Chapter 31

Celine's POV

Bumalik ako sa table namin matapos na mapahiwalay kay Silver. He went to the comfort room so I took the chance to go back to our place. Para siyang kuya ko kung bantayan ako. Ngayon lang ulit ako nag-bar since nagkaroon ako ng sariling clinic. I have lots of friends way back to my college days. Nakakalungkot nga na isipin na ang karamihan sa kanila ay kung hindi busy sa work, mayroon ng asawa at anak. Kailan kaya darating ang aking forever?

Naabutan ko si Renzo na nakaupo lang habang mag-isang umiinom. Isa pa itong lalaking ito... we're both loveless, hay! Sad life.

Nilapitan ko siya but hindi niya ako napansin. Sinundan ko ang tinitignan niya. And my eyes landed on the girl who dance wildly in the crowd. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung sino iyon. Sigurado akong siya ng tinitignan ni Renzo. Halos mabalutan na nga siya ng itim na awra at nakamamatay ang kanyang mga titig.

"Ah- mmmmm." Hindi ko maituloy ang aking sasabihin. But seeing him like this, I just want to know somethimg.

"Re-Renzo!" Narinig naman niya ang tawag ko. Lumingon siya at inantay ang aking sasabihin.

"Do you still see her as... as my friend?" Deretsahan kong tanong. Huminga ako ng malalim at naghagilap ng maiinom. Kaonti pa lang naman ang alak na nati-take ko.

"What are you saying?"

"Si Reya. Iniisip mo pa rin ba na maaring related siya sa kaibigan ko?" Hindi ako manhid para hindi mapansin na iba ang pakikitungo niya kay Reya. Kung ginagawa niya ito dahil sa kamukha siya ng kaibigan ko, is it unfair on her part? I still don't like her because of her attitude. But I'm trying to know her more. Nang malaman kong invited si Reya, hindi ako nagdalawang isip na pumunta. Daven is a good man and may paghahalintulad kami ng profession. He even pays a visit to my clinic these past few days kaya um-oo ako. Its not only me, kami naman ni Silver ang inimbitahan niya.

I didn't hear any answer from him. Uminom lang siya ng alak. Ibinalik ko ang tingin ko sa ibaba kung saan tanaw ko siya habang nilalapitan ng mga lalaki. She seems enjoying the attention.

"Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo."

"What?" I heard him. Gusto ko lang na kompirmahin kung ano ba ang tinutukoy niya.

"Minsan, kung ano ang nakikita natin, iyon ang pinaniniwalaan natin. Nakakalimutan natin ang isang mahalagang bagay. Hindi natin malalaman kung ano ang buong nilalaman ng aklat kung hindi natin ito bubuksan."

Ang seryoso ng mukha niya. Napansin ko ang paghigpit ng hawak niya sa baso habang nakatingin sa babae. What is he trying to tell me? Na hindi ko pa ganoon kakilala si Reya para husgahan ko siya? Or I misjudged him dahil sa tanong ko sa kanya kanina? Nalilito ako.
"Maybe you saw something that I never notice from her." Pero look at what she's doing right now. Gusto ko sanang idagdag but baka may dahilan kaya ganyan siya. Nevertheless, hindi pa rin ako ganoon na nagtitiwala kay Reya. But-

"I'll try to open that book. And even read it. Hindi ko alam kung magugustohan ko but, its better than not trying at all, hindi ba?" Nakuha ko ang atensyon niya at ngayon ay napatango siya sa akin.

"K-kamusta ang kaso nila tito Roman? I heard a news 'bout it the other day." Its my chance to question himNapahawak ako sa dibdib ko sa sobrang kaba na biglang naramdaman ko. Napatingin siya sa akin at his eyes is full of questions. Bagay na hindi ko kayang tagalan kaya napadako na lang ang aking mukha sa table.

"Naghahanap pa rin ako ng ebidensya. Kaonti na lang, mailalabas ko na ang katotohanan." Mahihimigan mo ang pag-asa sa kanyang boses. Nagsalin na naman siya ng alak sa kanyang baso at in-straight niya itong ininom

"Sana nga kung ganoon. Just be careful... please."

"Naniniwala ka na ba ngayon sa akin? They are innocent. Hindi ba?"

Napalunok ako sa tanong niya. What shall I answer? Naguguluhan ako.

"Hindi ko alam. Basta sana, sana lumabas na ang katotohanan. I just want you to discover the truth since naumpisahan mo na iyan. Anuman ang maging resulta, sana umayon ito kina tito Roman... kay Merian." Another controversy about the two would be so much unfair to them.

