Chapter 54
REYA'S POV
"B-Boss?!" naguguluhang tanong ni Derek.
Napakurap ako ng ilang beses habang nakasalampak sa sahig. I'm still alive.
"What are you doing here?!" mariing tanong ni Arthur. Napatingala ako at nakitang hawak ni Arthur ang kamay ni Derek na may hawak na baril.
Ang bilis ng mga nangyari kanina. Nang umikot ako para sipain si Derek, akala ko natamaan niya ako ng baril niya pero mas mabilis sa amin si Arthur. Nagawa niyang hilahin ako pababa sabay ng paghawak niya sa kamay ni Derek upang sa ibang dereksiyon tumama ang putok nito.
Again, Arthur saved my life. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga sandaling ito. Napakuyom ang aking mga palad. Bakit ganito ang nangyayari?
"Boss!" Kumawala si Derek sa higpit ng pagkakahawak ni Arthur sa kamay niya. "Sabi ko naman sa iyo hindi ba? Sakit sa ulo ang babaeng iyan. Huwag mo nang sayangin ang lakas mo upang patayin siya, kaya kong gawin ito para sa iyo!"
"Damn it! You almost killed me!" Halos lumitaw ang ugat sa leeg ko sa lakas ng aking pagkakasigaw. Of all people, I never expect him to do this to me.
"Oh, bakit ka nagagalit? Reya, para kay boss gagawin ko ang lahat! Sinusunod kita hindi dahil sa takot ako sa'yo. Alam mo kung bakit?!"
"STOP IT!"
Napapikit ako sa sigaw na iyon ni Arthur. Maging si Derek ay natahimik din.
"Derek, iwanan mo kaming dalawa."
"Boss..."
"Its my business. Wala kang karapatang mangialam."
"Boss. Alam ko pero nagawa ko lang naman ito dahil nasa'yo ang katapatan ko. Kailangan kong kumilos kung-"
"Ano sa sinabi ko ang hindi mo maintindihan? Ako lang ang may karapatang lagutan ng hininga ang babaeng iyan. What you just did is clearly being against me. Umalis ka na habang nakakapagpigil pa ako."
Napayuko siya habang marahas na nagkakamot sa ulo. Nagtama ang aming mga mata. I have a lot of questions in my mind pero nawalan ako ng ganang magsalita. Siya ang unang nag-iwas ng tingin. Wala siyang nagawa kung hindi ang umalis.
"Tandaan mo ito Reya, ako lang ang maaaring kumitil sa iyong buhay."
Naningkit ang mga mata ko. "Kahit sino maaring mamatay ano mang oras. Pwede m
kang mauna o ako. Bakit hindi mo na lang siya hinayaang tapusin ako?"
"You dare ask stupid question again. Kahit itago mo pa, natutuwa ka na buhay ka pa ngayon. If I'll attempt to kill you now, manlalaban ka gaya nang kung paano mo sinubukang labanan si Derek kanina. Things start to be interesting again. Tingnan natin kung hanggang saan mo kayang ipaglaban ang buhay mo sa mga susunod na araw."
Kahit nanlalambot pa ang aking tuhod ay pinilit kong tumayo. "Hanggang sa kaya ko!"
"Good. Noong gabing iyon, plano ko talagang mamatay ka sa kamay ni Lorenzo Andrews. Una, gusto kong makita kung hanggang saan ang kaya niyang gawin upang makuha ang tiwala ni Henry sa kaniya, pangalawa, para makita ang reaksiyon niya kung malaman niyang ikaw pala ang pinatay niya. Pero hindi umayon ang lahat sa plano."
Nakatingin lang ako sa kaniya kahit pa gusto nang magsumigaw ng puso ko sa galit. "Hindi" tanging salitang namutawi sa aking labi.
"Yes, Reya! Kaya kong gawin iyon! Hindi man ako nagtagumpay pero marami akong nalaman. Paano kaya kung makarating kay Henry ang bagay na ito? Lorenzo is digging his own grave, pareho lang kayo. Alam na rin ng Andrews na ito ang sekreto mo, ano kaya ang magiging aksyon ni Henry ukol dito?"
