Chapter 40

Reya's POV

Nakatanaw ako sa kawalan habang nakaupo sa sulok. Narito na naman ako sa lugar na ito. Masamang tingin ang pinukol ko sa babaeng dadaan. Nakasuot siya ng scrub suit na puti at may hawak na ballpen at papel. Hindi naman ako napansin ng nurse. Ilang beses ko na bang sinabi na kinamumuhian ko ang lugar na ito? At ilang beses na ba akong napapadpad dito?

"Baby! Stop running!" sigaw ng maputing lalaki. Nilingon ko ang pinanggalingan ng ingay.

"Tsk. Baby? Come on, She's old enough to be called that way." Nakairap kong bulong.

"Sorry Dad. I wanna see tita. Where is she? Which room? " sagot ng bata.

"This way baby. Huwag kang makulit sa loob ha?" akay sa kaniya ng isang babae. Matangkad siya at mahaba ang straight na buhok.

"Let's go." Pagmamadali ng lalaki. Isang beses ko lang siyang nakita ngunit nakilala ko kaagad ito. Paano ko malilimutan? Para silang kambal ni Celine.

Bago pumasok sa loob ng kwarto kung nasaan si Celine ay tinanguan ako ng kuya niya. I bet he recognized me too. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

Naiwan na naman akong mag-isa sa labas. Ni hindi ko nga alam kung bakit nandito pa ako? Mataas na ang araw at mukhang maayos na ang lahat. Isinugod din sa hospital na ito ang kidnapper. Mukhang napuruhan ang gago. Well, he deserves it.

"Ang lamig ng kamay mo. Sorry kung natakot kita."

Napakurap ako ng ilang beses. Bakit sumasagi sa utak ko ang mga nangyari kanina? Damn it! Kailangan ko bang iuntog ang ulo sa pader?

Napatayo na lamang ako. Haist! Makaalis na nga!

Nilingon ko ang pintong nakasara. Lumapit ako rito at dahan-dahang binuksan upang sumilip sa loob.

There I saw her... Nakaupo siya sa higaan habang napapaligiran ng kaniyang pamilya. Naroon din si Renzo at Silver. Its a private room anyway at kahit marami sila sa loob ay pinayagan ng ospital. She seems fine.

Marahan kong sinara ang pinto. I don't have reason to stay here. Naglakad ako paalis. Habang nasa daan ay may naalala ako. Hindi ko alam kung tama ba ang hinala ko subalit kailangan ko munang makasiguro.

Malalaki ang mga hakbang na tinahak ko ang daan para makarating kaagad. Ang alam ko, tapos nang maoperahan ang kidnapper para maalis ang bala sa kanyang binti.

Makalipas ng ilang minutong paglalakad, sa wakas ay narating ko rin ang kwarto kung nasaan siya. Binabantayan ng isang pulis ang labas ng kwarto.

Lumapit pa ako rito.

"Hey. Maaari ba akong pumasok sa loob? May itatanong lang ako sa pasyente."

"Pasensya na po Ma'am pero mahigpit na utos sa amin na bawal pong lumapit ang kahit sino rito."

"Bakit naman hindi pwede?" Nakapameywang na tanong ko.

"Order po sa amin ito Ma'am. Sumusunod lang ako. Saka hindi niyo naman siya makakausap ngayon dahil unconscious pa ang pasyente."

"Aba-" Naputol ang sasabihin ko nang may humawak sa braso ko.

"You heard him right? Huwag matigas ang ulo, Reya."

Matatalim ang matang napatingin ako sa kaniya.

"I am Reya Clemente at wala akong pinakikinggan. Ginagawa ko ang gusto ko." Matigas na sagot ko sa kaniya.

"Then I am Lorenzo Andrews, ang magpapabago sa pananaw mo." Nakangiti niyang sagot. Ang sarap tusukin ng kanyang mata. Tsk.

"Nagugutom na ako. Tara, samahan mo akong mag-almusal." Hindi pa man ako nakakasagot ay hinila na niya ang aking kamay.

