Chapter 50
Reya's POV
"Guys. Sorry na. Wala ba kayong balak magsalita? Hello." pangungulit ng peste.
Mariin kong tinusok ang karne na nasa plato bago isubo at nguyain ito ng pinong-pino. Napasinghap si Davin sa ginawa ko. Kaharap ko siya habang nasa kaliwa ko naman si Renzo na kanina pa walang imik. Tsk, as far as I remember, eating together was his idea. Kung hindi dahil sa kaniya ay wala kami ngayong tatlo rito at nagsasalo sa pangit na atmosphere. Hindi ako makatanggi sa kaniya dahil hinila na niya ko pababa ng dining area. Sumunod naman ang peste sa amin.
"You better shut up or else." Tinitigan ko siya ng masama dahilan para mabilaukan siya. Mabilis niyang inabot ang baso ng tubig at uminom.
"Stop it. Nasa harapan tayo ng pagkain. Better finish eating first. Wala pang laman ang tiyan mo simula kagabi" parang ulirang ama na pigil sa akin ni Renzo.
"T-Tama. Tama. Masamang mang-away sa harapan ng pagkain. Thanks bro." natutuwang wika ni Davin
Halos mapasigaw naman ako sa inis. "Renzo naman. Kung sa'yo wala lang, p'wes ibahin mo ako. This friend of yours is so malicious."
"Wala akong sinabing wala lang sa akin iyon. You can scold him after finishing your meal." pigil ang ngiting tugon niya.
Napangisi ako sa narinig bago sumubo ng kanin.
"What?! Bakit ang weird niyo guys ngayon? Ngii... Goosebumps! Tumataas ang balahibo ko sa inyo" sabay hawak ni Davin sa magkabilang balikat.
"Kapag hindi ka talaga tumigil diyan, humanda ka sa'kin mamaya!"
"Joke lang. He-he. Ano bang nangyari? Wala naman hindi ba?" Nag-zipper siya ng bibig na parang bata.
"Siguraduhin mo lang na iyang utak at bibig mo umayos. Isa sa pinakaayoko sa lahat ay mga tsismoso at madumi ang pag-iisip."
"Nakuha ko na po Madam. Promise hindi ko na ibi-bring out ang bagay na iyon."
I rolled my eyes. "Tsk."
Lumapit naman ang isang maid para maglagay ng kanin sa hapag.
"Ate, ang sarap mo namang magluto." sabi ng epal na peste.
"Naku salamat po. Luto ko po ang mga iyan maliban sa adobong manok."
Hindi ko pinahalata na halos mapatigil ako sa pagsubo. Ang adobo ang pinakagusto ko sa mga nakahain.
"Ah okay. Kanino namang luto ito? Sobrang sarap din eh" pagtatanong ng muli ni Davin. Masyado talagang pakialamero ang lalaking ito. Kung anu-ano ang tinatanong.
"Ah. Sa magandang babaeng bisita ni Sir Renzo kanina. Sige po maiwan ko na po kayo."
Halos sabay kaming mapalingon kay Renzo na kanina pa tahimik na kumakain. Naramdaman niya siguro ang tingin namin kaya nag-angat siya ng mukha. "Celine came here." deretso niyang pahayag.
"Ano? Bro, kailan pa nagdadatingan ang chicks sa bahay mo? Sa pagkakaalala ko, ako lang ang bumubulabog sa iyo rito."
"Don't exaggerate things out. Minsan bumibisita siya rito at kaibigan ko siya kaya wala akong nakikitang masama roon."
I rolled my eyes again. Parang nawalan na ako ng ganang kumain. Napansin ko ang pagsulyap sa akin ni Davin kaya nagpatuloy na lang ako sa pagkain kahit pa parang hindi ko na malunok ang ulam. Halos adobo pa naman ang nasa plato ko.
"Ang mama niya raw ang nagluto niyan." dagdag pa ni Renzo.
Pagkarinig sa sinabi niya ay saka ko lang nalunok ang nasa bibig ko. Celine's mother?
