Chapter 42
Reya's POV
"Can we just stay like this? Please, bigyan mo pa ako ng ilang segundo." Naramdaman ko ang pagdampi niya ng kanyang kamay sa aking ulo. Muling tumulo ang mga luha ko.
Kaagad kong pinunasan ang aking luha gamit ang kanang kamay. Nang makasiguro na maayos na ang aking mukha ay ako na ang kusang kumalas kay Renzo.
"Anong ginagawa mo rito? Sabi ko kay Daven, puntahan mo si Celine."
"She's safe. Nakaalis na siya ng ospital. Nagpadalus-dalos ka na naman." Sita ni Renzo.
Tumalikod ako sa kanya at tumanaw sa malayo.
"Wala naman. Gusto ko lang ng thrill kaya hinanap ko ang nagpanggap na nurse at pumatay sa kidnapper." Kung nakaharap lang siya sa akin ay makikita ni Renzo kung gaano kaseryoso ng aking mukha. Lintik! Nakatakas pa. Kung sana hindi lang ako nahuli ng ilang minuto. Sana walang buhay na nawala.
This time, alam ko na kung ano nga ba talaga ang gusto kong gawin.
"Hahanapin ko kung sino ang may kagagawan nito. I promise you."
"Why would I care?" Sagot ko sa kanya.
"Wala akong pakialam. Basta hahanapin ko sila."
"You can't do it alone Renzo. I will help you." Pagkatapos kong sabihin ang mga katagang ito ay humarap ako sa kanya. Nagtataka ang mga mata niya...nagtatanong ang mga ito.
"Well, I love another thrill."
This time, alam ko na kung ano ang nais kong gawin. I want to protect these people. Kahit kapalit pa nito ang walang kwenta kong buhay.
Hinawakan ni Renzo ang kamay ko. Sa pagkakataong ito, hindi ako nagpumiglas. Napayuko ako para pagmasdan ang kanyang kamay. Ang kamay na ginamit niya para mambugbog kanina. Napabuntong-hininga ako.
"No." He said firmly.
"I'm telling you. Kakailangin mo ako. Don't you ever underestimate me. I am Reya Clemente...remember that. Trust me." I said while staring at his eyes.
Magsasalita pa sana siya ngunit inunahan ko na... "Let's go." Talikod ko sa kanya. Nagmadali akong naglakad papalayo.
***
"Ma'am, may nagbigay po nito kanina. Para
sa inyo raw." Bungad kaagad sa akin ni Manang pagpasok ko ng aking pamamahay. Walang ganang kinuha ko ito at nagderetso sa aking kwarto. Hindi pa lumulubog ang araw pero pakiramdam ko antok na antok na ako.
Pabagsak akong nahiga sa kama. Ang daming nangyari sa araw na ito. Pakiramdam ko punung-puno ang aking utak ng mga bagong nalaman. And it causes me headache.
Napapikit ako hanggang sa tuluyang makatulog.
Its a new day, everything seems calm and ordinary. Nagbago ang lahat nang makababa ako ng kwarto.
"Ano na namang ginagawa mo rito?!" Bulyaw ko sa lalaking prenteng nakaupo sa aking couch.
"Paying a visit."
"Tsk. LA-YAS!"
"Ahaha. Kumusta?"
"Manang! Bakit pinapasok mo na naman ba itong taong 'to?"
Mabilis na lumapit ang aking kasambahay.
"Eh Ma'am ka-kasi nagpumilit po siya."
I rolled my eyes.
"Lahat ba ng magpupumilit pumasok sa pamamahay ko hahayaan niyo lang?"
"Sorry po Ma'am." Nakatungong sagot niya.
"Hey! Awat na. Its my fault okay?!"
"Shut up!" Asik ko kay Davin. Napataas siya ng kamay na wari mo ay sumusuko sa mga pulis.
"Pinapunta ako ni Renzo."
Natigilan ako sa sinabi niya.
"At bakit naman?" Kalmado nang sabi ko. Hindi nakatakas sa mga mata ko ang nakakalokong pagngiti ng peste.
"Well, ako na ang magiging bodyguard mo simula ngayon."
"What?!"
"Ahaha. Ayaw mo niyan? Ang pogi ko kaya."
"Insane."
"Edi itanong mo kay Renzo. May basbas na ako mula sa kaniya."
"Kalokohan. Ano bang nangyayari?" Naupo ako sa couch. Kami na lang dalawa ni Davin dito. Tsk. Tinakasan ako ni manang.
"Hindi ko rin alam. Ano nga ba ang nangyayari? Someone died yesterday, pakiramdam ko involve na rin ako. Hindi ko mapapalampas ang kalapastanganang ginawa nila sa ospital." Seryosong saad niya.
Naalala ko kung paano niya tingnan ang kidnapper kahapon.
"Ano bang alam mo tungkol sa mga nangyayari?" sarkastiko kong tanong.
"Kung ano ang nai-kwento ni Renzo." Mabilis naman niyang sagot.
May kung anong pumasok sa isip ko.
"Ano bang alam mo tungkol kay Renzo? Tungkol sa nakaraan niya?"
