Chapter 41
Reya's POV
Hindi ko na hinintay na magsalita siya. Agad akong tumayo at nagderetso patungong pintuan. "Its not yet time to tell you." I said before opening the door.
Nanlaki ang mga mata ko nang tumambad sa akin ang mukha ni Silver. "Damn! Ginulat mo ako!" asik ko.
Hindi siya sumagot. Sinundan ng mga mata ko ang direksyon na tinitignan niya. And my sight landed at Celine. Namimilog ang mga mata niya. Maging siya ay nagulat din.
Napangisi ako. "Sige. Marami rin yata kayong dapat pag-usapan." Sabi ko sabay tulak kay Silver papasok. I've witnessed how he cared a lot for Celine. At sa hitsura niya'y narinig niya ang aming pag-uusap kanina.
Tuluyan na akong lumabas at isinara ang pinto.
Celine's Person's POV
"Narinig mo ba kami?" Mahinang tanong ko. God, angdaming nangyayari ngayon.
"Oo. Narinig ko ang lahat." sagot niya. Lumapit siya sa kinaroroonan ko. Pinunasan ko ang mga luha sa kanyang mata ngunit kahit anong gawin kong pagpigil ay ayaw pa ring tumigil ng mga mata ko sa pagluha.
"Ngayon alam ko na kung ano ang namamagitan sa inyo ni Renzo at maging ng mag-amang Felipe. Kung bakit gumagawa ka ng blogs at nagtatago sa alias na HiddenTruth. Its about your past. Nakaraan na ni minsan hindi mo sinabi sa akin." Bakas sa boses ni Silver ang pagtatampo. Subalit parang may mali?
"I'm sorry. Paano mo nalaman na iyan ang ginamit kong pangalan?"
"May aaminin ako. Nakita kita sa office mo isang beses na nagta-type sa laptop. Papasok sana ako para tawagin ka dahil may customer tayo pero busy ka sa ginagawa mo kaya nakisilip muna ako nang di mo alam. Ako ang nagsabi kay Renzo tungkol sa pagsusulat mo, na ikaw si HiddenTruth."
"Ah... Ano? So ikaw pala? Silver naman! Bakit mo ako pinangunahan? Look what happened? Kinailangan ko tuloy umamin. Alam kong malalaman din nila pero hindi pa sana ngayon. May mga gusto pa akong isulat."
"At iyan pa talaga ang inaalala mo? Sa tingin mo bakit ko ginawa? Iyon ay dahil may kutob ako na kaya ka dinukot ay dahil sa pagsusulat mo. Celine, this time, tama si Reya. Puwede kang mamuhay ng matiwasay at tahimik..."
"Ilang beses ko bang uulitin? I want justice for my bestfriend and her father. Kahit pa ikapahamak ko ito. Hindi niyo maiintindihan dahil wala kayo sa sitwasyon ko."
"Iyan ba talaga ang dahilan o may iba pa? Is it because of Lorenzo Andrews? Baka naman dahil may gusto ka sa kanya?" Deretsahang tanong ni Silver.
"Silver!"
"May gusto ka sa kanya. Hindi mo iyan maitatago sa akin Celine. Kilala na kita."
"No." Mariin kong sagot
"Yes." Salungat namang muli ni Silver.
"Oo na! Nagkagusto ako sa kanya. Masaya ka na? Pero noon iyon. Hindi ko alam pero wala na akong makapa sa puso ko. Noong bumalik siya, gusto kong alisin sa puso niya ang guilt sa mga nangyari noon kahit pa mismong sarili ko ay hindi pa rin nakakalimot. May nararamdaman akong kakaiba tuwing nariyan siya. Nasasaktan ako kapag nasasaktan siya. Lagi niyang bukambibig ang kaibigan ko. Ni hindi ko nga alam kung nakikita rin ba niya ako? Subalit nagbago ang lahat nang makilala niya si Reya. At ito ang naging way para maintindihan ko kung ano ba talaga ang nararamdaman ko... I want him to be happy. At sa tingin ko kayang gawin iyon ni Reya. Sa ngayon, ang mahalaga sa akin ay ang mabunyag ang katotohanan. Hustisya ang gusto ko para sa kaibigan ko."
