Chapter 49

Hey guys! I want to apologize kasi nagkamali ako ng chapter na inupload. Nakaligtaan ko ang CHAPTER 49 kaya heto na siya... Inunpublish ko muna ang CHAPTER 50 then will publish it again later together with CHAPTERS 51-53.

Thanks sa pagbabasa at pasensya na rin sa technical and grammatical errors.

***

REYA'S POV

"Ma'am, huminahon po kayo."

"Sagutin mo ang tanong ko. Sino ka? Paano ka nakapasok dito?"

"Bodyguard po ako ni Sir Lorenzo."

"Huh? Kailan pa siya kumuha ng bodyguard?"

"Noong isang araw? Hindi lang po ako ang narito Ma'am. The whole place is guarded. Nasa paligid ang mga kasama ko at may mga CCTV din na nakakalat sa buong sulok ng bahay-"

Napataas ang kilay ko sa narinig. "What? You mean?!"

"Ma'am?" Nagtatakang tanong niya.

"Nakita niyo akong bumaba kanina?"

Tumango siya bilang pagkumpirma na lalong nagpainit sa aking ulo. "Galing po ako doon kanina."

"Hey! Anong nakita niyo ha? Umamin ka!" Ibinaba kong maigi ang mahabang T-Shirt ni Renzo upang matakpan ang hita ko. Ang iksi ng pang-ibaba ko. Bwisit!

"Mabuti po Ma'am, bumalik na kayo sa loob at baka magalit si Sir sa amin kapag nakita kayo rito."

"Hey. I'm asking you! Huwag mong ibahin ang usapan. At anong klaseng tingin iyan? Akala mo ba hindi ko napapansin na titig na titig ka sa mukha ko?" Kaduda-duda ang lalaking ito.

Napayuko siya. "Ginagawa ko po ang trabaho ko. Maaari na po ba kayong bumalik sa loob ng bahay ni Sir Lorenzo?" tinuro niya ang direksyon ng bahay.

"Tsk. Mind your own business" irap ko sa kaniya. Naglakad ako palayo kaya lang ay humarang siya sa daan ko.

"You're part of my business Ma'am. Mahigpit ang utos ni Sir na huwag kayong paaalisin dito."

"Ang kulit!" Hindi dumapo ang sipa ko dahil maagap niyang napigilan ang paa ko. I tried to punch him pero nakailag siya.

"Ma'am, ayoko ng gu-"

Hindi ko siya pinatapos sa pag-awat sa akin bagkus ay sinugod ko siya. Puro ilag ang kanyang ginagawa. Nang makakuha ako ng magandang tiyempo ay natamaan ko rin siya sa mukha. Napangisi ako kasabay ng isa pang pag-atake. Isang malakas na sipa sa sikmura niya ang pinakawalan ko. Napahawak siya rito. Serves him right. Inayos ko ang aking sarili saka naglakad palayo. Ngunit naramdaman ko ang paghatak niya sa akin. Nag-isip ako ng paraan kung paano makakakalas sa hawak niya ngunit bigla niya akong tinulak sa pader. Hindi gaanong malakas ito pero sapat na para manumbalik ang sakit ng aking likod. Namalayan ko na lang na nakulong na ako ng mga braso niya.

"Stay away from me!" I tried to push him pero hindi siya natinag. Idagdag pa ang sakit ng likod na nararamdaman.

"No. You need to stop Miss Clemente. I have no intention of hurting you so please calm down. I'm just doing my job. Please naman, cooperate. Binabalaan ko kayo, kahit makalagpas kayo sa akin, may mga kasama pa ako rito, naghihintay lang ng instructions ko. Hindi ka rin makakalabas. May dalawa kayong choices... Babalik sa loob o babalik?" Kakaiba ang pinapakita niyang awra. Kahit pa may respeto ang pananalita niya ay halata ang gigil niya sa bawat pagbigkas ng mga salita.

"Hindi mo ako kilala para utusan" pakikipagmatigasan ko.

"Sige po. Tatawagin ko na lang si Sir Renzo. Mas kilala niya kayo hindi ba?"

Ngayon, he is getting more and more annoying!

"Hahayaan ko kayong makalagpas sa akin ngunit ang mga kasama ko na ang bahala sa inyo saka ko tatawagin si Sir upang pabalikin na kayo sa loob."

"Let me go! Or else sisigaw ako and I'll tell Renzo you're harassing me." Akala niya kung siya lang marunong magbanta huh.

Nahuli ko siyang ngumiti na para bang nagbitiw ako ng isang joke. "Unfortunately, may audio ang mga CCTV dito. Naririnig po tayo ngayon ng in-charge sa pagbabantay ng buong bahay."

