Chapter 39
Short update 😀.
Sorry for the errors.
________________________________
Reya's POV
Hinintay kong magsalita ang taong nakatayo sa likuran pero wala akong narinig mula sa kanya. Wala akong balak na lingunin siya. Tsk. Bahala siya sa buhay niya. Maraming katanungan ang bumabagabag sa isip ko. Parang may mali.
"Alam mo kung nasaan si Celine hindi ba?" Sa wakas ay usal niya. The smell of his perfume never changed. Sinabi ko nang magpabago-bago siya ng pabango pero matigas din pala ng ulo ng taong ito.
"Pinagbibintangan mo ba ako?"
"No." Malungkot na sagot niya.
"Come on. You can just say yes."
"Pero alam kong wala kang kinalaman dito. I can feel it."
Napatingin ako sa kanya. "Huh. How can you trust me that easy?".
"Hindi ko rin alam. Kaya't kung alam mo kung nasaan ngayon si Celine. Tell me. Please, Reya. Please? God! Answer me."
Natahimik ako sa pagmamakaawa niya. Punung-puno ng pag-aalala ang tinig niya at waring nagpapahiwatig na ayaw niyang mawalan ng isang mahalagang bagay sa buhay niya. I turned around just to see him. His eyes are full of worry and sadness.
"Do you really trust me?" I asked.
"Yes."
"Then..." I paused for a while. Tama ba ang desisyong gagawin ko? Bahala na.
"Ililigtas ko ang iyong prinsesa. In one condition, kapag matapos ang lahat ng ito, you have to grant me one wish."
Tinalikuran ko siya pero bigla niyang hinagip ang kamay ko.
"Wha-what do you mean? I won't allow you to do ridiculous thing."
"I won't Mr. Andrews. I know what I'm doing and for your information, hindi ako isang ordinaryong babae lang. Kaya imbes na ubusin natin ang oras dito, why don't you just agree with my condition? Time is running."
Tinangka kong alisin ang kamay niya pero mas lalo niya pang hinigpitan ito. "Let go of me!"
"HINDI! Hindi ka aalis! Tell me where she is. Ayokong pati ikaw. No, I won't allow it. So just tell me what you know! Nakikinig ka ba? Reya, pakiusap huwag ka ng dumagdag pa."
Hindi ko magawang tignan siya sa mga oras na ito. Nilalamon siya ng kaniyang emosyon kaya't kung anu-ano na ang nasasabi niya. Tama. Dala lang ng sitwasyon kaya niya nasabi ang mga ito.
"Haist!" Hindi ko malaman ang gagawin. Damn it!
Nagpumiglas ako ngunit hindi ko magawang makaalis sa kamay niya. Gusto ko siyang suntukin ngunit pinigilan ko ang sarili.
Sa hitsura niya ay wala siyang balak na paalisin ako. "Okay fine!" Napipilitang pagsuko ko. "You're right! Nagkataon na naabutan ko si Celine kanina na dinudukot ng mga lalaki kaya sinundan ko kung saan siya dadalhin. I will tell where she is, pero kailangang i-grant mo pa rin ang isang hiling ko."
Dito na napabitaw sa akin. Mabilis ang paghinga niya at pilit na binabalik ang composure sa sarili. Napatuwid ako ng tayo.
"Kahit ilan pa 'yan. Follow me." He ordered.
***
Magmamadaling-araw na nang sa wakas ay matapos ang plano sa search and rescue ng mga pulis kay Celine. Wala akong nagawa kung hindi sabihin kung nasaan si Celine.
Pinaligiran ng mga pulis ang bahay kung saan ko nakitang pumasok ang van kaninang sinundan ko ito.
Tahimik akong naghintay sa loob ng sasakyan ni Renzo. Sinabihan kami na huwag makialam kaya't heto kami at naghihintay ng mga mangyayari.
Hindi naglaon ay isang putok ng baril ang umalingawngaw mula sa loob ng bahay.
"Ano na kayang nangyayari?" mahinang tanong ng katabi ko. Alam kong kinakabahan siya.
"Gusto mong malaman?"
"No! Dito lang tayo." Mabilis niyang wika samantalang wala pa akong sinasabi. "Fine."
Naging madalas ang putok ng mga baril na animo nagpapalitan sila ng mga kidnappers.
Alam kong hindi na mapakali ang katabi ko. The chaotic sound isn't good to the ears.
"Dito ka lang!" Renzo shouted. Mabilis siyang bumaba ng sasakyan. Sinundan ko ng aking mga mata ang pagtakbo niya papunta sa loob ng lumang bahay. Nakita ko rin kung paanong nakasunod si Silver papasok sa loob. Ilang segundo lang ang pagitan ng dalawa. Sumunod din pala siya.
