Chapter 3 Foe
Reya's POV
Nakababa na ako sa ground floor at tinungo ang lugar kung saan naka-park ang aking kotse.
Napansin ko ang isang anino mula sa likuran. Umarte ako na parang walang nakita. And in just few seconds, biglang may umakbay sa akin at nagtutok ng baril sa may tagiliran. Nakasuot ito ng maong na jacket kung saan nakatago ang baril.
"Huwag kang kikilos ng masama kung ayaw mong barilin kita." Bulong niya sa tainga ko. Bullshit! Ang lapit ng bibig niya sa tainga ko. Yuck!
Sobra ang pagpipigil ko para sipain at tadyakan ng pa-ulit-ulit ang lalaki hanggang sa malumpo ito. No, kailangan kong magtiis. I need to know kung sinong may pakana nito.
"What do you want? Money?" Mahinang tanong ko. "Sabihin mong hold-up ito nang mabanatan na kita." Bulong ng utak ko.
"Sumama ka sa'kin." Utos ng hayop.
So someone's behind all this. I'll find out.
Sa di kalayuan ay natanaw ko ang isang security guard ng mall.
"Lakad. Huwag kang sisigaw o magpapahalata sa gwardya kung hindi patay ka." Hinigpitan pa nito ang hawak sa akin. Mukha na siyang nakayakap. Shit talaga! Nanginginig na ang mga tuhod ko, hindi sa takot kundi sa pinipigilang galit. Kailangan kong sumunod sa kanya, sa ngayon...
Bahagya kong inangat ang aking ulo paharap sa lalaking may hawak sa akin. Diniinan nito ang baril sa balat ko.
"Sa daan ka tumingin." Utos niya. Maghintay ka lang, babawi ako sa'yo. I want to take a glimpse of his ugly face pero hindi ko makita ang mukha niya dahil sa suot niyang sumbrero.
Nilampasan lang kami ng gwardya. The heck! Hindi ba marunong makiramdam ang pulpol na gwardyang ito? Tinandaan ko ang pagmumukha niya, ipapatanggal ko siya pagbalik ko.
"Lumapit ka sa kotse mo at buksan mo ito." Bulong na naman nito sa tainga ko.
Pinilit kong sundin ang sinabi niya kahit nagsisigaw na kumontra ang utak ko. Nang makalapit kami sa kotse ay dumating ang dalawa pang lalaki. Tahimik akong sumunod sa kanila.
Nagsilbing driver ang isa samantalang pinapasok ako sa passenger's seat. Nasa gitna ako ng dalawang pangit na mama. Bullshit!
"SAAN NIYO BA KO DADALHIN! SINO BA KAYO HA! URRRGHHH!" Nagsimula nang lumabas ng highway ang sasakyan. Idinaan ko na lang sa pagsigaw ang matinding galit na nararamdaman ko ngayon. The mere fact na katabi ko ang dalawang pangit na ito ay nakakakulo na ng dugo. Damn! Damn!
Tinapat ng lalaki ang baril nito sa sentido ko. "Ang dami mong tanong. Manahimik ka na lang diyan." Tinignan ko siya ng masama, iyong tipong sagad sa buto. Ikaw ang uunahin ko mamaya.
Nanahimik na lang ako para pakalmahin ang sarili. Not yet time.
KRINNGG! KRINNGG!
Naistorbo ang katahimikan sa loob dahil sa nag-ri-ring na phone. Its mine. No one dares call me. Not even John though siya ang isa sa iilang nakakaalam ng phone number ko.
"Patayin mo nga 'yan." Utos sa akin ng lalaki sa kabilang side ko. Wala itong karapatang utusan ako.
Dahil matigas ang ulo ko, kinuha ko ang cellphone mula sa bag na aking dala. Mariing nakaabang ang dalawa sa gagawin ko.
Hindi pa rin ito natigil sa pagtunog.
Walang anu-ano'y sasagutin ko na sana ang tawag nang hawakan ng lalaking may baril ang kamay ko. Hinawi ko ang kamay nito. Kanina ka pa ha!
"Ay put*...!" Galit na sigaw nung may hawak ng baril.
"Kailangan kong sagutin ito. Wala akong sasabihin sa nangyayari ngayon" Walang emosyong sabi ko. Wala lang. Feel ko lang sagutin ang tawag.
Tinangka niya pang kunin ang cellphone na hawak ko kaya nasiko ko siya. Sapul ang pagmumukha niyang pangit.
"Aba't!"Sigaw ng kasama niya kasabay ng pagsampal nito sa aking mukha. Shit! Dadagdagan pa nito ang galos ko ha. Kaya naman siniko ko rin siya . Its enough! Napupuno na talaga ako sa mga ito. "Sabi nang sandali eh!"