Nag-iba ang atmosphere at natigil ang paggalaw ng mga ilaw. We're both quiet as we look at the people who finds their partner. Ibinaling ko ang atensyon sa babaeng ngayon ay kasayaw na si Daven sa saliw ng isang romantic song. May hindi ba ako alam tungkol sa dalawa?

"Are they dating?" Mas ikinagulat ko na wala na pala akong katabi. Where is he?

Sa halip, isang kamay ang nakalahad sa aking harapan. "You're done talking with him right?" Nakangiti niyang tanong. Parang ang lakas ng liwanag ng kanyang awra. Napangiti na rin ako at tumango.

"May gusto ka ba sa kaibigan mong iyon?"

Natawa akong bigla sa tanong niya. He has this serious face and I really want to pinch his pointed nose.

"Renzo is a special friend. Hanggang doon na lang iyon." Bigla akong nalungkot.

"We're here to party, hindi ba? Tara, sayaw tayo."

"Tara?" Well, ano pa nga ba. Edi sulitin ko na lang ang paglalakwatsa. Kailangan kong iwaglit sa isipan ko ang mga bagay na bumabagabag sa akin. Life must go on...

***
Reya's POV

Ang dami talagang basura sa mundo. Ang iba, pasimple kong inaapakan sa paa kapag sobra na ang dikit sa katawan ko. I even give them a death glare habang sumasayaw. And that's what I call enjoying the night. Unti-unti, lumalayo sila sa akin. Pero may mga matitigas talaga ang bungo at nakikipagsabayan sa bawat paggalaw ko. Ang sarap nga suntokin ng mga ito.

Napalitan ang tugtog at sa wakas ay nag-steady ang nakakahilong paggalaw ng mga ilaw. Ang daming lumapit sa akin para mag-alok ng sayaw. Ngunit wala akong pinansin ni isa sa kanila. Inayos ko ang buhok at inipit ang ilang hibla sa likod ng aking tainga sa paraang maaakit ang lahat. Watch me! I can turn everyone crazy for me. But I'll never let them touch me. Maglaway kayo hanggat gusto niyo.

Nahanap ng mata ko ang taong dahilan kung bakit ako narito. Kaagad ko siyang nilapitan. "Peste. Lets dance."

Halos hindi na siya makatayo ng maayos. Tsk! Ang hina naman nito. Bakas sa mukha niya ang pagkabigla nang hilahin ko siya sa gitna. "Anong ginagawa mo? Shabi na e, may gusto ka rin sha akin." Ngingiti-ngiti niyang sabi. Singkit na ang mga mata niya sa kalasingan.

"Alam mo 'yong salitang ASA? Bagay sa'yo." Inilapat ko ang mga kamay sa may balikat niya. Halos hindi ko pa nga maidikit sa balat niya ang mga palad ko. He put his hands on my waist. Katulad ko, naramdaman ko rin na halos alanganin siya sa paghawak sa akin.

"Haist! Ang baho mo."

Nagsimula kaming gumalaw ng pakaliwa't kanan.

"Ang shama mo talaga sha akin. Amoy baby kaya ak-ako. Birthday ko pa naman." Sa totoo lang natutulig na ako sa kakasabi niya ng kaarawan niya ha. Lumapit ako sa tainga niya. Mabuti na lang at mataas ang takong ko kaya't abot ko kaagad siya. Renzo is a bit taller than him. Speaking of the gago, hindi ko na alam kung nasaan ba ang mga iba naming kasama.

"Lets just say I'm giving you a gift to remember." Bulong ko na nakatingin sa isang nilalang na nasa isang sulok. Kahit hindi ko masyadong naaaninag ang mukha niya'y alam ko na sa amin siya nakatingin.

Nang makita ko na umalis ang taong iyon at nawala na ng tuluyan sa abot ng aking tanaw, kaagad akong kumalas.

"I'm tired. I'll take my seat now." Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Bakas sa pagmumukha niya ang gulat at kalituhan sa mga inasta ko. Napatango na lang siya habang inilalagay ang kamay sa likod ng ulo. Naglakad ako patungo sa counter. I saw Celine and Silver. Masaya silang nag-uusap habang sumasayaw. Madadaanan ko pa nga sila.

Ngumiti ako kay Celine nang mapatingin siya sa akin. I tried to be friendly sa lagay na 'yan. Hindi ko mawari ang kanyang titig. Tiyak may ibang ibig sabihin ang mga mata niyang iyon. Nagkibit-balikat na lang ako.

"Give me the hardest." Utos ko sa bartender. I sat at the high chair and waited for the guy to give my order. Ilang minuto lang naman ang hinintay ko. Mataas ang tolerance ko sa alcohol kaya't malakas ang loob ko. Sa ilang gabi ba naman na ito ang laman ng aking sikmura everytime I feel deppressed. Ilang taon akong nagkaganyan.