"Sa akala mo ba mananahimik lang ako rito? Mga sakit kayo sa ulo." I have no choice but to follow them.
"Ibaba ninyo ang mga baril ninyo kung hindi tutuluyan ko ito!" Nasa labas pa lang ako ay rinig ko nang sigaw ng isang lalaki. Nagtago ako sa gilid ng pintuan at sinilip ang nasa loob. Napapaligiran na ng mga pulis ang lalaki. Naroon din sina Renzo at Silver. Hawak niya si Celine na nakabusal ang bibig at nakatali ang mga kamay. Nakatumba na ang mga lalaking maaaring kasamahan nito.
Hindi ko mawari kung anong pakiramdam ang lumukob sa akin. Ang alam ko lang, magbabayad ang lalaking ito!
Nakita ko kung paanong ibaba ng mga pulis ang kanilang baril. Tsk! Bunch of morons! I have to do something.
Lumabas ako para maghanap ng ibang pwedeng daanan. Naalala ko ang deal na sinabi ko kay Renzo. He will definitely grant my wish.
May nakita akong pintuan sa likod. Pinasok ko ito at napadpad sa isang kusina na malamang ay hindi ginamit ng maraming taon. Dahan-dahan akong naglakad para makarating sa kinaroroonan nila. Kinubli ko ang sarili sa haligi ng bahay nang walang makapansin sa akin.
Nakita ko ang likod ng lalaki. Aligaga siya. Sa tingin pa lang ay hindi magdadalawang-isip ang lalaki na iputok ang kanyang baril sa sentido ni Celine. Napatiklom ako ng aking kamao.
Nagmadali akong bumalik sa kusina para maghanap ng maaaring gamitin. Sa kasamaang palad ay mga lumang gamit lamang ang naririto na natatabunan na ng alikabok.
Dumampot ako ng isang baso.
Dahan-dahan akong bumalik kung nasaan sila.
"Paraanin ninyo ako!" demand ng lalaki.
Tumabi naman ang mga pulis. Nagpapakiramdaman ang mga tao sa mga susunod na galaw ng kidnapper.
"Iwanan mo si Celine. Patatakasin ka namin" ani Silver subalit hindi siya pinansin ng kidnapper. Idiniin niya ang hawak na baril sa sentido ni Celine na ngayon ay walang humpay sa pag-iyak. Isang kalabit lang ng gantilyo, siguradong tapos na siya.
Ihinagis ko ang babasaging baso na hawak ko sa kanan ng lalaki. Dahil sa lakas ng pagkakahagis ko'y lumikha ito ng tunog na pumukaw ng atensiyon na akin namang sinamantala. Wala akong inaksayang sandali. Tumakbo ako palapit sa kinatatayuan nila.
Lumuwag ang kapit niya kay Celine sa taranta kaya't nagkaroon ako ng pagkakataon para hablutin ang kamay niyang may hawak na baril.
"Run! Utos ko kay Celine nang makawala siya sa hawak ng lalaki. Buong lakas kong hinawakan ang kamay ng lalaki pataas. Pagkatakbo ni Celine ay tinuhod ko siya sa kaniyang pagkalalaki. Bakas sa mukha niya ang pamimilipit pero nagaw pa rin niyang hampasin ako sa ulo gamit ng isang kamay niya.
Napapikit ako sa ginawa niya ngunit hindi ko pa rin siya binitawan. Ang ingay sa paligid pero wala akong maintindihan.
Hanggang sa isang putok ng baril ang nagpatigil sa pag-aagawan namin ng kaniyang baril. Napatulala ako sa lakas ng tunog. Hindi pa rin pala ako sanay na makarinig nito.
Bigla akong binitawan ng lalaki dahilan para mapaatras ako. Nawalan ako ng balanse ngunit bago pa man ako bumagsak sa sahig ay may pumigil nito. Namalayan ko na lang na nasa likod ko na ang isang taong may pamilyar na amoy. Payakap siyang nakahawak sa beywang ko. Nakalapat ang ulo ko sa kanyang dibdib. Bakit ang lakas ng tibok ng kanyang puso?
"Aahhh!" Pamimilipit ng lalaki. Nagdurugo ang kaniyang kanang binti. Hinanap ng mga mata ko kung sino ang may kagagawan ng tama niya sa binti. Ngunit hindi ko mawari dahil halos lahat ay hawak na ang kanilang baril. Nagsimulang magsilapitan ang mga pulis subalit pagbaling ko sa lalaki ay nanlaki ang mga mata ko. "Damnit!" nanlalaki ang matang sigaw ko.
Kaagad na kumalas si Renzo sa akin. Ako nama'y hinarang ang sarili dahil inabot ng lalaki ang baril niya at tinutok sa direksyon ni Celine na ngayon ay umiiyak na nakayakap kay Silver. Napapikit na lang ako. Gusto kong pagalitan ang sarili kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito. Baliw na yata talaga ako.