"Bakit hindi mo sinabi kay Henry ang lahat?! Wala pa siyang alam hindi ba? "
"Dahil naaliw pa ako sa mga nangyayari. I will tell him soon. Napagtanto ko na mas nakakaaliw ang mga susunod na mangyayari. You now have the guts to value your life, lets see how far you would go. I cannot wait for what will happen between Orietta and Andrews as well. Napakainteresante hindi ba?"
Sa lahat ng sinabi niya, isang bagay ang nakakuha ng atensyon ko. "Anong alam mo sa totoong pakay ni Renzo sa Organisasyon? Arthur tinanong kita noon kung may kinalaman ang Organisasyon sa nangyari sa mag-amang Felipe, sinabi mong wala."
Lumapit ako sa kaniya at humawak sa kamay nito. Wala akong pakialam sa reaksyon niya habang nakatingin sa kamay ko. Its my chance, there's no turning back.
"Nagsinungaling ka hindi ba? May kinalaman si Henry rito?"
Hinawi niya ang kamay ko. "Look at how disgusting you are right now. Mas lalo mong ibinaba ang tingin ko sa iyo. Lets see how you're going to find out the truth. "
Tumalikod siya at nagsimulang maglakad. "Arthur! Ilang beses ko nang sinabi ito pero sasabihin kong muli. Paulit-ulit kong bibigkasin sa iyo! I hate you!" Napahinto siya sa paglalakad ngunit ilang segundo lang ang lumipas ay naglakad siyang muli papalayo.
"I hate you Arthur!" Muli kong sigaw.
"I hate you!"
Nagpatuloy siya na parang walang naririnig. Papalabas na siya nang muli akong sumigaw. "I hate you Arthur!" Kasabay ng paglaho niya sa paningin ko ang panalangin na sana marinig niya ang munting mensaheng nais kong iparating. "Alam ko, naririnig mo ako, pinakikinggan mo ako Arthur."
Alam ko na sa mga susunod na mga araw, magiging mas mahirap na ang lahat. Darating ang araw na kinatatakot ko. Anuman ang unos na dumating, wala nang makakapagbago ng direksyong pinili ko.
Halos matulala na ko sa kinatatayuan nang mula sa pintuang dinaanan ni Arthur ay patakbong pumasok ang lalaking nagmamadaling tumakbo papalapit sa akin. Napakurap ako ng ilang beses, iniisip na mabuti kung guni-guni nga lang ba o talagang nandito siya?
He stopped right in front of me. "Are you okay?" kunot-noong tanong niya. Napailing ako kasabay ng kiming pagngiti.
He's not my knight-in-shining-armor nor my prince charming. Yes he's handsome and his physical appearance might qualifies him, but he's more like one of the stupid policemen from a lame movie who always arrives late in the battlefield.
"Anong ginagawa mo rito? What happened? Are you listening?" sunud-sunod niyang tanong. Hinawakan pa niya ako sa magkabilang balikat. I could see in his eyes how worried he is at this very moment.
"Wala. Pagod na ako, gusto ko nang umuwi." Akala ko, magtatanong pa siya pero hindi niya ako pinilit na sumagot. Ramdam ko ang pagkabahala niya dahil sa mga kinikilos ko, salamat naman at minabuti niyang manahimik. He grabbed my left hand using his right hand. "Let's go."
Sa mga sandaling ito, inaamin ko, pinagaan na naman niya ang loob ko. Kahit gaano pa siya kahuli sa eksena, kahit pa hindi siya dumating noong mga panahong napakadilim ng mundo ko, at kahit pa alam ko na hanggang sa mga oras na ito, iisang tao lang ang nasa puso't isipan niya.... masaya pa rin akong dumating siya.
Tinahak namin ang daan palabas ng tahimik, hanggang sa makarating kami sa lugar kung saan nakaparada ang kotse niya, wala pa ring nagsasalita. He opened the car's door for me. Pagkapasok ko ay pumihit siya at binuksan ang kabilang pinto saka pumasok at umupo sa tabi ko.
"Let's go Alex" utos niya sa lalaking nasa driver's seat. Ito 'yong bodyguard niya na naabutan ko sa bahay ni Renzo. Hindi ko maiwasang mapasilip, medyo nagulat ako nang mapalingon din ang lalaki. Sumaludo pa siya sa akin na parang pulis. Nag-iwas ako ng tingin at bumaling sa bintana.