"Ah okay" komento pa ni Davin.
Tahimik kaming nagpatuloy sa pagkain. Magsalita pa talaga si peste at babatukan ko siya.
***
Davin's POV
Pigil ang aking tawa habang kumakaway kay Reya. Alam ko na inis na inis na iyan sa akin simula pa kanina. Paano ba naman? Nakakagulat kaya ang mga pangyayari. Wala sa imagination ko na mapupunta siya rito.
Inutusan siya ni Renzo na bumalik sa kwarto. Noong una ay ayaw pa niyang sumunod pero nang makita na ang mga gamit na dala ng maids ay napasunod din siya. Mga damit daw iyon at pamahid sa sugat niya. Isa pa iyan sa pinatataka ko Gustung-gusto kong magtanong kung ano ba ang nangyari ngunit sa nakikita ko ay hindi magandang timing na pag-usapan ito.
"Ano na naman ba ang kailangan mo at naparito ka?" tanong ni Renzo nang kami na lang dalawa ang maiwan sa dining area.
"Bro naman, kailangan ba may dahilan?" pagbibiro ko.
Tinignan niya lang ako at naghintay ng sasabihin ko. Alam na alam niya kung kailan may kailangan ako sa kaniya. Hindi ko tuloy mapigila ng labi sa pagngiti.
"Alright. Wala ka sa opisina mo. Tumawag din ako sa company ng dad mo pero wala ka rin kaya dumeretso na ako rito. Bro, nakalimutan mong maghulog sa account ko ng sahod ko." I'm referring to my salary as his private doctor. Hindi sa may malubhang sakit siya.
"Ah. Nawala sa isip ko. Hindi ka naman mukhang naghihikahos." May pagdududa sa mga titig niya.
"Of course not. Pero next week ko pa makukuha ang sahod ko sa mga hospital. Its because of her. Gusto kong ang ibibigay ko sa kaniya ay galing sa sarili kong bulsa at hindi sa pera ng pamilya ko." What's the point of hiding the real reason from him? Alam niya ang istorya ng buhay ko.
Umiling-iling siya sa narinig. "Hanggang kailan ba magiging ganyan ang setup ninyo? Bro, alam kong gusto mong mabuo ang pamilya mo. Hindi ba? Dahil kung hindi, hindi ka babalik dito para hanapin siya. Kaya ang maipapayo ko lang, as soon as possible, magsama na kayo."
"Ang daling sabihin niyan pero dude hindi mo alam kung gaano kahirap ng sitwasyon ko. Ni hindi ko nga alam kung mahal niya rin ako. Kapag nagkikita kami, ni hindi niya ako matingnan sa mga mata. She always asks for money. At first, parang gusto ko nang mag-give up pero nalaman ko na lang na may anak kami." Gumuhit ang pagkagulat sa kanyang mukha.
"You heard it right. Nagkaanak kami. Hindi niya sinabi na buntis siya nang umalis siya at iwanan ako. At ngayon, kung anu-anong trabaho ang pinasok niya para mabuhay silang dalawa ng anak namin. Lintik na 'yan! Hindi ko alam kung matutuwa ako o magagalit! Pare, isa na akong ama! Pero nilihim niya sa akin iyon. Inilayo niya ang anak ko na sana kasama ako sa pagpapalaki sa kaniya."
"What are your plans now?"
"Hindi ko alam. Gusto niya na tustusan ko ang pangangailangan ng bata."
Naiiling na lang siya. "Hindi ko alam na ganyan na pala ang nangyayari. Hindi mo ba pinursue na magsama na kayo? Kasal kayo."
"Hindi ko kaya. What if tumanggi siya at ilayo na naman ang anak ko? O kaya nama'y makipaghiwalay siya?"
"Natatakot ka na mawala sila pero ayaw mong magbaba mg pride at aminin na mahal mo siya."
Napaisip ako sa narinig "Tsk. Hindi ganoon iyon."
"Iyan ang maipapayo ko lang sa iyo."
