Chapter 32

Finally, nakaupdate din. This is unedited so sorry if you'll encounter spelling errors and wrong grammars.

Thank you Stiphaniee sa laging pagsuporta :).


***
Third Person's POV

"Narito ang listahan ng mga taong maaaring may kaugnayan sa organisasyon." Iniabot ni Alvin ang folder na naglalaman ng mga confidential files tungkol sa iba't ibang tao.

Tumango si Renzo habang mahigpit na napahawak sa folder.

Napasandal si Alvin sa upuan. "Most of those in the list are into politics. Mayroon na ring kaonting descriptions tungkol sa kanila. Hindi biro ang mga taong mababangga mo sir kung sakali."

Umangat ang gilid ng labi ni Renzo. "Kahit ang presidente pa ng Pilipinas, kung kinakailangan ay kakalabanin ko. Hindi sila maaaring magtago habambuhay. Kung kailangan ilabas ang mga baho nila, gagawin ko."

"Hindi mo alam kung ano ang iyong sinusuong. Handa ka ba sa maaari mong matuklasan? Sa maaaring mangyari sa mga susunod na araw? At sa kapahamakang pwedeng mangyari sa iyo?" Inilapat ni Alvin ang mga kamay niya sa mesa at pinagdikit ito, bahagyang umalis sa pagkakasandal sa upuan at matamang nakatingin sa kausap.

Mababakas ang tensyon sa buong silid. Pinagmasdang mabuti ni Renzo ang kakaibang awra ng kausap. Sa palagay niya ay marami itong inililihim sa kanya.

"Simula nang inumpisahan ko ang pagpapaimbestiga, naisip ko na ang mga posibilidad na maaaring mangyari. Hinding-hindi ako titigil hangga't hindi ko nakakamit ang hustisya. So if you know something more... tell me Mr. Alvin. Every single details. Everything and as soon as possible." Giit ni Renzo. Naramdaman naman ng kausap ang kakaibang tingin ni Renzo. Napatuwid siya ng upo.

"Yes, I surely will." Tumangu-tango ito habang deretso ang mga mata sa kausap. Tinapatan ni Alvin ang mapaghusgang titig ng kausap na waring sinasabing walang bahid ng kasinungalingan ang sinabi niya.

Satisfied with what he promised, agad nagbawi ng tingin si Renzo.
"Ah. Naalala ko pala, have you heard about the mysterious blogger HiddenTruth?"

"Yes Sir. Napanood ko nga iyan. Sino kaya ang nasa likod nito? Alam mo ba na ikaw ang unang pumasok sa isip ko?"

"Damn! Kung ako ang taong iyon, ipapahanap ko ba siya ngayon sa iyo? I want you to find out who is the person behind it." Halos pasigaw na sabi ni Renzo. Nais niyang makita ang nasabing blogger at alamin ang rason nito sa pagpapalaganap ng mga artikulong iyon.

"He or she could help." He added.

Malalim na nag-isip si Alvin. May nais siyang sabihin subalit nagtatalo ang utak niya. Sa huli, pinili niyang magsalita.

"Mayroon kaming special team para sa pag-trace kung nasaan ang lokasyon ng kasong katulad niyan. Computer hackers and experts. Ginagamit lang namin sila para sa VIP na nagrequest at kung kinakailangan talaga."

Halos mapatayo si Renzo matapos marinig si Alvin. "Then trace that person. Magbabayad ako kahit magkano"

"Handa akong magbigay ng malaking halaga." Mababanaag sa mga mata ni Renzo ang pagpupursigi na ipahanap ang taong kailan lang pumutok ang pangalan.

"Sige Sir. Walang problema." Pagbibigay ng assurance ni Alvin.

Renzo's phone suddenly rings. Kinuha niya ito at sinagot.

"Yes? What's happening now?"