"W-What?! Wala akong pakialam. Just let me go!" Hindi na talaga ako natutuwa sa taong ito. Bakit nag-hire ng ganitong klaseng tao si Renzo? Haist!

"Oo na. Hindi na ko aalis. Kaya alis na sa harapan ko!" napipilitang pagsuko ko.

"Sige po. Pero once na takasan niyo ako, mga kasama ko na ang bahala sa inyo. Gagawin nila ang lahat ng kaya nila mapabalik lang kayo sa loob."

"You shut up!"

Nauna akong naglakad habang nag-iisip kung paano tatakasan ang mga bantay ni Renzo. Kailan pa naging ganito ang bahay niya? Sa pagkakaalala ko, angtahimik dito noong huling punta ko, ni maids ay wala siya.

Celine's POV

"May importante ka bang sasabihin at napapunta ka rito?"

I pouted upon hearing him. "Hindi na ba ako welcome dito? Kailangan ba may rason?" pagbibiro ko kay Renzo.

"Uhm. That's not what I mean. Of course... welcome ka naman dito."

"Ahaha. Huwag ka nang mag-explain. Alam ko kung ano ang ibig mong sabihin. Nagluto kasi si mama ng marami so I decided to bring lunch for you kaya lang hindi ka pumasok. Nag-aalala ako na baka may nangyari."

Inabot ko sa kaniya ang paper bag na bitbit ko. Malugod naman niya itong tinanggap." Thank you. I'm okay, marami lang akong inaasikaso."

"Related ba sa business o tungkol pa rin ito kay Merian?" Hindi ko maiwasang magtanong.

"Both" direktang sagot naman niya. Napahinga ako ng malalim. The way he answered...parang may nagbago. Hindi na ganoon kabigat sa dibdib para sa kaniya na pag-usapan si Merian.

"Alam mo, mas maganda kung ipapaubaya mo na lang sa akin ang lahat. Hindi ka pa rin tumitigil sa pagpo-post ng tungkol sa kanila hindi ba?"

"Yes. At wala akong planong tumigil hangga't hindi ko nakukuha ang gusto kong outcome."

"Nakita mo naman ang nangyari Celine. Muntik ka nang mapahamak. Hanggang ngayon hindi pa rin malinaw kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito. What if maulit ang nangyari sa'yo?"

Hindi ko mapigilang mapahawak sa noo. Lahat na lang sila tinatrato akong bata. "Renzo, I want to do this. Tama si Reya, alam kung hindi nanaisin ni Merian ang mga ginagawa ko pero kung magkapalit kami ng sitwasyon alam na alam ko dahil kaibigan ko siya! Gagawin din niya ang ginagawa ko ngayon. Please Renzo, let me help you, let me help my friend find the justice she and her father deserved. Kumpara sa iyo, napakaliit lang na bagay ang kaya kong maiambag, huwag mo naman na sanang ipagkait pa ito."

Napahinga ng malalim si Renzo na siyang nagpaluwag sa dibdib ko. Tipid akong napangiti. I win his approval I guess. "Just promise me to keep safe all the time."

"Yeah, yeah. Alam ko namang magkasabwat kayo ni Dad sa pagkuha sa'kin ng bodyguards. Promise!" sigaw ko pa. "Oh! You have maids already huh." Namamanghang komento ko nang mapansin ang ilan sa mga katulong niya kanina.

"Bakit nga pala hindi ka pumasok ngayon?" Nakapambahay lang siya at mukhang walang balak na umalis.

"I was busy these past few days. Kailangan ko ring magpahinga."

Tumangu-tango ako ngunit sa isip ko ay marami pa akong nais itanong. "Uhm. Renzo." Wah! Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung papayag siya sa sasabihin ko. Napatingin ako sa kamay ko at nag-umpisang paglaruan ang mga sariling daliri.

"May sasabihin ka pa ba? Spill it."

"Kasi, matagal nang nag-aaya si Dad ng isang dinner with you. Hindi pa raw siya pormal na nagpapasalamat."

He suddenly tapped my head. "Iyon lang ba? Akala ko kung ano na. Sige. Just inform me kung kailan. Matagal na rin noong huli ko siyang nakausap." Lumawak ang ngiti ko sa narinig. Ayos! Kaya lang may isa pa akong kailangang sabihan.

Reya's POV

"Sa harap po ba kayo dadaan? Gusto mong malaman ni Sir Renzo na nagtangka kayong umalis ng walang paalam?" Hindi ko pinansin ang tanong na iyon ng bodyguard ni Renzo. Abala ako sa pag-iisip ng paraan para takasan sila.

"May pumasok po kaninang magandang babae sa loob. Sa pagkakarinig ko ay kaibigan siya ni Sir."