Sa isang restaurant na katapat lamang ng ospital kami napadpad. Nakapwesto kami ni Renzo sa may glass window kung saan abot tanaw ang harap ng ospital. Nakatingin lang ako sa mga dumaraang sasakyan sa labas habang hinihintay ang aming order. Nagugutom na rin ako.

Humarap ako sa kasama ko. Nasa harapan ko lang siya ngunit parang wala siya sa sarili.

"Anong iniisip mo?" Hindi ko mapigilang maitanong. Hindi napalitan ang seryosong mukha niya nang mapatingin siya sa akin.

"Marami. Ikaw? Bakit mo gustong makita ang kidnapper?"

"Wala naman. Gusto ko lang makita kung mamamatay na ba siya."

"Reya." Banta niya.

I just rolled my eyes.

"May mali sa mga nangyayari hindi ba?" tanong niya.

"Ah ewan ko. Bakit ano bang mali na 'yan? Sabihin mo nga Renzo?" hamon ko sa kaniya.

Hindi niya ako sinagot. Nakatitig lang siya sa akin at dahil dito'y hindi ko rin siya nilubayan ng titig. Nagsukatan kami ng tingin hanggang siya na ang unang sumuko.

"Salamat." Halos mahulog ako sa upuan sa sinabi niya. My God, hindi iyan ang iniexpect kong sasabihin niya.

"For what? Huwag mong ibahin ang usapan."

"Para sa pagpigil mo sa akin kanina. At para sa pagligtas kay Celine. Subalit hindi ibig sabihin nito ay sang-ayon ako sa ginawa mo. You risked your own life."

"Haist! You can just say thank you."

"Yes sure. Thank you."

"Renzo, ano ba? Look! Hindi ko ginawa ang lahat ng iyon dahil lang sa gusto ko. May sarili akong dahilan, remember? Iyong kasunduan natin? Ngayon kailangan mong ibigay sa akin ang kahilingan ko. And for your information, hindi kita pinigilan kanina. Like I said, mas matutuwa ako kung pinatay mo siya. Ang bagal mo nga lang kaya tinulungan kita."

Nagpalinga muna si Renzo na tila ba ayaw niyang marinig ng iba ang pinag-uusapan namin. Ngunit kanina ko pa alam na halos walang tao rito. Kung meron man, malayo sila sa pwesto namin.

"Bakit sa nakikita ko, magkasalungat ang iyong sinasabi sa ginagawa mo?"

"Really? Of course not!"

"I'm glad nothing happened to you. The moment I heard you.. what you've said made me come back to my senses. Again, thank you. Ayokong mamuhay na may pagsisisi sa dibdib. Ayoko nang dagdagan ang dalahin ko Reya. Kung hindi dahil sa'yo, siguro nakagawa na ako ng bagay na siguradong dadalhin ko habambuhay. Ayokong malunod sa pagsisisi at lungkot ang puso ko ng tuluyan dahil iyan ang nararamdaman ko simula nang mawalan ako ng mahal sa buhay. Its like death while still breathing."

Hindi ako kaagad nakasagot sa kanya. Lumingon na lang ako sa labas.

"You're scary sometimes." Gusto kong paluin ang bibig ko. It was supposed to be just in my mind.

"Did I scare you that much? I'm sorry. You scared me too. Huwag mo nang uulitin iyon." Bigla niyang pinitik ang noo ko na siyang nagpasimangot sa akin.

"Ayokong nakikitang nasasaktan ang mga taong pinahahalagahan ko."

Is he referring to Celine? Maybe yes. Nanahimik na lang ako habang tahimik na pinapagalitan ang pesteng restaurant na ito. Tsk! Ang tagal i-serve ng order namin.

***
Pagkatapos naming kumain ni Renzo ng agahan na mukhang tanghalian na rin ay naghiwalay na kami ng landas. Gusto niya akong ihatid pauwi ngunit tumanggi na ako. Alam ko namang nais pa niyang bumalik sa ospital. Wala namang major injuries si Celine kaya't maaari na raw siyang lumabas. Kaya naman pinagtulukan ko na si Renzo para puntahan siya.