Nang mag-ring ulit ang phone ay inagaw ko ang baril na hawak ng lalaki.
"Bwisit ka, ang lakas mo pala." Manghang sigaw ng inagawan ko ng baril
"Tahimik! Alam niyo kanina pa ko nagtitimpi sa inyo eh ha." Nag-iba ang ihip ng hangin, ako na ngayon ang may hawak ng baril. Natigilan ang dalawa habang pasulyap-sulyap ang nagmamaneho.
"Kayong dalawa, umusog kayo. Huwag kayong didikit sa'kin." Nakita ko ang paggalaw ng isa palayo sa akin nang tinutok ko sa kanya ang baril. Pero yung sumampal sa akin kanina ay tinangkang agawin sa akin ang baril. Nabigyan ko tuloy siya ng isa pang siko sa bandang ilong.
"Ano!? Gusto mo pa?" Galit kong tanong. Napailing ang lalaki.
"Alam niyo bang kanina pa ko atat na atat na gulpihin kayo. Pero mamaya na lang." Dagdag ko pa.
"Ikaw, wag kang tumigil sa pagmamaneho. Dalhin niyo ako sa amo niyo." Utos ko sa driver habang nakatututok sa kasama niya ang baril. Tssk... amateurs.
Bumaling ako sa nagri-ring pa rin na phone. Sino ba kasi itong istorbong to? Number lang ang nakarehistro sa screen. Sinira niya ang plano kong magpakadamsel muna habang di ko pa nakikita ang amo ng mga pangit na to.
"HELLO!" pasigaw kong sagot. Ramdam ko ang gulat sa mga kidnappers.
"Good evening din Miss Clemente." Nang-aasar na sagot ng boses lalaki sa kabilang linya.
"Who are you? Pano mo nakuha ang number ko?" I asked. Iyan ang gusto kong malaman. Obviously, kilala ako ng tumawag. Magpapalit na nga lang ako ulit ng bagong numero.
"Lagi mo na lang akong kinakalimutan Reya."
"What the! Maghanap ka ng kausap mo." I have a hint kung sino ito. Pinatayan ko na lang siya. Hindi ba niya alam na busy ako? Istorbo.
Namalayan ko na lang na nakahinto na pala ang sasakyan.
"Uh? Nandito na tayo? Ba't nakatanga lang kayo?" Bwisit na mga 'to, pinanonood lang ako. Kung ako ang amo nila, uunahin ko silang torture-in.
Mabilis silang nagsibabaan. Ah iiwan nila ako gan'on? Kala ko naman kung matapang sila. Anong klaseng kidnappers ang mga ito? Nagpapatawa ba sila? Pabalya kong sinara ang pinto ng aking sasakyan.
"Tara!" Sabi nung nakasumbrero. Hahawakan na niya sana ako nang tapikin ko ang kamay niya. Now he's acting fierce, jusmiyo.
"Aray ko. Ikaw kanina ka pa ha! Baka gusto mong makatikim sa'kin?" Obvious na nagtatapang-tapangan lang siya.
"Ikaw ang kanina pa! Alam mo bang hindi ako nagpapahawak sa sa kung sino lang?" Sabi ko sa kanya matapos ko itong suntukin sa mukha. Bumagsak siya sa lupa at mukhang nawalan ng malay yata. Gulat na gulat ang mga kasama nito.
"Hoy, kayong dalawa, dalhin niyo na ko sa amo niyo. Masyado na tayong nagtatagal dito. Iwanan niyo na yang kasama niyo. Magigising din yan." Malay ko bang lalampa-lampa siya. Isang suntok pa lang tumba na.
Nagkamot ng ulo yung isa habang ang isa naman ay tarantang naglakad papasok sa loob ng abandonadong building.
"Bakit ang tagal niyo? Nasaan na yung babae?" Inis na tanong ng isang babae. Siya kaya ang amo ng mga damuhong to? Mukhang siya.
"A-andito po" Sagot ng isa. Tumabi siya para makita ako. Nasa likod kasi ako nito.
"Oh." Nasambit ko na lang. Hindi ko ini-expect na siya ang makikita ko. What a waste of time.
"Well, nagkita ulit tayo." Nilapitan niya ko at nagpaikot na parang kontabida sa isang corny na palabas.
"Malamang pinapunta mo ko rito eh." Nang-aasar kong sagot.
"What! Anong pinapunta?"
"Kayo... di ba sabi ko kidnap-in niyo? Takutin niyo?" Nagkamot ng ulo ang mga pinagagalitan niya.
"Eh Madam, ganun nga po ginawa namin. Kaya lang hindi niyo sinabing malakas pa kay Pacquiao 'yang babae e. Kami ang ginulpi." Oh nakabalik na pala si kidnapper na nakasumbrero. Ang laki ng blackeye niya haha.