Namalayan ko na lang na lumapit si Daven. Naupo siya sa tabi ko at umorder ng pareho sa akin. Lasing na lasing na ang lalaking ito.

"Hoy! Uuwi ka pa." Wala sa loob na sabi ko.

Tinungga ko ang alak na order ko at pinabayaan lang siya na nakatungo. Baka mahimasmasan mamaya. Sinundan ko ng tingin sila Celine at Silver na pabalik na sa pwesto namin kanina.

"Bumalik ka na lang kaya doon. Naroon ang ibang bisita mo." Nguso ko sa direksyon nila. Wala akong narinig na response mula sa peste. Um-order ako ulit ng drinks. This time, mukhang tinatablan na ako. May kaonting hilo akong naramdaman matapos gumuhit sa aking lalamunan ang matapang na likido.

"You know what?! Kailangan mo ng umuwi." Sita ko kay Daven nang umabot na sa ilang minuto at ganoon pa rin siya sa ayos niya. He is murmuring something that I could not understand.

"Shige. O-oo. A-shyaw iya shakin." Iyan lang ang narinig ko sa kanya. Pagkatapos ay tumayo siya at nagpasuray-suray.

"Guys. We need to go na." Sulpot naman ni Celine kasama ang lasing na ring si Silver. "Kailangan ko ng iuwi ito." Umiiling pa niyang sabi. 'Nyemas itong mga lalaking ito. Sila pa ang pahirap.

"Sige pards. Alis na kami. Happy birthday." Paalam ni Silver kay Davin. Straight pa naman ang pananalita pero halatang hilo na. Tumango siya sa akin. Then hinawakan siya ni Celine nang akmang maa-out of balance siya.

"Alis na kami. Happy birthday na lang ulit. Pakisabi na lang kay Renzo, nauna na kami. Nagpunta kasi siya ng CR." Baling ni Celine sa akin. Nalilito na ako sa relasyon ng mga taong ito. I thought nagkakaintindihan na sila ni Renzo, ba't mas close sila nitong Silver? Whatever.

Iniwan nila kami. I am about to stand up para bumalik sa pagsasayaw but I saw Daven heading to the exit. Napahawak ako sa buhok ko. Hinanap ng mga mata ko si Renzo pero ni anino niya ay hindi ko makita. Sa halip iba ang taong nakaagaw ng aking atensyon. Siya na naman habang sinusundan ng tanaw ang lalaking palabas.

Kinuha ko na lang ang mga gamit na pinatago ko. Binigay din sa akin ang paper bag na naglalaman ng regalo ni Celine. Haist! Ang dami ko ng bitbit!

Kung anong ayos sa loob ay siya namang kabaligtaran sa labas. Ewan pero masama ang kutob ko sa mga tambay sa tabi-tabi.

Saan naman kaya sumuot ang lalaking iyon? Napadpad na ako sa kung nasaan ang aming mga sasakyan pero wala siya. Hanggang sa may marinig akong ingay.

"Pre, ibigay mo na lang ang wallet at cellphone mo."

"Tama, nang wala ng masaktan dito."

Nakakita ako ng dalawang pangit na lalaki sa madilim na parte. Naroon din si Daven at nakasandal sa pader. Nakatungo lang siya habang nakaharap ang dalawa sa kanya.

"Don't tshkstehb... me."

Bullshit! Hindi ko na maintindihan ang sinasabi ng peste. Haist! Iwanan ko na lang kaya siya?

"H-hindi-"
Tumalikod ako para tignan ang may-ari ng boses na iyon. Siya na naman. Ilang hakbang ang layo niya at nakatakip pa sa bibig ang kanyang kamay. Kinakabahan ito at hindi malaman ang gagawin.

Great! Dahil sa ginawa niya ay lumingon sa amin ang dalawang pangit.

"Miss, hawakan mo nga." Utos ko sa babae matapos iabot ang paper bag. Ngumisi ako saka lumapit sa mga lalaki.

"Boys. Hindi ba kayo nahihiya sa ginagawa niyo? Kung masaklap ang buhay niyo, ba't hindi na lang kayo pakamatay?" Halos matawa ako sa sinabi ko. Pinariringgan ko yata ang aking sarili.

"Miss biyutipul, huwag kang makialam dito." Tumaas ang kilay ko sa sablay niyang Ingles.

"Pre, ang ganda! Mukhang mayaman."

"Ikaw naman mukhang dukhang unggoy." Nababagot kong sagot.

