Chapter 45

Reya's POV

"Reya. Kumusta?" Bati ni Celine nang magkasalubong kami sa Crystal. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Her uniform caught my attention , it's color pink. Tsk, hindi maganda sa paningin.

"Fine. How about you?" kaswal na tanong ko.

"Eto, back to work." Nakangiti niyang sagot. Ngunit sa likod ng ngiti sa kanyang labi ay nahihimigan ko ang kakaibang awra mula sa kanya...walang buhay.

"Good." I just answered.

"Its just that... Uhm... Ang higpit ng mga tao ngayon. I can't go out without a bodyguard and ang daming bantay. Wala ka bang napapansin sa mall? Guards are all over the place. Nakakaloka."

"Tsk. Get used to it. Its better anyway. At least everyone's safe. Sige ha. I need to go to my shop."

Bago pa man ako makahakbang ay patakbo siyang lumapit sa akin at yumakap. Natuod ako sa pagkabigla. "What are you doing? Hey! Ang daming tao." Normally, dapat tinulak ko na siya palayo pero abnormal na nga talaga ako siguro dahil hinayaan ko siyang gawin ito.

"Thank you! Gusto ko lang magpasalamat sa'yo." Naramdamanan kong mas humigpit pa ang yakap niya matapos niyang magsalita.

"Okay. Okay na! You are welcome. Bitaw na. Don't make a scene."

Nakahinga naman ako ng maluwag nang sa wakas ay kumalas siya. Tumingin siya ng diretso sa aking mga mata at isang bagay ang napansin ko, maayos na ang pagkakangiti niya na hindi kagaya kanina.

"I must go. Baka ano pa maisipan mong gawin." I said bago siya iwanan. Ngunit hindi pa ako gaanong nakakalayo ay nagsalita siyang muli. "Reya! Again thank you! Nakapag-isip-isip ako ng mabuti. At simula ngayon, gagawin ko kung ano ang tama! Bye! Bonding tayo one time!" Napahawak ako sa noo ko. Kailangan ko nang masanay sa ugali ng mga tao rito. Naiiling na nagpatuloy ako sa paglalakad pero sa kabila ng pagpigil ko, sumilay ang ngiti sa aking labi. Nice, I got an insane friend.

Nagdiretso ako sa shop ko at mabilis na pumasok sa aking opisina. Kinuha ko ang nakatagong laptop at binuksan ito. Gusto kong magresearch tungkol sa mga taong nasa listahan na pinakita sa akin ni Arthur noong nakaraan. Pero gayon na lamang ang panlalaki ng aking ang  mata nang iba ang aking matuklasan.

Its another blog from HiddenTruth. Shit!

Unfortunate events happened in my life these past few days. Thought everything's connected but I won't stop what I've started. I will continue until the hidden truth finally reveals. If they know me already, hindi ko pa rin sila kilala. Pinapatunayan lamang nila na may mali silang ginawa at pilit na pinagtatakpan. Hindi na ako makapaghintay na dumating ang araw na maisiwalat ang katotohanan. Sabi nga sa lumang kasabihan "Walang sikretong hindi nabubunyag".

I must suggest, buhayin muli ang kaso ni Roman Felipe at siguradong marami pang katiwalian at nakatagong katotohanan ang lalabas. Why let innocent people suffer? Its time to wake up the government...

Ang marahang mga katok sa pinto ang pumutol sa aking pagbabasa.

"Ano?!" Pasigaw kong sagot. Damn. Celine's so hard-headed. Ito ba ang ibig sabihin niya kanina?

Bumukas ang pinto at iniluwa nito si John. "Ma'am, pasensya na po sa abala pero may naghahanap sa inyo."

"Sino?" I asked. Napahawak ako sa aking sentido. Hindi pa rin ako maka-move on sa nabasa mula kay Celine. Gusto niya talagang mapalapit sa kapahamakan.

"Ako."

Nanlumo ako sa nakita. Wala na bang mas ikasasama ng araw na ito? Mas lalo kong diniinan ang daliri sa sentido. Of all people, bakit siya na naman? Uhm I wasn't expecting Renzo to pay a visit either. Speaking of him, nasaan na kaya ang taong iyon? Ilang araw na rin kaming hindi nagkikita. He's always busy.

"Bakit may peste dito?" Walang ganang tanong ko.

"Ma'am?" Inirapan ko si John na mukhang walang kaalam-alam kung gaano ko kinaaayawang makita ang pinapasok niya rito.

"Hindi mo ba ako na-miss? By the way, gusto ko ng tawag mo sa'kin, ang sweet. I'm your bodyguard hindi ba? Kaya't nandito ako. Davin at your service" Nakasaludo pang sagot ni Davin. Sarap batukan ang peste.