Nasa gilid ako ng kalsada at nag-aabang ng masasakyan. Ngunit ilang taxi na ang dumaan ay hindi ko pa rin magawang sumakay. Natatalo ako ng curiousity. Parang may parte sa akin na gustong bumalik ng ospital.

Hay! Bahala na. Patakbo kong tinahak ang daan pabalik. Maybe I need to talk to her.

Nang sa wakas, matanaw ko ang
room na pakay ko ay binagalan ko ang paglalakad. Tagaktak ng pawis ang aking noo at hinihingal na sa kakatakbo. Narito pa kaya siya? Mukhang tahimik sa labas.

Dahan-dahan kong inikot ang seradura. Napatigil ako sa pagtulak ng pinto nang makarinig ako ng mga boses.

"Sabihin mo sa akin ang totoo Celine."

"Re-Renzo."

Napasilip ako sa loob at nakita na silang dalawa lang ang nasa loob. Isasarado ko na sana nang tuluyan ang pinto subalit napatigil
ako sa sumunod na narinig. "Ikaw ang blogger na nagkalat ng balita tungkol kay Merian at sa ama niya hindi ba?"

Nanlambot ang mga tuhod ko. Ngayon napagtatagpi ko na ang kanina pa gumugulo sa aking utak.

"Celine, sumagot ka. Sabihin mo ang totoo."

"Oo Renzo. Ak-ako nga! Garalgal ang boses na sagot ni Celine. Mariin akong napapikit.

"I'm sorry kung hindi ko sinabi. Pero... Pero hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko. Ilang taon akong nanahimik pero kahit itanggi ko sa sarili ko, alam ko na may mali. I want justice for my bestfriend and her father! Alam kong wala silang kasalanan. Nang dumating ka, mas lalo akong naguluhan, noong una gusto kong manahimik na lang sa tabi gaya ng ginagawa ko dati. Nais ko na impluwensyahan ka na mabuhay na malayo sa anino ng nakaraan. Pero habang tumatagal parang ako ang nahihila sa aninong ito Renzo. Pero wala akong magawa. Kaya ginamit ko ang social media para sana kahit buhayin man lang ang kaso at umaasa na may magpatunay na walang kasalanan si Tito Roman at na hindi suicide ang dahilan ng pagkamatay ni Reya!"

"Sa ginawa mo, maaari kang mapahamak."

"I know! At wala akong pakialam. Ginagawa ko lang ang sa tingin ko ay tama."

"Pareho lang kayo!" Hindi ko mapigilang pumasok sa loob. Nakakapang-init ng ulo ang dalawang ito. Bakas sa kanilang mata ang pagkagulat na makita ako.

"Nababaliw na kayo. Ikaw!" turo ko kay Celine. "Sa umpisa pa lang, alam ko nang hindi pera ang dahilan kaya ka dinukot. Alam ng kidnapper na hindi makakapagproduce ng ganoong kalaking pera ang pamilya mo kaya may dahilan silang patayin ka sa mga sandaling hindi maibigay ang pera. Lalabas na kidnap for ransom kahit na ang totoo, gusto ka talagang patayin ng mga ito. Kaya naman pilit kang tinatarget kanina ng kidnapper. Sa tingin mo? Isang pipitsuging grupo lang ang kinalaban mo? Pen is deadlier than gun, Celine."

Dito na humagulgol ng tuluyan si Celine. Naramdaman ko ang pagdampi ng palad ni Renzo sa braso ko.

" Stop it." He murmured.

"No! Kayo ang tumigil! Bakit ba kasi ayaw niyong mamuhay na lang ng tahimik? Marami ang nagnanais sa buhay na tinatamasa niyo! Ang iba, naghihirap para may pangkain sa araw-araw, karamihan hindi makuha ang gusto nila at may mga taong pilit na gustong lumaya sa mundong kinasasadlakan...pero kayo, sinasayang ninyo ang buhay ninyo. Inilalapit ninyo ang sarili sa kapahamakan at tahimik na buhay."

