Chapter 33
Hi! angelvsdevel07. This is for you. Thank you ulit sa pagbabasa <3. Sana hindi kita madisappoint.
————————
Reya's POV
Napapikit ako habang hinihintay na kumalma ang rumaragasang kabog ng aking dibdib at ang pag-asam na puntahan ang lalaki kanina. Ang sarap sigurong magpakilala sa hayop na iyon?! Humigpit ang kapit ko sa laylayan ng dress na suot ko.
Naramdaman ko na lang ang paglapit ng kasama ko sa loob ng clinic kaya nagmulat ako ng mga mata.
He's holding a glass of water. "Reya, hindi ba?"
Nakatitig lang ako kay Silver at hindi nag-abalang sagutin ang tanong niya. Ngayon ko lang napagtanto na mukha siyang bagong gising. Halata na may hang-over pa siya.
"O" alok niya sa tubig. Huminga ako ng malalim bago tanggapin ito.
"Where's Celine?" Tanong ko na lamang.
"She's outside. She's with her brother right now. Mamaya-maya rin nandito na sila." Sagot niya saka bumalik sa pwesto niya kanina kung saan nakatali ang aso. Umupo siya para maka-level ito. He pats the dog's head.
Ininom ko naman ang tubig na bigay niya. Kailangan ko ito nang mapakalma ang sarili.
"May problema ka ba? You look scared."
Napataas ang kilay ko sa narinig. But I can't say "mind your own business". Baka palayasin niya akong bigla. Or siya pa ang awayin ko. Sanay naman na akong mag-umpisa ng away... Pero, can't I change my attitude? Duh! I'm not telling that I will totally become an angel.
For how many years, namuhay ako na parang patay. Wala akong kinausap na matino o kinaibigan. Para silang mga ahas sa paningin ko. Nanglilingkis, nangangagat kaya kailangan kong unahang itaboy. Hanggang sa namalayan ko na lang na kusang lumalayo na pala ang lahat sa akin.
Masama ba na makipag-socialize? Sa mga piling tao lang naman. Kahit ilang linggo lang... Maramdaman ko naman na nabubuhay pa rin ako.
Ang pader na itinayo ko, kailangan kong panipisin kahit kaonti lang.
"So family day pala ngayon?" Paglilihis ko sa katanungan niya. Nagkibit-balikat siya.
"I'll go ahead." Paalam ko nang mailapag ang baso sa lamesang nasa gilid. Mabigat ang katawang tumayo ako para lumabas.
The glass door suddenly opens. Pumasok si Celine kasunod ng isang lalaking kasing-puti niya na may buhat na batang babae. Siguradong kapatid ni Celine ang lalaki. He's an older version of the white lady.
Napatingin silang lahat sa akin na ang ekspresyon sa mukha ng dalawa ay hindi maipinta lalo na ang kanyang kuya.
Huli na... Naisip ko na ganito ang mangyayari kaya't ninais ko ng lumabas ng lugar na ito pero naabutan na nila ako.
"Why? Para kayong nakakita ng multo." Mataray na pasaring ko. If Celine and Merian know each other, of course the brother knows too.
Unang nakabawi sa pagkabigla niya si Celine. Aligaga siyang tumingin sa kuya niya pagkatapos ay sa akin.
"Ahmm. You are here." Nagtatanong ang mga matang sabi ni Celine.
"Daddy, there's a dog!" Nagpababa ang batang babae. Bago siya lumagpas sa akin at ngumiti muna sa akin ang batang bilugan ang mukha. Naalala ko tuloy ang batang sinungitan ko dati. Hindi ko na siya nakita simula nang paiyakin ko ito. Isang pakiramdam na hindi ko mawari ang biglang lumukob sa akin. Tsk!
Siguro apat o limang taon ang edad ng bata. Dumiretso siya sa pwesto ni Silver na alam kong nagmamasid sa amin.
"Actually, napadaan lang pero paalis na rin."
"Ah kuya, this i-is Re-Reya. Reya, my older brother, Chris." Natatarantang pakilala niya.
"Hi." Tipid kong sabi. Inabot naman niya ang kamay niya kaya nakipag-shake hands na rin ako.
"Nice to meet you Reya."
"So-sorry for my reaction. May kamukha ka kasi." Napahawak siya sa kanyang batok at batid ko na nahihiya siya.