"Hindi ka ba talaga magku-kwento?" parang may pagsusumamong tanong ni Renzo.
I closed my eyes. Not yet. "I wanna sleep. Sa bahay ko gustong umuwi. Please wake me up when we get there."
This is the reason why as much as possible, I have to avoid him. I am happy whenever he's around but I'm afraid of what he'll ask. I can't answer everything, its not the right time yet. Wala pa akong malinaw na sagot. Sapat na sa akin na nariyan siya sa tabi ko. Kung maaari lang na huwag nang matapos ang mga sandaling katulad nito, I could freely rest my mind and body while feeling so secured. Katulad ngayon, unti-unti akong hinihigop ng antok hanggang sa tuluyan na akong makatulog.
But nothing's permanent in this world...
Awtomatikong napadilat ako ng mga mata kasabay ng paghinto ng sasakyan. Dali-dali akong dumungaw sa bintana, just to make sure na sa bahay ko ako napunta. Mabuti na lang at dito nga sa gate ng aking bahay ako nakarating. Napalingon ako sa katabi kong tahimik na nakatingin sa akin. I smile at him awkwardly. "Bye." Ayoko pa sanang magpaalam pero kailangan.
Lumabas ako ng kotse niya. Napasimangot ako sa realisasyong hindi man lang siya bumaba upang pagbuksan ako ng pinto. Tsk. Wala man lang siyang sinabi kahit na "Goodbye" man lang?
Pinindot ko ang doorbell nang may dismayadong mukha. Hindi rin nagatagal at pinagbuksan na ako ng nagmamadali kong katulong. Hindi ko pa naririnig na umalis ang sasakyan ni Renzo subalit nagderetso na ako sa loob ng aking bahay. Alam ko namang wala siyang feelings sa akin pero nakakainis lang. Minsan sobrang sweet at caring niya, minsan masungit tapos hindi namamansin. Haist!
Nagtuluy-tuloy ako sa aking kwarto. Nalilitong ibinagsak ko ang katawan sa kama. "The heck! Why do I feel this shit! Come on! I am Reya Clemente!" pagsigaw ko. Hindi ako maaaring masaktan dahil lang sa pagbalewala niya sa akin. Pinuntahan naman niya ako ha, hinatid pa sa bahay, bakit pa ako mag-iexpect na mag-iinsist siyang magpakagentleman? Hindi ba ito ang gusto ko? Ang iwasan siya?...
Nais kong paniwalain ang sarili ko pero potek naman! May kumokontra pa rin sa kaloob-looban ko. No, hindi siya ang gusto kong iwasan kung hindi ang mga katanungan niyang hindi ko kayang sagutin.
Napasapo ako sa noo. Malala na talaga ako. Kailangan kong abalahin ang sarili kung hindi baka mabaliw na ako.
Tumayo ako upang magpunta ng sala. Naroon kasi ang telebisyon, makapanood na nga lang ng balita.
Binuksan ko ang pinto at namilog ang aking mga mata sa taong bumungad sa mismong tapat ko. Nakataas ang kamao niya na waring kakatok sana. Halata rin ang gulat na makita ako. Ibinaba niya ang kamay niya.
"Tang'na. Bakit ka narito?" Hindi ko mapigilan ang sarili sa labis na pagkabigla.
Pinalo niya ng mahina ang noo ko. "Sinabi ko na sa iyong bawal kang magmura" naiiling na sermon niya. "Hindi ko naman sinabing uuwi na ako hindi ba?"
"Ano ba? Sumagot ka ng maayos." Hindi ako natutuwa. Yes I want him to be by my side but at the same time, nagagalit ako. Naiinis ako sa kanya for making me feel this way.
Biglang sumeryoso ang mukha niya. "Nagpaluto ako ng pagkain mo kay Manang. You have to eat first before you sleep. Isa pa, may kailangan tayong pag-usapan. Kanina, plano ko sanang bukas ka na lang kausapin pero nagbago ang isip ko kaya humingi ako ng permiso kay Manang na makapasok."
