Chapter 44
Renzo's POV
"Hello" Mahinang sagot ni Reya sa kabilang linya na halos hindi ko na marinig.
"Where are you?"
"Where are you?"
Napaangat ang aking labi sa sabay naming pagtatanong. Hindi ko alam kung anong nangyari pero gusto kong marinig ang tinig niya. She's totally a bad girl but it feels like there's something in her that you just need to understand. The way she acts, speaks, may pinanghuhugotang malalim.
"Ladies first." I answered.
"No! You go first." Dati, nakakairita ang pagka-bossy niya pero parang nasasanay na ako sa kaniyang personalidad. She's different and I'm slowly accepting this fact. But I also want her to change that bad attitude. Hindi dahil sa gusto ko siyang baguhin kung ano siya pero dahil iyon ang tama.
"May private meeting ako sa isang importanteng tao."
"Sino?" Hindi ako nakasagot kaagad sa tanong na iyon. She sounded like she knew where I am. May palagay ako na hindi sila in good terms ni Wilhenry. Naalala ko ang hitsura niya minsang magkita sila ni Wilhenry. Nagawa pa niyang umalis ng walang paalam, mapadpad sa sulok at magtago. Ayokong makitang muli ang hitsura niyang iyon nang matagpuan ko siya.
"Wil-"
Hindi ko natapos ang aking sasabihin dahil sa pagbukas ng pinto.
"Pasensya na Mr. Andrews sa paghihintay. Alam mo naman ang trabaho natin, masyadong maraming hinaharap na obligasyon."
"Walang dapat na ihingi ng tawad. Naiitindihan ko."
"Hey! Hihintayin kita." Narinig kong sabi ni Reya. Hati ang atensyon ko sa kausap sa phone at sa kadarating lang na si Wilhenry.
"I'll call you again later." Nais ko man siyang kausapin pa, kailangan ko nang putulin ang tawag.
"Still, thank you for understanding. Isa ka talagang masigasig na tao. Kung katulad ka ng iba ay siguradong magagalit na dahil sa paghihintay. Although I can't blame them, time is precious for businessmen like us." Naupo siya sa pinakadulo ng lamesa. Ayoko sa dating ng presensiya niya. May kung ano sa kaniya na hindi ko gusto... Marahil dahil sa nalaman ko tungkol sa kaniya. Gusto kong malaman kung tama ba lahat ng impormasyong dumating sa akin.
"I agree with you Sir Wilhenry. Pero iba naman ang sitwasyon ko. May mga taong nakaassign upang mag-manage ng company ng dad ko rito. I only focus on my mall. I am free this whole day."
"Well. Good for you. But soon everything will be handed to you. Am I right? As the only son of the Andrews, mamanahin mo ang lahat maging ang obligasyon."
"Matagal pa naman sigurong magretiro ang ama ko. Pero parang ang sarap pakinggan. I will gain power once my dad handed me his company and wealth."
Napukaw ang atensiyon niya sa sinabi ko. Nababasa ko ito sa kaniyang mga mata.
"Interesting. You want to gain power and wealth?"
"Sino bang hindi Mr. Orietta? Sa panahon ngayon, pera ang nagpapagalaw sa mundo. Hindi ka kikilalanin ng iba kung wala ka nito. Kaya nating makuha ang halos lahat ng nanaisin natin, titingalain at susundin ng nakararami. Wealth can manipulate the world even people's lives. Kapag wala ka nito, itatrato kang basura ng iba."
"Ahaha. Tama ka Lorenzo. I like what you've said. Mukhang magkakasundo tayo."
"Glad to hear that from you Sir. Simula nang umapak akong muli sa Pilipinas, nakita ko kung gaano kaimportante ng status sa buhay. I'm enjoying the privileges. Then I realized I want more." Deretso ang tingin ko sa kanyang mga mata. Siniguro ko ring bigyang-diin ang mga huling salitang binitawan ko.
Mababanaag sa mukha niya ang pagkaaliw mula sa naririnig mula sa akin. Ngayon napatunayan ko kung gaano siya gahaman na tao. Is this why Reya dispised him?