"Aba't! Matapang ka ha!" Before his dirty hand lands on my face, nahuli ko na kaagad ito. Inangat ko lang ng kaonti ang mukha ko ay napaatras na ang isa na hindi ko hawak.

"Matagal na!" Sigaw ko saka binitawan ang maruming kamay ng pangit. Pagkatapos sinuntok ko sa mukha. Kasabay ng pagbagsak ng jacket na nakasukbit sa balikat ko ang pagkakaupo niya dahil sa suntok ko. Napahawak siya sa kanyang pangit na mukha.

Napapaatras ang isa pang pangit habang humahakbang naman ako palapit sa kanya. Pinapatunog ko pa ang mga kamay ko.

"Sibat na tayo p're!" Sigaw niya saka tumakbo palayo. Naitulak pa niya ako dahil sa mismong gilid ko siya dumaan. Sumunod ang lalaking sinuntok ko at nag-init ang ulo ko nang banggain din niya ako at halos ma-out of balance pa nga ako. Mataas ang heels ko!

"Aaarrgghhh!" I shouted. Gusto kong habulin sila kung hindi lang sa mga suot ko ngayon.

"Kasalanan mo itong lahat." Paninisi ko kay Daven na nakatulog na yata. Nakaupo na siya sa sahig. Lumapit ako sa kanya at niyugyog ang kanyang balikat.

"Tsk!"

Hinanap ko ang bulsa niya para hagilapin ang susi ng kanyang sasakyan. "Come on, pinapahirapan mo talaga akong peste ka." Bubulung-bulong ko habang naghahanap.

Nang makuha ko na ang aking kailangan ay agad akong tumayo.

Tinalikuran ko siya at nilapitan ang babaeng simula pa kanina ay nakamasid na sa lalaki.

"Oh." Abot ko sa susi. Halos mabitawan niya ito sa sobrang panginginig ng kanyang kamay.

"A-anong gagawin ko rito?"

Kainin mo. "Marunong kang mag-drive? Kung hindi, maghanap ka ng ibang paraan. Basta ikaw na ang bahala sa lalaking iyan." Utos ko sa babaeng waiter.

"Ha? Sandali."

"Miss! alam kong magkakilala kayo. Ikaw na ang maghatid sa kanya. Kapag ni-rape ka, magdemand ka ng kasal." Naglakad na ako palayo ng hindi hinihintay ang sasabihin ng babae. Nilagpasan ko ang aking sasakyan at nagsimulang bumalik sa loob ng bar. Ayoko pang umuwi. Nais kong magpakalasing pa. Naupo ako sa isang bakanteng table at um-order ng beer sa isang waiter na naka-cowboy outfit.

Narinig ko ang pagsinghap ng mga malalanding babae sa katabi kong table. Nakatingin sila sa likod ko at nagpipigil ng tili.

Naramdaman ko na lang na may umupo sa tabi ko. I smell his perfume and my eyes automatically roll.

"Ang pogi!" Narinig ko pang sigaw ng isa sa mga babae.

"Ows, pogi raw. Doon ka na nga lang umupo." Utos ko kay Renzo. Nagulat ako nang makitang lukot ang shirt niya. Magulo at basa ang buhok at mukha ng pawis. It doesn't made him look disgusting but actually cool.

Uminom na lang ako ulit ng beer. Lasing na yata ako, kung anu-ano na nakikita ko. Narinig kong muli ang bulungan ng mga babae sa tabi habang pinagpapantasyahan ang lalaki. Dagdag sila sa noise pollution.

"Will you fucking shut up!" Ang daming lumingon dahil sa aking sigaw. "What?!" Taas-kilay kong tanong. Nag-iwas naman kaagad sila ng tingin. Naramdaman ko ang paglapit ng isang bouncer sa likod namin.

"Bakit ba kasi nandito ka?" Paninisi ko kay Renzo.

Nagkibit-balikat lang siya. Kumuha siya ng isang bote ng beer at ininom ito. Pagdako'y nagsalita siya. "Because you're done with your show."

May kinuha siya sa katabing upuan. Binalot nito ang isang itim na jacket sa likod ko. I immediately recognize the said jacket.

"Paano mo ito nakuha?" Naalala ko na, nahulog ko ito kanina at nakalimutan na damputin. "Wait! Nandoon ka kanina sa labas?" Aba't hindi man lang nagpakita ang gago.

"Shhh. I'll answer you. But before that, answer my questions first. Iniiwasan mo ba ako?

"Of course not! Now answer me. Anak ng tipaklong naman o, kahit hindi ko na pala tinulungan ang peste na iyon kanina."

"You've been helping him the whole time around, right?"