"Eight years ago?" tanong niya na tuluyang kumuha sa atensiyon ko. Naupo siya sa pang-isahang couch na nasa harapan ko. Ang center table ang pumapagitna sa amin.
"Alam mo rin ang tungkol sa nakaraan niya?"
"Hindi ganoon ka-detalyado pero hindi rin kakarampot. Pero kung ang naging buhay niya sa abroad, mas marami akong alam."
"Ah. Sabihin mo, ano bang klaseng buhay siya mayroon sa abroad?"
"You seem so interested with my friend. May I know the reason first, Madam."
"None of your fucking business." I immediately answered.
"Awts. Ako ang nasa harapan mo pero iba ang iniisip mo. Saklap naman."
"Stop acting like that, Peste. May asawa ka na, ang landi mo pa." Ngisi ko. Ayaw niya akong sagutin huh. Then I will let him know na nai-tsismis na siya ni Renzo.
"How did you know?"
Napatawa ako sa tanong niya.
"Ah wala naman. Malakas lang talaga connection ko." Nang-aasar kong sagot.
Nagulat na lang ako nang matawa rin siya. Napataas ang kilay ko.
"Pfft. Kakaiba ka talaga, Reya. Saludo na ako sa'yo."
"Huh?"
"Ask me everything you like about your Renzo. Pero marami pang araw para gawin iyan. Magtatanghali na. Wala ka bang planong pumunta ng Crystal mall ngayon?"
Bigla akong napatayo sa sinabi niya. Oo nga pala.
Tinalikuran ko siya para bumalik sa kwarto ko at mag-ayos.
"Dalian mo sabi ng pogi mong bodyguard," wika niya na nagpahinto sa akin.
"Tigilan mo nga ako! Sinong niloko mo? Bodyguard? Tsk."
"Pinaalam ko na ito kay Renzo. Alam mo bang pinadoble na niya ang security sa buong mall? Even Celine has a bodyguard. Ako na nagpresinta na bantayan ka. Kaya expect me to be around."
"Nahihibang ka na. Akala ko ba doktor ka? Bakit di ka na lang mag-stay sa ospital?".
"On-call ako sa ilang ospital plus ako ang personal doctor ni Renzo. Since okay naman siya, ikaw na lang ang babantayan ko. Hindi ba reasonable naman? Renzo pays me."
"Tsk. Ni mukhang hindi mo kayang magpatumba ng tao. Baka ikaw pa mabugbog o mabaril. Ang dali mong masasaksak ng kutsilyo panigurado."
"Ahaha. Brutal mo mag-isip. Hindi ba pwedeng ako ang gagamot sa iyo kapag natapilok ka? Mag-oopera sa iyo kung mabaril ka man o hindi kaya'y masaksak?"
"Hay ewan ko sa'yo! Umuwi ka na lang." Iniwan ko na lang siya. Pumanhik ako sa itaas kung nasaan ang kuwarto ko.
Maghahanap na sana ako ng maisusuot sa cabinet nang mapansin ko ang folder na binigay ni Manang kagabi.
Kinuha ko ito at binuksan.
Natigilan ako sa nakita. Parang nandilim ang buong paligid at sa mga oras na ito, gusto kong manakit. Gusto kong lukutin at apak-apakan ang papel ngunit pinigil ko ang sarili.
Henry...
"Alam na alam mo kung paano ako galitin." Pakiramdam ko ang init na ng buong katawan ko. Ang bilis niyang pakuluin ang dugo ko!
Fuck it!
Davin's POV
"'Nay, ilang oras po bang maligo iyon?" tanong ko kay nanay habang nakatingin sa aking wristwatch.
"Depende iho. Minsan inaabot ng isang oras, kung nagmamadali naman, sampung minuto lang."
Napakamot ako sa ulo. Sa pogi kong ito? Pinaghihintay niya ako ng matagal? Kaya naman pala niyang maligo ng mabilis. Babae nga naman, ang hirap ispelingin.
Naghintay pa ako ng ilang minuto nang sa wakas ay nandiyan na ang hinihintay ko.
Napatayo ako nang tuluyan siyang makababa ng hagdanan. Gusto ko sanang sumipol para biruin siya dahil sa kanyang hapit sa katawan na dress pero hindi ko ginawa. Iba ang aura niya ngayon. Napakaseryoso ng mukha niya at ang dilim ng mga mata.
"Hay. Angtagal mo naman kamahalan."
Hindi niya pinansin ang pang-aasar ko. Mas mukha siyang normal kapag pinapatulan niya ang mga sinasabi ko.
Nagpatuloy siya patungong pintuan na parang hindi niya ako nakita. Ano ba ang nangyari rito? Kanina ay okay pa siya. Bipolar yata.
"Sandali. May mga dala pala akong vitamins. Mukha ka kasing laging puyat at-" Parang wala na talaga siyang balak na pansinin ako nang ikutin niya ang seradura.
"Paalala sa akin iyan ni Renzo."
Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang biglang pagtigil niya na buksan ang pinto. Lihim akong napangiti. Naiimagine ko ang scene na ginawa nila sa rooftop. Hindi ko mapigilang hindi sumunod gayong nagakakagulo na sa buong ospital. Napadpad ako sa rooftop at doon nakita ang dalawa. I heard them. Mukhang hindi biro ang pinasok ng mga ito.
