Chapter 29
Hi Miss AteShaiLaiM ! Thanks po sa review. Hindi ko pa naa-apply ang mga ito pero naka-note na lahat. I just want to finish the story first but unti-unti, i-edit ko siya :).
-------------
Reya's POV
" Tara na. Bibili ako ng aso."
Dere-deretso akong lumabas, mabibilis ang hakbang at 'di alintana ang hitsura na mayroon ako ngayon.
Nang nasa kalsada na'y naramdaman ko ang isang kamay na pumigil sa akin sa pagtawid.
"What are you doing?! At saan mo balak pumunta?" Hinihingal niyang tanong. Nakalimutan ko na may kasama pa pala ako. I am so occupied na nawalan na ko ng pakialam sa paligid ko.
"Uuwi na. Umuwi ka na rin." Sagot ko saka inalis ang kamay niya. Para naman akong nagbitaw ng mga salitang hindi katanggap-tanggap dahil sa kanyang reaksyon. Mukha siyang hindi makapaniwala sa mga narinig niya. Akala ko nga umuwi na siya kanina.
"Pagkatapos kitang hintayin, ganyan ang sasabihin mo? God, I wasted my time for this damn-" Inantay ko ang kanyang sasabihin ngunit wala akong narinig. Nakatingin lang siya at galit na galit ang mukha. May kaonting guilt na namuo sa aking dibdib pero nangingibabaw ang aking galit sa mga nangyari kanina. Henry tried to kill the sick old man... nakakatawa at halos nais ko nang sugurin sa lungga niya ang matandang hukluban. I still have damn three weeks to enjoy, bakit bigla siyang magpaparamdam? How dare him!
"Ano?! Ha ituloy mo! Wala kang alam sa nararamdaman ko ngayon! Wala kang alam sa mga nangyari! If you think you wasted your precious time... so-sorry!" Pareho kaming natahimik. Gulung-gulo na talaga ang utak ko! Hindi ko malaman kung ano ba ang dapat na sabihin. All I know is I am still thankful to him dahil kung hindi niya ako pinilit na magpunta ngayon, baka nga pagsisihan ko ito habambuhay. Marami na akong bagay na pinalampas, mga pagkakataong pinakawalan. Kaya't napakahalaga ng sandaling ito. I saved someone's life.
"Pwede ka ng umuwi. Pasensya na sa abala. S-salamat na rin." Mahinang sabi ko.
Bakit kahit na gaano pa kabigat ng nararamdaman ko'y 'di ko magawang lumuha? Ang bigat sa dibdib na wala ka ng ibang gustong gawin kung hindi ilabas ang galit na ito. Pero hindi ko alam kung paano.
Ayokong marinig ang sasabihin niya kaya't tinalikuran ko siya at akmang tatawid ng nakayuko nang bigla niyang hablutin ang beywang ko. Ang bilis ng mga pangyayari, naramdaman ko na lang na nasa gilid na naman kami ng kalsada. Napasubsob ako sa kanyang malapad na dibdib. Isang motorsiklo ang mabilis na dumaan sa gilid. Kung hindi niya ako hinila ay tiyak na nabundol na ako.
Naririnig ko ang kanyang malalim na paghinga at mabilis na pintig ng puso. Napapikit ako habang sinasamyo ang mamahalin niyang pabango. All my worries vanished. Mas epektibo yata ang ganito kaysa yumakap ng aso.
Ngunit ilang segundo lang ang lumipas nang makabalik ako sa realidad. Kumalas ako sa kanyang pagkakayakap. Hay! Nababaliw na talaga ako. Kung anu-ano na ang naiisip at nagagawa ko.
Agad akong tumalikod. Nawalan ako ng sasabihin o gagawin. "I'm s-sorry." Tila nalilitong sabi ko. Shit! Ano ba ang pinagsasabi ko? Parang naalog pa lalo ang utak ko.
"It's the third time." Sabi niya na mas lalo pang dumagdag sa kalitohan ng utak ko. I'm clueless.
"You apologized for the third time around." Nakangiti niyang paliwanag. Gusto ko ng bawiin ang mga sinabi ko. Uminit ang aking pisngi, dala lang siguro ng maalinsangang panahon.
"At dahil diyan, pinatatawad na kita. Let's go. Bibili pa tayo ng aso." Kinuha niya ang kamay kong hanggang ngayon ay hawak pa ang cellphone na ginamit ko kanina.
"You scared me a while ago." He's murmuring and I could not understand what's his saying.
Imbes na intindihin ang anumang sinabi niya, naalala ko ang ginawa ko kanina sa tauhan ni Henry. I lied, it wasn't a weapon but just an old style cellphone. Wala akong makalkal kaya itong cellphone na lang ang ginamit ko. Tanga rin 'nong lalaki dahil naniwala siya na may kutsilyo o balisong ako. Hindi lang pala pamato sa piko ang gamit nito, pwede ring panakot sa tao.
Sumama na lang ako kay Renzo dahil napapagod na ako, baka mag-away na naman kami. Hindi ko na malaman ang gagawin, all I want is something to lessen this burden, pwede na siguro ang aso.
