Chapter 52

Oops, di ko pa po maa-upload ang Chapter 53, may mga babaguhin pa po kasi ako. Thanks for reading and hopefully you vote and leave some comments 😊.

****

Reya's POV

"O siya, kailangan ko nang umalis." Halos tumakbo na si Davin paalis pagkarating namin sa opisina ni Renzo. Hindi ko siya pinansin. Mas interesado ako sa kung anong tinago ni Renzo.

"Hindi mo ba ako sasagutin?" Napahawak ako sa beywang ko habang naghihintay ng isasagot niya. Nakita ko ang pangungunot ng noo niya bago alisin ang kamay sa mga papel na nasa mesa.

"Why so interested about it? Kung gusto mong makita, bakit hindi ka lumapit dito?"

"Alright" nakangising sagot ko. Naglakad ako papalapit sa kaniya.

"But I'm warning you. Once na makita mo ang nakasulat, kailangan mong magbahagi mamaya sa meeting."

Nasa kalagitnaan na ako papunta sa puwesto niya nang mapahinto ako. "What do you mean?"

"The paper I was holding a while ago contains my future plans for this mall. Want to see it? That's a good idea, tulungan mo na rin akong i-discuss ito mamaya sa meeting."

Lumawak ang ngiti ko. "Ha... Ha... Nevermind." Alam ko na sobrang awkward ng tawa ko. Napabaling na lang ako sa kaliwa. Tsk. Ang galing mong magtago ng sekreto huh.

"Whatever" I rolled my eyes, sabay upo sa couch. Ibinaba ko ang itim na face mask na suot ko hanggang sa leeg. Pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone mula sa bag na aking dala. Napahinto ako sandali sa pagkalikot nito nang maramdaman ang kakaibang presensya sa loob. Napasulyap ako kay Renzo na napako ang tingin sa aking dako. Napakaseryoso ng mukha niya.

"The meeting starts at four o'clock right? I wanna rest while waiting." depensa ko. Pakiramdam ko pagagalitan na naman ako nito. Sumang-ayon na nga ako na aattend ng meeting ng mall, tsk.

"Sa pagkakaalala ko, before one o'clock ang usapan natin, anong oras na? Napakahaba na ng oras mo para magpahinga." May pagdududa sa boses niya.

Awtomatikong naningkit ang mga mata ko. "Hindi lang ikaw ang tao sa mundo na may mga business matters na kailangang asikasuhin." Padabog kong kinuha ang throw pillow at hinigaan. Malaki ang couch at kasya ang buo kong katawan.

I heard him sigh. "And what business matters could it be?"

I tried my best not to take a glance at him. Kung alam lang niya ang mga ginagawa ko, kung nakita lang niya ang mga nakita ko kanina. Napapailing na lang ako. Wala akong balak na sabihin sa kaniya ito, hindi pa oras para malaman niya. Ayokong magtanong siya lalo na ang ungkatin ang pagkatao ko. Alam kong may kinalaman si Arthur, and him being Knight complicates things more.

"Please, I don't have the energy to argue. Not today Renzo."

Kinuha ko ang earphone at sinalpak sa aking tainga. Hindi na ako nakarinig ng kahit ano mula sa kaniya pero pakiramdam ko nakatingin pa rin siya. Natutukso akong silipin siya pero pinigilan ko ang sarili.

I started to search in google all the possible news websites of the country even in youtube, I keep on refreshing news channels. Ngunit kahit saan ako maghanap wala talaga. Paanong nangyaring ang ganoong klaseng pangyayari ay hindi pa rin naibabalita hanggang sa mga oras na ito?

Nawawalan na ako ng gana! "Damn" mahinang mura ko. Ibabato ko na sana ang cellphone na hawak ko nang maalalang hindi lang ako ang tao sa opisinang ito. "I mean damit." Napapikit na lamang ako sa kagagahan ko. Kailangan ko pa talagang magpalusot?