"Ang ingay mo naman. Ano ba ang pakialam ko kung sino ang bisita niya?" Malilikot ang mga mata na sagot ko. Nasa harapang parte ng bahay at pakalat-kalat nga ang mga guards sa buong lugar. Mayroon guwardiya sa gate hindi tulad ng una kong punta rito na siya lang ang tao.

"Pasensya na. Akala ko ko kasi interesado-"

"Haist! Manahimik ka nga!" Padabog akong naglakad patungo sa pintuan. "Huwag kang maingay diyan" utos ko sa kaniya ng 'di siya nililingon.

"Doon na lang po ako. Maiwan ko muna kayo." Nilingon ko siya at nahuli ang mapaglarong ngiti sa kaniyang labi. "Iyan ang pinakamaganda mong sinabi." Pagtataboy ko sa kaniya.

Nang makaalis siya ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto, iyong sapat lang upang masilip ang mga nasa loob.

"Kasi, matagal nang nag-aaya si Dad ng isang dinner with you. Hindi pa raw siya pormal na nagpapasalamat."

Pagkarinig ko sa boses na iyon ay agad kong nakilala kung sino ang bisita ni Renzo kahit pa nakatalikod siya.

Lumapit si Renzo para hawakan si Celine sa ulo.
"Iyon lang ba? Akala ko kung ano na. Sige. Just inform me kung kailan. Matagal na rin noong huli ko siyang nakausap."

Ang corny nila. So nagpunta si Celine rito para alukin ng date si Renzo. Nakakatawa ang dalawang ito. I am about to close the door when I heard Celine's voice. "Yeah. Dad also wants Reya to be there. Its his way of thanking you two. Kaya lang hindi ko pa nasasabi sa kaniya. Kinukulit din ako ni Mommy. Gusto niya raw makita ulit si Reya." Muntik na akong mapatawa sa narinig. Mabuti na lang at maagap kong naitakip ang kamay sa sariling bibig bago makagawa ng ingay.

Napasandal na lamang ako sa pader sa gilid ng pintuan. Hindi ko namalayang inuuntog ko na pala ng mahina ang ulo ko sa pader habang nag-iisip ng malalim. Nang mapalingon ako sa harapan dahil sa isang presensiya ng abnormal na tao.

"You! Anong ginagawa mo rito?" mariin kong tanong.

"Bakit hindi pa po kayo pumapasok?"

"Sira ka ba? Alam mong may ibang tao sa loob at alam mo rin na nagpakahirap ako sa lintik na bintanang iyon na bumaba tapos tatanungin mk ako kung bakit?

Napayuko siya na waring naintindihan ang gusto kong ipabatid. "Hmm. Pero Ma'am, mas magagalit si Sir kung hindi kayo makita sa loob."

"Alangan namang akyatin ko ulit yung bintana pabalik? Imbes na bumuntot sa akin mabuti pa gawin mo ito."

"Ha?"

Pinalapit ko siya sa akin para bumulong. "Once na makita mo na lumabas ang babaeng bisita ni Renzo at hindi siya kasama, pumasok ka kaagad sa loob at palabasin mo siya para makapasok ako.

"Teka lang po. Ano naman ang idadahilan ko?"

"Haist! Ako pa rin ba mag-iisip n'on? Gawan mo na ng paraan! Naintindihan mo?" Himdi ko siya marinig na sumagot kaya sinipa ko siya ng mahina sa binti. "Ano? Naintindihan mo ba ako? Basta kailangan kong nakapasok ha."

Napakamot siya ng ulo. "Sige po."

Ilang sandali pa ang lumipas nang may magbukas ng pinto. Mabilid kong hinila ang malaking kamay ng bodyguard ni Renzo upang magtago sa gilid.

Napasilip ako sa pintuan upang tingnan kung sino ang lumabas, si Celine at sa likod niya'y si Renzo. Nang mapansin kong mapapalingon si Renzo sa gawi namin ay kaagad akong nagtago.

"Dali. Huwag mong pababalikin agad si Renzo sa loob hangga't hindi pa ako nakakapasok." Tinulak ko siya paalis.

"Aahh! Bakit ang-sakit pa rin." reklamo ko habang ginagalaw-galaw ang aking braso.

Muli akong pumihit para bumalik na sana sa loob ngunit nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang nasa harapan ko. Natuod ako sa kinatatayuan at tila ba may nagawang malaking kasalanan at gusto nang tumakbo palayo.

"Ha. Hmm. Anong g-ginagawa mo rito?" Halos hindi ko matapos ang sasabihin ko sa sobrang kaseryosohan ng mukha niya. Anumang sandali ay parang magtatagpo na ang mga kilay niya sa sobrang kunot ng noo.

"Hmp. Ahem." I tried my best to look fierce too.

"Ikaw? Anong ginagawa mo rito?" napakalamig niyang tanong.