"Pero paano kung nakikita lang ni Renzo si Merian kay Reya? Sa palagay mo rin ba may gusto sila sa isa't isa?" tanong ni Silver.
"Hindi ko alam. Basta ang alam ko, iba si Renzo kapag kasama niya si Reya. At si Reya, kahit hindi maganda ang ugaling pinapakita niya, may kabutihan pa rin siyang tinatago, Silver. Siguro nga maaaring magbago ang isang tao. She risked her own life to save me."
Gusto kong pagalitan ang sarili dahil may nakalimutan akong gawin. Kailangan kong magpasalamat kay Reya.
"Celine." Mas lalo siyang lumapit si Silver. Hindi ako nakagalaw sa sunod niyang ginawa. Yumakap siya sa akin. Nagtatalo ang utak ko kung itutulak ba siya?
"Salamat sa Diyos at walang nangyaring masama sa'yo. Hindi mo lang alam kung gaano ako nag-alala."
Si Silver ba ang lalaking ito? I never thought that I am this important to him. Kahit lagi kaming magkasama at nagbibiruan. Ngayon lang siya naging ganito sa akin. Muling bumalik sa aking alaala ang mukha niya kanina nang hawak ako ng kidnapper. He was so worried.
" Alam kong nahihirapan ka. Nandito lang ako sa tabi mo. Malapit nang dumating ang papa mo para sunduin ka. Huwag ka munang mag-iisip ng kung anu-ano. Take a rest."
"Salamat." Tanging nasabi ko na lang. Parang gumaan ang aking pakiramdam. Iginalaw ko amg aking kamay at tumugon sa yakap niya. I feel safe in his arms.
"Can we go back to the clinic tomorrow Doc Celine?"
"Sure. Si-sige ba." Tipid kong sagot ng nakangiti. How strange? Kusang tumigil ang pagluha ko.
***
Reya's POV
Habang naglalakad ay hindi ko mapigilan ang sarili na magtungo sa kwarto kung nasaan ang kidnapper.
Tumigil ako ilang metro ang layo mula sa naturang kwarto. Isang nurse ang pumasok sa loob. The nurse is carrying some stuffs. Maybe medicines.
Paano kaya ako makakapasok? I want to confirm something. Sino ang nasa likod ng lahat ng ito? Is it Henry? O may iba pa?
Sino?
Naglakad-lakad ako habang nag-iisip. "Haist!"
Nasa malalim akong pag-iisip nang biglang may lumitaw na peste sa harapan ko. "Boo!"
Inambahan ko siya ng suntok na siyang nagpaatras sa kaniya.
"Uh! Wait! Hindi ako lalaban!" atubiling sigaw niya. Nakataas ang kanyang dalawang kamay.
"Damn! Wala ako sa mood makipaglaro sa iyo!"
"Kailan ka ba nasa mood?" Naka-smirk na sagot ni Daven.
"What are you doing here?" Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. "Tsk. Hindi bagay sa'yo ang suot mo."
"Huh?" Umikot pa siya na parang binabalandra ang suot.
"Mukha kaya akong kagalang-galang na doktor. Hindi gaya ng isa diyan. Parang mabantot na." Ngisi niya.
"W-what!" Inamoy ko ang sarili. "Hey! Iniinsulto mo ba ako?" Inamoy ko ulit ang damit ko at itinaas pa ang kili-kili. Wala akong maamoy na mabaho. Altjoughy I know the fact na kahapon ko pa suot ang blouse at pants ko.
"Ahaha! Joke lang. What I'm trying to say is take a rest. Masyado nang maraming nangyari mula kahapon hindi ba? Pahinga rin 'pag may time."
This time he has a point.
"Ewan ko sa'yo. Bakit ba sa dami ng makikita ko ay ikaw pa?"