"More? Are you sure of that young man?" Paninigurado niya. Napatango ako bilang sagot.
"Maari kong ibigay sa iyo ang nais mo." Nanunudyo niyang wika. Come on Mr. Orietta. That's what I want.
"Yes, more. Paano?" Mabilis kong sagot sa tinig na may halong pagkadesperado. Sinigurado ko na pati ang ekspresyon sa aking mukha ay makakakumbinsi sa kaniya.
"Ahahahahah!" Sa halip na tumugon ay ang halakhak niya ang aking narinig.
"I'm not kidding Mr. Orietta, I'm serious."
"Alright. You misinterpreted me. I...Pfft. Nakakatuwa lang. I like you young man. Hindi ko akalain na may ganito ka palang personalidad. Ang mga kagaya mo ang kailangan ko. Sa ngayon, hindi ko pa maaaring sabihin sa iyo kung paano. But rest assured that I can give you what you want. Kaya sana matuloy ang partnership natin na minsan mo nang tinanggihan."
Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon. I need to be patient.
"Okay. Aasahan ko iyan, Mr. Orietta." Kalmado kong sagot. Kinuha ko ang tasa ng kape sa lamesa at dahan-dahang humigop dito. Sisiguraduhin kong makukuha ko ang gusto ko.
***
Reya's POV
"Shit! Bakit ang-tagal nilang mag-usap?" Ang sama ng tingin ko sa elevator. Ilang maling tao pa ba ang papasok at lalabas mula rito? Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya kung makita niya ako rito ngunit ito ang gusto kong gawin. Bumalik ako sa pagkakasandal sa pader.
Ang tunog ng pagbukas ng pinto ng elevator ang nagpa-angat ng aking ulo. Nang makita kung sino ang nasa loob ay aligaga akong napatuwid ng tayo. Wait, what to do? Ngingiti ba ako o ano? Hayst! Natataranta ako.
Plano ko sanang mauna nang maglakad palayo pero nakita na niya ako.
"Reya?"
Napapikit ako sa tawag na iyon kasabay ng pagbuntong-hininga. Pagsisisihan ko bang hinintay ko siya? Ito ang idinidikta ng aking isip. Napahawak ako sa tapat ng aking puso. Kailangan kong magtiwala sa sign na hiningi ko.
"Hi. I told you, I'll wait." Walang ekspresyong sagot ko nang makita kung sino ang kasama niya. Nagsalubong ang aking kilay nang bigla ngumiti ang demonyo sa tabi ni Renzo. Bakit hindi ko napansin kaagad? Kasama niya si Henry. Damn it!
Napatingin ako sa clueless na mukha ni Renzo. Kahit anong gawin ko, napapamura talaga ako. Do I have to apologize? Its weird pero pakiramdam ko kailangan. Nah! This is me. I'll cuss whenever I want.
"Hi Reya Clemente. Angtagal kitang hindi nakita."Nakangiting bati ni Henry ngunit hindi ko gusto ang pagmumukha niya. Uhm, matagal na akong naalibadbaran sa pagmumukhang iyan pero what I mean is there's something in him.
"Yeah right." Bored kong sagot. Hindi nawala ang ngiti niya habang humahakbang palapit sa akin. Nasa likuran niya si Renzo at nasa pinakalikod naman ang dalawa niyang alipores. Napaatras ako ng kaonti nang tumigil siya sa harapan ko. Mas lumawak naman ang ngiti niyang maaari nang ihambing sa aso. I tried my best to keep calm kahit pa ang sarap niyang suntukin.
"Gusto ko pa sanang makipagkamustahan pero marami pa akong gagawin."
"H-Huh?" Napakasarap niya sanang barahin ngunit may kung anong pumipigil sa akin na gawin ito, maybe Renzo's presence. Tsk.
"Thank you for the time Mr. Lorenzo Andrews. Maiwan ko na kayo." Nilingon niya si Renzo na mukhang walang alam sa nangyayaring tensyon sa pagitan naming dalawa ni Henry.
"No. I should be the one thanking you. I also hope to see you again. I'm looking forward to that day."