"I know, hindi lang ikaw ang nagsabi niyan." I looked at Celine as if pointing out that she's one of the people I am referring to. Napangiti ng pilit si Celine.
"Well that was before. Hindi naman malayong mangyari na may magkamukha sa mundo, hindi ba? Remember the 'KalokaLike' ng Showtime?"
"Exactly" direkta ang tingin na pagsang-ayon ko kay Celine kahit pa wala akong alam sa Showtime na 'yan.
"Why don't we sit down first nang makapag-usap tayo ng maayos?" Alok pa niya.
"Sorry but I need to go. May aasikasuhin pa kasi ako. I need to excuse myself now." Hindi ko na inantay ang kanilang sagot. Nagmartsa ako palabas. Sa dinami-rami ba naman ng susuotan, diyan pa ako naligaw?!
Tama ba ang mga taong nilalapitan ko? O dapat na lumayo na ako habang maaga pa?
Nagpatuloy ako sa paglalakad nang makaakyat na kaagad sa itaas kung nasaan ang shop ko. Letse naman! Bakit hindi mabawasan ang tao?
Sa gitna ay may mini-stage na ang laman sigurado ay mga tanyag na artista. Nabasa ko 'yan sa binigay sa aking listahan ng events ni Renzo noong isang araw.
May mga malalaking flat screen din sa bawat sulok na hindi ko sinusulyapan. Ano 'to concert? Duh! Ang daming arte.
Naririnig ko pa ang tugtuging "Despacito" na kinakanta ng Bose's babae.
Nagmadali akong sumakay ng escalator para makaalis na at sana wala na akong makitang hindi kaiga-igaya sa aking mata. Kung pwede lang takpan ang aking mukha ay ginawa ko na.
As I am about to enter my shop which obviously crowded, napukaw ang atensyon ko ng nagsalita sa mic.
"... And now please welcome, Mr. Lorenzo Andrews!" Pasigaw na anunsiyo ng lalaki. May mga sinasabi pa siya ngunit hindi ko na inintindi. Narito na ang may pakulo ng kalokohang ito.
Natigil ang plano kong pagpasok ng tuluyan sa aking shop nang marinig ang isang pamilyar na tugtog. Oh great! Ang luma ng kanta.
Tonight it's very clear, as we're both standing here,
there's so many things I want to say
I will always love you, I will never leave you alone.
Nakarinig ako ng palakpakan. Hindi ko ipagkakailang ang ganda ng boses niya. Parang hinihigop kang tumigil at pakinggan na lang siya. Namalayan ko na lang na natuod na ako sa kinatatayuan ko habang tahimik na nakikinig.
Sometimes I just forget, say things I might regret,
it breaks my heart to see you crying.
I don't want to lose you,
I could never make it alone.
Ngumisi ako sa narinig mula sa sumunod na lyrics ng kanta. Bagay sa kaniya.
I am a man who would fight for your honor,
I'll be the hero you're dreaming of.
We'll live forever, knowing together
that we did it all for the glory of love.
You keep me standing tall, you help me through it all,
I'm always strong when you're beside me.
I have always needed you,
I could never make it alone.
Wrong. He made it, even without his lover. Halata naman e. Nariyan ba siya ngayon kung hindi niya kinaya na wala sa tabi niya ang ex niya? Hay naku!
I am a man who would fight for your honor,
I'll be the hero you're dreaming of.
Nagmadali akong naglakad papunta sa sentro kung saan maari kang dumungaw sa ibaba upang makita ang stage na kinaroroonan niya. Nakipaggit-gitan pa ako sa mga tao para lang bigyan ako ng space.
We'll live forever, knowing together
that we did it all for the glory of love.
Just like a knight in shining armor,
from a long time ago.
Just in time I will save the day,
take you to my castle far away.
Nang sa wakas ay makita ko na siya... may kakaibang pakiramdam na lumukob sa akin. Bakit masyado siyang attractive sa suot niyang white polo at pant? Nakabukas ang dalawa niyang butones sa bandang itaas. Ang mahaba nitong sleeves na nakatupi hanggang sa umabot sa siko niya ay bumagay sa matipuno niyang katawan. Nakalimutan din niya yatang magsuklay na nagpadagdag sa cool na awra niya.