"Malamang nasa ospital ka."
"The heck! Ang daming ospital sa Pilipinas."
"Hahaha. Then we must be destined to see each other. Actually part time lang ako rito. Pero kaya kong pumunta rito kahit anong oras ko gusto. At sa mabilis na paraan. Pwede akong maghelicopter." Mahangin niyang sabi.
"Talking to you is a waste of time." sabi ko bago tuluyan siyang talikuran.
"Ako ang nag-opera sa lalaking dinala ng mga pulis dito." Natigil ang paghakbang ko sa narinig. An idea popped into my mind.
"Talaga? Kaya mo ba akong tulungan? Say yes nang may pakinabang ka naman."
"Ha? Well." Hawak niya sa kaniyang baba. Shit! Why can't he just say yes?
"I have something to ask him. Its important." Hinawakan niya ang kamay ko at hinila sa may sulok kung saan walang masyadong dumadaang tao.
"How important is it?" He asked.
"Wala nang maraming tanong okay?"
"Ah... Ah" turo niya sa akin. "Miss Reya, sa ating dalawa, ikaw ang humihingi ng pabor. Kaya naman dapat siguro ay marinig ko muna ang magic word."
"What!?" Pinanlakihan ko siya ng mata.
"Say pleaaase."
"No way!" sigaw kong muli. "At sino ka para sundin ko? Hindi na bale, tiyak makakagawa naman ako ng ibang paraan kahit wala ang tulong mo. Diyan ka na nga!" Ewan ko ba kung bakit pagdating sa pesteng ito'y mas mabilis mawala ang pasensya ko?
"Oops! Ikaw talaga, masyadong matampuhin. Oo na. Tutulungan na kita." Agad niyang bawi.
"Why suddenly changed your mind?" taas-kilay kong tanong. Nakakapagduda ang lalaking ito.
"Ah wala naman. Sabihin na lang nating pasasalamat ko na lang ito."
"For what? Wala akong maalalang ginawa para sa'yo."
"First, you saved Celine. Nakarating sa akin kung anong ginawa mo kanina. And if magtatanomg ka kung saan ko nalaman, andaming pulis na nakakita. Second, that day... Noong birthday ko, you saved me right? Oops! Bawal itanggi! Napakareliable ng source ko."
"Duh! Nagkakamali ka." Pagtatanggi ko. Nakatingin lang siya sa akin. Kitang-kita sa mukha niya na gusto niyang matawa na ewan at animo hindi maniniwala sa anumang sasabihin ko.
"Ok. Fine. Whatever. Pero sayang nga e at buhay ka pa ngayon. Akala ko hu-holdapin ka ng babae na binilinan kong iuwi ka. Tapos sasaksakin at itatapon sa ilog ang katawan." Napansin ko pagbabago ng timpla sa mukha niya dahil sa sinabi ko.
"Tell me. Anong nangyari pagkatapos ka niyang ihatid? Who's that girl?" Tanong ko pa.
"Huwag na nating pag-usapan ang bagay na iyan. Or, kung gusto mo talaga, sige ba... pero hindi na kita tutulungan."
"Anyway, wala naman akong pakialam sa kung ano man ang namamagitan sa inyong dalawa ng babae." Hmp. Kung alam lang niya, naitsismis na siya ng kaibigan niya sa akin.
Tumango lang siya at hindi nawala ang pagkaseryoso sa mukha niya.
"Can we just go now?" I asked.
"Masusunod po. Let's go." He answered.
Nauna akong maglakad. Nasa likod ko lang siya. Parang kakaiba rin kapag ganyan na tahimik siya. Ang peaceful. Kailangan ko yatang i-bring out ang asawa niya lagi para manahimik siya ng ganito.
"By the way. How is the kidnapper? Nakita kong pumasok ang isang nurse doon sa room niya kani-kanina lang. The nurse is wearing weird stuffs. Naka-mask pa, nakagwantes at balot na balot na akala mo nakakahawa ang sakit ng pasyente." Nagtataka kong tanong.