Kung may isang taong nakakaalam ng nangyari kanina bukod sa akin at sa mga pulis, ito'y walang iba kung hindi ang journalist na si Maggi. Hinanap ko sa google ang site ng tabloid kung saan siya nagtatrabaho pero wala akong napala. May mga bagong balita pero wala sa mga ito ang hinahanap ko. I have a bad feeling about it. Alangan namang bukas pa ibabalita ang nangyari? I have to contact Maggi. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, sa kabilang banda nagkaroon ako ng rason para lapitan siya.

"... I'm perfectly fine." Napatigil ako sa malalim na pag-iisip nang marinig ko ang boses ni Renzo. Pakiramdam ko ay sinasadya niyang lakasan ang pakikipag-usap sa telepono.

I wanna ignore him and focus on my thoughts but... "I don't know what this Knight wants to prove, and I'll be honest Mr. Orietta, hindi ako mapalagay sa taong iyon."

Si Henry ang kausap ng loko. Alam na kaya ni Henry ang ginawa ni Arthur? Sinabi ba ni Arthur na alam na ni Renzo na ako si Pink? May kinalaman kaya ang pagkamatay ng mga lalaking iyon dito? Mas lalong dumadami ang mga katanungang namumuo sa utak ko. Ilang araw na lang bago matapos ang agreement namin ni Henry pero hindi ko pa alam kung pipirma nga si Renzo sa kontrata. Sa kabilang banda, may direktang ugnayan na siya kay Renzo at kung wala pang sinasabi si Arthur, ang alam ni Henry ay ako ang dahilan kaya lumapit si Renzo sa kaniya.

"Of course hindi ito dahil sa kaniya. Marami lang akong pinagkakaabalahan kaya hindi ako nakatawag sa iyo. Maari bang pag-usapan natin ang mga iyan kapag nakapagset ako ng appointment sa iyo? At isa pa, nakuha ko na ang premyo ko, I can't wait to try my luck again."

Sinulyapan ko ang nakangiting mukha ni Renzo, alam ko na peke ito, mahahalata ito sa nag-aapoy niyang mata. Gumalaw ang mga matang ito patungo sa direksyon ko kaya't sa taranta ko ay sa kisame ako napabaling imbes na sa cellphone na hawak.

Natapos ang usapan ng dalawa na sa taas ako nakatingin. Parang nanigas ang katawan ko sa kaba. Bwisit na 'to!

"The meeting is about to start." Bigla akong napaupo nang magsalita siya.

"Ah. Oo." Natatarantang inayos ko ang aking suot na damit pati na rin ang mga gamit na dala ko.

Tumayo siya na parang walang nakita at inayos ang mga nakakalat na papel sa kanyang table.

Tatlong mahihinang katok ang aking narinig sa pintuan pero hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya. Ang lakas ng dating niya na kahit ang simpleng pagkuha ng kanyang bag ay nakakapang-akit sa sinumang titingin sa kaniya.

"Sir, ipapaalala ko lang po na ilang minuto na lang mag-uumpisa na ang meeting."

"Papunta na kami."

Umalis naman kaagad ang sekretarya niya. Pinagmamasdan ko lang si Renzo habang naglalakad papalapit. This man, he can be as good as an angel but as scary as hell too.

"Ano pang tinutunganga mo riyan?"

"H-Huh? Sabi ko nga tatayo na. Hindi ko alam kung saan ang conference room kaya mauna ka maglakad." turo ko sa pinto. "Alright. Follow me."

Nagpatiuna siyang maglakad samantalang naiiwan ang mga mata ko sa table niya. "Future plans daw na ilalatag niya sa meeting pero tinago at hindi man lang kinuha o dalhin sa mismong meeting?" Ayaw mawala ng aking kuryosidad. Anong nasa papel na iyon?

Nang nasa labas na kami ng conference room ay agad kong hinila ang face mask ko at sinuot sa aking mukha.

"Bakit ka nagdala niyan? May sakit ba ang mga tao rito?" tanong ni Renzo.

Nais ko sanang sabihan siya na huwag maging pakialamero pero knowing him, hindi siya papatalo. "Its just a piece of clothe. Nakita mo naman siguro na hindi pa nawawala ang sugat ko at hindi ko pa pwedeng tanggalin ang bandage. I don't wanna catch attention. Siguradong magiging curious sila kung saan ko nakuha ito."  pagpapaliwanag ko. Well, that's the truth.

