Chapter 27

Reya's POV

1. Party
2. Pet
3.

Hmmm? Hindi ko maisip kung ano ba ang idadagdag ko sa listahan. One word lang nilalagay ko dahil naiintindihan ko naman ang sinulat ko. Duh! Ako kaya ang gumawa.

Wala namang masama kung magpaka-normal akong tao. I want to try, gawin ang mga bagay na matagal ko nang hindi nagagawa. Pero wala akong maisip, ibinalik ko na lang ang phone sa bag. Dito ko kasi tinatype ang mga To Do List ko.Saka na lang kapag nakaisip na ako ulit.

May kumatok sa pinto at hinintay kong pumasok ang tao pero naka-isang minuto na yata ay wala pa ring pumapasok. The heck! Ako pa ba ang magbubukas?

Ilang sandali pa ay kumatok ulit ang taong nasa kabila ng pinto. "Pasok!" I shouted.

Sinamaan ko ng tingin ang lalaki nang makapasok siya. "Hinihintay mo bang pagbuksan pa kita?" Nanggigigil kong tanong. Napailing naman si John. Nagkamot pa siya ng ulo.

"Ah sorry po, iyong huling pasok ko rito napagalitan niyo kasi ako nang pumasok ako kaagad." Paliwanag niya. Mas lalong naningkit ang mga mata ko. Ako pa ngayon ang may kasalanan?

"Ano na naman 'yon?"

"May tumawag po kasi dito sa contact number ng shop. Hinahanap po kayo."

"Sino?"

"Sa St. Joseph Hospital daw po."
Ano kaya ang kailangan ng hospital? Tsk.

"Tatawag daw po ulit. Ikaw ang hinahanap kaya sinabi ko na lang na ipapaalam ko sa inyo."

"Ibigay mo ang number ko kapag tumawag ulit." Walang ganang wika ko.

Nasa opisina niya ang telepono kaya't siya ang nako-contact ng mga tao. Ayoko ngang sumagot sa mga inquiries at mang-entertain ng reklamo. Baka away lang ang maganap kapag nangyari iyon. Nagpaalam si John at naiwan akong mag-isa. Inilabas kong muli ang cellphone ko.

Tinignan ko ang nakasave na listahan. Number 4? Ilalagay ko ba? Nagtatalo ang utak ko.

Hanggang sa isang text message ang matanggap ko.

Bumalik ka sa office. Ngayon na.

Ang angas ng dating ng text ni Renzo. Nagiging pala-utos na rin siya. Kung pwede lang sanang ibato sa kanya itong cellphone kong magandang pamato sa piko e. Iniwanan kong magulo ang table ko at agad na lumabas.

"Hindi ba pinag-usapan na natin ito? Nagta-trabaho ako. Pwede ba?! Kung wala akong oras para sa inyo, iyan ay dahil gusto kong tustusan ang pag-aaral ng mga anak natin! Huwag mo akong akusahan dahil hindi mo alam kung anong ginagawa ko para sa pamilyang ito!" Pumasok si John sa kabilang pinto at malakas na binalya este sinara ito. Its the first time I saw him mad. Lagi ko siyang nakikitang nagpapasensya at sobrang mapagkumbaba.

I continued to walk, problema niya 'yan. Nang makarating sa floor kung nasaan ang opisina ni Renzo ay nagmadali akong naglakad upang malampasan kaagad ang Admin office. Ayokong makita si Enrique Agustin. Akala mo kung sino siyang concern sa ama ko. Nakakatawa namang nababanggit ko ang salitang iyan ngayon... ama.

Nagtuloy ako sa pintuan ng opisina ni Renzo matapos na tanguan lang ako ng sekretaryang si Jean.

Kumatok ako ng ilang beses bago buksan ang pinto. Nakita ko ang paglingon ni Renzo na nakaupo na naman sa harap ng lamesa niya at kaharap ang sangkatutak na papel.

But before I could fully enter the room, tumunog ang phone kong nasa aking bitbit na shoulder bag. Hinanap ko ito at nakitang isang numero ng landline ang nakarehistro sa screen.

"Hello." Sagot ko.

