Chapter 4 Master
Third Person's POV
Walang nagsalita... Nakatingin lang sila sa duguang bangkay sa harap nila. Ang bilis ng pangyayari. Wala sa kanila ang nag-expect sa kahihinatnan ng mga ito.
Dumating ang isang pulis na nagpabalik sa huwisyo ni Renzo.
"Tara na." Aniya. Hindi nila napansin na kanina pa sila magkahawak-kamay. Not in this time, they're both puzzled.
"Dito! May patay dito!"
"Anong nangyari?"
"Tumawag kayo ng SOCO!"
Dumami ang mga pulis na naroon. Ginalugad ang buong lugar.
"Lintik! Tapos na! Ngayon pa sila dumating." Nagpupuyos sa galit ang isip ni Reya subalit hindi niya ito pinahalata.
Hindi niya namalayang sumasama na pala siya kay Renzo pabalik sa kotse ng lalaki. Bawat daanan niya ay iniirapan niya. Ang sama ng tingin niya sa mga pulis.
"Why are we here?" Pabalang na tanong ng dalaga nang mapansing nasa gate na pala sila ng nasabing abandonadong gusali. Hinawi nito ang kamay ng lalaki na nakahawak sa kanya.
"Its safer to stay here." Walang emosyong sagot ni Renzo. Malalim din ang iniisip nito. Hindi na nga siya halos makapagsalita mula kanina dahil sa mga nangyayari.
"Huwag kang umarte na concern ka. Ni hindi nga tayo magkaanu-ano."
"Ganyan ka ba talaga? Hindi ka ba magpapasalamat dahil gumawa ako ng paraan para iligtas ka?" Hindi makapaniwala ang binata sa inaasta ng dalaga.
"HINDI. I never asked for help Mr. Andrews." Alam niya kung bakit tinulungan siya nito. Dahil sa kamukha siya ng dating nobya.
Tumango-tango ang binata at pilit nagtimpi ng galit. Dumating ang mga ambulansya. Nanatili silang nakatayo. Walang umiimik...
"Haiisst!" Nagpakawala si Renzo ng malalim na buntong-hininga para ilabas ang inis na nararamdaman kasabay ng paghilamos ng kamay niya sa kanyang mukha.
"May mga bangkay pa sa banda rito!" Sigaw ng isa sa mga pulis. Nagmadaling lumapit si Reya at Renzo sa pinanggalingan ng boses. Nakahandusay ang mga bangkay sa sahig, may padapa at paupong nakasandal sa pader. Lahat may tama ng baril sa ulo.
Napabaling si Renzo sa ibang direksyon. Naawa siya mga ito.
"What's happening?" Hindi makapaniwalang turan ni Renzo.
Reya quickly recognized them especially the man who wears a jacket and cap. Napangisi siya.
"Hmp. Hindi man lang ako masyadong nakaganti sa'yo bago ka mawala." Wala sa sarili niyang turan. Naglalaro sa isip niya ang mga ginawa ng lalaki sa kanya kanina. Nandiri siya rito dahil sa paghawak sa kanya. Akala niya magugulpi niya pa ang lalaki ngunit ngayon ay malamig nang bangkay.
Matamang tinitigan ni Renzo ang babaeng katabi. Hindi niya malaman kung paano nito nagagawang magsabi ng ganoong bagay samantalang patay na ang lalaki?
Dumating ang isa pang pulis na nag-iikot sa buong lugar. "May dalawa pang lalaking patay doon."
"Pinatay silang lahat?" Bulong ni Reya sa sarili.
"You? Bakit mo sinabi iyon?"
"Ha?" Nagtatakang tanong niya kay Renzo.
Pinagmasdang mabuti ni Renzo ang dalaga, trying to analyze her... pero blangko ang expression ng mukha nito.
"Iyon ang gusto kong sabihin eh."
"Crazy" Gusto niya sanang isagot kaya lang alam ng binata kung gaano kataas ang pride ni Reya. Inunawa na lang niya ang dalaga. Maaring nadala lang siya ng galit dahil sa ginawang pagdukot sa kanya.
"Nobody deserves to die in a cruel way" He added.
