Chapter 28

Reya's POV

1. Party
2. Pet
3. Father
4. Food
5.

Wala na akong nagawa kung hindi ang sumama kay Renzo. Magmula nang makabalik kami sa kanyang kotse ay hindi ko na siya kinibo. Inabala ko ang sarili sa pag-type sa cellphone ng mga idinagdag ko sa listahan ng gagawin ko bago pumanaw.

Hanggang sa marating namin ang ospital...

Nakahinto na ang sasakyan ngunit wala sa amin ang kumilos. Hinayaan lang ako ni Renzo na manahimik at mapatitig sa malayo.

I can do it. Bakit ako matatakot na harapin siya? Nais kong pagalitan ang sarili sa mga kinikilos ko. Dapat palagi akong matapang, walang katakutan, walang pakialam sa damdamin ng iba!

Pero... pero anumang oras maaari na akong mawala. Nakatanim na sa utak ko iyan. Kaya magpapakabaliw na nga lang ako! Tinanggal ko ang seat belt na suot at kaagad lumabas. Nakasunod lang sa akin si Renzo.

Dumeretso ako sa Information Desk para hanapin kung nasaan ang matanda. Itinuro sa akin ang daan papunta sa isang mini garden daw na nasa likod ng hospital. Doon daw siya nagpapalipas ng oras ngayon.

Maliliit ang mga hakbang na tinahak ko ang daan. Habang papalapit ay iniisip ko na kung ano ang sasabihin ko sa kanya.

Hanggang sa mapahinto na lang ako nang matanaw ang taong pakay ko. Nakaupo siya sa wheelchair, naka-dextrose, bumagsak na ng tuluyan ang katawan at namumutla na ang balat.

Nasa ilalim siya ng punong hindi ko alam ang pangalan. Mapuno sa lugar at malamig ang hampas ng hangin. Maraming halaman at may grotto sa gitna. May nurse na nakaupo sa bench na katabi niya.

Napahawak ako sa katabi ko nang akala ko ay matutumba ako sa pagragasa ng kabang nararamdaman ko. Nagtatalo ang utak ko kung kakausapin ba siya?

"Go. Hihintayin kita sa loob." Hindi ko malaman kung bakit lumakas ang aking loob sa sinabi niya? E para namang hindi ito moral support.

Bumitaw ako ng kapit sa braso niya. Mahina niya akong tinulak sa likod. "Ikaw!" Sa bigla ko ay halos sikuhin ko siya. Tumango siya para ipahiwatig na maglakad na ako palapit sa lalaking nakatingin sa amin.

Hindi niya man lang hinintay ang sagot ko, naglakad siya pabalik sa loob.

Nandito na 'to.

Lumapit ako sa aking ama. Kaagad tumayo ang nurse na bantay niya kaya kami na lang ang natirang tao rito.

Hindi ko alam kung paano magsisimula. Parang wala siyang balak magsalita. Napaupo ako sa pwesto ng nurse kanina saka sinilip siya. Walang reaksyon ang kanyang mukha. Sinundan ko ng tanaw ang kanyang tinitignan. Ang grotto na nasa harapan.

"Buhay ka pa pala." Pagsisimula ko. Aba, iyan ang lumabas sa bibig ko.

"Malapit na." Mahinang sagot niya. Pati ang boses niya'y napakatamlay. Napaismid ako saka sinabunot ang kamay sa ulo.

"Alam mo ba kung anong pinagdaanan ko bago magdesisyong pumunta rito?"

Its a mental torture at hindi ko alam kung bakit sinasabi ko pa iyon sa kanya.

"Hindi ka na lang sana pumunta iha. Wala kang responsibilidad sa akin. Our bond was already cut long time ago."

Nais kong matawa. "I am responsible for the bills." Nang-aasar na sagot ko. Hinintay ko siyang magsalita, na ipagtanggol ang sarili niya o manumbat. Ilang segundo na ang nasayang pero wala siyang sinabi.

"Alam mo bang sa ating dalawa, ako ang lumalabas na mas masama? Kung alam lang nila kung anong klase kang tao... ama at asawa. Hindi sa nagmamalinis ako, I'm just stating a fact." Pigil ang galit na sumbat ko. Naalala ko kung paano ko siya sigawan noon sa maraming tao. Oo ginawa ko iyon, tinrato ko siya na parang basura. Ngunit walang may alam kung bakit, ako lang.