Napatitig ako sa kanya na tinapatan din niya ng titig. I can't take it anymore. Mag-iiwas na sana ako nang magsalita siya.

"Kapag umiwas ka ng tingin, isa lang ang ibig sabihin nito. Hindi mo matanggap na ang sinabi ko ay totoo."

"What do you mean? Akala mo ba natatakot ako?" Napatuwid ako ng upo at sinuklian ng nag-aapoy na titig ang lalaki.

"At kapag nagawa mong tumingin ng deretso sa mga mata ko sa loob ng sampung segundo, nangangahulugan lamang na totoo ang sinabi ko." Halos manigas ako sa narinig. He cornered me. Halos walang pinagkaiba ang mga options niya. Bwisit!

Napangisi siya, a devilish smirk that made me curse him. "Gago!"

"She's Sophia."

"Sino naman 'yang Sophia? Girlfriend mo?" Tanong ko na hindi siya tinitignan.

"Nandoon ako kanina. I've watched everything you did. Sophia's one of Davin's wives." Hindi ko maiwasang hindi maitago ang pagkagulat. Ang landi talaga ng peste!

"Ano siya? Muslim?"

"No. But as you can see, they're having a complicated situation. Wala ako sa posisyon para ikuwento ang buhay ni Davin."

Great. Tama ang hinala ko. Kaya dito nag-celebrate ng birthday niya ang peste ay dahil gusto niyang makita ang Sophia na iyon. Napansin ko na ito since makita ko ang tingin niya sa babaeng waiter. Parang mga tanga. Halata namang gustong makita ang isa't isa, 'di na lang mag-usap kaysa magtitigan kapag hindi nakatingin ang isa.

Natigil ako sa pag-iisip nang biglang maramdaman ko ang isang kamay sa aking ulo. "What are you doing?!"

"You did a great job Reya."

Gusto kong alisin ang kamay niyang humahaplos sa aking ulo pero hindi ko magawa. Sinabihan niya ako na tama ang aking ginawa? Kakaiba sa pakiramdam. He's patting my head like a dog! Nais kong iuntog ang sarili dahil hindi ko magawang magalit, instead... Its  comforting.

"Pero hindi ko gusto ang paraan mo." Sabay ng pagbawi niya sa kanyang kamay. Napasimangot ako.

"Ano bang pinagsasabi mo? Nabo-bore na ako kaya gumawa ako ng paraan para i-entertain ang sarili ko 'noh."

Hindi ko siya narinig na sumagot. Napahawak na lang ako sa aking buhok. Naku naman! Makauwi na nga lang kaysa kausapin ko ang isang ito. He's a kin observer. I need to be careful on my actions. Tumayo na lang ako.

"Where are you going?"

"Uuwi na." Walang ganang sagot ko. Inayos ko ang suot na jacket saka lumabas. Hindi na ganoon ka straight ang paningin ko sa daan pero kaya pa naman. Nakarating ako sa aking kotse.

Teka? Bakit bukas ang dala kong bag? Masyadong occupied ang utak ko at hindi napansin na nakabukas ito. Sigurado naman akong nakasarado ito nang kunin ko kanina bago sundan si Davin.

Hinalungkat ko ang loob para hanapin ang aking susi. What the!? Hindi ko makita. Pati ang wallet ko nawawala.

Shit! Posible kayang?

Biglang may humawak sa wrist ko. "Ano na namang problema mo Renzo?!"

Wala siyang sinabi. Inilagay niya sa kamay ko ang isang pitaka at susi na hinahanap ko.

"Paanong!?"

"Be careful next time. Remember this... hindi ka isang superhero na kayang gawin ang lahat."

Iniwan niya akong halos mapatulala. Gusto ko nang lumubog sa kinatatayuan ko!

"I am not a superhero! At hindi ko ginawa iyon para tumulong! I'm just bored." Hindi siya nag-abalang huminto o tumingin sa akin. As in deretso siya sa pag-alis.

Hayop na mga lalaking iyon! Siguradong sila ang nagnakaw ng gamit ko kaya nila ako binangga kanina.

Pagkapasok ko sa loob ng kotse ay tinanggal ko ang sandal na suot ko. Kanina pa sumasakit ang aking paa kakalakad.

Napatingin ako sa mga hawak kong gamit na muntik nang mawala. Naalala ko ang lukot na damit at pagod na hitsura ni Renzo.

"Tsk! Sinong nagpapaka-superhero sa amin ngayon? Kaya nagkaganon ang hitsura niya dahil hinabol niya ang mga pangit na magnanakaw para mabawi ang gamit ko?" Bubulung-bulong kong sabi habang pinapaandar ang sasakyan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top