"Sa tingin mo ba, masaya kami sa buhay na sinasabi mong mayroon kami? Lahat tayo may pinagdaraanan. Alam mo kung ano iyon Reya."

"PERO SINASABI KO SA IYO! MASWERTE PA RIN KAYO KUNG NASAAN KAYO NGAYON! HINDI MO BA MAKUHA KUNG ANONG GUSTO KONG SABIHIN?!" Parang gustong sumabog ng dibdib ko sa halu-halong emosyon. Bakit hindi nila ako maintindihan?

"Reya! We're all miserable." singit ni Renzo.

Hinarap ko siya. "Do you think this is what your Merian wants you to be? Sa palagay mo masaya siya na nagkakaganito kayo dahil sa kaniya? The heck! Lagi niyong pinagdidiinan kung gaano siya kabait! Kaya hindi ako magtataka kung mas gugustuhin niya na mamuhay kayo ng payapa at masaya."

"Hindi mo siya kilala para sabihin iyan! What if she's longing for justice!? Hindi ako matatahimik Reya! Kahit ano pa ang sabihin mo, buo na ang aking pasya."

Kitang-kita ko sa mga mata niya na walang sinuman ang pwedeng pumigil sa kaniya. Nag-aalab ang mga ito at uhaw sa katotohanan para sa mahal niya.

"Insane."

"Renzo pwede bang iwanan mo kaming dalawa? Please?!" Narinig kong sabi ni Celine. Gusto kong mapamura ng malakas sa mga ito.

"Okay." Nagpalipat-lipat ang tingin ni Renzo sa aming dalawa bago nagmartsa palabas.

Napabuga ako ng hangin.

"I'm sorry." Celine uttered.

Pumihit ako para makita siya. Nakayuko siya at tiyak kong tahimik na lumuluha.

"Hindi ko lang kayang manahimik. Involve na rin ako sa mga buhay ninyo. At nakakabanas na. Lagi ko na lang naririnig ang issue na ito. Nakikita mo ba? Mas lalong lumalala ang mga nangyayari."

"Could you please sit down? Alam mo ba ang istorya naming tatlo?" Nakayuko pa rin siya ngunit napakakalmado ng kanyang boses.

"Ok." I just answered before sitting down in the chair beside her bed. "Pwede ka nang mag-umpisa." I am curious. Its like a secret which is about to be revealed.

"Nasaksihan ko ang lahat. Kung gaano kamahal ni Merian si Renzo at ganoon din si Renzo sa kaibigan ko. Noong una, ayoko talaga kay Renzo dahil sa basagulero siya at walang direksyon ang buhay. Pero nagbago siya para kay Merian. Na-nakita ko ang lahat ng iyon. Kung paanong unti-unti siyang nagbago. I thought it will be a happy ending for them but..."

Napahinto siya sa pagsasalita. Napaharap siya sa akin. I remain silent while waiting for her to continue.

"May nangyaring hindi maganda. Binalikan si Renzo ng mga nakaaway niya dati. Hindi alam ni Merian na nasangkot muli sa isang away si Renzo at ang masakit pa, dumating ang mga pulis at siya ang nadatnan. This made his mom angrier. Gusto niyang dalhin sa abroad si Renzo pero hindi siya pumayag. His father isn't a Filipino at sa ibang bansa nag-i-stay. Gusto ng mommy niya na doon niya ipagpatuloy ang pag-aaral at para iiwas siya sa pagiging basagulero."

"In short, iniwan niya si Merian para mag-aral sa ibang bansa?"

"Hindi lang ganoon ang nangyari. Ayaw umalis ni Renzo. Nakipagtalo siya sa mommy niya pero may nangyari na nagpabago ng desisyon niya... Hindi siya nilubayan ng mga kaaway niya. Mga lulong sa droga ang mga ito at gusto nilang hilahin si Renzo para sumama sa kanila. Ngunit nabigo sila. Dahil kay Merian kaya siya nagbago at dahil din sa pagmamahal niya kaya nagkaroon siya ng pangarap. Hanggang sa dumating sa point na nalaman nila ang tungkol kay Merian. Binantaan nila si Renzo, Reya."