"Good morning Mr. Andrews. Maraming dumalo sa event natin ngayon. Ready na rin po ang mga artista at singers na kakanta. May mga galing sa media na dumating and some politicians will pay a visit in Crystal mall. May mga nagpa-reserve pa sa mga restaurants dito. They'll be having meetings. May mga invitations nga pong dumating sa opisina ninyo."

"Thank you Ms. Jean, mali-late ako ng pagpunta riyan. I'll check the invitations later kapag nakaabot pa ako."

Nang maibaba ni Renzo ang phone ay kaagad na bumaling siya sa hawak na folder.

"Mukhang hindi ako mahihirapang hanapin ang mga taong ito. Kusa na silang lumalapit."

"That's your advantage. Election is coming, saan pa ba lalapit ang mga iyan kung hindi sa maimpluwensyang mga tao." Hawak-hawak ni Alvin ang baba niya habang nakangisi.

"Magtungo ka sa Crystal Mall ngayon at subaybayan ang mga taong nasa listahan na naroon. I-report mo kaagad kung sino ang kahina-hinala sa kanila."

His private investigator just nodded as an answer. Naglabas ng isang sobre si Renzo at inabot sa kausap. Binuksan kaagad ito ni Alvin at bumungad sa kanya ang ilang libong papel na nasa loob nito. Napasipol siya bago isarang muli ang sobre at itago sa ilalim ng suot niya sa bandang dibdib.

"Kaya lalo akong ginaganahan sa trabaho." Masiglang wika ni Alvin.

Isinuot ni Alvin ang sumbrero at kaagad na umalis.
Nang mapag-isa na si Renzo ay binuksan na niya ang folder. Inisa-isa niya ang bawat pangalan at binasa ang mga detalye patungkol sa mga taong ito. Halos mag-isang linya na lang ang kaniyang mga kilay at kunot-noong nagpatuloy sa pagbabasa.

After several minutes, he stands up. Lumabas siya ng silid at tahimik na lumabas ng opisina ng main company ng mga Andrews.

***
Ang pagdating ni Renzo sa loob ng presinto ay nakaagaw ng atensyon ng mga naroon. Tila naliligaw ang lalaki sa suot nitong business suit at pormal na awra.

"Good morning. I want to talk to Chief Officer Cristobal."

"Wala pa rito Sir." May katamarang sagot ng lalaki.

"Anong oras siya darating? I have to attend an event. Kindly call him?"

Napakunot ang noo ng lalaking nasa Information Desk.

"Sir, hindi uso sa akin ang VIP. Bakit hindi ka na lang maupo at maghintay?"

Renzo remained serious kahit na napipikon na siya sa lalaki. Tiyak na nakikinig sa kanila ang mga taong naroon dahil sa maya't mayang pagsulyap ng mga ito. Nag-cross arms siya at tahimik na naghintay.

Hanggang sa isang lalaki na nasa singkuwenta ang edad ang pumasok. Nakauniporme siya na kakikitaan ng mataas na ranggo. Ang lahat ay bumati at sumaludo sa kanya.

Tahimik lamang na nakatayo si Renzo. Hinintay niya na kusang makita siya ng lalaki. Nang magawi sa kanyang direksyon ay agad nakilala siya nito.

"Mr. Lorenzo Andrews." Pagbati niya.

"Good morning chief."

Unang nag-abot ng kamay ang hepe upang makipagkamayan kay Renzo.

"Hindi ko inaasahang magpupunta ka rito ngayon."

"I want to talk to you. Its about my request and some other matters."

Tumango ang hepe. Tumingin siya sa paligid saka lumapit pa lalo sa kanya. "Mag-usap na lang tayo sa aking opisina.

Lingid sa kaalaman ng dalawa ay isang babae ang lihim na nakikiramdam sa mga nangyayari. Nang makapasok sa opisina ng hepe ang dalawa ay siya namang lapit ng babaeng may maikling buhok at malaki't itim na salamin sa mata sa desk officer na nakausap ni Renzo kanina.