"Ha?"
Napatigil ako sa sagot niya. "Maayos naman ang operasyon niya but he's badly beaten. Kailangan niya ng ilang araw para maka-recover. A nurse? Natignan na siya ng nurse kanina. Imposible na may pumunta ulit."
"No way. Sigurado akong may nurse na pumasok sa kwarto niya bago tayo magkita."
"Kausap ko ang nurse na nanggaling doon bago tayo magkita Reya."
Kinutuban ako ng masama. Tsk! Bakit hindi ko nahalata kanina? Agad akong tumakbo paalis. Hindi ko na pinansin si Daven. Damn it! Huwag sanang maging huli ang lahat!
"Ma'am ikaw na naman?" Tanong kaagad ng pulis pagkakita sa akin.
"Nasa loob pa ba ang nurse?"
"Ah nakaalis na ha."
"SHIT!" sigaw ko.
Hahawakan ko na sana ang seradura pero pinigilan ako ng pulis. Humarang siya sa harap ko. "Ma'am bawal po tayo rito."
"Let me in!" I demand.
"Papasukin mo po siya officer. Kasama ko siya." Biglang sabi ni Daven. "Pero Doc."
"Wala na tayong oras!" Sigaw ko ulit. This time hindi na ako pinigilan ng pulis nang lumapit ako sa pinto. I immediately open the door.
Nakita ko siyang nakahiga sa hospital bed, nakabenda ang malaking bahagi ng mukha. Nakapikit ang mga mata at mukhang mahimbing sa pagkakatulog. Nag-alangan akong lumapit. Huwag sanang maging tama ang hinala ko.
"Da-Daven. Check him." Mahinang sabi ko kay Daven nang maramdaman ko ang paglapit niya kasama ang pulis.
Walang alinlangang lumapit si Daven sa pasyente. Hinawakan niya ang kamay nito at pinulsuhan. Tumingin siya sa amin at umiling.
"Wala na siya." Nanlulumong sabi niya.
Napapikit ako, trying to calm myself. Lumitaw sa isip ko ang mga bangkay na nakita namin ni Renzo nang minsang makidnap ako. Pagkatapos ay ang imahe ng tatlong tao na namatay sa harapan ko. Nanginig ang aking mga kamay kaya't tinago ko ito sa aking likod.
"A-ano? Hindi maaari. Paanong nangyaring patay na siya?!"
"Ang nurse." Sagot ko.
"Officer. Kailangang mahanap ang nurse na huling nagpunta rito!" Tarantang sabi ni Daven.
"O-oo may mga kasamahan ako sa baba. Tatawagan ko sila." Lumabas ang pulis hawak ang kanyang cellphone.
Gaya ng madalas na ginagawa ko, tinago ko ang nararamdamang takot at kaba. Nagkunwari akong walang pakialam...kahit pa gustong sumabog ng puso ko. Death.
"Well. He deserves it. Kaya lang hindi na siya makakapagsalita pa kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito." Matapang kong sagot.
"Reya." saway sa akin ni Daven.
"Call Renzo." Baling ko sa kanya. "Sabihin mo na puntahan niya si Celine. Hindi natin alam kung nasaan na ang killer." Utos ko.
Agad na inilabas ni Daven ang kanyang phone. Tumalikod ako at binuksan ang pinto. "Sandali. Saan ka pupunta?" Daven asked.
"Hindi pa nakakalayo ang gumawa nito." Tipid kong sagot bago tumakbo paalis.
Shit! Ayaw tumigil ng mga kamay ko sa panginginig! Where? Saan siya pwedeng pumunta? Naunahan ako! Pinatay siya upang hindi na makapagsalita. Tiyak na hindi basta-basta ang nasa likod nito. I want to find out who.
Pababa na sana ako ng ground floor subalit nag-iba ako ng direksyon. Hindi kaya? Hays! Bahala na!