"Whatever, they are bad guys in the first place." Balewala nyang sabi. Renzo just stared at her. Hindi sya makapaniwalang makakakita sya ng isang katulad ng babaeng kaharap.
"I need to go now." Reya said as she steps backward.
"Ma'am, hindi ka pa pwedeng umalis. Kailangan namin ng statement mo sa nangyari." Singit ng isang pulis. Isa-isa nang binubuhat ang katawan ng mga bangkay.
"Pagod na ko. Pwede ba huwag mo kong pigilan. Wala akong alam sa pagkamatay nila. Kinidnap nila ako dahil lang sa nagkasagutan kami kahapon ng amo nilang babae. Nang marinig nila ang maingay niyong sirena, nagsikulasan sila ng takbo. And here they are now." Tumalikod si Reya sa kausap.
"Pero Ma'am..." Pigil ng pulis.
"Let her." SzMaawtoridad na utos ni Renzo. Kilala ng pulis si Renzo and how wealthy and powerful he is kaya hindi na siya ulit nagsalita.
"I'll drive you home." Offered Renzo. He wants to talk to her.
***
Reya's POV
HOME? Halos matawa ako sa sinabi niya. He'll drive me home... I don't have any. Matagal na kong wala niyan.
"Huwag kang umakto na close tayo kahit hindi naman talaga."
"Next time, just mind your own business pwede ba?" Dagdag ko pa. He just stared at me. I am expecting him to talkback pero masyado siyang matipid magsalita ngayon. Nakakapikon.
"Reya!" Said a very familiar voice. Hindi na ko masyadong magtataka kung nandito siya. Bigla na lang iyang sumusulpot kahit saan. At dahil nandito siya, parang totoo ang mga hula ko tungkol sa nangyari kanina.
He grabbed my hand. "Let's go." Sabi ni Arthur. He's wearing black suit indicating he's from work.
"Sandali!" Pigil ni Renzo. Ano ba talaga ang gusto nito? For Pete's sake, does he really believes that I am his stupid ex-girlfriend? Duh?
"I know him." I just answered.
Hinila ako ni Arthur palabas. He's still holding my hand. Ano ba? Lagi na lang ba akong hahawakan sa kamay? Sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero masyado itong mahigpit. I just sighed while seeing the ambulance. Sa loob nito ay naroon ang mga bangkay.
Binitawan niya ang kamay ko saka pinapasok sa loob ng kanyang sasakyan. Umikot siya at sumakay sa driver's seat. He's not talking.Pinaandar niya kaagad ang sasakyan.
Then silence is all over us...
Nakatutok siya sa pagmamaneho while I'm intently just looking outside, staring nothing.
"Bakit?" Pagbasag ko sa katahimikan.
"Anong bakit?" Balewala niyang tanong.
"Alam kong alam mo kung anong gusto kong malaman."
"Marami na silang utang sa organisasyon. Matitigas ang ulo kaya kailangan nang patahimikin." He answered.
Kung ganun tama ang hinala ko. Connected ang mga taong iyon sa organisasyon. No wonder, walang media kanina. Paniguradong gagawin nila ang lahat para pagtakpan ang insidente.
"Tell me. Ikaw ba ang gumawa?"
"No. But I have to clean the mess." Parang wala lang sa kanya ang lahat. Sanay na siya sa ganoong trabaho. Hindi lang siya basta isang fighter... he's more than you can imagine.
"Bakit bigla kang nagka-interes? Why? Do you pity them? Mga basura lang ang mga iyon sa lipunan. Hindi ba't kinamumuhian mo ang mga ganitong uri ng tao?"
"Mali ka. I hate everyone. And I was just a little shocked." Inirapan ko siya nang maramdaman niyang hindi siya kasama siya sa tinutukoy ko.
"Then don't bother yourself." He sounds so calm but for me, it is more like a command.
"Huh! Huwag mo 'kong diktahan." Napatawa siya sa sinabi ko na parang nagbitaw ako ng isang joke. Lumingon siya sa akin kahit nagmamaneho siya.
"I will. I own you. Huwag mo yang kakalimutan." That voice... I really hate hearing those words from him.
