Chapter 51

REYA'S POV

"Ten in the morning, kailangan nandito ka na."

"Mas baliw ka pa sa akin." Narinig ko ang malakas na pagtawa niya sa kabilang linya. "Binuking mo pa ako kay Renzo ha."

"May mali ba sa ginawa ko? Sino ba ang pesteng may sayad na pupunta ng bahay ko at magsasabing bodyguard ko siya? You volunteered remember? Edi lumabas ang katotohanan na ikaw lang may ideyang maging bodyguard ko. Iyan ang nagagawa ng pagsisinungaling. Huwag ko lang talagang malaman na may masama kang binabalak kaya nagawa mo 'yon" pagdidiin ko pa.

"Ano naman iyon? I'm just extending my help to my friend. Marami siyang iniisip simula nang makidnap si Celine. Oo na, panalo ka na. Bukas na lang." walang-siglang sagot niya.

"Ayos lang naman na hindi ka pumunta bukas kung may gagawin ka. Don't worry, hindi ko sasabihin kay Renzo" Umangat ang gilid ng aking labi. Come on, mas maganda kung hindi ka magpapakita.

"Dahil iyan ang gusto mo, hmmm."

"Ano na?" nabibiting tanong ko.

"Pupuntahan kita bukas. Kung iniisip mo na makakatakas ka, sinasabi ko sa iyo, hindi iyon hahayaan ni Renzo. Ginusto mo to, damay-damay tayo. Bye."

Ang loko, pinatayan ako ng telepono! Pabalibag na binaba ko ang cellphone saka nahiga. Hinila ko palapit sa akin ang aso kong si Yoh na tahimik na natutulog. Mabuti na lang at inalagaan siya ng mabuti ni Manang habang wala ako. Isa lang naman ang ayokong pakikialaman niya kapag wala akong permiso, ang kuwartong ito.

"Ang sarap ng buhay mo ano?" sita ko sa aking aso.

Hinayaan ko siyang matulog ng mahimbing sa tabi ko. Inabot kong muli ang aking phone upang tawagan ang isang taong nais kong makausap. Nagpunta ako sa Call log dahil alam ko na naroon ang numero niya. Nang makita ang hinahanap ay kaagad ko siyang tinawagan. Hindi nagtagal ang pagri-ring ng dahil sinagot niya ito kaagad.

"Hello?"

"Celine."

"Reya? Ikaw ba talaga ito? Oh my! Bakit ka napatawag?"

Ang hyper naman ng babaeng ito, tsk.

"Yes its me. Malamang may sasabihin ako. Actually its a favor."

"Okay, okay. What is it?" Ramdam ko ang pagkalma niya na parang kinakabahan sa kung anuman ang aking sasabihin.

"Do you remember the journalist that we encountered before?" Natahimik siya sa kabilang linya. I am about to ask kung nandon pa siya o humihinga pa nang unahan niya akong magsalita. "Ah, ang babaeng naka-hide ang face, iyon pala naghahanap ng scoop? Yes. Bakit? Anong meron sa kaniya?"

"I want to meet her. Can you find her for me? Her address or where her office is?"

"If I remember it right, Maggi ang pangalan niya. I'll try to search her whereabouts."

"I need it tonight."

"I'll see kung anong magagawa ko pero sabihin mo muna kung bakit biglang interesado ka sa kaniya?"

"Do you trust me?" I can't tell her the details of my plan dahil maging ako ay hindi sigurado sa mga pinaggagagawa ko.

"Yes" tipid niyang sagot. Its an enough answer anyway. "I'll start searching right away. Pwede ko ring kontakin ang mga kakilala kong related ang work kay Maggi. Bago ako magsimula, please tell me kahit clue lang ng dahilan kung bakit mo siya hinahanap? Trust me too, Reya." Haist ang kulit! Hindi ko mapigilang mapabulong.

"Celine, sabihin na lang nating ginagawa ko ito para matulungan kayo. Sabi nga ng isang peste, damay-damay na ito.That's all I can say. I'll wait for the information. Hindi ako matutulog hangga't wala ito . Salamat." Agad kong pinindot ang end call nang hindi na siya makapangulit pa.