Napaatras ako nang bigla siyang naglakad papasok sa aking kwarto. "Wait! Hindi pa kita binibigyan ng awtoridad na pumasok sa kwartong ito, even in this house! Ako ang may-ari at hindi ang katulong."
"Hindi mo ba ako narinig? Kailangan nating mag-usap."
"Wala tayong kailangang pag-usapan." Sinundan ko siya nang maupo siya sa dulo ng aking kama. Inilibot ako ang aking mga mata, mabuti na lang at pinalinis ko ang kwarto kanina kay Manang.
"Marami."
Isang salita lang ang binitiwan niya subalit sapat na ito upang mapatalikod ako. This is the reason why I don't want him to be around, tch!
"Nakita ko si Arthur kanina habang hinahanap ka" pagsisimula niya. Mariin akong napapikit. Hindi ko na yata matatakasan ang mga ganitong sandali.
"So? Ano ngayon? Nakipagkita ako sa kaniya. Matagal ko na siyang kakilala, anong masama roon?"
"He's your guardian, iyan ang pagpapakilala niya dati."
"Iyon naman pala eh. Anong meron at masyadong big deal naman?"
"Kay Orietta siya nagta-trabaho hindi ba?"
Napakuyom ako ng palad. "Y-Yes. Then?" Kahit pa alam ko na kung saan tumatakbo ang usapang ito, gusto kong sa kaniya manggaling kung hanggang saan ang alam niya. Lumalakas ang tibok ng aking puso habang hinihintay siyang magsalita.
Napatuwid ako ng tayo nang biglang maramdaman ko ang palad niya sa balikat ko. "Wala. I just want to make sure you're okay."
Naguguluhang napaharap ako sa kaniya. Isang ngiti ang sinalubong niya nang matagpuan ko ang mukha niya na para bang pinaparating sa akin na okay lang ang lahat. He's respecting my silence. I felt relieved.
"Ayos lang ako. Huwag kang mag-alala." This is the sincerest thing I said this day so far. Hindi dahil sa ayos lang talaga ako ngunit dahil sa nais kong i-assure sa kaniya na walang dapat ipangamba. "Salamat."
"Isa pang dahilan kaya ako napabalik dito ay dahil sa gusto ko pa ring ialok ang bahay ko. Mas mapapanatag ako kung doon ka muna tutuloy pansamantala."
"Renzo, please huwag mo nang ungkatin iyan dahil alam mo naman na ang sagot ko." Ayoko sanang itulak siya palayo pero kailangan. "Umuwi ka na."
"Tch. If only I could drag you out and take you home."
"Tumigil ka nga! Uwi! Pfft." Hindi ko mapigilang mapatawa habang tinutulak siya hanggang pintuan. I can't let him stay longer, baka hindi ko na siya pauwiin. Napatigil ako sa pagtulak nang mahuli niya akong nakangiti.
"Ehmmm." I cleared my throat. Iyong tingin niya, para akong matutunaw.
"Alright, uuwi na ako. Kumain ka muna bago matulog."
"Si-Sige."
He taps my head. "I hope to see those smile more often."
Matapos siyang magsalita ng ganoong bagay ay naglakad siya paalis na parang walang nangyari habang ako, hindi nakagalaw sa kinatatayuan. It feels so good hearing those words from him as if all my worries suddenly vanished.
Hindi ko alam ang gagawin sa mga oras na ito. Gusto kong bumalik sa higaan ngunit ang isang bahagi ng utak ko'y nagsusumigaw na ihatid ko siya hanggang sa labas.
Nagmadali akong kumilos upang bumaba. Tsk, hindi ko ito ugali pero dahil sa kaniya, gusto kong gawin ito. Mula sa hagdanan ay natanaw ko siyang papalapit sa pinto palabas.
"Wait!"
Napatigil siya at napalingon. Awtomatikong umangat ang mga labi ko nang hindi ko namamalayan. Bakas naman ang pagtataka sa mukha niya. Sa halip na magsalita ay nagmadali akong bumaba..
"Arff!"
Tumigil ako sa kahol na iyon ng aking aso. Nasa dulo siya ng hagdan.