"Alam mo ba kuya kung sino ang lalaking kausap ng inyong hepe kanina?"

"Sandali! Ikaw na naman?"

Ibinaba ng babae ang salamin saka ngumiti ng nakakaloko.

"Trabaho lang kuya." Sagot niya.

"Ikaw talaga, ang kulit mo. Hindi ko kilala ang lalaki. Bakit ba ang kulit ng lahi mong bubwit ka?"

"Haist! Ano ka ba? Hindi mo kilala si Lorenzo Andrews? Matunog kaya ang pangalan niya sa business world. Hayan o! Tignan mo." Itinaas niya ang hawak na tablet. Isa itong artikulo tungkol sa naturang lalaki. Nanlaki ang mata niya nang mapagtanto kung gaano ka-tanyag ang lalaking sinupladuhan niya kanina.

"E ano naman kung mayaman siya? Public office ito kaya dapat pantay ang trato sa lahat." Kinakabahang depensa niya.

Naningkit naman ang mata ng babae. "As a public servant, kailangang maayos ang pakikitungo mo sa lahat... regardless of social status. Tama ba? Ayos! Pwede kong gawing scoop ito. Paano ba makitungo ang mga tao ng gobyerno sa mamamayan nito?-"

"Hep! Hoy bubwit! Tigilan mo nga ako. Kapag iyan lumabas sa dyaryo-"

"Ano?" Nang-aasar na sabi ng babae.

"Maggi, anak ng! Nandito ka pa rin?" Isang pulis ang lumapit sa kanya.

"Sir! Paalisin niyo na nga ito. Kanina pa nang-iistorbo." Sabi ng lalaki na tila nakahanap ng kakampi. Palihim siya ng napangisi nang hindi nakatingin ang babae.

"Officer Lopez naman, ginagawa ko lang ang trabaho ko. Kailangan kong makakuha ng interesanteng balita. Teka, bakit nga ba nandito si Lorenzo Andrews?"

Biglang nag-iba ang awra ng pulis at nangunot ang noo nito.

Nang makabawi sa narinig ay kaagad siyang sumagot.

"Nagrequest siya ng mga pulis na magbabantay para sa event na dinaraos sa kanyang mall. Kaya siya narito ay para pag-usapan ito."

"E sa pagkakaalam ko, on-going na ngayon iyon ha! Bakit nandito siya sa halip na mag-supervise doon?" Nanghihinalang tanong ni Maggi.

"Marami siyang tao na gagawa 'non para sa kanya. Aist! Ang dami mong tanong Maggi. Doon ka magpunta sa Crystal Mall kung gusto mo na may maibalita."

Hinawakan si Maggi ng pulis na kausap. Hindi na siya nakapalag pa nang hilahin siya palabas ng presinto.

"Officer Lopez naman." Naka-pout niyang sabi. Alam niya na kapag ang lalaki na ang nagpalayas sa kanya'y wala na siyang magagawa pa.

Binitawan lang siya nang makalabas na sila. Iniwan siya nito at bumalik na sa loob.

"Lorenzo Andrews... ano nga ba ang maaari kong maisulat tungkol sa iyo?!" Hindi niya maalis ang tingin larawang lalaki aa kanyang tablet.

***
"Hindi na ako magpapaliguy-ligoy pa. Gusto kong makita ang suicide note ni Merian Felipe." Direktang sabi ni Renzo.

Chief Paulino Cristobal remains silent while staring at him.

"The woman of your life's suicide note." Deretsahang saad niya.

"So you still remember me?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Renzo. Ang buong akala niya ay nakalimutan na siya ng hepe. Hindi siya ang nakipag-usap para sa dagdag na seguridad ng kanyang mall sa araw na ito. Ngunit nang mapagtagpi ang mga detalye na siya ang head ng police station na hahawak sa security operation, na ang istasyong ito ang humawak sa searching operation ni Merian noon at ang nagtago ng mga iniwan ni Merian ay nagmadali siya para puntahan ito. Sa tulong ni Alvin ay nalaman niya ang tungkol sa pagkaka-konekta ng lahat.