"Tang'na. Wala ka bang alak diyan?" sagot ko na lamang. Pride nga ba ang pumipigil sa akin? I just want to make sure that if I confess my feelings, sana pareho kami ng nararamdaman pero hindi ako sigurado doon.
"Maaga pa para diyan. At kung gusto mong maglasing, huwag dito sa pamamahay ko."
Napangisi ako sa sinabi niya. "Bakit? Dahil sa espesyal mong bisita kaya pinagtatabuyan mo na ako?" Naningkit ang mga mata niya sa tanong ko. "Ahaha. Biro lang. Ito naman high blood masyado."
"Kung magpayo, kala mo kung eksperto, e siya nga hindi mo malaman kung torpe o ano." Dahil hindi ko kayang sabihin sa kaniya ang nasa isip ko'y pabulong na lang akong nagsa-side comment.
Naiiling na lang ako sa pinaggagawa ko. Teasing my friends make me forget my problems even just for a short moment. Kaysa naman magpadaig ako sa problema.
"Pero seryoso nang usapan." Napade-kwatro ako ng upo. "Anong nangyari? Bakit siya narito? The wound in her face? Paano niya ito nakuha? May nakita rin akong pasa sa braso niya kanina nang aksidenteng tumaas ang sleeve ng suot niyang shirt. Bro, halos alam mo ang kwento ng buhay ko pero ang sa'yo napakaonti lang ng alam ko. Mind sharing me some more?"
Nagpakawala siya ng malalim na buntung-hininga bago magsalita.
***
REYA'S POV
I looked at my own reflection in the mirror. The long sleeved blouse and high waist skirt-short isn't bad. In fact, I love it. Kompleto ang pinabili ni Renzo mula sa underwears at mga damit, pati makeups at ang cream na sinasabi ko sa kanya.
Bagay naman sa akin ang anumang klaseng damit dahil maganda at sexy ako. Magaling din akong magdala. Halos perpekto na sana ang lahat kung wala lang ang malaking guhit ng sugat sa aking mukha. Lumapit ako sa salamin at tinitigan ang hindi pa gaanong maghihilom na sugat sa aking pisngi.
Nasa ganoong ayos ako nang bumukas ang pinto. I rolled my eyes bago lumayo ng ilang sentimetro sa malaking salamin.
"Bakit ba hindi uso ang kumatok sa lugar na 'to?" naiinis kong sabi.
"Ha? Ewan ko rin eh." nang-aasar namang sagot ni Davin. Iyang ngiti ng peste, akala mo kung kinagwapo niya, nakakabwisit naman, tsk.
"Ano na namang kailangan mo?"
"Wala naman. Just extending my service."
"What?"
Tuluyan na siyang pumasok sa loob at hindi man lang pinansin ang tanong ko. Nagtungo sa cabinet at binuksan ito na para bang siya ang nagmamay-ari ng kwartong ito.
"Ayos ha. Is this room for public?" Hindi ko maiwasang maibulalas habang pinapanood siyang ilabas ang medical kit ni Renzo.
"Actually, pinaalam ko ito. Alam mo bang lagi niya akong sinisita sa tuwing pumapasok ako rito? Lagi niyang sinasabi na importante ang privacy."
"Tsk. Wala namang makikita rito." Aside from being huge, wala pa naman akong nakikitang kakaiba.
"Malay natin may nakatago palang mahalagang kayamanan dito?" eksaheradong wika niya.
"Baliw"
Subalit dahil sa sinabi niya ay medyo napaisip ako. Bakit di ko nga ba naisip na tingnan ang iba niya pang mga gamit? Hmm?
Biglang napahalakhak si Davin. "Huwag mong seryosohin ang sinabi ko. Come here. Gagamutin ko ang sugat mo." Inurong niya ang mga paper bags na naglalaman ng mga gamit na pinabili ni Renzo para sa'kin na nasa malaking couch.
"I can do it alone. You may leave now."