"Talaga ba? Wala na akong magagawa diyan." Mahina niyang sagot. Hindi siya makatingin sa akin. Pareho kaming nakatingin sa harap. Nahihimigan ko ang kawalan niya ng pag-asa.

"Mayroon!" Napataas ang boses na salungat ko.

"Mabuhay ka pa. Kailangan mo pang pagbayaran ang mga kasalanan mo."

Dito siya napaharap sa akin, ngunit nagbulag-bulagan ako. Hindi ko siya magawang lingonin.

"I can see a different person now." Manghang komento niya.

"What? I'm still the bad girl you've known." Natawa siya sa sinabi ko.

"Nasa huli nga talaga ang pagsisisi. Kung kailan wala ka ng magawa sa mga nangyari na." Bigla niyang sabi. Hindi ko mawari ang koneksyon ng sinabi niyang ito sa sinabi ko. Subalit puno ng panghihinayang ang boses niya.

"The damage has been done. Nawala ang asawa mo. Wala ka ng magagawa para ibalik pa iyong panahon na dapat ginugol mo para sa mga taong ito. Pa-papa." Halos hindi ko mabigkas ang salitang ito. Narinig ko ang pagtawa niya. Bakit hindi ko mahimigan ang pait, panghuhusga, galit o kaya'y pangugutya? Its a pure laugh, sa halip, kasiyahan ang naramdaman ko sa bawat halakhak niya kahit na hirap na hirap dulot ng kanyang sakit.

"Baka atake-hin ka niyan, sabihin ako pumatay sa'yo." Babala ko sa kanya.

"You really called me father. "

"Ha-ha. Hindi ko rin maintindihan kung bakit. Tawanan mo na 'ko dahil last na 'yon." Pang-aasar ko.

"Hindi si Arthur ang kasama mo." Bigla niyang iniba na naman ang usapan.

"Bakit mo naman siya hahanapin?" Paglilihis ko na ma-topic si Renzo.

"Dahil siya ang lagi mong kasama noon pa man. Siya ang dahilan kung bakit nangyari ang lahat."

"Huwag kang magpatawa, kahit gaano iyon kademonyo, ikaw pa rin ang puno't dulo kaya nagkanda-letse ang buhay mo. Lumapit ka sa kanya, tanda mo?" Dapat maintindihan niya ang gusto kong sabihin.

"O siya, pare-pareho tayong masama rito. Its everyone's fault!" Pagsuko ko. Inaamin ko naman na nagpakasama ako. Nakakatawa, nagagawa kong magsalita ng ganito sa harap niya.

"Tama ka." Sang-ayon naman ng matanda.

Hindi ako makapaniwala na ganito ang kahihinatnan ng aming pagkikita. Akala ko mahihirapan akong makipag-usap sa kanya. Na hindi ko masasabi ang mga saloobin ko... na sa huli lalayasan ko siya dahil hindi kami makakapag-usap ng maayos. Na malalaman ko na lang na patay na siya sa mga susunod na araw at lumisan siya na wala kaming matinong closure. Oo matino na kami sa lagay na ito.

Huminga ako ng malalim. "Anong plano mo?"

"Hindi ko alam. Kapag nagpa-dialysis ako, deretso na iyon. Walang assurance na makayanan ko ang bawat session."

Nag-isip ako ng sasabihin. "Ikaw ang magde-desisyon niyan."

"Iha, huwag kang mag-alala. Sinabi ko naman sa iyo na wala kang obligasyon sa akin."

"Aba, hindi ako nag-aalala. Tsk! Bakit nga ba ako narito in the first place?" Nag-inat ako at naghikab. Habang tinatakpan ng bunganga ang kamay ay sinilip ko siya ng hindi ginagalaw ang ulo, mata lang. Nakangiti siya sa kabila ng maputlang mukha.

I guess I'm done. Tumayo ako at nagpagpag ng mga invisible na dumi sa damit ko.

Our bond will never lost. He gave me my name.

"Alisin mo ang takot mo Reya. Kahit hindi mo sabihin, nararamdaman ko iyon lalo na nang makita mo ako kanina. Kung ano man ang nangyari sa mga buhay natin, sabi mo nga kasalanan natin iyon. May oras ka pa, kung hindi kayang itama ang mga nangyari, baguhin mo ang lahat. Iha, pinapatawad na kita."