"Yes Ma'am, may I speak to Ms. Reya Clemente?"

"Its Reya." Tipid kong sagot sa babae.

"Ma'am, this is St. Joseph Hospital. Gusto po kayong makausap ni Doctor Reyes regarding of the condition of your father." Natigilan ako sa narinig. Parang kanina lang siya ang nasa isip ko.

Ano ba ang nangyari sa matandang iyon? Sapat naman ang binabayad ko sa hospital para alagaan siyang mabuti. Yeah, halos doon na nakatira ang aking ama. Magmula nang magpabalik-balik siya sa hospital ay mas pinili niyang magpa-confine na lang doon.

Hindi biro ang gastosin sa loob ng hospital huh. Kahit pa sabihing may benifits siya bilang senior citizen at galing sa iba pang ahensya, gumagastos pa rin ako.

"Hello Miss Clemente, this is Doc. Reyes. Hindi na ako magpapaligoy pa, lumalala na ang sakit ng iyong ama. Noong una pa lang ay sinabi ko na sa iyo na darating ang point na ito sa kondisyon ni Mr. Clemente."

Tama, matagal ko nang alam iyon. "Paanong lumalala? Hindi na ba kaya ng gamot?" Kaswal na tanong ko kahit pa naiintindihan ko naman. He has diabetes and heart disease. Malala na siya noon nang sa wakas ay mauntog at magpagamot. Terminal stage to be exact.

"Sad to say, lumalala lalo ang komplikasyon at apektado na ang internal organs niya. Lalong-lalo na sa kanyang kidney. Kailangan na niyang ma-dialysis or else wala na."

"Dialysis? Nasabi mo na ba ito sa kanya?"

"Oo pero wala pa kaming nakukuhang sagot. Sa totoo lang, ayaw na rin niyang uminom ng gamot at madalas ang paglagay sa kanya ng aparato para makahinga. Dahil sa kidney failure, nagbabara ang daluyan ng dugo sa kanyang puso."

Parang nanuyo ang lalamunan ko. Ayokong magsalita. Ano ang gagawin ko sa matandang iyon kung parang nagpapakamatay na siya?

"Mas maganda kung magpunta kayo rito Miss Clemente nang mapag-usapan natin ito ng mas maayos. At nang makumbinsi mo ang iyong ama." Gusto kong matawa sa narinig. Halos 'di ko nga dinalaw 'yon e.

"Titignan ko kung makakapunta ako. Marami akong ginagawa. If dialysis is needed, gawin niyo ito sa lalong madaling panahon. I'll take care of the bills." Nasabi ko na lamang.

Dialysis? Alam ko kung gaano ka-risky ng operasyon na iyan. Hayan na naman ang mga doktor na akala mo lahat ng sabihin nila ay tama. Matanda na ang tao, makakaya niya kaya ito? Baka dito pa lang ay malagotan na siya ng hininga.

"Miss Clemente, he needs someone right now."

"I said I'll try!" Pagtataas ko ng boses. Pero parang bumalik agad ako sa huwisyo. Natataranta lang yata ako, bakit kasi kailangan ako ang magdesisyon para sa kanya? Sa tono ng pananalita niya'y ako ang masama rito.

"Sige na Doc. May trabaho pa kasi ako." Paalam ko na lang. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at pinatay na ang phone.

Napagtanto kong nasa pintuan pa rin pala ako. Nakalimutan kong lumayo kanina. Tumingin ako kay Renzo na abala sa pagsusulat. Narinig kaya niya? Mukha naman siyang walang pakialam e. Napahinga ako ng malalim bago lumapit sa pwesto niya.

"Bakit mo ako pinaakyat dito? Nakakapagod maglakad alam mo ba 'yon?" Inis na tanong ko nang makalapit ako sa kanya. Naupo ako sa upuan sa harap niya.

Kailan ba ako magkakaroon ng magandang araw? Puro na lang problema ang dumarating.

"Hey! Your spacing out." Hindi ko maintindihan ang sinasabi ni Renzo. Pakiramdam ko na-freeze ang katawan at utak ko. Alam ko, nagsasalita itong nasa harap ko pero wala akong maintindihan.