"Ma-may bukas pa kaya ngayong pet shop kahit gabi na?" Tanong ko na nagpatawa sa lalaki.
"Aba! Baka mamaya niyan wala naman na, uuwi na lang ako." Depensa ko.
Hindi siya sumagot. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kanyang kotse. Nakatunganga na pala ako nang hindi ko namamalayan. Kailangan pa niyang igalaw ang mukha niya para sabihing pumasok na ako sa loob.
"Maghanap tayo." Pahabol niya bago isara ang pinto at pumihit sa kabila.
Nang makalabas ng tuluyan ang sasakyan ay bigla siyang nagsalita habang naka-concentrate sa pagmamaneho.
"Kung hindi mo mamasamain, anong nangyari sa iyo doon kanina?"
"Wala." Mabilis kong sagot. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang sarili sa salaming nasa harap. Ang gulo ng buhok ko. Agad kong hinanap ang aking suklay. Pati ang kamay ko ay biglang kumirot na nagpatigil sa akin sandali sa paghalungkat. Nakakainis! Tiyak na dahil ito sa tingting na tumusok sa akin kanina.
Hindi na siya nagsalita pa pero may pakiramdam ako na naghihintay siya ng malinaw na sagot. "Naligaw ako at nadapa sa may gamit panlinis."
Wala akong narinig na sagot sa sinabi ko. Bahala siya riyan kung maniniwala o hindi. Natawa ako ng mag-isa nang may sumagi sa utak ko. Ikinalingon naman niya ang paghalakhak ko.
Kahit hindi magsalita ay tiyak na nagtatanong ang mga mata niya.
"Ang sarap pala ng may driver." Nang-aasar na sabi ko. I did it on purpose. First, para asarin siya, second para madala siya na kasama ako and third para ilihis ang usapan.
"Don't worry, ikaw ang magda-drive mamaya." Mula sa ngiti ay naging pagsimangot ang rumehistro sa aking mukha.
"Mas madali kung magko-commute na lang ako. Marunong akong mag-taxi." Protesta ko.
"Baba na." Bigla niyang inihinto ang kotse. Napangisi ako bago bumaba.
***
"Ito ang mas bagay sa iyo." Hindi maipinta ang mukha ko nang marinig ko ang kanyang nakakairitang boses. Ang buong akala ko iiwan na niya ako kanina! The heck! Naghanap lang pala ng mapagpaparkengan at pinauna na ako sa isang pet shop na nasa tapat lang ng tinigilan namin kanina.
Tinignan ko ang tinuro niyang aso. Malaki at maitim ito. Hindi pa ko tuluyang nakakalapit nang kaholan ako ng aso. Huminga ako ng malalim at halos umusok na ang ilong na tumingin kay Renzo.
"Ewan ko sa'yo!"
Iniwanan ko siya at napadpad sa may aquarium. Kapag isda ang binili ko, hindi kaya'y pagdadamputin ko ang mga 'yan at sakalin kapag galit ako? Animal cruelty ang bagsak ko kung ganoon. Saka malangsa ito, hindi pwede.
Nakakita ako ng mga kuting, pero sumagi si white lady sa isip ko. Baka isipin niya gaya-gaya ako ng alaga. Ibon? Hindi naman pwedeng maging katabi sa pagtulog ko.
"Sigurado ka bang kaya mong mag-alaga ng hayop?" Nanghihinalang tanong ni Renzo.
"Anong akala mo sa akin? Duh! May katulong na ako sa bahay kaya may maglilinis ng dumi nito." Pagmamalaki ko. Napatawa naman siya sa sinabi ko. Tinaliman ko siya ng tingin. Nagkunwari siyang naubo saka namulsa.
"Napapadalas yata ang pagtawa mo. Baka ma-miss mo ako kapag nawala ako." Napahawak ako sa bunganga ko. Bakit nagiging padalus-dalos ng bibig ko?! Tinalikuran ko siya at nagpunta sa pwesto ng mga aso.
"I actually DID. Ikaw, bakit nagsinungaling ka?" Lumapit siya sa akin kaya napaatras ako.
"Sabi mo, babalik ka na, umabot pa ng isang linggo." Parang nagtatampong sabi niya. Ito ba ang tinutukoy ni Daven noong sinabi niyang nagtatampo si Renzo? Sa akin ba dahil ang tagal kong hindi nagpakita kahit nag-text ako na babalik na ako soon?
Nag-iwas ako ng tingin at lumuhod sa isang nilalang na nasa kulungan. Wala itong pakialam kahit may nakatingin na tao. Ang sarap ng higa nito. Mas tamad pa yata sa akin ang asong ito e.
"Hey! I'll get this." Sabi ko habang tinuturo ang munting aso. Katamtaman lang ang laki, malago at mahaba ang puti niyang balahibo. A chit zu's not bad. Kaysa naman doon sa kanina na mukhang lalapain ako.
Tumango siya subalit nakikita ko ang maraming katanungang bumabagabag sa kanyang hitsura ngayon. Parang nais niyang magsalita na hindi.