I am a man who would fight for your honor,
I'll be the hero you're dreaming of.
We'll live forever, knowing together
that we did it all for the glory of love.
Sinasabayan siya ng mga tao, pero siya lang ang naririnig ko. He even tried to smile... Alam kong isang pilit na ngiti ito na hindi man lang umabot sa mga mata niya. He can deceive everyone, but not me. Nababasa ko kung kailan siya totoong nakangiti o kung peke ito.
We'll live forever, knowing together
that we did it all for the glory of love.
He closes his eyes while singing the last part... I won't deny that he is handsome and damn hot.
Pero hindi iyan ang dahilan para magpatuloy sa pagkabog ng sobrang bilis ang dibdib ko. Gusto kong pagalitan ang sarili.
"Why are you so affected Reya? Hindi para sa iyo ang kantang iyan."
Finally, nagmulat siya ng mata.
"Thank you." Sumaludo siya sa mga tao. Tumingala rin siya kasabay ng mga palakpakan mula sa mga katabi ko. Even the crowd at the third floor are also clapping.
Sa dami ng mga tao, hindi ko maintindihan kung paanong nakita pa niya ako. Nagtama ang aming paningin at dahil sa taranta ay isang kiming ngiti ang pinakawalan ko.
Halos mapaupo ako sa gulat nang mag-arko ang labi niya upang suklian ang ginawa ko. Did he smile back? O namamalikmata lang ako? Bakit hindi ako makahinga? Bakit ang sexy ng ginawa niya?
Napahawak ako sa tapat ng akong puso. Hindi maaari ito...
I have to get out of here... Bago pa tuluyang manlambot ang mga tuhod ko.
Gago talaga siya kahit kailan. Nakatingin pa rin siya kaya't ibinaling ko ang tingin sa mga taong nasa harapan niya. Sila ang mga taong may silyang inuupuan. Biglang tumaas ang aking kilay nang makita ang babaeng nakabangga sa akin kanina. Ang lawak ng ngiti niya habang nagpi-picture kay Renzo.
Katabi niya ang kanyang ama na halatang nagpapapansin lang kaya dumalo rito.
Tsk! He's running for President, what do I expect? Iyang mga media naman ay abala sa pagkuha ng ibabalita nila. Mga tao talaga.
"Francisco Mendoza." Bulong ko.
"Panalo na 'yan. Napakabait na tao at matulungin pa." Ako ba ang kinakausap ng katabi ko? Aba, baka iyong katabi niya sa kabila. Pakialam ko. Kung alam lang niya ang ugali ng pinupuri niya.
Sinong maglulustay ng fifty million para lang sa pagpusta sa underground battle? Saan niya kinuha ang pera knowing that he is a congressman? Mananakit ng tao kapag natalo? Damn! Hindi ko makakalimutan ang pagsuntok at pagbabanta niya sa akin dati. Nakikipag-deal at sabwatan sa organisasyon? Siguradong marami pa siyang baho na itinatago.
"Well, good luck sa Pilipinas kapag naging presidente siya." Sabi ko bago unti-unting umatras. Lumilikot na ang mga mata ng kongresista, its not yet time para magpakita sa kanya although tiyak na hindi naman niya ako kilala ng walang maskara. Or hindi nga ba?
Mabuti na rin ito nang magbago ang pakiramdam na epekto ng pinaggaga-gawa ni Renzo. I won't tolerate this feeling. Bago pa man lumalim, sana'y maalis ko na kaagad.
"Miss Clemente." Napalingon ako sa pinanggalingan ng tawag.
Sino na mga ba ulit ito? Enrique yata. Siya ang pinakasalarin kung bakit nagkaganito ang events ngayon. Sa pagkaalam ko, siya ng in-charge rito.
"Yes?" Taas-kilay kong tanong. Kilala niya ako bilang suwail na na anak kaya't walang dahilan para hindi ipakita sa kaniya ang masungit na ugali ko.
"Ikaw nga iyan." He said bago lumapit sa akin. Gumilid naman ako ng kaonti dahil sa mga dumadaang tao.
"Hindi ba ako pwede rito? I have my shop and a sharehol-"
"No, sorry. That's not what I mean. Ang totoo niyan, dumalaw ako kahapon sa Papa mo."