Nagkatitigan kami ni Celine. The sadness in her face didn't change. I want to ask her how did she know all about these but... I just kept silent, waiting for her to continue.

"Dito na naalarma si Renzo. Nilapitan niya ako, he begged. Na tulungan ko siya. Gulung-gulo ako noong kinwento niya ang lahat ng nangyari. Isa lang ang nasa isip ko, ang kaligtasan ng kaibigan ko... Ni Merian.

And my question got answered. No wonder why their life is in misery.

"At ano namang tulong ang ginawa mo para sa kanila?"

"Gustong makipag-break ni Renzo kay Merian. Ito ang paraan na naisip ni Renzo pero kailangan niya ng matibay na dahilan para mapadali ang break-up nila."

"At ikaw ang dahilang ito ganoon ba? Pinalabas niyo na may relasyon kayong dalawa? Naisip mo rin ba ang kaligtasan mo? Paano kung ikaw ang maging target?"

"Hindi iyan ang pinangambahan ko ng mga oras na iyon! Nang dahil dito, nasira ang pagkakaibigan namin ni Merian ngunit mas inisip ko ang kapakanan niya. Ayokong may mangyaring masama sa kanya kahit kapalit pa nito ang pagkakaroon ng lamat sa pagkakaibigan namin. Nangako si Renzo na makikipagbalikan siya kay Reya oras na makaalis siya ng bansa. Nais din niya na ipagmalaki siya ni Merian kaya mag-aaral daw siyang mabuti para mabigyan ng magandang buhay ang kaibigan ko. Kailangan lamang niyang matiyak na walang mangyayari kay Merian habang hindi pa siya nakakaalis. At kaming tatlo lang ang makakaalam ng kunwaring relasyon namin ni Renzo. Nanahimik ako Reya matapos tuluyang mag-break ang dalawa. Hindi ko magawang tignan ang kaibigan kong lumuluha habang nakatitig sa amin ni Renzo. Tumakbo siya palayo sa aming dalawa. Ang sakit! Subalit kailangan ko siyang tikisin. Pag-alis ni Merian doon na humagulgol si Renzo."

"You all ended up hurting each other." Komento ko.

"Ga-ganoon na nga." Celine said while crying. "Puro paghingi ng tawad ang narinig ko mula kay Renzo. Hindi ko alam kung para sa akin ba ito o kay Merian. Napaiyak na lang din ako sa tabi niya. Pinauwi niya ako pero lingid sa kaalaman niya'y sinundan ko siya. Nakipagkita siya sa mga lalaking nagbabanta sa kaniya. Pinagtulungan siya ng mga ito pero hindi siya gumanti.

"Ano ka ngayon ha?! Ipakita mo ang tapang mo!"

"Nawalan ka na rin ba ng lakas ha! Nasaan na ang Lorenzo na kinatatakutan ng lahat?"

"Bumangon ka diyan!"

"Wala akong nagawa noon. Tahimik akong umiiyak habang nakakubli. Bawat sipa at suntok kay Renzo parang ako ang nasasaktan. Gusto kong sumigaw para sabihing lumaban siya pero pinangunahan ako ng takot. Sa hitsura nila ay mga lulong ang mga ito sa droga."

"Ano ha!? Kulang pa iyan sa pang-aapak mo sa amin noon. Pati mahal mo sa buhay idadamay namin Lorenzo."

"Nagpapatawa ka ba? Mag-isa lang ako sa buhay. Pwe! Mahal? Wala ako 'non. Pampalipas oras ko lang iyan! At kapag sawa na ko sa laruan, tinatapon ko na."

"Kahit nanghihina ay nagawa pa ring niyang sumagot ng ganoon. Kahit sa huli, pinrotektahan pa rin niya si Merian. Kaya kahit gusto kong magalit kay Renzo ay hindi ko siya magawang masisi sa mga plano niya. Halos wala na siyang malay nang iwanan ng mga walang pusong taong iyon. Tinulungan ko siyang madala sa hospital nang hindi niya alam. Hindi ko na hinintay na magkamalay siya."