Kung ganyan ang ipaparamdam niya sa akin, baka hindi ako mahirapan sa pinapagawa nila Henry. Maaari ko siyang paikotin. Oo, parang magagawa ko. I can sense that he's starting to trust me. Hindi ako bulag para hindi mapansin ang pagbabago niya sa pakikitungo sa akin. Nararamdaman ko na nakikita niya ang sarili niya lalo na sa puntong ito na nalaman niya ang sitwasyon namin ng aking ama. Hindi ko ito sinadyang mangyari. Ni hindi ko nga alam na aabot kami sa puntong ito na magkasama.
"I am the kind of person who breaks promises Renzo. Ginagawa ko ang maisipan ko at iniiwanan ang mga tao kahit walang dahilan." Banta ko ng hindi nakatingin. Tumayo ako para puntahan ang may-ari ng tindahan na nasa bandang unahan. Hinayaan lang niya kaming maglibot, hindi man lang nag-assist.
Iniwasan ko na siya pagtapos. Nang makuha ang aking bagong alaga na nasa kulungan niya ay binitbit ko na siya palabas. Tahimik lang si Renzo na nakasunod.
"Sa tingin ko magta-taxi na lang ako." Paalam ko sa kanya.
"Ihahatid kita." Mariin niyang sagot. Iniwan niya ako at nagsimulang maglakad kung nasaan ang kanyang sasakyan. His silence made me confused... parang pinapapili ako kung susunod ba ako sa kanya o hindi.
Tsk! Nagsimula akong kumilos palapit sa kanya. Marunong akong makiramdam kahit pa palagi akong umaarteng walang pakialam. In fact alam ko ang tama sa mali, ang mabuti sa masama, kagaya ng lahat ng tao. Hindi lang nila maamin sa sarili nila na mali sila o masama na ang ginagawa nila. O 'di kaya'y mas pinipili nilang maging ganoon sila... kagaya ko.
Hindi ko mapigilan ang sarili sa paggawa ng mali sa paningin ng mga taong nagpapakainosente sa mundo. I am a bad person because I want to act that way rather than doing what is right. Pero sa loob ng tatlong linggo, I want to be someone better than before. Ang tanong, kung magawa ko kaya? O mas maganda kung sumunod na lang ako sa kapalarang binibigay sa akin? May chance pa akong maka-survive kung gagawin ko ang sinabi ni Arthur. Ano ba dapat, ang tama o ang mali? Tsk! Bahala na.
"Ako ang magda-drive." Alok ko kay Renzo.
***
Malalim na ang gabi nang makarating na kami sa wakas ng aking bahay. Kagaya ng sinabi ko, ako ang nagmaneho. I never gave him the chance to talk nang nasa biyahe kami. O hindi rin niya nais na makipag-usap? Sa labas lang siya nakatingin buong biyahe.
Kinuha ko ang bago kong alaga na hanggang ngayon ay hindi ko pa nabibigyan ng pangalan. Pagkatapos ay deretso baba na.
"Thanks" halos hindi ko mabanggit. Tumakbo ako kaagad papuntang gate ng hindi lumilingon. Mabuti na lang at maagap ang bago kong katulong dahil pinagbuksan niya ako kaagad nang pinindot ko ang button sa gilid.
Nagmadali ako sa pagpasok at para akong hinahabol sa kaba. I can't remember anymore the last time I thanked a person. Ngayon na lang ulit. Ni hindi ko na siya inalok na pumasok at kahit ang alukin siya ng pagkain. I am rude, I know it. Bahala siya riyan. Marami siyang pagkain sa bahay niya.
"Ma'am Reya, ayos lang po kayo?" Natauhan ako sa tanong na ito ni Manang. Hindi ko siya pinansin at nagderetso na ako kaagad sa loob.
Para akong busog pa rin kaya hindi na ako nakapaghapunan. After cleaning myself, I lay down on my soft bed. Ngunit napabangon ako muli at kinuha ang aking alaga na tahimik lang na nakahiga sa lapag. Binuhat ko siya papunta ng kama. Magkatabi na kami ngayon at talagang tinulugan ako ng loko. Pinakain siya ni Manang kani-kanina lang. Hinahanapan pa nga niya ng dog food. E sa nakalimutan kong bumili! Ewan kung saan siya humagilap ng ipapakain. Uutusan ko na lang siya bukas na mamili.
"Come lazy creature." Sabi ko bago ko siya iusod sa tabi ko. I hugged him so tight. Wala namang pakialam ito sa ginawa ko. Mukha ngang napaka-comfortable niya sa bisig ko.
"I need to give you a name right?" Para na ba akong tanga dahil kinakausap ko siya? Tsk! Wala akong pakialam!
"Hmmm... Yo. Tutal tamad ka naman, Yo na lang para madali lang dahil maikli." I said then closed my eyes.
"Dito ka lang sa tabi ko ha. Huwag mo akong iiwan." Hindi ko mawari kung naisatinig ko ang mga salitang iyan o sa isip ko lang. Antok na antok na ako at ang alam ko lang iba't ibang imahe ng mga pamilyar na tao ang nakikita ko sa aking isipan. Hindi ko masyadong maulinagan ang kanilang mukha pero kilala ko sila.
I badly miss them...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top