"Iho, maaari ko bang kalimutan ang lalaking halos isang beses sa isang linggo ay laman ng presintong ito noon? Akala ko nga mapapariwa na ng tuluyan ang buhay mo. But look at you now." Bakas sa tinig ng hepe ang kagalakan at pagmamalaki.

"Its nice to see you again, Cristobal... pulis palito. Akala ko ba magiging notorious killer ako o kaya'y kawatan?" Biro ni Renzo. Hindi man nagbago ang ekspresyon sa mukha ay nagagalak siyang makitang muli ang pulis na noon ay palaging humuhuli at tinatakasan niya.

Napahalaklak ang lalaking kausap. "Ikaw talagang bata ka. Hindi na ko mukhang malnurish ngayon."

"I know. Kung kailan ka tumanda saka naman tumikas." Nagbibiro pa ring sagot ni Renzo. Napangiti siya ng ilang sandali pagkatapos ay muling sumeryoso.

"Pasensya na hepe pero mabalik tayo sa request ko. Matutulungan mo ba ako?"

"Pinangungunahan na kita, mahirap nang kalkalin ang sinasabi mo lalo na at isa itong suicide case at naganap ilang taon na ang nakalilipas."

Mababanaag ang pagkadismaya sa kunot-noong mukha ni Renzo.

"Bata, alam mo ba na isang malaking gulo ang maaaring maganap kapag nalaman ng iba na hinuhukay mo ang bagay na ito? Aware ka naman siguro na may lumalabas na balita tungkol sa mag-amang Felipe. Malakas ang bulungang may kinalaman ito sa sa nalalapit na eleksyon. Anong buwan pa lang ngayon? Disyembre... mas pinaghahandaan pa iyan ng mga pulitiko kaysa sa Pasko."

"I just want to check it. Please help me" Renzo plead.

"Sige, nang mapanatag na rin ang iyong loob. Give us time para maghanap. Sa dami ba naman ng cases, tatapatin na kita... hindi ko alam kung mahahanap namin ito kaagad o kung saan na nailagay."

Panandaliang nabuhayan ng loob si Renzo nang marinig ang unang mga salita ng hepe subalit nawala ring agad ito. "Sana gawin mo ang lahat para mahanap ito!"

Tumango naman kaagad ang hepe bilang assurance.

"Aasahan ko iyan. You are a man of your words, noon pa man, Cristobal." Paniniguro niya.

"I need to go. Thank you for the time" he added. Tumayo siya at nakipagkamay sa pulis saka naglakad patungo sa pintuan.

Hindi pa man niya nabubuksan ang pinto nang pigilan siya ng hepe.

"You are not the only person who went here and asked for the note."
Napalingon siya kaagad sa hepe. "Sino pa?!"

"Marami, may mga reporters pa nga at pulitiko na siguro naghahanap ng butas sa kalaban nila. Kaya nga kung maaari ay ayaw na naming i-entertain ang tungkol sa case na iyan. May nagpatunay na noon na sulat-kamay nga iyon ng anak ng dating senador."

"Hepe, pakiusap lubusin mo na ang pagtulong. I want to know who they are."

"Ano pa nga ba? Ikaw talagang bata ka. Naisip ko na baka may mali nga sa mga nangyari. Pero kapag napatunayan nating tama ang ginawang report ng pulisya, stop right there and go on with your life."

Napagtanto ni Renzo na nahulaan ng hepe ang mga nasa isip niya. At na kaya niya gustong makita ang sulat ay dahil sa posibilidad na hindi nagpakamatay si Merian.

"Siguro kaya hindi ako makawala sa nakaraan ay dahil may hindi tama. Please help me find the truth."