***

Nakasimangot akong nagda-drive sa kalye, ala-siete pa lang ng umaga pero kailangan ko nang magmadali. Naalala ko ang pulang kotse na ginagamit ko sa pagpunta ng underground fight, kailangan ko na namang bumili dahil tiyak na tinapon na ni Arthur iyon. Speaking of the devil, gusto ko siyang makita. Papatayin na niya talaga ako. Naiisip ko pa lang na magkikita kami, I will make sure he'll regret what he did that night. Napahawak ako sa pisngi ko na hanggang ngayo'y nakabenda pa rin. Napatigil ako sa pagmamaneho sabay palo sa manibela. Ayaw mawala ng galit ko sa ginawa ni Arthur. "Damn you!" Pilit kong pinakakalma ang sarili bago pa mag-iba ang landas ko at sa kaniya dumiretso. He is insane! Mas baliw pa ang lalaking 'yon sa akin.

Kinailangan ko ng ilang minuto upang mapakalma ang sarili at nang makapagmaneho akong muli. After few more minutes, I started the engine.

Sa hindi kalayuan ay natanaw ko na ang lugar na hinahanap ko. Mabuti na lang at madaling puntahan ang address na sinabi ni Celine. Habang papalapit ako ng papalapit ay iniisip ko kung paano o anong sasabihin ko para makausap si Maggi. To my surprise, nakita ko siya kaagad na tumatakbo papuntang kalsada.

Bigla kong naitigil ang aking sasakyan at inobserbahan kung ano ang gagawin niya. Humahangos na tumigil siya sa gilid ng kalsada at parang mag-aabang ng masasakyan. Ni hindi man lang niya maibutones ng maayos ang polo shirt niya pati ang magulo niyang buhok. May camera rin na nakakwentas sa leeg nito. Saan kaya siya pupunta? Imposible namang makikipagkita sa isang kilalang tao sa ganoong ayos?

Minabuti kong paandarin ang sasakyan para lapitan siya. Sa malayo siya nakatingin at nag-aabang ng taxi, bumusina ako upang maagaw ang kaniyang atensyon. Muntik na siyang mapatakbo sa gulat dahil sa ginawa ko. Binaba ko naman ang bintana para kausapin siya. Umaayon pa rin talaga sa akin ang kapalaran.

"Miss Maggi right?"

Atubiling sumilip ito sa bintana para tignan ako.

"Yes?" Bakas sa mukha niya ang pagtatakha. Hindi na niya yata ako naalala.

"Nagmamadali ka yata? I can give you a ride." alok ko sa kaniya.

"Ah salamat pero maghihintay na lang ako ng taxi." Nag-bow pa siya bago tumalikod.

"As I can see, mahihirapan kang makakuha ng masasakyang taxi rito. Hindi naman ako masamang tao para tanggihan mo. At saka importante yata ang pupuntahan mo kaya ka nagmamadali. You're a reporter pero ang bilis mo namang makalimot ng mga taong naka-encounter mo. Hindi mo ba ako natatandaan?"

Dahil sa mga sinabi ko ay humarap siyang muli sa gawi ko. Halos ipasok na niya ang buong mukha niya sa bintana upang kilalanin ako. Naningkit ang mga mata ko nang titigan niya ako ng matagal. "Still can't remember?" Kaonti na lang iirapan ko na siya.

"Ah! Naalala ko na. Sa Crystal Mall, iyong babae." Finally she remembers.

"Haist. Ang tagal namang maalala. Get in."

Sa wakas ay pumasok siya sa loob. "Saan ka pupunta? Idadaan kita." kaagad na tanong ko.

"Ahm, ayos lang ba talaga?"

"Isa pang tanong pabababain kita!" Gusto ko sanang sumigaw pero naalala ko kung bakit ko siya hinanap.

"Its okay. Hindi naman ako nagmamadali. So saan ang punta mo?"

"Sa South Valley. Bale kahit sa highway mo na lang ako ibaba. Lalakarin ko na lang."

Napataas ang kilay ko. "Anong gagawin mo roon? Ang alam ko masukal ang lugar na iyon?"

Napatingin siya sa salamin at sinuklay ang maiksing buhok gamit ang mga daliri. "Ha? Ahm. Trabaho."

"May malaking gulo sigurong nangyari o kaya'y may natagpuang bangkay" patay-malisyang wika ko.Tumango naman siya. Wow, ang talino ko talaga.