***
Dinala ako ni Arthur sa bahay niya. Its a mansion. A huge house full of emptiness.
Just like me, mag-isa na lang din siya sa buhay.
"Tell me, where have you been these past few days." Tanong ni Arthur sa akin. Nasa balkonahe kami. Pinagmamasdan ko ang mumunting mga ilaw sa baba. We're on the third floor of his house.
"Sa lugar na hindi mo alam." Sagot ko.
"Then I should start searching for that place."
"Tigilan mo nga ko." Inis kong sagot. Lagi niyang sinasabi na sa kanya raw ako pero wala akong paki'. I will say whatever I like.
"How about the guy a while ago? At bakit ka nasa lugar na yun kanina?"
Lumapit siya sa tabi ko at naghintay ng sasabihin ko. Nag-iba ang awra niya, nagbabanta na kailangan kong sumagot. Napabuga ako ng hangin.
"Nakaaway ko iyong babae kahapon. Pinadukot ako para makaganti. Dumating ang mga pulis kaya nagkagulo. At 'yun.... they died."
"Be careful on your actions." The way he talks, it makes me angrier to him. Dinidiktahan niya ako.
You haven't answered ALL my questions."
I rolled my eyes. "Bigla na lang siyang lumitaw doon. Alam kong kilala mo siya. Andrews." Lokohin niya sarili niya. Imposibleng hindi niya kilala ito, he's on business too.
"A billionaire trying to rescue you? Weird." Sa tono ng pananalita niya'y inuutos nitong sabihin ko ang lahat sa kanya.
And I did. Hindi lahat ng detalye but enough to fulfill his curiousity.
"Hahaha!" Tinawanan niya ko. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Walang nakakatawa."
"Yeah, the late senator Felipe has a daughter. Pero hindi siya pinakilala ng senador sa mga tao. Kaya kaunti lang ang nakakakilala sa kanya."
"How about the senator's death? Is it just because of heart failure?" Nanghahamon kong tanong. Marami siyang alam.
"Yes." He answered quickly.
"His case has been closed years ago. Bakit mo tinatanong? Mind sharing your future plans?" Hamon din niya sa akin.
"Sa pagkakaalam ko, he was found guilty for corruption. Isa rin ba siya sa mga parokyano ng underground battle?" Nang-uudyok kong tanong.
"Its none of your business anymore. But I'll answer you... Nope, he isn't. His case is beyond the organization." Seryoso ang mukha niya as if saying something I could not understand.
"Madaling-araw na. Kailangan mong matulog. Kasing-laki na ng ulo mo yang eyebags mo."
Iniwan niya ko pagkatapos. Kahit malumanay siyang magsalita, isa pa rin yung utos. Nakakarindi!
***
"Arrrrgghhhhh!!!" I tried to sleep pero bawat pikit ng mata ko'y pumapasok sa isip ko ang maraming bagay. Ridiculous ideas pop-up instantly on my mind. Idagdag pa na hindi ako komportable sa kwartong kinaroroonan ko. I never feel welcome in this room nor in this house.
Tumayo ako at lumabas sa napakalaking kwarto. Aalis na lang ako. Hindi pa man ako nakakalayo ay bumukas ang ilaw sa hallway.
"Saan ka pupunta?" Nasa likod ko pala si Arthur.
"Uuwi na."
"I told you to sleep."
"Eh sa hindi nga ako makatulog!" I do have bad temper, he knows that.
"Wala akong pakialam. Go back to your room now."
Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang kamay niya sa braso ko.
"Bitawan mo ko!" Matigas kong sabi pero parang wala siyang narinig.
Nakatitig lang siya sa braso ko. Unlike him na pareho pa rin ng suot mula kanina, nakapagpalit na ko ng pantulog. I have lots of clothes here.
"Go back." Ulit niya.
Tinangka kong pumiglas nang buhatin niya kong parang sako pero mas malakas siya sa'kin. Sa isang iglap, nasa loob na kami ulit ng kwarto.
Pabagsak niya kong binaba sa kama.
"I hate you!"
"I know!"