"Huwag ka nang magsuot niyan." Lumapit siya sa akin at laking gulat ko nang hablutin niya ito. He has this serious look in his face as if telling me not to disobey him.

"Ayoko nang pumasok!" paghihimutok ko. "This thing on my face! It makes me ugly!" reklamo ko sa kaniya.

"You will also catch attention when you put this on your face. Besides, maganda ka pa rin kahit may bandage sa mukha."

Hindi ko inaasahan ang mga sinabi niya. Gustong lumabas ng puso ko sa sobrang bilis nito. "H-Huwag mo nga akong niloloko!" depensa ko.

Sa halip na magalit sa akin sa pagsigaw ko ay sumilay ang ngiti sa kaniyang mga labi na mas lalong nagpatigil ng aking mundo. His smile... This time I know its real.

"Hindi kita niloloko, I mean it. You're pretty lalo na kapag hindi ka nag-iisip ng malalim. So relax your mind. Let's go?"

Ang mga salita niya, ramdam ko na gusto niyang pagaanin ang loob ko. Its seems like it has double meaning. Or maybe not. Hays! Isa lang ang alam ko, I've been thinking too much. Hindi ko maiwasang mapangiti.

Nang makapasok sa loob ay naghanap ako ng magandang pwesto. May mahabang lamesa at mga upuan sa paligid nito kung saan may mga staff na naroon at nakaupo na pero napako ang tingin ko sa gilid kung saan nakapwesto ang sekretarya ni Renzo. May mga silya sa tabi niya kaya doon ako dumeretso.

"M-Miss Clemente. Doon po kayo maupo." turo niya sa mga upuan sa mahabang table.

"No. I'm fine here."

"Anong ginagawa mo? You sit here." singit naman ni Renzo gamit ang bossy tone niya. Tinuro niya ang silyang nasa kaliwa niya.

"Nah. Hindi ba sabi ko makikinig lang ako at pumayag ka naman. Ayos na rito."

"You're a shareholder, you know what it means right? Ikaw lang ang kaisa-isahang shareholder ng mall-"

"Okay. Okay" awat ko sa kaniya. Nakatingin na ang mga ibang taong nasa loob.

"Hindi nagpapaupo si Sir Andrews sa mga silyang nasa pinakamalapit sa kaniya. Ngayon lang Miss Clemente." Napatayo ako nang marinig ang bulong ng sekretarya at mabilis na lumipat ng pwesto. Nangingitin pinaunlakan ko si Renzo. "Okay, sabi mo eh" patay-malisyang tugon ko bago maupo.

Hindi nagtagal ay nag-umpisa na ang meeting. Wala akong planong makisabat sa seryosong usapan nila basta ang pagkakaintindi ko, stable naman ang kita ng mall. Pasimple kong inilabas ang phone ko.

"How are you Ms. Clemente?" asked the person beside me. He sounds familiar. Nang maupo siya kanina sa tabi ng upuan ko ay hindi ko inabala ang sariling tingnan siya. Wala akong interes makipag-close sa mga tao rito. Iilan pa lang ang pinayagan kong makasalamuha pero sobrang sakit na sila sa ulo.

"Fine" napipilitang sagot ko. Hindi ko siya tinapunan man lang ng tingin.

"Mabuti naman kung ganoon. Kung hindi mo mamasamain, pwede ko bang malaman kung napano ang mukha mo?"

Hinarap ko ang lalaki, I immediately recognize his face. "Nagkaroon lang ng minor car accident." Sapat lang ang mga boses namin upang magkarinigan at hindi makaisturbo sa iba.

"Take good care of yourself iha. How's your father?"

Pinakiramdaman ko ang matandang kakilala ng aking ama. Wala naman akong maramdamang ka-plastikan mula sa kaniya.

Nagbawi ako ng tingin ngunit sa direksyon ng nakaupong si Renzo ako napabaling. Pasimple siyang sumenyas na kausapin ko ang matanda kaya pinanlakihan ko siya ng mata.