"Nag-sorry ba ako? Ginusto natin ang mga nangyari noon. Ngayon kung nagsisisi ka, wala ng magagawa iyon. Nangyari na." Naupo akong muli. Alam kong alam niya ang pinagdaanan ko.

"Alam mo bang wala ng mababago o maitatama?" Nanginig ang kamay ko. Sa kanya pala ako mag-oopen ng problema ko.

"Kahit pilitin ko, hawak na ako sa leeg ng organisasyon. Naiintindihan mo ba iyon? Baka nga mauna pa ako sa iyo. Haist. Bakit ko nga ba sinasabi ito?!"

"Reya, mag-iingat ka. "

Hindi ako makapaniwala sa narinig. Sinabi ba niya talaga iyon o nagdedeliryo na siya?

Sumilay ang ngiti sa aking labi. Pero bago pa man siya makalingon ay sumersoyo agad ako.

Natanaw ko ang kanyang nurse na papunta na sa aming pwesto. May kasama pa siyang isang lalaking nurse na nakasuot ng mask. Lumapit sila sa amin.

"Ma'am kailangan na pong bumalik ni Sir sa loob." Paalam ng babaeng nurse.

Dito ko namalayang malapit nang magtakip-silim. Napahaba yata ang usapan naming dalawa.

Pinagmamasdan ko ang matandang tila mas maaliwalas na ang mukha kaysa kanina. Napadako ang mga mata ko sa lalaking magtutulak ng wheel chair.

Nakausad na sila ngayon at mga likod na lang ang aking natatanaw. Nakataas ang mga kilay na nakasunod ang mga mata ko. Ang nurse na 'yon, ang weird ng kilos niya. May kakaiba sa tingin niya sa matanda at ang higpit ng kapit sa wheel chair. May mali...

"Sandali!" Pigil na habol ko. Nang makarating sa kanila ay agad kong tinabig ang lalaking nurse.

"Sasama ako." Puro pagkagulat ang naging reaksyon nila sa inasta ko. Napabukas pa ng bibig ang matanda.

"Gusto kong makita ang kuwarto mo tanda. Bakit masama?" Pagtataray ko.

Pagbalik namin sa loob ng hospital ay hindi mahagip ng mga mata ko ang taong kasama kong nagtungo rito. Nasaan kaya si Renzo? Umuwi na sana ang gago.

I swear, nahuli ko ang matalim na titig ng nurse na kasama namin sa akin. Nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis.

Nang maipasok na si tanda sa kuwarto at maibalik siya sa higaan ay agad na lumabas ng silid ang lalaking nurse. Bago ako lumabas ay sinilip ko muna ang matandang nakapikit. Nakatulog na yata.

"Fight, Gerald Clemente." Hindi ko alam kung paano ako nagkalakas ng loob na sabihin ito. Ang lakas ng pintig ng aking puso at tila nanlamig ang aking mga kamay.

Isang ngiti ang sumilay sa wala ng kulay na labi niya. Kung ganoon, narinig niya ako. Tuluyan ko ng nilisan ang kwarto at matapos kong maisara ang pinto, napansandal ako rito habang hawak ang tapat ng aking puso. Hindi makapaniwala sa mga nasabi at ginawa ko.

Ngunit ilang sandali lang nang may maalala ako. That man...

Kaagad akong kumilos para hanapin ang taong iyon. Tinahak ko ang mahabang pasilyo, nakasara ang mga pinto at ang daming pwedeng likuan. Bwisit! Saan? Saan ko siya makikita?

Tumakbo ako sa kung saan-saan hanggang sa mapunta ako sa tapat ng ICU. Naligaw na yata ako. Hindi ko alam kung saan-saan na ba ako lumulusot. Napadpad na rin ako kung saan puro bata ang pasyente.

Baka nakalabas na? Agad akong kumilos para bumalik sa pinanggalingan ko kanina nang sa wakas ay mamataan ko siya. Makakasalubong ko pa nga siya. Halos mapahinto siya sa paglalakad nang makita akong nasa gitna ng dadaanan niya.

Inayos niya ang hospital mask na suot at nagpatuloy sa paglalakad. Nang mapatingin uli siya ay nameywang ako at inantay na makalapit sa kintatayuan ko.

Ilang hakbang na lang, bilisan mong lalaki ka...