Hinintay ko na pumutok ang baril ngunit wala akong narinig. Iyong kaba ko, napalitan ng pagkainip. Bwisit!
Pagmulat ko ng mata'y namataan ko na lang na hawak na ni Renzo ang lalaki sa kwelyo. I'm still alive. Bigla niyang sinuntok ito. Pinilit kong maging normal ang aking paghinga.
"Walang hiya ka!" Pinagsusuntok ni Renzo ang mukha. "Aah! Die!" Bawat suntok niya ay napapailing na lang ako. This isn't him. Hindi siya ganito.
Lumapit ang dalawang pulis para awatin siya pero hindi siya mapigilan. "Move! Huwag kayong mangingialam dito." Sukat ba namang pati mga pulis ay sigawan niya? He's an Andrews kaya hindi nakapagtatakang napapasunod niya ang mga pulis.
Hinila ni Renzo ang duguang lalaki at pilit pinatayo kahit wala nang malay ang kidnapper. Hawak niya ito sa kwelyo.
Napansin ko na lalapitan na rin siya ng iba pang pulis ngunit sa tantya ko ay di magpapaawat si Renzo. Mapapatay niya ang lalaki kung hindi pa siya tumigil.
He is about to punch the guy again nang patakbo akong lumapit sa kanya. Agad akong humawak sa braso niya. Ganun na lamang ang aking pagkabigla nang ambahan niya ako ng suntok. Ngunit pagkakita niya sa akin ay napatigil siya. Napakalapit na ng kamao niya sa mukha ko. Nanlalaki ang kanyang mga mata na animo nakakita ng multo. Mangilang beses siyang napailing at kitang-kita sa mukha niya ang pagkabahala na ako ang nasa harapan niya.
Sinamantala ko ang pagkakataon at sinampal siya sa kaliwang pisngi. Sinigurado kong malakas ang pwersang pinakawalan ko dahilan para mabitawan niya ang walang malay na lalaki.
Matapos makabawi sa ginawa ko ay hinarap niya ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman sa mga sandaling ito. He isn't the person I used to know. Ang mga mata niya'y waring nagbabanta na wala siyang sasantuhin.
"What do you think you are doing!?" singhal ko. Punung-puno ng galit ang mga mata niya.
"I will kill him. Wala siyang karapatang mabuhay. He's not worth living." Napadako ang mga mata niya sa lalaking nakadapa sa sahig.
"Is that what you want to do? E tanga ka rin nuh? Tignan mo iyang kamay mo, for sure masakit na rin 'yan kakasuntok! May mas madaling paraan." Nagpakawala ako ng malalim ng buntong-hininga bago hinanap ng mga mata ang isang bagay.
Nanonood na lang ang mga tao sa paligid namin. Walang kumikilos. Mas lalo akong nabwisit. Wala man lang tatawag ng ambulansya? Naririnig ko ang walang tigil na iyak ni Celine. Baka may makaisip na dalhin siya sa hospital? Bwisit.
Agad kong dinampot ang baril na pinag-aagawan namin kanina at bumalik sa harap ni Renzo.
"Here. You can use this." Tumingin lang siya sa akin pero hindi kinukuha ang baril. "Go! Mas madali kapag binaril mo siya. Hindi ba gusto mo siyang patayin? Ito na ang pagkakataon mo. Kill him Renzo! Para maging katulad ka na rin niya. Makakaganti ka sa ginawa niya kay Celine, sa pagpapakaba sa iyo ng husto. PERO humanda ka! Dahil sa maiksing panahon na nakilala kita, alam ko na kung anong klaseng tao ka... Pagsisisihan mo ito pagkatapos at siguradong hindi ka titigilan ng iyong konsensiya. Mamumuhay ka na may guilt diyan sa puso mo. Sa bawat araw na gigising ka, dala mo ang bigat sa dibdib. Kaya mo bang dalhin iyan habang buhay? Para ka na ring patay nun. Kung oo, do it now! Kill him. We're all waiting."
Humakbang siya papalapit sa akin. Inangat niya ang kamay niya palapit sa baril. Ang buong akala ko ay kukinin niya ito pero binaba niya ang kamay ko dahilan para mabitawan ko ang baril. Parang angbilis ng mga pangyayari. Sa isang iglap... Nakayakap na siya sa akin.
"Thank you." He whispered while crying. I closed my eyes. "Don't thank me. Mas gusto ko ngang tinuluyan mo siya."
"Ang lamig ng kamay mo. Sorry kung natakot kita." Dito ko lang namalayan na hawak niya rin pala ang aking palad. Ang higpit ng hawak niya na para bang anumang oras ay bibitiwan ko siya.
Napahinga ako ng malalim.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top