"Nasa Japan siya. Its better for him to be there, mas advance ang medical technology doon." Napatigil ako sa pagsasalita. "Hopefully, mas humaba pa ang buhay niya." I can't believe my own self. Paano kong nasabi ito nang  walang bigat sa dibdib?

"Yes, I'm praying for him too."

"Thank you Mr. Agustin. Hayaan mo, kapag nagkausap kami ulit, ipaparating ko ang concern mo sa kaniya." Ang tanong ay kung kailan ko ulit siya makakausap?

"Salamat. Bihira lang kitang makita kaya I would like to take this opportunity to personally welcome you. Kung mayroon kang mga tanong, don't hesitate to ask me."

His smile is genuine. "Yeah. I'll take note of that. Pero bakit Mr. Agustin? Sobrang bait mo naman ngayon. Kung may kinalaman ang ama ko rito, hindi niyo na kailangan pang gawin iyan. Wala kang obligasyon sa akin."

"No. Its not what you're thinking. Its my own will Miss Clemente. I misjudged you, gusto kong bumawi sa iyo."

Napailing ako bilang pagkontra sa kaniya. "You didn't Mr. Agustin. Malay natin may katotohanan ang mga paratang mo sa akin." Ngumiti ako upang iparating na wala akong hinanakit sa mga binitiwan kong salita.

"Ahaha. Ibang klase ka pala talaga. Well, hindi ko na babawiin ang mga pahayag ko."

"Thank you na lang" sabay mahinang tawa ko. This feeling... Kakaiba pero magaan sa pakiramdam. The walls I built to separate myself away from other people, unti-unti nang natitibag.

Naputol sa ere ang aking tawa nang makitang nakatingin pala sa akin si Renzo imbes na nakikinig sa empleyado na nagsasalita. Hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa., ngumiti siya na nagpangiti rin sa akin. In this very moment, alam ko na kung sino ang salarin kaya hinayaan ko ang sariling unti-unting tibagin ang pader na ito. Wala akong pinagsisisihan pero alam ko sa sariling natatakot ako sa maaaring maging resulta nito sa hinaharap.

Sa wakas ay natapos ang nakakabagot na meeting. Isa-isa nang nagpaalam ang mga tao. May mga lumapit sa amin ni Renzo upang magpaalam, tango na lang ang tanging naisagot ko sa kanila kahit na kay Mr. Agustin.

"Seryoso yata ang naging usapan ninyo ni Mr. Agustin?" tanong ni Renzo.

Hinintay kong matapos ang sekretarya niya sa pagkuha ng mga papel na nasa harapan niya bago ako sumagot. "Not business related."

"Sigurado ka?"

"Of course" pagtataas ko ng boses.

"Then I must call Mr. Agustin right away. You both aren't paying attention during the meeting."

Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Ang seryoso ng mukha niya para magbiro. Kung ipapatawag pa ang matanda, hahaba na ang pananatili ko rito. Tsk, such a ways of time. Hindi pwede lalo na't may mga gagawin pa ako. Napabuntong hininga na lamang ako. "Kinamusta niya ang ama ko. He even welcomed me here. The first person to acknowledge my presence as part of this mall." Hindi ko namalayang nakangiti na pala ako. Nang matauhan ay agad akong nag-poker face pero mas nakakagulat si Renzo. He is smiling at me. "Eh? May nasbi ba akong nakakatawa?"

Sisimangot na sana ako nang magsalita siya na nagpabago ng ekspresyon sa aking mukha. "I'm just happy to see you happy." Ngumuso ako upang itago ang kakaibang pakiramdam sa dibdib ko.

"Ah! Whatever!" Tumayo ako at tumalikod sa kaniya. Nakakainis! Kung hindi ko iyon ginawa ay baka makita niya ang pamumula ng aking pisngi. 

"Cute" Gusto kong lumingon pero pinigilan ko ang aking sarili. Did I hear him right?

"Sir. Ipapaalala ko lang po na may meeting pa kayong naka-schedule today. Within few minutes, paparating na ang head engineers ng extension project ng Crystal."

"Yes. Hindi ko nakakalimutan."