"Ano ka ba? Bakit ka nakaharang sa daan? Tsk, paano kung naapakan kita? Sa akin ka pa talaga kumahol huh?" sermon ko kay Yoh. Binuhat ko siya na parang baby. Hindi naman siya nagpumiglas. Dali-dali akong lumapit kay Renzo na nakamasid lang sa akin.
"Tumaba yata ang aso mo?" komento niya sabay himas kay Yoh.
"His name is Yoh. Of course, hindi ko siya pinababayaan. Narinig mo iyon Yoh? Wala ka kasing ginagawa kung hindi ang kumain at matulog. Try mo kayang tumakbo-takbo. Tapos kakahol ka na nga lang sa akin pa? Bakit hindi mo siya hinabol nang pumasok siya sa bahay ko ha?"
"Pfft."
Tinitigan ko ng masama si Renzo. Imbes na tumigil ay nagsimula siyang tumawa.
"Hey. Anong nakakatawa? Seryoso ako sa sinabi ko."
"No. Mali ka ng choice of word, nakakatuwa ka hindi nakakatawa."
"Tsk. Pareho din yun!" Pinigilan kong mapangiti dahil nakuha ko naman ang gusto niyang sabihin.
"Sige na umuwi ka na-" hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita.
"Wait. That's what I'm doing, bago mo ako tawagin. Nagbago na ba ang isip mo? Are you considering my offer?"
"Sira! Ihahatid lang kita sa labas" pagtataboy ko sa kaniya.
Napatitig siya sa akin. "Seryoso ka? Hindi kita tatanggihan." Nakikita ko ang kasiglahan sa kanyang mukha hindi kagaya noong mga unang pagkikita namin na tila nababalutan ng sobrang kalungkotan ang buo niyang pagkatao. Tumango ako sabay tulak sa kaniya nang mahina.
Naglakad siya palabas at sumunod naman ako. Nilakihan ko ang hakbang upang maabutan siya at masabayan sa paglalakad. I want to cherish this moment, kahit ganito lang ayos na sa akin. Pasimple ko siyang sinulyapan, trying to memorize his face. Napapangiti na lang ako, ngayon ko lang ito naramdaman. Nang biglang lumingon siya sa akin kaya atubiling napaharap ako sa gate. Pakiramdam ko nakangiti rin siya, nilingon ko siya pero nagbawi rin ito ng tingin at sumeryoso ang mukha.
Nang makalabas kami sa gate, bumungad ang nakaparadang sasakyan niya sa gilid. Lumabas ang bodyguard niyang si Alexander at pinagbuksan niya ng pinto si Renzo.
Tsk. Bakit hindi niya nga pala ako pinagbuksan kaninang bumaba ako sa kotseng iyan? May attitude ang lalaking ito. Napasimangot ako nang magtama ang mga mata namin ni Alexander.
"Goodbye."
Pinilit kong mapangiti nang marinig ko ang boses na iyon ni Renzo. Humawak siya sa ulo ni Yoh. "Take care of your mother" pagkausap niya sa aso ko.
Naningkit ang mga mata ko. "Hey! Mother? I'm not a dog!" habol ko sa kaniya dahil pumasok na siya sa loob ng kotse.
Akala ko pagsasarhan niya ako ng pinto pero tumingin siya sa akin saka sa karga kong aso. "I witnessed how you treat him like a baby. Its not an insult, trust me."
"Tsk. Kahit pa, ayoko ng terminong ginamit mo"
Tuluyan na niyang sinara ang pinto, hindi naglaon ay umandar na ang kotse palayo.
Itinaas ko ng kaonti si Yoh upang magtapat ang aming mukha. "Baby daw? Buti na lang cute ka. Sandali nga, ano bang tinitingnan mo at kanina ka pa nakalingon diyan?" Anumang pilit kong iharap siya sa akin ay panay ang balik niya sa kaliwa. Sinundan ko ang direksyon ng tinitignan niya. Parang may aninong gumalaw sa may kanto. Hindi ko sigurado kung tao ba ito. "Arf!" malakas na kahol ni Yoh. "Shhh! Nakakita ka ba ng pusa? Haist! Let's get inside." Nagmadali akong bumalik sa loob ng bahay at ni-lock ang pinto. Kailangan kong siguraduhin na walang masamamg loob na makakapasok sa loob ng aking bahay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top