"Aishh!?" Mahinang usal ko bago mapabaling sa kaliwa. Nakakasuka! Ang taong katulad mg matandang ito ay hindi nararapat na igalang. Bakit parang interesadong-interesado ngayon si Renzo kay Henry? Kinakabahan ako sa biglaang pakikipagkita niya rito.
Naramdaman ko na lang ang pagdampi ng isang kamay sa aking kanang balikat.
"Good job, Pink." Nanlaki ang mga mata ko sa bulong niya ngunit agad din akong napabalik sa huwisyo. Bwisit! Ano iyon? He called me Pink! Did he praise me? Nagtayuan na yata ang mga balahibo ko sa katawan. Para akong nakarinig nakakakilabot na salita. Ano ba ang nangyayari? Nakalampas na si Henry sa akin kaya agad kong tinaponan ng tingin si Renzo na ngayon ay nakatingin din sa akin.
Lumipas ang ilang sandali at kami na lang dalawa ang naiwan. Patakbo akong lumapit sa kaniya.
"Anong ginagawa mo rito? Bakit kayo nag-usap ni Henry? T-Tinanggap mo na ba ang alok niya?" Sunud-sunod kong tanong.
"Calm down. Ako dapat ang nagtatanong. Bakit ka narito? Paano mo nalaman na nandito ako?" Nagdududa niyang tanong.
"Of course I will know. Did you forget? Arthur is working here. I answered your question. Be fair Renzo. Sagutin mo ang tanong ko."
"Business matters." Tipid niyang sagot lumawak ang pagkakadilat ng aking mga mata. Ngayon alam ko na kung bakit ganoon na lamang ang pagkakangiti ng matanda. Napahinga ako ng malalim matapos makadama ng kakaiba sa aking dibdib. Damn! Kinakabahan ako sa maaring mangyari.
"No way." Pagtutol ko.
Hindi niya ako pinansin bagkus naglakad siya palayo. "Let's go" He suddenly said.
Napaangat ako ng tingin.
"You waited for me right? May sasabihin ka ba?" Hindi siya nagtatanong, sigurado ako doon. Its an statement.
Mabilis akong naglakad para abutan siya. "Yes. At feeling ko, may sasabihin ka rin." Sagot ko habang sabay kaming naglalakad.
Pagkasakay namin ng kaniyang kotse ay kaagad niyang binuhay ang makina. Hay, ipapa-pickup ko na lang ang aking dalang sasakyan.
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo Renzo?" Pagbasag ko sa katahimikan. Mukhang wala siyang balak mag-open ng topic kaya ako na ang nagpaumpisa.
"Oo."
Napabuntong-hininga ako. Should I celebrate? Mapapadali ang trabaho ko. Parang iniisip pa nga yata ni Henry na ako ang dahilan kaya napapunta si Renzo sa kanya. Aist! Bakit hindi ako natutuwa? Iyong kabog ng dibdib ko, lumalakas na naman. Its feels like something bad is about to happen.
"Bakit ayaw mo ba?"
Natahimik ako sa tanong niya. Bakit nawawalan ako ng sasabihin? Kanina, sigurado na ako sa mga nais kong gawin pero ngayon, hindi ko na ulit alam. Ang hirap mag-isip.
Naramdaman ko na lamang na itinigil ni Renzo ang sasakyan sa isang tabi. Napalingon ako sa bintana.
"Bakit mo pinarada ang sasakyan?" Nagtatakang tanong ko.
"I want to clear things out Reya. I can't concentrate driving. Please answer my questions honestly and seriously."
"Sa palagay mo ba naglalaro lang ako? Sige. Sasagutin ko ang mga katanungan mo...pero dapat mo ring sagutin ang mga tanong ko." Saad ko habang deretsong nakatingin sa kaniya. Tinanguan niya ko bilang sagot.
"Anong klaseng tao si Henry? Hindi kayo magkasundo hindi ba?" Pag-uumpisa niya. Umayos ako ng upo at binaling sa harap ang tingin.
"He's rich, influential, business-minded person." I answered.
"What else? Bakit hindi mo siya kasundo?"