"Pinagmamadali ako ng boss namin, hindi ko rin alam ang buong detalye. May nag-tip na may malaking balita raw sa lugar na iyon at kailangang kaagad puntahan. Hindi ko nga alam kung bakit sa akin ito pinasa, dapat sa business at entertainment ako."

"Anong klaseng trabaho iyan? Baka mamamatay ka na, hindi mo pa alam, tsk."

"Maliit lang na newspaper ang company namin, you need passion and dedication to survive. Naniniwala ako na darating ang araw, makakapagsulat din ako sa mga bigating broadsheets o kaya ay makakapagreport national tv." Ang laki ng ngiti niya habang nagdi-daydreaming.

Hindi ko maiwasang mapaisip. Ano ba ang mangyayari sa akin sa hinaharap? Pangarap?

"Wait. Ano nga ba ulit ang pangalan mo? Kilala mo si Lorenzo Andrews hindi ba?"May kung ano sa mga mata niya na hindi ko gusto. Mga ningning sa matang nakita ko rin kay Celine. Ayoko sa kanila, ayokong mahabag sa sarili at mainggit sa kanila.

"Reya Clemente. Yes. I know him."

"What? ! Pwede ko kaya siyang mainterview? Wait, anong relasyon ninyong dalawa? Its gonna be a big break for me kung makakapagsulat ako ng tungkol sa kaniyang private life."

Imbes na sagutin ay nagfocus na lang ako sa pagmamaneho.

"Pwede kaya?" nahimigan ko ang pagsusumamo sa boses niya na lalong naging dahilan ng 'di ko pagpansin sa kaniya.

Sumulyap ako sa kaniya. "I can't promise anything."

"Sige na. Please!"

Iling lang ang sinagot ko. Akala ko ay mananahimik na siya ngunit nagsalita siyang muli. "Sandali lang. Are you okay? Naaksidente ka ba kaya may sugat ka sa mukha?"

"Oo, ganoon na nga. I got it from a car accident. Kung puwede, huwag mo muna akong kausapin dahil nagco-concentrate ako sa pagmamaneho? I might engage in an accident again if you distract me."

Gumuhit ang kaba sa mukha niya. "A-Ano? S-Sige. Please drive safely" garalgal niyang sabi. Nag-cross sign pa siya. Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa gesture niya.

Hindi na siya nangulit pa sa halip ay inabala niya ang sarili sa pag-aayos. Sa wakas nanahimik din.

***
"Malapit na tayo."

"Ibaba mo na lang ako sa tabi Miss Reya." Hindi ko siya pinansin bagkus ay ipinasok ko pa rin sa loob ang sasakyan. Wala kang makikita rito kung hindi matataas na damo at naglalakihang puno.

"How come, maraming tao ang walang sariling lupa samantalang may mga ganitong lugar na walang nakikinabang?" Napakagat ako sa sariling dila dahil sa lumabas sa aking sariling bibig na dapat ay sa isip ko lang.

"Ang alam ko may gagawin daw ang gobyerno rito na hindi pa natatapos hanggang ngayon. Sementeryo yata 'yon. Magkano naman kaya ang nakulimbat ng pamahalaan dito? Tama ka, kung binigay na lang sana sa mga walang matirhang mga mamamayan kaysa gamitan ng pundo sa proyektong sa huli ay hindi naman tatapsusin."

"Reporter ka hindi ba? Bakit hindi ito ang gawan mo ng artikulo?"

Natahimik siya sa sinabi ko. Sumulyap ako sa kaniya ngunit lumingon siya sa labas. Tsk, duwag.

"Saan ka eksaktong pupunta?" tanong ko sa kaniya.

"Ang totoo niyan, hindi ko rin alam basta sa lugar lang na ito."

Napasapo ako sa noo. "Ano bang klaseng impormasyon iyan? Paano kung niloloko lang kayo ng informant niyo?"

"Hayun! Tingnan mo doon. May sasakyan ng pulis."

Ihininto ko ang aking sasakyan sa tabi ng police mobile. May mga motor rin na nasa tabi. Agad na bumaba si Maggi, sinuot ko naman ang sunglass na dala ko. "Salamat ng ma-"

Hindi niya natapos ang sasabihin nang makitang bumaba rin ako. "Gusto kong makita kung anong nandoon" sabi ko na lang. Hindi na niya ako napigilan nang mauna akong maglakad papunta sa mga pulis na nagkukumpulan. Matataas ang mga damo sa parteng iyong ng lugar, naka-mask ang mga pulis.