"Reya." Hindi ang tawag na iyon ang nagpabalik sa akin sa realidad kung hindi ang pagpitik niya sa noo ko!

"Aray! Bakit mo ginawa 'yon?" Hawak-hawak ko ang noong pinitik niya. "Idi-demanda na talaga kita." Wala sa loob na naisatinig ko.

"Go on. Maghanap ka na ng abogado. Basta na-hire ko na ang pinakamagaling." Pang-aasar niya pa.

"Bakit mo nga ako pinitik?!" Ang bigat kaya ng kamay niya.

"Tulala ka. Hindi ka nakikinig sa mga sinabi ko."

"Tsk." Napasabunot ako sa buhok ko.

"Umayos ka! Parang hindi ka kumain, wala ka sa sarili mo." Sermon na naman niya.

"Hindi pa nga!" Mataray kong sagot. Kapal nito. "Hindi ka man lang inayang kumain ni Daven kanina? " Hindi makapaniwalang tanong niya.

"Bakit naman niya ako yayayain?"

"Because its already lunch time when you both left. Kaya nga kita pinayagang umalis kanina. Alam mo bang mag-aalas-dos na?"

Ang totoo, tinakasan ko nga ang lalaking iyon kanina kaya napabalik ako sa sarili kong shop.

Bakit ba ganito ang nangyari sa taong ito? Kanina, ang sungit sungit tapos ngayon naman he sounds concern?

"Ano ba ang pag-uusapan natin?" Naiinip na tanong ko. Imbes na sumagot ay tumayo siya at umikot sa kinaroroonan ko. Kinuha niya ang wrist ko at hinila palabas. Hindi na ako makaapela.

We ended up in Jollibee. Yes, lumabas kami ng Crystal Mall niya at napadpad sa pinakamalapit na Jollibee.

"Anong gusto mong i-order?" Tanong niya sa akin. Napasimangot ako ng sobra. Imagine a man in business suit and a woman in dazzling blue dress ay nasa isang normal na fastfood chain? I have nothing against this fastfood chain, kumakain ako kung saan ko gusto kaya lang mayaman ang kasama ko, hindi man lang ako dinala sa mamahaling restaurant? Kuripot yata eto e. I know it! Kaya wala siyang halos tauhan dahil kuripot siya.

Lumapit ako sa counter nang makitang wala ng nakapila. Sumunod naman siya.

I ordered chicken with rice, cheeseburger, coke float and regular sized fries. Laman tiyan din ito. Nang masabi ang aking order ay nginusuan ko siya para iparating na siya ang magbayad.

Sa totoo lang palagi kong nakakalimutang kumain. Sinipag lang ako noong naghahanda ako sa aking laban dahil kailangan ko ng lakas.

Madagdag nga sa note ko ang pagkain ng madalas?

Nang maibigay sa akin ang order ay naghanap kaagad ako ng mauupuan. Hindi ko na hinintay si Renzo na dalawang malaking fries ang in-order. Ang lagkit makatingin ng cashier e, baka magkadevelopan sila.

Wala akong mahanap na pang-isahang upuan. Nang may humawak sa braso ko at hinila ako.

"Ang daming bakante, kung saan-saan ka nakatingin." Sabi ni Renzo. Namumuro na itong lalaking 'to talaga sa akin! Sa ang gusto ko'y iyong ako lang ang uupo, walang katabi.

We ended in table that is good for four persons. Ang isa pa sa ikinangingitngit ko ay malapit pa sa salamin kung saan kitang-kita ang mga taong dumaraan sa labas. Its not comfortable here. Pero wala naman yatang pakialam ang kasama ko dahil deretso lang siya sa pagkain ng fries.

Hindi siya lumilingon kahit nag-aapoy na ang mga mata ko sa inis. Makakain na nga lang din! Parang masarap ang fried chicken e.

Halos maubos ko na ang mga pagkaing in-order ko pero wala pa rin akong narinig mula kay Renzo. In-fairness, masarap namang kumain dito. Kumagat ako ulit sa nangangalahati nang burger habang nakatingin sa labas kung saan naka-park ang maraming sasakyan.