"Haay... para kayong mga clown. Makauwi na nga." Small time lang ang mga ito, I don't know if its a gang, syndicate o grupo lang ng siraulo sa kanto.
"Ha anong sabi mo? Hindi ba pumapasok sa utak mo kung anong pwedeng mangyari sayo ngayon? Ang tapang mo ha."
Napangisi ako sa narinig.
"Hindi mo ko kilala my dear. Baka ikaw ang hindi nakakaalam ng kalagayan mo ngayon." I am serious.
"IKAW!"
Tinangga niya akong sampalin pero mas mabilis ako. Hinawakan ko ang wrist niya.
"AH.. ARAAAYYY! Bitawan mo ko."
Talagang diniinan ko ang hawak sa kanya.
"Ito ang mapapala mo Miss Tabatchoy sa pagpapadukot sakin." She's the woman from yesterday - iyong maraming fake na kulurete sa katawan.
"Kayo! Hoy kayo! Bakit ayaw niyo kong tulungan? Walang hiya! Bakit nanonood lang kayo?"
"Anong nangyayari dito? Hon, bakit mo ko pinatawag? May transaksyon pa naman ako ngayon." Another man entered the room. A short guy who is bald. May dalawa pa siyang kasamang malalaking mama'.
Nagpumiglas ang matabang babae sa pagkakahawak ko. Napansin ko ang pag-angat ng baril at pagtutok sa akin ng isa sa mga kasama ng bagong dating. Iniwan ko pala sa kotse ang lahat ng gamit ko, maski ang baril na inagaw ko kanina. Truth is, I don't know how to use a gun. Maybe its time to learn how. Masyado itong malayo sa akin para masugod. Binitawan ko na lang ang babae to get ready for anything that might happen. I am outnumbered.
"Hon! Iyan yung sinasabi kong namahiya sa akin kahapon! Tuturuan ko siya ng leksyon. " Parang batang sumbong nito. Ackk! Nakakasuka sila.
"Its not my fault kung sa aking teritoryo mo naisipang maghasik ng kagagahan. Totoo naman ang mga sinabi ko hindi ba? FAKE!" Pang-aasar ko sa kaniya. Ngunit sa kabilang side ng utak ko, kinakalkyula ko kung paano lalabanan ang mga ito. Seven versus one? Seems difficult yet exciting.
"Haist! Bakit ba kasi ang hilig mo sa pekeng alahas Hon. Binibigyan naman kita ng pambili." -Singit ng lalaki. Ngunit hindi niya natapos ang sasabihin nang magsisigaw ang kaniyang matabang asawa.
"AHHHH! Walang hiya ka! Tuturuan talaga kita ng leksyon! Hawakan niyo yan!"
"Sa-sandali." Pigil ng lalaking tinatawag niyang Hon. Para itong nakakita ng multo.
"Anong sandali? Bilis hawakan niyo siya!" Utos naman ng babae.
Hindi ko pinansin ang paghawak ng mga lalaki sa magkabilang braso ko. Mamaya na kayo. Nakatitig lang ako sa asawa nitong tabatchoy na matamang nakatitig sa din sa akin, na para bang hindi makapaniwala. I've never seen him before but he seems to know me. Curiousity is all over me.
"Felipe... Merian! Merian Felipe!?" Bulalas nito. That's it. Another person calling me the daughter of the late senator.
"Hon, anong pinagsasabi mo?"
"Hindi ito maaari! Patay ka na!"
"So kilala rin pala niya si Merian Felipe" I murmured. Nauumay na ako sa pangalang 'yan.
Ang sandalling katahimikan ay nabasag nang magkaroon ng malalakas na serena.
"Ano yun?"
"Pulis!"
"Walangya bakit may pulis? Hon, tara na!" Hinila nito ang asawa na tila natuod na sa kinatatayuan. Maging ang mga alipores nito ay di magkandaugaga sa gagawin.
Nanatili akong nakatayo ng ilang segundo, thinking of what to do. Gusto ko silang habulin at pag-uuntugin. Tssk hindi pa ko nakakabawi sa mga ito.
Until something caught my attention. I'm sure nakakita ako ng taong naka-bonnet sa labas ng bintana. Nasa ground floor lang naman kami ng abandonadong building at kahit madilim sa labas, hindi kagaya dito na may ilaw ay kita ko pa rin ng malinaw ang tao.
Tumakbo ako patungo sa direksyong dinaanan ng mag-asawa. I don't know why, instinct maybe.
Hindi pa man ako masyadong nakakalayo ay napatigil na ko sa pagtakbo.
They're dead...
Nakahandusay na sa sahig ang duguang katawan ng mga ito.
Nanatili lang akong nakatayo. Walang emosyon o kahit anong reaksyon.