"Oh, I see." Bored na sagot ko. Nais ko sanang itanong kung pinag-usapan ba nila ako pero baka makarinig lang ako ng hindi maganda.
"I'm sorry for judging you. Naikuwento ni Gerald ang mga pagkukulang niya sa iyo at na maayos na ang lahat ng hindi ninyo pagkakaintindihang mag-ama."
The old man really did that? I felt a bit relieved, to be honest. At least halos lahat ng nasa listahan ko ay nagawa ko. Although may mga idadagdag pa ako sa listahan.
"Nah.. Sanay na ako sa ganiyan. May katotohanan din naman ang mga paratang mo sa akin." Nagpakawala ako ng plastik na ngiti kahit pa sa kabila nito'y hindi ko itatangging may galak na bumalot sa aking dibdib. Alangan namang ipagsigawan ko pa?
"Nakaalis na ba si Gerald? Saan ba lilipat ng hospital ang papa mo?" My bored expression suddenly changed. Napakunot ang noo ko while trying to digest what he just said.
"Aalis? Lilipat?" Naguguluhang tanong ko.
"Oo. Naghahanda nga siya kahapon para sa paglipat niya ng hospital. Hindi niya mabanggit kung saan naman ito. Masyado na siyang mahina ngayon. Sana humaba pa ang ilalagi niya."
Kung hindi lang occupied ang utak ko sa nalaman, baka sinabihan ko na siya na matagal pa ang buhay 'non. Isa siyang masamang damo. Napahinga ako ng malalim. What's happening to the old man? Sakit sa ulo kahit kailan talaga.
"Excuse me." I said. Halos patakbo akong naglakad pababa. Ang unang nakita ng mga mata ko ay ang hagdanan. Lakad-takbo ang ginawa ko hanggang sa nasa pinakaunang step na ako ngunit namali ang paglapat ng aking paang may 'di kataasan ang suot na sandal.
"Shit!" Naibulalas ko na lamang bago napaupo sa sahig. Napalingon sa akin ang mga taong naroon.
"Miss, are you okay?" May pag-aalalang tanong ng lalaki.
Inilahad ng lalaki ang kanyang kamay ngunit hindi ko iyon pinansin. Bagkus ay pinilit kong tumayo mag-isa.
Dito ako napatingin ng tuluyan sa lalaking nag-alok ng tulong. Kaya naman pala ang daling makahakot ng atensyon ang pagkakatapilok ko. Dahil sa nagkukunwaring tupa na ito.
Ang galing talaga ng tadhana. Hindi nakalusot sa aking mapanuring mga mata ang pagkagulat na lumukob mula sa pagmumukha ng lalaki. Mas bata siya kay Henry sa pagkakaalam ko.
"I'm okay sir FRANCISCO." Maririin ang bawat pantig na sagot ko. Saka umalis na parang walang nangyari. Nahagip ng mga mata ko si Renzo na papunta sa direksyon namin kaya't mas lalo kong binilisan ang paglalakad kahit pa nararamdaman kong may mali na sa kanang paa ko.
Hinanap ko ang daan papunta sa aking sasakyan.
***
Hindi ko alam kung paano ako nakarating ng ligtas sa hospital. Masyadong maraming bagay ang naglalaro sa utak ko.
Hindi ko na nagawang maipasok ang aking sasakyan sa loob dahil nakita ko na kaagad ang aking pakay. Naka-wheelchair siya at tulak-tulak ng isang lalaki papasok sa isang itim na van.
Napalo ko ang manibela bago lumabas.
"Wait! Saan niyo siya dadalhin?!"
Nakita ko ang gulat sa lalaking may hawak sa matanda samantalang blangko ang ekspresyon ng mismong taong sinadya ko rito.
Nagtatanong ang mga matang napahakbang ako palapit. Subalit isang kamay ang humawak sa aking kaliwang braso.
"Mas makakabuti Ma'am kung hindi ka na lang makikialam dito."
Napalingon ako sa lalaking nakaitim na suit na kagaya ng suot ng lalaking may hawak sa aking ama. Yeah, ama ko pa rin naman siya. Naikuyom ko ang aking kamao habang pilit na kinakalma amg sarili. Nais kong manuntok.
"Anong ibig sabihin nito?" Malumanay ngunit nagbabantang tanong ko.