Napangiwi ako sabay hanap sa bodyguard niya. Namataan ko siya na sinasabayan si Celine sa paglalakad palabas. Lumingon siya sa gawi namin habang walang kaalam-alam ang babae sa nangyayari. Sumenyas ang bodyguard na nagsasabing, nakita raw ako ni Renzo. Umirap naman ako.

"I'm talking to you Reya. Don't you ever dare looking another man."

"W-What?" Bumilis ang tibok ng aking puso. No. Hindi tama ito.

He stepped forward. Napaatras ako dahil doon. Aatras pa sana ako nang hawakan niya ang kamay ko. Napapikit na laman ako nang gumalaw ang kanang kamay niya. Pakiramdam ko masasapok ako ng lalaking ito.

Pero taliwas sa inaakala ko, naramdaman ko ang kamay niya sa pisngi ko na siyang kinamulat ng mga mata ko. "Look at your wound. Nagdudugo na dahil sa katigasan ng ulo mo."

"Ah-"

"Let's go."

Bakas sa mukha pa rin niya ang inis habang naglalakad kami pabalik sa loob. "I can walk by myself. Hindi mo na ako kailangang hawakan." Mas lalo niyang binilisan ang paglalakad habang hawak ako. I rolled my eyes.

Binitawan lang niya ako nang makabalik kami sa kwarto. Naroon pa at nakatali ang mga pinagdugtong na mga kumot na ginamit ko kanina.

Wala pa man siyang sinasabi ay nagtakip na ako ng mga tainga. Alam kong galit siya habang papalapit sa bintana. "Shit!" malakas niyang mura na lalong nagpadiin sa pagkakatakip ko.

"Alam mo ba kung gaano kataas 'yan? Paano kung nahulog ka? Gustung-gusto mo talaga na manganib ka. Isipin mo naman ang mga tao sa paligid mo."

Halos mapatunganga ako sa narinig. He is scolding me pero hindi sa paraang iniisip ko.

Naalala noong panahong dinala ako ni Arthur sa mansyon niya. Ginawa ko rin ito dati. Alam kong hindi ako emotionally stable during those time. I wanna escape from him but in the middle of my attempt to escape, I tried to kill myself. No, sumagi lang sa isip ko na bumitaw pero hindi ko inaasahang mahulog. It was an accident. As a result, nagkaroon ako ng bali sa braso. Arthur kept on shouting at me habang namimilipit ako sa sakit. "That's what you deserve! You wanna die that way? Is that what you want?"

"N-no. You better shoot me. That's what I want. I won't kill myself but if other's do it for me,I would be so glad."

Lumapit siya sa akin, hinawakan sa kwelyo at pilit na pinatayo. "Kung iyan ang nais mo, pwes hindi ko ibibigay sa iyo. Gusto mo nang mamatay pero takot kang kitilin ang sariling buhay. Bakit ko ibibigay sa iyo ito? Hindi kita niligtas para sa wala. You're now mine even your useless life." Marahas niya akong binitiwan.

"Reya! Tsk! Nakikinig ka ba?" Tinitigan ko ang lalaking ngayon ay kaharap ko.

"Bakit? Bakit ka masyadong nag-aalala sa walang kwentang katulad ko?"

Napuno ng pagkalito ang mukha niya. "What? Sinong nagsabi niyan? You're not useless. Ano bang pinagsasabi mo? Come on, Reya. Huwag mong ibaba ang sarili mo."

Isang sarkastikong tawa ang aking pinakawalan. "Huhh."

"Ano ba? Kung saan-saan na nakakarating ang usapang ito. Ang punto rito ay ang ginawa mo. Ayoko nang mauulit ito. I'm doing all these for your safety. Kung nasasakal ka, please bear it. Until I'm already a hundred percent sure that everything is safe for you."

Muntik na akong mapaluha sa sinabi niya kung hindi lang malayo sa katotohanan. "There's no such thing as hundred percent safe in this world."

"At least not as dangerous as today." he added.

Napatango na lang ako. During the darkest days of my life, full of hatred and sorrow, I never imagine to see light. Not until he came.

I stepped forward. Isinubsob ko ang mukha sa dibdib niya. "Bakit ko nga ba kailangan makilala ang isang katulad mo? Renzo? Bakit? Tsk!"

"Hindi ko rin alam. Tinanong ko na rin ang sarili ko niyan. Isa lang ang sigurado ako, hindi ko pinagsisisihang nakilala kita. Kaya sana naman makinig ka sa akin."

"Oops. My eyes!"

Napatayo ako ng tuwid at sabay kaming napatingin ni Renzo sa pintuan.

"Uh-oh. Wrong timing yata ako?" nag-aalangang wika ng bagong dating.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top