"Maggi, anong ginagawa mo rito?" harang sa kaniya ng isang pulis, napahinto tuloy kaming dalawa.

"Oh boss Cristobal, nandito ka rin pala? Anong nangyari?" Sinubukan kong sumilip sa tinitignan ng iba pang pulis habang nagbabatian ang dalawa.

"Hinihintay namin ang SOCO na dumating. Five men were killed. We need further investigations kung dito ba naganap ang pagpatay sa kanila o tinapon lang ang mga katawan nila rito. Sa nakikita namin ay drug-related ang case na ito."

Habang nag-uusap ang dalawa ay lumapit ako sa kinaroroonan ng mga bangkay. "Miss bawal ka rito." Akmang hahawakan sana ako ng isa sa mga pulis nang tapikin ko ang kamay niya. Napatigil ako sa paglalakad nang iharang niya ang kamay niya sa dadaanan ko. Tunay nga namang likas na tsismoso ang mga tao, halos matawa ako sa sariling kaisipan. Sapat na ang distansya upang makita ko ang isa sa mga nakabulagta sa damuhan.

Nanlaki ang aking mata sa nakita, napatakip na lang ako ng bibig. May mga alaalang nagbalik sa aking isipan na siyang halos magpaatras sa akin. Mabuti na lang at napigilan ko ang sarili na mapaupo. "Miss okay ka lang? Sinabi nang bawal ang sibilyan dito. Nakita mo na? Karumal-dumal ang sinapit ng mga ito."

Hindi lang ang naliligong katawan nila sa sariling dugo ang nagpahina sa akin. Nang makita ko ang walang buhay na mukha ng isa sa kanila, I immediately recognized him. They are the men who tried to kill me. Ang mga taong humabol sa akin at nagtangkang patayin ako noong nakaraang gabi! Nagtayuan ang mga balahibo ko kasabay ng pagkakatuod ko sa kinatatayuan.

Isa lang ang maaaring gumawa nito. Napailing ako sa katotohanang ito. Bakit kailangan silang paslangin? Bakit Arthur?

Pinilit kong tumayo ng tuwid bago tumalikod. He killed again.

"Miss Reya, ayos ka lang?" halos hindi ko marinig ang sinabi ni Maggi, inaalog niya ang braso ko ngunit hindi ako sumagot. Masyadong magulo ang isip ko para pansinin siya. Binitiwan niya ako at sumilip sa mga bangkay.

"Ah!" sigaw niya at nagtakip ng mata.

"Reporter ka pero hindi sanay sa ganitong senaryo?" tanong sa kaniya ng pulis na tinawag niyang Cristobal. Hinawakan siya sa braso nito at hinatak patalikod.

"Aminado naman akong sa nature ng trabaho ko, kailangan maging matatag ang loob namin sa mga ganito pero...pero this is my first time."

"I must go. May mga gagawin pa pala ako." singit ko sa dalawa. Marami akong kailangang gawin ngunit ngayon, hindi ko na alam kung anong uunahin. I want to meet him, pero may pakiramdam ako na dapat ay huwag muna.

"Sorry, Miss Reya. Nakasaksi ka tuloy ng ganito." Hinawakan niya ako sa kamay. Tsk, mas malamig pa ang kamay niya sa akin e.

"Ako ang may gustong sumama hindi ba? Ah, by the way, can I get your number? Malay mo mabigyan kita ng chance na ma-interview si Lorenzo Andrews in the future." Bumitiw ako sa kaniya at inabot ang aking cellphone. Malugod naman niya itong tinanggap at nag-type.

Napansin ko ang kakaibang tingin na pinukol sa akin ng pulis na kakilala niya. "Here. Salamat talaga ng marami. Babawi ako sa iyo, pangako." ani Maggi. Ngumiti na lang ako ng pilit. Tumango din ako kay Cristobal bago sila talikuran. I immediately walked away to get back to my car. Ayaw tumigil ng puso ko sa pagtibok ng mabilis.

Pagkapasok sa loob ng sasakyan ay nanghihinang napasubsob ako sa manibela. May mga sasakyan akong naririnig na paparating pero hindi ko magawang mag-angat ng ulo. Nag-ring ang phone na hawak ko. Wala sa sariling sinagot ko ito nang hindi tinitignan kung sino ang tumatawag.