"Sleep." He said with so much authority. Umupo siya sa gilid ng kama.
"Hhhhaaaah!" I shouted out of frustration.
"Iwanan mo na lang ako dito!"
"Sige. Susundin kita..." Napabangon ako sa narinig. Its somewhat new to my ears.
"Just say the magic word." Dagdag niya. Bwisit siya!
"I'm waiting." Nag-cross-arms siya while waiting for my reply.
Talo ako...
"Please." Papikit kong sabi.
Satisfied with what he heard, he immediately stands-up.
"Good girl. Now, take a rest."
Tumalikod siya sa'kin. I'm waiting for him to leave pero nagsalita siya ulit.
"I'm your MASTER. Huwag na huwag mong kakalimutan. Lahat ng gusto ko'y susundin mo. You can do what you want when I'm not around. If you do something which is against my will... huwag kang magpapahuli sa'kin." Gusto ko siyang sagutin pero alam ko sa huli, walang saysay din ang lahat ng sasabihin ko.
"Hahayaan kitang kumilos mag-isa pero asahan mong mangingialam ako kung nais ko." Alam ko na 'yan. Nahiga ako patalikod sa kanya. Ayoko ng pakinggan ang mga litanya niya.
"Gusto mong makawala sa pisi ko?" Napamulagat ako sa sinabi niya pero hindi ko siya nilingon... waiting for what he'll tell next. He will let me go?
"Sa oras na matalo mo ko... malaya ka na." Bullshit! He's talking nonsense. Sinasabi ba niya na hindi na ko makakalaya sa poder niya?
Tuluyan niyang nilisan ang kwarto. Ipinikit ko ang mga mata ko kahit alam kong hindi ako makakatulog.
***
Renzo's POV
"Gawin mo ang lahat para makakuha ng impormasyon sa mga taong ito." Utos ko sa private investigator na kaharap ko ngayon.
"Makakaasa po kayo Sir." Sagot ng aking kausap.
Matapos ng mga nangyari kagabi, agad akong nagpahanap ng magaling na imbestigador para malaman kung sino ang mag-asawang pinatay kagabi.
Malinaw ko iyong nakita at narinig. Tinawag ng lalaki na Merian si Reya. Takot na takot siya nang mga oras na iyon. May nangyari noon. Malakas ang kutob ko na may alam siya. Iyon ang gusto kong malaman. Kung hindi lang sana ako nahuli. Kung alam ko lang na mangyayari ang pagpatay... hindi na lang sana ako naduwag. Lumapit na lang sana ako kaagad. Baka nabago pa ang mga pangyayari.
"Aalis na po ako Sir." Paalam ng aking kausap. Tumango ako.
Tumayo na rin ako upang lisanin ang restaurant na kinaroroonan namin at bumalik na sa opisina ko. Not the one located in the mall, my main office.
As I entered the building, sinalubong kaagad ako ng isang maputing babae.
"Renzo!" Tawag niya sa pangalan ko.
"I've been waiting for your call pero hindi ka na ulit tumawag. Hindi kita tinawagan coz I want na ikaw ang magkusa. Pero hindi na ko makatiis kaya pinuntahan na lang kita."
Huminga ako ng malalim, remembering how I badly wanted to see her the day I returned. Pero halos makalimutan ko na siya, dahil sa trabaho at dahil kay Reya.
Speaking of the girl, I wonder what she's doing now.
"Renzo?" Untag ng babae sa harap ko. Mabuti na rin na nandito siya.
"Nice to see you." Napasimangot siya sa sinabi ko.
"Parang hindi ka naman natutuwa eh." Nagkibit-balikat na lang ako.
"Oh my Gosh, mas lalo kang tumangkad. And you're handsome as always."
"Ikaw rin. Mas lalo ka yatang nawalan ng dugo." She reminds me of Snow White.
"Sobra ka." Wala siyang tigil sa kakatitig sa mukha ko. Its the perfect time to talk to her.
"I have something to say."
"May sasabihin ako."
Sabay kaming nagsalita. Bigla siyang sumeryoso.
"Its been a long time." Seryosong sabi ni Celine.
★★★★
New update :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top