Dumaan ang mga araw, hindi na pumasok si Renzo. Nawalan ang lahat ng balita tungkol sa kaniya. Ang alam ko, hinihintay na lang niya na maayos ang papeles niya para makaalis. Nagtagumpay siya para maging ligtas ang mahal niya. Kapalit nga lang nito'y pati kami, hindi na nagkikibuan. Until one day, nagkausap kami ni Merian. Gustung-gusto ko nang sabihin ang totoo sa mga oras na iyon pero hindi ako binigyan ng pagkakataon ni Merian. That day, she was ready to give-up her love for him. Ang masakit pa, dahil gusto niyang maging masaya kami ni Renzo kahit nasasaktan siya. Kung binigyan lang niya sana ako ng pagkakataong magpaliwanag Reya."

"Then Merian committed suicide? Dahil sa hindi niya kinaya ang mga nangyari?"

"No. Hindi ganoon 'yon."

"Then why? Dahil sa kinasuhan ang kaniyang ama?" Tanong kong muli.

"Hindi ako naniniwalang nagpakamatay siya! Hindi siya ganoong tao. Magkasabay-sabay man ang problema niya, hindi niya pa rin magagawa ito. Naaresto si Tito Roman ngunit I know senator Felipe, hindi siya corrupt na tao. Namatay siya sa kulungan na hindi nalilinis ang pangalan. Gusto ko mang lapitan si Merian, damayan siya... Ngunit ninais niyang mapag-isa.  Kaya nasa malayo lang ako, nakamasid at tahimik siyang inaalo. Pero ang pagkakamali ko, iniwan ko siya matapos ang libing ng papa niya. Kung ako na lang sana ang naghintay sa kanya at hindi ang driver namin, baka hindi siya nawala... At hindi siya namatay. Wala akong kwentang kaibigan."

"So, iyan ang ugat ng lahat." Mahinang sabi ko. Napatingin ako sa bintana. It is raining outside.

"Hindi ko alam ang gagawin ko. Pinakiusapan ko ang magulang ko para tulungan akong asikasuhin ang lahat. Walang naiwang kamag-anak sina Merian. Lahat lumayo, nangibang-bansa. Wala din kaming communication ni Renzo. Sabi niya tatawag siya once na makaalis na siya ng bansa."

Pinagmasdan kong maigi si Celine. Ang bigat din pala ng pinasan niyang responsibilidad. Sa likod ng masiyahin at pagka-isip bata'y nagkukubli ang totoong siya.

"Okay I understand it. Napakahirap nga para sa inyo ang mag-move on. But... Ito ba ang gusto mong buhay? At ito ba ang nais na mangyari sa inyo ni Merian? Nagparaya siya dahil inisip niya kayo. Ilang taon ka na ba? Wala kang balak magkaroon ng sariling pamilya? Nakuha mo na ang career na nais mo, pati ang approval ng pamilya mo sa pinili mong landas. Why?"

"Hustisya. Isang bagay ng hindi pa nakukuha ni Merian at tito Roman. Hindi ako tuluyang magiging masaya kung hindi nila ito makukuha."

"Stubborn girl, tsk!"

"Bakit ikaw? At your age, hindi ka pa nag-aasawa? " balik na tanong niya sa akin. Dito na ako napangisi.

"Dahil magkaiba tayo ng sitwasyon. Mayroon kang chance na mamuhay nang tahimik at masaya, subalit ako?" Ilang beses akong umiling. "Ni hindi ko nga alam kung hanggang kailangan pa ko sa mundong ito. I'm telling you... You are so lucky having that life. The life that I dream about."

"Re-Reya. You can tell me your problem. Makikinig ako." Inabot niya ang kamay ko. This is the reason why I hate her from the start. She's so kind and almost perfect. Totally different from who am I. But she's also stupid and easily trusts others. I want to hate her...

But my heart tells me the opposite and I'm hating it more!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top