"Sumusunod lang kami sa utos. Huwag ka ng gumawa ng bagay na makakasama sa inyo pareho."
Tinanggal niya ang kaniyang kamay sa aking balikat.
Nagpatuloy naman iyong lalaki sa pagpasok sa matanda sa loob ng sasakyan.
Tinanguan pa ako ng matanda bago tuluyang makapasok sa loob na waring sinasabing okay lang ang lahat. Napayuko na lang ako. Wala na naman ba akong magagawa? Lagi na lang bang ganito?
Ang daya niya talaga kahit kailan! Sabi niya hindi siya mangingialam? Wala naman akong ginawang hindi naaayon sa kasunduan namin.
"Ano bang kalokohan ito Greg!?" Nagtitimping tanong ko sa lalaking katabi ko. Isa siya sa tauhan ni Arthur.
Hindi niya ako sinagot. Napatingin ako sa kaniya at itinago ko ang gulat na aking nadama nang makitang may hawak siyang silencer. Tinalikuran niya ako at inasinta ang bagay na pag-aari ko na nasa 'di kalayuan sa amin... ang gulong ng aking sasakyan. Napatayo ako ng tuwid nang makita ang pagkaubos ng hangin sa loob ng gulong.
"Sabi ko nga sumusunod lang din po ako sa utos kaya trabaho lang. " Sabi niya bago iwanan ako. Alam kong tauhan siya ni Arthur ngunit utusan din siya mismo ni Henry. Sino sa kanila ang may pakana nito?
"Sandali! Sinong nag-utos nito?!" Wala along narinig na sagot mula sa kanya.
Paandar na ang sasakyan at nasa may pintuan na si Greg. Nagkaroon ako ng lakas upang humakbang palapit sa kaniya, pero walang alinlangan niyang tinutok sa akin ang baril na kaniyang hawak. Natigilan ako habang 'di magkanda-umayaw ang namuong galit sa aking dibdib.
Life is really unfair to me. Bakit kailangang ako pa ang mapunta sa sitwasyong ito?
Wala akong nagawa nang makaalis na ng tuluyan ang van. Hinayaan ko silang makalayo. Ang galing ko talaga. Napaupo ako sa semento. Ano ba ang pakialam ko sa matandang iyon? Mabuti nga iyan nang wala na akong problemahin. Tama. Bakit ko siya pu-problemahin?
Sana... Sana pinutok na lang niya ang baril sa akin. Pero natatakot din ako. Ramdam na ramdam ko ang pag-asam na tuluyang tumulo ang luha sa aking mga mata. Ngunit ang isip ko ay pinipigilan ito hanggang sa wala ngang lumabas ni patak nito.
"Anong nangyari?!" May pag-aalang tanong ng lalaking may pamilyar na boses.
Tama ba ang naririnig ko o nag-iilusyon lang ako?
Naramdaman ko na lang ang paglapat ng mga kamay niya sa aking balikat at marahang niyugyog ako.
"Are you okay? Talk to me... Reya."
Nag-angat ako ng mukha... Nais kong makumpirma na narito nga siya.
Para siyang nagliliwanag sa paningin ko. Tanging ang nagawa ko na lang ay ang yumakap sa kanya. Hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko pero sobra na...
"Napupuno na ako. Parang sasabog na ang puso ko sa sobrang sakit..."
Wala akong narinig mula sa kanya. Sa halip ay ang mga kamay niya ay yumapos ng mahigpit sa akin. Sa loob ng maraming taon, nakaramdam ako ng seguridad... na hindi ako nag-iisa. Naisubsob ko ang mukha ko sa kanyang malapad na dibdib. Hinahaplos niya ang likod ko habang nakayakap pa rin sa akin.
Nakakagaan sa pakiramdam ng kanyang amoy. Sana hindi na matapos ang sandaling ito. Ngunit alam kong imposible ang hinihiling kong mangyari.
****
A/N
So paalala ko lang po, si Francisco Mendoza ang nasa chapter one na pumusta kay Pink at natalo ng fifty million.
Naisulat ko na rin lahat ng possible order ng events ng novel na ito sa notebook at nasa kalagitnaan pa lang po tayo. Baka umabot tayo ng marami pang chapters so please support me para ma-motivate akong magsulat despite my hectic schedule. God bless us all :).
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top