"Yow." answered the guy.

"Nasaan ka na?" I tried to sound normal.

"Mali-late lang ako ng konti Mahal na Prinsesa. May kailangan lang kasi akong puntahan."

"What?! Tsk, dalian mo!" Pagsusungit ko para maitago ang katotohanang wala ako sa bahay.

"Opo. Opo. Pasensya na."

Nang matapos ang usapan namin ay kaagad kong binuhay ang makina. Mabuti na lang at tumawag ang peste kung hindi ay nakalimutan ko na pupuntahan pala niya ako. Kailangan ko nang bumalik.

***
Renzo's POV

"Davin. Nasaan na kayo?" agad kong tanong matapos sagutin ang tawag na mula sa kaniya.

"Nandito na kami sa baba. Dumiretso siya sa shop niya at may titingnan lang daw siya."

Napatingin ako sa wristwatch ko. Pasado ala-una na ng hapon. "Alam mo ba kung anong oras na? Baka naman pauwi na ako bago pa kayo makarating dito?"

"Relax bro. Its my fault. Late akong pumunta ng bahay niya at saka nag-inject pa ko. Huwag kang mag-alala dude, siguro ilang minuto bago ka umuwi, nandyan na kami."

"Davin..." warning ko. He loves teasing people not minding how annoying it is.

"Ito seryosong usapan na bro. Ibang Reya ang kasama ko ngayon. Wala siya sa sarili ngayon."

Nabitawan ko ang hawak na papel dahil sa sinabi niya. Ano na naman ang ginawa niya? "Anong ibig mong sabihin?"

"Sandali, baka bigla siyang dumating." Tumahimik sandali si Davin sa kabilang linya. Tiyak na naghanap ng magandang lugar upang makipag-usap ng maayos. "Hindi niya ko masyadong pinapansin simula nang dumating ako sa bahay niya. Ang lalim ng iniisip niya na kahit pa noong turukan ko siya ng injection, hindi man lang niya ininda. She even scolded me for not telling her its done already. Pagkatapos ay sa cellphone na siya natutok. Kahit nang magtanghalian kami, hindi niya ako sinita na kasalo niya. Nakatutok siya sa cellphone at halos hindi ginalaw ang pagkain."

Napahawak ako sa aking noo. Reya? Ano na naman ang ginagawa mo? Pinigilan ko ang sariling tumayo at puntahan siya. Its better to wait here. "Dalhin mo siya rito kaagad." mariin kong utos kay Davin.

"I can't drag her just to get there immediately. Mahal ko ang buhay ko. Sabi niya pupuntahan ka niya kaya mas mabuting hintayin na lang muna siya. Sa ikli ng panahong nakasama ko siya, masasabi ko na wala siya sa usual self niya ngayon. hindi niya ako tinatawag na peste, maninipa o mangbubulyaw. Hindi ko masabi kung mas gusto ko na ganiyan siya o hindi." Narinig ko ang bahagyang pagtawa niya.

Pagkatapos naming mag-usap ay itinuon ko ang atensyon sa hawak na papel. Tama ang hinala ko. Ano ang totoong relasyon nilang dalawa? Why did he want me to kill her in front of his own eyes? Everything's a puzzle but I can't ask Reya about. I badly want to... Kaya lang may kung anong pumipigil sa akin.

Hindi ko namalayan kung ilang minuto na akong nakatitig sa larawan ngunit isa lang ang sigurado ko. Napatayo na lang ako at nagmadaling nagpunta ng pintuan.

I am about to open the door when I suddenly stopped. Tumalikod ako rito. "Ang tagal nila" I impatiently utter.

Nasa ganoong ayos ako nang marinig ang may kalakasang katok mula sa pintuan. Malalaki ang mga hakbang na bumalik ako sa sariling table. Hindi pa man nakakaupo ay bumukas na ang pinto at iniluwa nito ang mga taong kanina ko pa hinihintay.

"Ano ba? Bakit ka nanunulak?!" sigaw niya kay Davin na nasa likuran niya.

I can't understand myself but the moment I heard her voice, its a great relief. Pasimple kong kinuha ang papel na naglalaman ng litrato at kaagad na isiniksik sa iba pang dokumentong nakapatong sa table.

"What are you hiding in there?" Napalunok na lang ako nang marinig siya. This woman is very observant.















Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top