Nanggigil ako sa lalaking ito. Pati ba naman sa opisina ko biglang susulpot? "Shut up!" Malakas kong sigaw. Gumagawa ang taong ito ng iskandalo. Walang kahiya-hiyang naupo siya sa harapan ng aking mesa kahit hindi ko inaalok. Lumabas si John at sinarado ang pinto.

"Hyper ka na naman Madam. Baka naman nami-miss mo lang si Renzo kaya ka nagkakaganyan?"

"Pinagsasabi mo? Doon ka nga manggulo sa kaibigan mo. Huwag dito at marami akong ginagawa."

"Ikaw ang binabantayan ko at hindi siya."

Imbes na sumagot ay tinapunan ko siya ng matalim na tingin. Binabantayan? Lulubog-lilitaw nga ang peste na ito e.

"Ah...eh... At isa pa, wala naman siya ngayon dito eh."

"Ah. That explains why you're here. Saan ba nagpunta ang lalaking iyon?" I asked trying to sound normal.

"Sabi na e, siya ang hinahanap mo."

Sinuklian ko siya ng sarkastikong ngiti. "Wala ka bang magawa? Lu-ma-yas ka di-to."

Bigla niyang itinaas ang dalawang kamay. "Oops. Okay titigil na. Hindi na kita aasarin. Ang alam ko nakipagkita si Renzo kay Mr. Orietta. Parang interesado si Renzo na makipag-deal sa kanya." Nagbago siya bigla ng topic. At masasabi kong nagtagumpay siya dahil naagaw nito ang pansin ko.

"What?! Napapadalas ang pakikipagkita niya sa ngayon sa matanda."

"Pansin ko nga."

Napaisip ako ng malalim. Tsk. Sinabi kong tutulongan ko siya pero hanggang ngayon wala pa rin akong nagagawa. Kailangan ko nang kumilos.

"This is Celine right? Ang tapang naman niya para ipagpatuloy ang pagsusulat."

Tinapunan ko ng masamang tingin ang tsismosong katabi ko. Pinakikialaman niya ang aking laptop. Bwisit na 'to.

"Hey! Mind your own business", sita ko sa kaniya bago tabigin ang kamay.

"Aw!" eksaheradong sabi niya habang hawak ang kamay.

***
Malalim na ang gabi ngunit ang lugar na ito ay mag-uumpisa pa lang mabuhay. Ngayon lang ulit ako nakaapak dito at kakaiba sa pakiramdam. Ngunit ang poot at galit na iniwan ng lugar na ito sa aking puso ay narito pa rin. Nang makita ako ng mga bantay ay kaagad akong hinarang. Inilabas ko ang necklace na may pendant na bilog at nakaukit ang pangalan ko, ito ang sumisimbolo na isa akong fighter. Nang mapagtantong hindi peke ang pinakita ko ay hindi sila nagdalawang-isip na papasukin ako.

"Ang-tagal kitang hindi nakita rito Pink."

Hindi ko pinansin ang pagbating iyon at nagtuloy-tuloy ako papasok. Tinahak ko ang daan papuntang arena. Ang hiyawan at malalakas na sigaw ng mga tao ay senyales na nag-umpisa na ang laban. Nais ko lang sumilip sandali sa arena na naging parte ng pagkatao ko. Hinayaan lang ako na mapalapit sa gilid kung saan kitang-kita ang naglalaban nang mas malapitan.

Napatingin ako sa kabilang sulok. Hindi ko mapigilang ngumisi nang makita si Arthur habang suot ang kanyang half-mask na pang-kabalyero. Ngunit hindi ko maitatanggi ang pagkabigla nang mapagtanto kung sino ang katabi niya. Tsk. The catwoman.

Kahit pa nais kong malaman kung paanong magkasama na sila ngayon ay pinigilan ko ang sariling lumapit sa kanila. Hindi sila ang pinunta ko rito. Napatingala na lamang ako upang masdan ang mga salamin sa itaas. I need to talk to him now. Nilapitan ko ang isa sa mga tauhan ni Henry.

"Gusto kong makausap si Henry."

"May bisita siya ngayon. Hindi siya maaaring isturbohin." Kitang-kita ko sa gesture ng hayop na wala siyang ganang kausapin ako. Sumilay ang ngisi sa aking labing nababalutan ng itim na tela.

"Just tell him I'm here and I want to see him right now! "

"Tsk! Huwag mo akong uutusan. Hindi porke't may mga kapit ka, aasta ka lagi ng ganyan. Isa ka pa ring basura, naintindihan mo?" Pinanlisikan ko siya ng mata dahilan para mapaatras siya. "Tsk. Mas basura ka," walang ganang sagot ko.