Hanggang sa may humawak sa aking kamay.
"Are you okay?" Tanong niya pero hindi ko ito pinansin.
"Shit! Sinong gumawa nito!?" Gulat niyang tanong nang makita ang mga bangkay.
***
Renzo's POV
Nakita ko ang lahat...
Kanina, paglabas ko ng mall ay nakita ko si Reya na papunta ng parking area. May nakaakbay na lalaki sa kanya. I want to confront her for ignoring me yesterday. Marami akong inasikaso buong araw pero hindi nawala ang inis ko sa ginawa niyang pagbaliwala sa invitation ko.
Naningkit ang mata ko nang may dumating pang dalawang lalaki at pinasakay siya sa sarili niting kotse. She's in trouble.
Hindi naman pwedeng wala akong gawin. Tinawagan ko kaagad si Jean, my secretary para kunin ang numero ng police station. Tumakbo ako papunta sa kotse ko para habulin ang sasakyan.
I even called her, nagbabaka-sakali na malaman kung maayos ba siya o humingi ng ransom ang mga kidnappers. I got her number through Jean during the time I asked her about the profiles of all the employers and occupants of my mall.
"HELLO!" Sigaw nito. Nawala ang mumunting kaba sa aking dibdib, mukhang okay lang siya.
"Good evening din Miss Clemente." Kalmado kong sagot. Naghihintay ako ng sign na kailangan niya ng tulong.
"Who are you? Pano mo nakuha ang number ko!" Galit niyang tanong. Nakabuntot lang ako sa kotseng sinasakyan nila.
"Lagi mo na lang akong kinalilimutan Miss Reya."
What the! Maghanap ka ng kausap mo." Pinatayan niya ako. Mas mukhang galit ito kaysa natatakot. Kakaiba talaga.
Pumasok sa gate ng abandonadong building ang kotse. Ipinarada ko sa labas ang aking sasakyan, sa lugar na abot sila ng aking paningin. Sa kabilang sulok ng utak ko'y tinatanong ko ang aking sarili kung ano nga ba itong ginagawa ko rito? Kailangan ko ba talagang mangialam?
My phone beeped once. I received a message from Jean... its the police station's number. Napahinga ako ng malalim. Tinawagan ko kaagad ang numero.
Mukhang maiinvolve ako sa isang gulo tonight. Sorry Merian...
I promised you. Pero mukhang masisira ko na naman ang pangako ko.
Matapos mag-report ay kaagad na akong bumaba ng sasakyan. Hindi ako pwedeng maghintay lang dito.
***
I am so surprised to see Reya punching one of the kidnappers and she even commanded them.
I couldn't imagine Merian doing the same thing. Hindi marunong makipag-away si Merian. But if the same situation happened to her, gugustuhin ko nang makita siyang ganyan.
I was surprised to see the customer na nakaaway ni Reya kahapon. Siya pala ang may pakana ng lahat. Naapakan nito ang pride niya. Gusto kong puntahan at sisihin si Reya. Ito ang epekto ng ugali nito.
Nagtago ako sa isang sulok at naghintay ng mga mangyayari. Ang tagal naman ng mga pulis. Hindi ako dapat magpadalus-dalos, baka mapahamak lang kaming pareho. Sa nakikita ko, she can handle the situation... not until a man with two guards came in.
I was ready to help her...
Pero natuod ako sa kinatatayuan nang marinig ko ang apelyidong inusal ng lalaki...
"Felipe..."
Bumilis ang tibok ng aking puso. Anong nangyayari?
"Merian! Merian Felipe!?"
Kilala niya si Merian!
" Hindi ito maaari! Patay ka na!"
Halos patakbo akong lumapit sa kanila, hearing her name, I badly want to ask the guy how and why he knows her. May nalalaman siya.
Pero biglang nagkagulo dahil sa pagdating ng mga pulis.
Tumakbo ang mag-asawa palayo sa lugar. Nahati ang isip ko, gusto kong ilayo si Reya dito but at the same time, gusto kong habulin ang dalawa. Alamin kung bakit niya kilala si Merian. Sa hitsura pa lang niya kanina, tiyak na mayroon siyang sikretong tinatago.
Reya suddenly ran. Sa direksyon ng dalawa siya papunta. Tumakbo rin ako kasunod niya. Hanggang sa huminto ito. Kaagad kong hinawakan ang kamay nito.
"Are you okay?" Sinsero kong tanong. Hindi siya sumagot. Nasaan na yung tapang niya kanina? Napabaling ako sa tinitignan niya.
"Shit! Sinong may gawa nito!" Nanlumo ako sa nakita.
★★★★★★
Yes! Natapos ko rin ang chapter 3. Hope you enjoyed reading. Pinaghirapan ko po ito maski di kagandahan. Sorry for wrong grammars.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top