Subalit bigla siyang pumihit at tumakbo. Shit! Kanina pa ako napapagod sa hayop na ito!

Mabuti na lang at halos maabotan ko na siya bago pumasok sa isang kuwarto kung hindi ay matataguan niya ako.

Pagpasok ko sa loob na isa palang storage ay hahampasin na sana ako ng lalaki. Mabuti na lang at nagawa kong hawakan ang kamay niyang may hawak na tubo.

Hinila ko ang kamay niya at ihinampas sa aking tuhod para mabitawan niya ang tubo. Umalingawngaw ang ingay na gawa ng nahulog na bakal.

Saka ko siya tinuhod sa pagitan ng mga binti niya at habang namimilipit siya ay hinawakan ko na agad sa kuwelyo at tinulak sa pader. Mabuti na lang at hindi ganoon kalakas ang taong ito at kayang-kaya kong patumbahin.

"Sino ka? Hindi ka isang nurse hindi ba?" Hindi siya sumagot, kitang-kita ko sa mata niya ang sakit na dulot ng aking ginawa.

Hinila ko ang mask na suot niya at dito nakumpirma ko ang aking hinala. Ang munting liwanag na mayroon sa silid na ito ay sapat na para makilala siya.

He is one of Henry's guards. Isa siya sa mga pakalat-kalat na tauhan ni Henry noong nagkita kami sa Crystal Mall. Natatandaan ko ang pango niyang ilong at pangit na mukha.

"Anong ginagawa mo rito? Sumagot ka!"

Nandilim ang paningin ko. Pigil na pigil ang sariling ihampas ang ulo niya sa pader.

"Sabihin mo kay Henry wala siyang isang salita!" Halos pumiyok ako sa taas aking boses. Pakiramdam ko ay nanunuyot ang aking lalamunan pero wala akong pakialam.

"Sa-sandali... ang sa-sabi ni Boss, b-bantayan ko lang a-ang iyong ama."

"Tapos ano? Ipapapatay niya?! Alam ko na ang takbo ng utak ng taong iyon!" Nangigigil kong sigaw na siyang mas lalong nagpadagdag sa kaba ng aking kausap. Kitang-kita ng mata ko kung paanong manginig ang kanyang bibig pati ang gabutil na nitong pawis.

Binitawan ko siya at kahit madilim sa loob ng kwarto ay tiniyak ko na tama ang dadamputin ko.

Bago ko madampot ang tubo kanina ay naramdaman ko ang pagsugod ng lalaki. Napaharap ako at isang walia tingting ang malapit nang dumapo sa ulo ko kung hindi ko hinarang ang aking kanang kamay. Naramdaman ko ang pagtusok ng ilang tingting sa palad ko. Shit!

Sinipa ko siya sa tiyan na siyang nagpatumba sa kanya sa tambak ng gamit panlinis. Bago siya makabawi at makatayo ay may kinuha ako sa dalang maliit na sling bag.

Tinapat ko ito sa tagiliran niya nang saktong makatayo siya.

"Kumilos ka ng masama nang buksan ko itong armas ko at butasin ang tagiliran mo." Walang alinlangang banta ko.

"Sabihin mo sa amo mo na gagawin ko na ang pinapagawa niya. May ilang linggo pa ako kaya huwag siyang manira ng usapan! Huwag niya akong pakikialaman at huwag na huwag gagawan ng masama ang mga kakilala ko."

Hindi sumagot ang lalaki kaya't idiniin ko ang kamay ko sa kanya.

"O-oo." Nauutal niyang sagot.

Matapos ma-kontento sa narinig ay sinipa ko siya sa ulo kaya't nawalan siya ng malay.

Lumabas ako sa silid na nandidilim pa rin ang paningin, tinahak ang daan palabas ng hospital. Gusto kong magwala at magbuhos ng galit! Nang isang kamay ang humawak sa aking braso at pumigil sa matulin kong paglalakad.

"Saan ka nanggaling?" Ang dami kong iniisip para intindihin pa siya. What to do? Shit!

"Bakit ganyan ang hitsura mo?"

Hindi ko pinansin ang katanungan niya at nag-aalala niyang tinig. Isa lang ang nais ko sa mga sandaling ito.

"Tara na. Bibili ako ng aso." Iyan na lang ang nasabi ko. I want something to hug.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top