?"
Napailing na lamang ako. "Hindi pa malinaw ang lahat. Kilala nila tayo pero hindi natin sila kilala."
"Damn!"
Ramdam ko ang takot na nararamdaman niya dahil sa sinabi ko. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Sumunod naman siya sa akin.
"Nasaan ang dalawa niyang kasama?"
"Nakatakas sila." bagsak ang balikat na tugon niya.
"I'm so sorry, I failed you but I promise you, tutulong ako sa kahit anong paraan."
"Keep yourself safe at all time. It will help a lot."
Suddenly, his phone rings. Bigla akong nataranta.
"Wait. Davin, can I ask you a favor?"
"Ano iyon?"
"Aist. I don't usually ask favors. But this is a must. Please. Huwag mong sabihin kay Renzo ang lahat ng mga nangyari ngayon."
Napatingin siya sa phone. Base sa reaction niya, tama ako... It's Renzo who's calling.
"He needs to know all these. Kailangan natin siya."
"No! I have to figure out all these by myself. Ayokong madamay mas lalo pa kayong madamay, naiintindihan mo?"
Tumayo siya at hinarap ako. "Hindi pa ba kami damay sa lagay na 'to?"
"Aist!" Hindi ko na napigilan ang aking sarili. Lumapit ako sa kaniya. "Please. Trust me. Sabi ko kanina personal ang lahat. Pero ang totoo, hindi ko alam kung may kinalaman ba ito kay Renzo o kaya sa nakaraan niyang pilit niyang hinuhukay. I promised myself to help him. Ayokong sa halip na na makatulong, makasama pa ako."
"Pero-"
"Please!" sigaw ko. Nawawalan na ako ng pasensiya at oras. "I'm begging you."
Tagus-tagusang tingin ang pinukol niya sa akin.
"Davin, ayokong mag-alala siya." Halos hindi ko na marinig ang sariling boses.
"Anong plano mo?" tanong niya sa akin.
"Ako ang magsasabi sa kaniya."
Wala na akong ibang maisip kung hindi ang hablutin ang kaniyang cellphone. Ngunit bago ko pa man magawa ito ay nasagot na niya ito.
"Bro, nasaang lupalop ka na ba ng mundo?" tanong ni Davin na parang walang nangyaring masama kani-kanina lang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top