Tinahak ko ang daan patungo sa elevator. Sa itaas... Pinindot ko ang pinakataas na floor ng building. "Come on! Faster!" Nakakainip maghintay sa mga numero na umusad.
Pagkabukas na pagkabukas ng elevator ay patakbo akong lumabas. Hinanap ko ang daan papuntang rooftop. Mabuti na lang at may mga arrows na nagbibigay ng direksyon. Lakad-takbo ang ginawa ko. Napahinto ako nang sa wakas matanaw ko ang pinto papuntang rooftop. Ilang hakbang na lang...kailangan ko lang umakyat sa hagdan.
Huminga ako ng malalim bago magpatuloy. Inabot ko ang pinto at itinulak. Sa lakas ng hangin ay natatangay ang aking buhok.
Tumambad ang sahig na may malaking H na nakasulat. Daven is right. Maaring lumapag ang helicopter dito. Napatingin ako sa kaliwa ko at nakita ang mga damit na pang-nurse na parang tinapon lang ng pumatay sa kidnapper.
Napaangat ako sa itaas at nanlumo. Tsk!
"I'm late."
Tanaw na tanaw ko ang isang helicopter na papaalis. Maririnig pa rin ang ugong ng sasakyan habang papalayo. "Bwisit! Nahuli na ako."
Napasalampak na lang ako. Lahat ng pagod, ngayon ko naramdaman. Unti-unting lumalayo at lumiliit ang helicopter sa paningin ko. Bwisit! Kailangan kong gumawa ng paraan para malaman kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito. They can afford to escape using this... Who are they?
Ilang minuto ang lumipas ngunit hindi ko pa rin magawang tumayo. Nakatanaw lang ako sa kawalan. Ang daming nangyari. Revelations and danger... Someone died today. Nakita ito ng dalawang mata ko. At sana kung napaaga lang ako, kung napansin ko lang sana agad... Napigilan ko sana ito. Nakakuha ako ng impormasyon kung sino ang may kagagawan ng lahat ng mga nangyari. Siya ang susi kung sino ba ang kalaban? May kinalaman kaya ang organisyon?
"WHY!? All I want is to spend my remaining days being a normal person. Pero ano ito? Hindi ko ba deserve na maging masaya? Bakit ganito ang mga nangyayari?"
Napayuko na lang ako.
"Kasalanan ko rin. Sa umpisa pa lang, kasalanan ko na ang lahat! Damn it! Damn life! I hate my world? I hate myself!"
Naramdaman ko na lang na may humawak sa braso ko. Napatingala ako at tumambad ang mukha ng taong hindi ko akalaing makikita ko rito ngayon. Halos magsalubong na ang makakapal niyang kilay. Punung-puno ng pag-aalala ang kanyang mata.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya. Imbes na sumagot ay inalalayan niya ako sa pagtayo.
Nabigla ako sa mga sumunod na nangyari. Hinila niya ako palapit sa kanya at kinulong sa kanyang bisig na animo mawawala ako sa kanya kapag siya'y bumitiw.
Surprisingly, all my worries disappear. Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko. Bakit ang sarap sa pakiramdam na may nag-aalala para sa'yo? Awtomatikong gumalaw ang mga kamay ko upang tumugon sa yakap niya. I wrapped my arms into his back.
Namalayan ko na lang ang pagtulo ng likido mula sa aking mga mata. Matapos ang madaming taon, ngayon lang uli ako lumuha. Angbigat-bigat na...
"Are you okay? Are you hurt? Tell me." Gumalaw siya para kumalas sa pagkakayakap sa akin ngunit hinigpitan ko lalo ang kapit sa kanya.
"Can we just stay like this? Please, bigyan mo pa ako ng ilang segundo." Naramdaman ko ang pagdampi niya ng kanyang kamay sa aking ulo. Muling tumulo ang mga luha ko.
Bahala na. This time, inaamin ko... Kailangan ko siya sa tabi ko.
***
🙂. Thanks for reading!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top