"Ah! I hate him! Satisfied?!" Pasigaw kong sagot.
"Why?"
"You don't have to know everything Renzo."
"Dahil ba sa pagkatao niya? Kahit hindi mo sabihin, malalaman ko rin."
Napapikit ako sa tinuran niya. Alam na ba niya na si Henry ang leader ng Organisasyon? Seems like he knew already.
"Ano ba ang gusto mong palabasin Renzo? Bakit ganyan ka magsalita? Ano ba ang gusto mong malaman tungkol kay Henry? Deretsahin mo nga ako."
Naghintay ako ng sagot mula sa kanya ngunit pinili niyang manahimik.
"May kinalaman ba ito kay Merian Felipe?"
Parang may kung anong kirot akong naramdaman sa dibdib. Tama, lahat kaya niyang gawin para kay Merian. Hindi ko alam kung may kinalaman nga ba ito sa Organisasyon pero nakapagdesisyon na ako...
"May alam ka hindi ba? But I'll respect your silence." Makahulugang wika ni Renzo. Nakatitig lang siya sa akin. Hindi ko mawari kung ano ang nasa isip niya. One thing is for sure...
"Remember what I've said before? Hihingi ako ng tawad kapag napatunayan mo na wala silang kasalanan? Babawiin ko lahat ng sinabi ko?"
"Hindi ko nakakalimutan."
Biglang nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Naguguluhan ako sa taong ito. Bakit? Bakit hindi galit ang nakikita ko gaya noong nag-away kami dahil sa nabastos ko ang pangalan ng ex niya? Wala akong madamang hinanakit sa puso niya sa ginawa ko.
"Come on Renzo! Bakit hindi ka magalit sa'kin?" Hindi ko mapigilang maisigaw dahil sa frustration. I can't understand this man anymore.
"Damn." Natigilan ako sa kanyang pagmumura. Minsan ko lang marinig ang salitang iyan sa kanya.
"Alam ng Diyos kung gaano ko kagustong magalit sa iyo. Naisip ko na ring pilipitin ang leeg mo kaya'y layuan at iwasan ka na lang ng tuluyan upang hindi ako makagawa ng hindi maganda. Pero hindi ko alam kung bakit hindi ko lubusang magawang kamuhian ka. Sumusulpot ka na lang bigla. Instead, I chose to understand you."
"Huh. Mas maganda kung sinabi mong kinamumuhian mo ako." Bwisit na'to! He's making my heart pound fast.
"Nakakatawa hindi ba? Let's not talk about it. You're still the evil Reya I've known."
Naningkit ang mga mata ko sa narinig.
"Talaga lang ha!" I just answered. Hindi ko malaman kung ano ang tumatakbo sa utak ng taong ito. Maybe he doesn't fully hates me... Magkagayun pa man, may galit pa rin siya sa akin. Feeling ko ang laki ng kasalanan ko sa lalaking ito pero heto kaming dalawa. Narinig ko ang pagbuhay niya sa makina.
"Ilang ulit ko na bang sinabi na tutulungan kita? I mean it. Lalo pa na naka-receive ako ng sign. I will make this trash life of mine useful." Alam ko na ako lang ang nakakarinig sa mga binubulong ko.
Nang mapansin ko ang paglampas ng isang motor sa aming sasakyan. Hindi ko alam pero parang pamilyar ang pigura ng lalaking nakasakay dito. Naka-itim na jacket siya. Mag-iiwas na sana ako ng tingin nang nasa unahan na namin siya ngunit biglang lumingon ang lalaki. Nakaangat ang helmet niya pero may itim na mask sa bibig. Hindi ko alam kung bakit kinabahan ako at bumilis ang pagtibok ng aking puso nang makilala kung sino ito. Sa tagal ko siyang nakasama, kahit may maskara pa siya ay makikilala ko pa rin yata ang taong iyon.
Arthur.
Its him. Nakalayo na siya sa amin pero ayaw tumigil ng kaba sa dibdib ko. Parang may gagawin siyang hindi maganda. Kung ano man ito, kailangan ko itong paghandaan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top