"Nang makapagpatuloy na nga ako sa aking buhay ng walang alinlangan at pangamba sa dibdib. I want to try again... Live and love." Bulong ng isip ni Renzo na tila sinasang-ayunan ng kanyang puso.

***
Reya's POV

Pagpasok pa lang ng sasakyan ko sa loob ng parking area ay iba na ang aking pakiramdam. Shit! Halos puno na ng sasakyan dito. Saan ako magpapark?

Umabot ng ilang minuto bago ko maipwesto ang aking sasakyan. Inantay ko pa na umalis ang isang outing van. Napakamot ako sa ulo. That man is so insane! Ang daming arte, bakit may event pang nalalaman?

Wearing an expensive sandal, branded bag and black dress, taas-noo akong naglakad papasok sa loob ng mall. Napangiwi ako nang tumambad sa akin kung gaano karami ang tao. Doble o triple sa normal na araw. Kung pwede lang sanang hablutin sila isa-isa at itapon sa labas. Ang sakit sa mata na makakita ng mga mag-anak na nagdi-display ng kung paano sila kaperpektong pamilya, magbabarkadang tambay sa mall kaysa pumasok, naglalandiang magsyota at kung sinu-sino pa.

I am about to move nang may kung sino ang bumangga sa aking likod. Nilingon ko ang taong ito at pinanlisikan ng mata.

"Sorry po." Maarte at malakas na paumanhin ng babaeng may mahabang buhok na halos tumakip na sa buong mukha niya. She's holding her phone which I think an expensive brand. Plastic!

Handa na akong singhalan siya pero inunahan niya ako. "Sa susunod kasi, kapag alam na dadaan ako, tumabi-tabi na. Puwede ba?" mahina niyang pagpaparinig sabay hawi sa buhok niya na para bang ang ganda-ganda niya.

"Aba't!-"

Bumibuwelo pa lang ako ng sasabihin ay nilayasan na niya ako. Bwisit na babaeng ito! At dahil ako si Reya Clemente, nagmadali akong sundan siya at nakahanda na kamay ko na sabunutan ang maarteng babaeng nagmamadaling maging bente kahit menor de-edad pa lang. Halata sa make-up niya 'noh. Ilang hakbang na lang ang pagitan namin ngunit nang paghinto niya ay siya namang pagtigil ko rin.

"Daddy! Where have you been ba?" maarteng tanong ng babae.

Natuod ako sa kinatatayuan. Wala na akong pakialam sa babae, natuon ang aking atensyon sa lalaking tinawag niyang ama. May mga kasama pa silang mga lalaki na tiyak na kanyang bodyguards. Pati ba naman ang taong ito ay nandito? Bago pa man makalingon ang kanyang demonyong ama ay tumalikod na ako kaagad.

Naikuyom ko ang kamao habang pinipigilan ang sariling makagawa ng mas malaking eskandalo. Hindi ko na alam kung saan ako dinala ng aking mga paa. I need to get away from the sight of this evil man. Pumasok ako sa isang glass door nang hindi tinitignan ang signage kung ano ba ang nasa loob nito.

"Sorry pero sarado kami ngayon." Tinig ng isang lalaki. Mula sa pagkakayuko ay napaangat ang aking ulo. Halos sabay kaming napatitig ng lalaking abala pala sa pagpapakain ng isang asong mukhang askal. He is Silver.

"Nah, hindi naman ako costumer. Makikiupo lang." Makapal na kung makapal ang mukha. Naupo ako sa sofa at naihilamos ang dalawang kamay sa aking mukha. Hindi ko pinansin ang nagtatakang mukha ni Silver.

Naalala ko na naman ang nakita kanina. He's here. Gustung-gusto kong lumabas at magpakita... pero ang kalahati ng utak ko ay pinipigilan ako. Ano ba ang dapat na gawin? Hinding-hindi ko malilimutan ang ginawa sa akin ng lalaking iyon.

Napapikit ako habang pinipilit na pakalmahin ang sarili.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top