"No. Its now part of my job. Well, kung ayaw mo, alam mo naman siguro kung gaano ako kakulit hindi ba? AHHH!"
Napangisi ako sa malakas niyang pagsigaw matapos ko siyang sipain sa paa. "Tell me, bakit mo ginagawa ito?"
"Aray naman Reya, pag ako nabalian ipagamot mo ako. Hindi ba kinuha mo rin akong personal doctor? Nakalimutan mo na ba? But this time, you don't have to pay me." He winked at me.
"Sinabi mo eh" wika ko habang binibilang sa isip ang matitipid ko sa kaniya. Not bad. Medyo pinigilan ko ang sarili na sapakin siya nang umupo siya sa tabi ko. Hinawakan niya ang pisngi ko at iniharap ang parteng may sugat.
"Medyo malalim ang sugat at mahaba. Isang matalas na bagay ang nakahiwa rito hindi ba? Imposibleng natalisod ka o sumubsob kaya mo nakuha ito. Base sa hitsura nito, deretso ang pagkakahiwa, ibig sabihin hinawakan ang matalim na bagay na ito at hiniwa sa pisngi mo ng pataas o di kayay pababa nang may pwersa.a"
"Manggagamot ka ba o imbestigador?"
"Ahaha. Kalma lang."
Binuksan niya ang medical kit at kumuha ng bulak. Nilagyan niya ito ng antiseptic.
"Renzo didn't tell me what happened to both of you. Sana hindi ganoon kalala ang pinapasok ninyo."
"Bakit? Wala ba siyang sinabi sa iyo?" nagtatakang tanong ko. The moment I left them a while ago, ini-expect ko na na may malalaman siya. Natural na tsismoso ang mga tao.
Tumigil siya sa pagpapahid sa sugat ko saka umiling. "Alam mo ba ang sinabi niya sa akin?" he paused, then coughs to clear his throat. "Ahem... MALALAMAN MO RIN. Iyon lang ang sinabi niya. Imagine? We've been friends for more than five years pero kakaonti lang talaga ang mga alam ko tungkol sa kaniya. Ang sakit, Reya. Hindi niya ako magawang pagkatiwalaan."
"Baliw ka kasi." Ang OA niya. Tsk.
"Ouch. Hindi ka marunong mag-comfort ng tao." Nagbalik siya sa paggagamot ng sugat ko.
"Paano kayo nagkakilala?" hindi ko mapigilang maitanong na ngayon ay parang pinagsisisihan ko na. Baka kung ano na naman ang isipin nito.
"Car accident. Naksidente siya sa US at sakto namang malapit ako sa scene kaya nakatulong ako sa first aide habang hinihintay ang rescue."
"Sa madaling sabi, you saved him?"
"Ganoon na nga. I visited him in the hospital a day after the accident. He thanked me and offered money as gratitude."
Hinintay ko siyang magsalita pero natuon na sa paggagamot ang atensyon niya. "Then? You accepted the money?" tanong ko.
"Syempre naman. Mahirap kayang kitain ang pera." mabilis niyang sagot.
"Tsk, mukhang pera" dismayadong sagot ko.
"Biro lang. Hindi ah. May utak yata ako. Sinabi ko na bigyan niya ako ng trabaho. At doon nga nagsimula ang pagiging personal doctor ko sa kaniya."
"Inutakan mo siya huh."
"Sabihin na nating ganoon na nga, malaki ang naitulong niya pero may naitulong din naman ako sa kaniya. Hmm Lorenzo Andrews, during those times was lifeless. The man who never smile. He was also so mysterious and intriguing kaya na-curious ako lalo. Pinupuntahan ko siya kahit hindi niya ako ipatawag hanggang sa nasanay na siya sa presensiya ko at maging magkaibigan kami."
Gusto ko sanang itanong kung ano ang alam niya tungkol kay Merian pero may kung anong pumipigil sa akin na gawin iyon.