Dideretso na sana ako sa loob nang biglang may mga lalaking humarang sa dadaanan ko. "TABI!" Wala akong pakialam kung malakas ang aking sigaw. Ayaw nila akong padaanin, bwisit!

"Wala kang kapangyarihan para utusan kami. Ilagay mo sa lugar ang sarili mo!"

Pinatunog niya ang mga kamay at mukhang naghahamon ng away ang basura. Ginalaw ko ang aking paa at tinaas ng bahagya ang aking nakakuyom na kamao, nanggigigil na pumorma at humanda sa isang laban.

Nagpalipat-lipat ang aking tingin sa mga tauhan ng Organisasyon habang tahimik na pinapagalitan ang sarili. Kakayanin ko ba ang mga ito? Mag-isa lang ako at nasa teritoryo nila. Hays! Bahala na. Kailangan kong makausap si Henry kahit na anong mangyari. Pinuntahan ko siya sa kanyang opisina kanina ngunit nabigo akong kausapin siya. Ayokong lumipas ang isa na namang araw na wala akong nagagawa. Dapat makausap ko siya ngayon. Hindi ang tulad ng mga taong ito ang haharang sa akin, kahit pa anong mangyari. Bahala na.

Humakbang ako palapit sa kanila ngunit humarang ang isa sa kanila sa mismong harapan ko. Agad ko siyang sinipa kaya tumilapon siya sa mga kasamahan niyang maagap na sumalo rito. Ramdam ko ang pag-uumpisa ng kagulohan sa buong lugar ngunit may magsalita na siyang nagpahinto sa pagsugod ng mga lalaki sa akin.

"Magsitigil kayo!"

Napalingon kaming lahat sa lalaking iyon.

"Kailangang turuan ng leksyon ang taong 'yan." Malakas na pagtutol ng lalaking sinipa ko.

"Pinapaakyat siya ni boss. Gusto niyang makausap si Pink." Napatingin ako sa phone na hawak ng lalaki. Mukhang tumawag siya kay Henry.

Kitang-kita sa mukha ng mga pangit na lalaki ang pagtutol. Napangisi ako dahil dito. Tumuwid ako ng tayo saka humakbang. Gumilid naman sila habang ako nama'y taas-noong naglakad papasok kahit pa may kung anong kaba ang biglang lumukob sa aking dibdib. Sa ganitong klaseng lugar, kailangang ipakita na matapang ka at walang inuurungan. Sanay na ako sa ganito ngunit nitong mga nakaraang araw, napapadalas ang kaba na nararamdaman ko. Natatakot ako... Natatakot ako sa mga mangyayari. Kagaya ngayon, parang mayroong surpresang bubulaga sa akin. Bakit hinayaan ni Henry na makita ako? Ano ang sasabihin niya? Ano ang pinaplano niya? Ilang araw na lang ba ang natitira sa kasunduan namin?

Habang naglalakad papalapit sa kinaroroonan ng hudas na iyon ay mas lalong padami nang padami ang mga katanungang nabubuo sa utak ko at papalakas nang papalakas ang namumuong takot sa dibdib ko. Hanggang sa namalayan ko na lang na nasa tapat na pala ako ng malaking pintuan. Alam na alam na ng katawan ko ang pupuntahan kahit pa lumilipad ang isip ko.

Napahinga ako ng malalim bago buksan ang pinto. Inalis ko lahat ng alilangan at pangamba sa aking puso at itinira ang galit para sa taong nasa loob ng kwarto. 

Ngunit hindi ko mapigilan ang aking sarili. Sa loob ng maraming taon, tinago ko sa aking dibdib ang pakiramdam na ito kahit pa mahirap.  Nais kong takpan ang takot na ito ng poot sa mundo pero hindi ko malinlang ang aking sarili.  Sa bandang huli, sa bawat palubog ng araw at pananatili kong mag-isa, palagi pa rin akong natatakot. Natatakot sa maraming bagay... Kasama na ang mabuhay ng ganito. Ngayon, may dahilan na ako para magpatuloy. Tatahakin ko ang napili kong direksyon nang walang alinlangan.

Mas lalo pang bumilis ang tibok ng aking puso nang makita ang mga taong nasa loob. Halos matuod ako sa kinatatayuan kasabay ng pilit kong nilalabanang matinding kaba.

Tssk. Sabi ko na nga ba. Mukhang tama ang hula ko.

*****
Pasensya na po sa errors. Thanks for reading.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top