"Ano ba ang nangyayari?" tanong ko kay Renzo. Nakatingin siya sa bangkay na nakatakip ng puting kumot.
"Hindi ako sigurado, " maikling tugon niya.
"May kinalaman ba ito sa iyong nakaraan?" Nanghihinalang tanong. Ayoko na sanang mangialam pa pero hindi na tama ang mga nangyayari.
"Kailangan ko ng mga tao para maprotektahan ang mga tao sa paligid ko. Kung sino man ang may pakana na lahat ng ito, sisiguraduhin kong magbabayad siya."
"Bro, nasa likod mo lang ako." Tapik ko sa balikat niya. Naglakad siya patungong pintuan
"Saan ka pupunta?" Tanong ko.
"Kailangan kong kausapin ang private investigator ko."
"Sasama ako."
"No. Hindi na kailangan. Gusto kong kumilos. Problema ko ito Davin."
Napailing na lang ako matapos siyang mawala sa mga mata ko. Ayaw niyang isama ako ha? Then I will do my own investigation too. Iyan lang ang maitutulong ko. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya. Iniligtas niya ang buhay ko mula sa panganib noong nasa ibang bansa ako.
"One capsule a day. Bago ka matulog sa gabi, inumin mo para magkaroon ng sapat na nutrients ang katawan mo. You are strong, given na siguro iyan base sa nakikita ko. Pero kailangan mo pa ring pangalagaan ang katawan mo baka bumigay iyan sa hindi inaasahang pagkakataon." Warning ko kay Reya. Kailangan ng babaeng ito ng magpapaalala.
"Tsk."
Nagpatuloy siya sa paglabas kaya sumunod na lang ako. Ibang klase talaga.
"Wait Madam. Hintayin mo ako!" Tawag ko sa kaniya nang dere-deretso siyang maglakad papuntang gate. Malapit ko na siyang maabutan nang bigla naman siyang tumigil. Halos mabangga ko siya kung hindi lang ako nakahinto kaagad.
"Nasa garahe ang kotse ko." She utterred.
"We can use my car. Besides, ako naman ang magiging bodyguard mo for the whole day."
"Stop playing around." Napakaseryoso pa rin ng boses niya. Usually, she calls me "peste" but not this time. Ano kaya ang problema niya? Something's wrong with her. I mean, sa tuwing nakikita ko siya, lagi siyang badtrip pero nasanay ma ako sa personality niyang ito. Pero ngayon, may mali.
Nabigla ako nang lumapit siya sa akin at umakbay. Halos mapalayo ako sa gulat. Ang alam ko, ayaw niyang hinahawakan siya.
"May umaaligid sa iyo huh." Hindi ko maintindihan ang sinabi ni Reya. Napangisi ako nang ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko kahit ang totoo, the heck! I am scared of her right now.
"She's outside. You want me to call her?"
Pagkarinig sa sinabi ni Reya ay mabilis akong lumingon sa labas. Hinanap ang taong sinasabi niya.
Natanaw ko ang likod ng babaeng mabilis na naglalakad palayo. Shit! Bakit nandito siya? Ilang araw na ba niya akong iniiwasan? Pagkatapos ay makikita ko siya rito? Nagtatalo ang isip ko kung susundan ko ba siya o hindi. Mas lalo akong napailing nang mapagtantong inakbayan ako ni Reya kanina. Paano kung ma-misinterpret niya ang lahat?
"Sa tingin ko mas kailangan mong habulin ang asawa mo," wika ni Reya.
Naglakad siya papunta sa kaniyang sasakyan. Hindi ko alam kung saan pupunta. "Tsk. Bakit ko siya hahabulin? Siya ang lumayo."
Sinundan ko si Reya.
"Manang! Open the gate!" malakas niyang sigaw bago pumasok sa sasakyan.
Pagkasakay niya ay agad din akong pumasok sa loob ng kotse.
"Once I start this car, hindi ka na makakababa. Mamili ka."
Napangiti ako ng pagkatamis-tamis pero hindi umobra. Tinapunan lang niya ako ng sulyap saka seryosong nakatingin sa harap.
Nagsimula siyang buhay ang makina.
"Alright! Bababa na. Hindi dahil sa gusto ko siyang habulin pero sa palagay ko, kailangan kong sundin ka. You're not the usual you simula nang bumaba ka galing sa kwarto kanina."
Bigla siyang napalingon sa akin. Nagbabaga ang mga mata niya. Ang sama ng tingin niya sa akin pero hindi maikakaila ang lungkot sa mga matang ito. Ngayon naiintindihan ko ma kung ano ang nakita ni Renzo sa kaniya.
I just raised my hands as a sign that I surrender. Ginalaw ko ang kamay patungong bibig para imuwestra ang pag-zipper ko nito.
***
A/N
Pagtatama lang po. Herra ang surname ni Celine. Inedit ko na po yung part na Perez ang ginamit kong apelyido niya. Sorry for all the errors.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top