"Nakasama ko siya sa abroad pero ang masasabi ko lang. Akala ko mas magdidilim ang mundo niya dahil sa pagbabalik dito pero nagkamali yata ako. Sana nga magtuloy-tuloy ang kasiglahang nakikita ko sa kaniya. But I'm afraid of what he's planning to do in the future. Reya, alam kong kaya mo siyang protektahan. Inaanim ko ginamit ko siya pero naging parang kapatid na ang turing ko sa kaniya. Gusto ko sana na tuluyan na siyang makawala sa nakaraan niya at magsimulang muli pero sa nakikita ko, binabalikan niya ang mga bagay na dapat ay natuldokan na."
"At ano naman ang maitutulong ko sa kaniya?"
"Just always be right beside him."
Napalingon kaming dalawa sa pintuan nang makarinig kami ng pagkatok mula rito. Sa wakas may taong marunong nito. Bumukas ang pinto at iniluwa nito si Renzo na bihis na bihis at may dalang bag.
"Tamang-tama, tapos na ako. Mas mabuti kung iinom ka ng gamot para mas mabilis na maghilom ang sugat mo. I suggest, magpaturok ka na rin ng anti tetanus para sigurado." Tumayo si Davin at inayos ang shirt at pantalon na suot.
"No need." kontra ko.
"Yes you need it. Ikaw na ang bahala Davin. Kailangang sa lalo't madaling panahon."
"Yes Sir. Kung ayaw mong magpunta ng hospital, I'll get the vaccine as soon as possible para dito ka na bakunahan." segunda naman ni Davin sa sinabi ni Renzo
"Ano bang pinagsasabi niyo?! Katawan ko ito kaya ako ang magdedesisyon."
"Hindi mo alam alagaan ang katawan mo kaya huwag ka nang umapela pa" sabat na naman ni Renzo. Isang ideya na naman ang pumasok sa utak ko na magpangisi sa akin.
"Uuwi na ako." Gumihit ang gulat sa mukha niya sa sinabi ko. Si Davin naman ay tahimik na nakikinig sa amin. Napakatsismoso talaga ng peste,gusto ko siyang itapon palabas.
"No. Hindi ba't napag-usapan na natin ito?" Pagtataas niya ng boses. Nakikita ko na napupuno na siya sa akin. Well, matigas talaga ang ulo ko, anong magagawa ko.
"Haist, wala akong magawa rito. Aalis ka hindi ba? Ayokong maiwan naman dito." Nagpakawala ako ng hangin sa dibdib bago muling magsalita. "Huwag kang mag-alala, walang mangyayari. I promise you."
"I'll let you go back in your house but in one condition, bring bodyguards with you."
"O sige. I can have guards at my house but not personal bodyguards."
"You already met Alexander right? He's perfect to be your per-so-nal bodyguard." Napakunot ang noo ko lalo na sa pandidiin niya ng salitang personal. "Sino naman siya? Renzo gusto mo talagang makipagtalo noh?"
Tumingin siya sa suot na orasan. "Si Alexander naghatid kay Celine kanina palabas. Remember him now?"
"Ah! The annoying guard!" Hindi ko mapigilang maibulalas nang maalala ang bwisit ng bodyguard na iyon. "Ayoko sa lalaking 'yon!"
Alam mo bang kanina pa dapat ako sa opisina? Wala akong planong umalis pero tumawag ang ama ko at may importante raw na papeles na dapat kong pirmahan. But here I am, wasting my time. If you just agree with me, edi sana wala na tayong dapat pinagtatalunan ngayon." Ang seryoso na ng mukha niya at parang nababalot na ng maitim na awra ang paligid dahil sa masamang titig niya. Palapit siya ng palapit sa akin. Tumabi naman si Davin na animo nanonood ng pelikula. Tinitigan ko siya ng masama.
"L-Lalabas na ako." biglang singit ni Davin. Nagtaas ako ng kilay.
"May personal bodyguard na ako Renzo kaya di ko na kailangan ng isa pa."
"Ano? Sino?"
"Siya" turo ko sa papaalis nang si Davin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top