Sumilay ang ngisi sa aking labi nang marinig na may appointment pa siya. "I have to go. Since busy ka pa, maiwan na kita?" Ang laki ng ngiting paalam ko.

"Sandali. Ihahatid kita."

"Oh. Huwag ka nang mag-abala pa. Kaya kong umuwing mag-isa."

"Reya." Parang ayokong tingnan siya sa mga oras na iyon. He has this nalimutan-mo-na-ba-ang-pinag-usapan natin look. Hindi ko mapigilang lumikot ang aking mga mata habang naghahagilap ng isasagot.

"I have my bodyguard right? I'll call him." Halos mapangisi ako nang maalala ang peste, ang talino ko talaga.

Napahinga siya ng malalim na para bang pinag-iisipan kung papayagan ba ako. "Hintayin mo na lang siya rito." 

Hindi ko alam kung bakit pero natawa ako sa kaniya. Naglakad ako paalis na alam kong kinalukot ng mukha niya. "You really don't want to obey me huh."

"Ahaha. Kailangan kong pumunta ng CR. Gusto mong sumama?" Tinapunan ko siya ng isang nakakalokong ngiti nang nasa tapat na ako ng pintuan. Akala ko maiinis siyang lalo pero napatawa rin siya. "Ah. Geh. Bye." halos pautal nang paalam ko. Damn, hes's cute. Kalma, Reya.

Paglabas ko ay agad kong hinanap ang daan para sa pinakamalapit na CR. Habang naglalakad ay inilabas ko ang aking cellphone para tawagan ang isang tao. 

Nakakailang ring pa lang ay sinagot na niya ang tawag. "Ang bilis mo yatang sumagot ngayon?"

"Reya? Tingnan mo nga naman, ang tagal mo na akong hindi ginugulo, bakit napatawag ka ngayon?"

"Bakit? nami-miss mo na ba ako sa gym mo? Sad to say, wala akong oras  makipagkwentuhan. Nasaan siya?" Kapag hinahanap ko siya, laging itong si Derek ang tinatanong ko. Isa siya sa pinaka-pinagkakatiwalaang alipores ni Arthur. 

"At bakit ko naman sasabihin sa iyo? Sakit ka sa ulo ng boss ko, mabuti pa manahimik ka na lang kung nasaan ka ngayon."

I smirk. "Matapang ka na ngayon." banta ko. Nakakapanibago siya. Sa pagkakaalala ko, sumusunod din siya sa akin. May hindi tama. 

"Hindi naman. I'm just being loyal to my boss."

"Alright, kung ayaw mong sabihin, mahahanap ko naman siya." Papatayan ko na sana siya nang bigla siyang nagsalita. "Sigurado naman iyan kaya sige sasabihin ko na rin." Napataas ang kilay ko, tsk, sasabihin din pala ang dami pang satsat.

***

Davin's POV

"Hay naku, ang bilis mo namang umuwi? Parang kakaalis ko lang, napatawag ka na kaagad." reklamo ko kay Reya. Actually, wala naman na akong lakad ngayon, I just want to tease her. Masyado na kasing malalim ang iniisip ng babaeng ito, hindi na mahukay. Kagaya ngayon, imbes na maiinis o sagutin ako ay hindi niya ako pinansin at parang wala siyang narinig.

"Sa kaliwa tayo."

"Ha? Sa kanan ang papunta ng bahay mo hindi ba?"

"May kailangan akong puntahan."

"Patay tayo diyan." reklamo ko sa kaniya ngunit alam ko na sa ugali niya, tiyak na hindi niya ako pakikinggan.

"I have to see Arthur, masama ba? Matagal na kaming magkakilala at hindi na siya iba sa akin. "

"Arthur? Ah naalala ko na, iyong kasama mo noong party ng Crystal?"

"Oo. After we get there, pwede ka nang umalis. Baka matagalan ako, magpapahatid na lang ako sa kaniya." 

Hindi siya sa akin nakatingin kung hindi sa bintana. Napahawak ako sa aking baba, sa tono ng pananalita at sa kinikilos niya, palagay ko hindi magandang ideya ang iwanan siya roon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top