Ano kaya ang desisyon ng matandang iyon? Unti-unting nauupos ang kanyang buhay na parang isang kandila. Ano ba ang mas mahirap? Mamatay sa sakit o dahil sa maaaring ipapatay ka?

Isang pitik na naman ang natamo ko mula sa lalaking kasama ko. Hindi siya gaanong kalakas ng gaya ng ginawa niya noong una pero...

"Bwisit naman e! Nag-iisip ang tao!" Naibulalas ko ng malakas. Alam kong nakaagaw ng atensyon ang sigaw ko pero wala akong pakialam.

"Your mouth!" Sigaw din niya sa akin. Aba, siya kaya ang may kasalanan dito.

"Hoy, hindi ako magmumura kung hindi ka namimitik diyan."

"Well... I-I'm sorry." Napaawang ang bibig ko sa narinig. Napakasincere ng sinabi niya na parang nahihiya. Nananaginip ba ako? Simula nang bumalik ako, halos puro pagsusungit ang ginagawa ng taong ito.

"Mukha ka kasing tanga habang nakatulala. Kumain ka naman na. Balak na nga sana kitang dalhin sa Mandaluyong."

Naipaypay ko ang kamay sa narinig. Sumilay ang nakakalokong ngiti niya nang makita ang ginawa ko. At natutuwa talaga siya na naaasar ako?

Kumagat ako ng burger habang sobrang sama ng tinging pinupukol sa kanya.

"Ay may LQ?"

"Ang cute nilang maglambingan."

Mas lalong tumalim ang mga tingin ko sa narinig mula sa mga tao sa loob. Gusto kong lapitan ang mga iyon. Ito namang lalaking kaharap ko, patay-malisya lang habang ngi-ngiti-ngiting nagsusubo ng fries. Tatayo na sana ako at ipagsisigawan na hindi kami close ng katabi ko.

"May kailangan tayong puntahan." Napigil ang balak ko sa sinabi niya. Halos isubo ko na ng buo ang huling piraso ng burger na aking hawak. Ito ang napagbalingan ng aking inis.

"At St. Joseph Hospital." Nabilaukan akong bigla sa sinabi niya. Inabot naman niya sa harapan ko ang coke float. Kung hindi ko lang kailangan ito'y tinapon ko na sa pagmumukha niya.

"Anong gagawin mo roon?" Maang na tanong ko. Iniwasan kong gumaralgal ang boses ko subalit ang lakas ng kabog ng aking dibdib.

"You have to visit your father, hindi ba?" Seryosong sabi niya na para bang hindi siya dapat tanggihan.

Hindi ko maigalaw ang aking bibig. The heck, I'm going to talk to that man? Ni hindi nga kami nag-uusap ng matagal.

Kung ganoon nakikinig siya sa usapan namin ng doktor kanina?
"Labas ka na rito Renzo. Wala kang alam..." Gusto ko pang magsalita pero wala ng lumabas sa bibig ko. Napakahina ng aking boses dahil ayokong marinig ng iba ito.

"Buhay ang pinag-uusapan dito. Bakit hindi ka kumilos habang may magagawa ka pa? Hihintayin mo ba na pagsisihan ang lahat ng maling desisyon mo sa huli?"

Hindi ako nakaimik. Ang lungkot ng mukha niya na parang naranasan na niya ang mga sinasabi niya.

"Masakit Reya. Sinasabi ko sa iyo... habang may magagawa ka pa, habang nakikita mo pa siya, gawin mo ang tama." Ramdam na ramdam ko ang lungkot sa mga binitawan niyang salita.

Gusto ko siyang sabihan na magkaiba ang sitwasyon naming dalawa. Na kung ang nakaraan niya ang pinagbabasehan niya ay malayong-malayo sa kung anong alitan namin ng aking ama.

Pero wala akong maisatinig. Parang anumang oras, maluluha na siya. Ganyan ba kasakit ng pagkawala ng ex niya?

"Tara na." Hindi ko alam kung para saan ang pag-aaya kong ito. Para umiwas sa mga maaari kong masabi? Nang hindi na siya makapagsalita pa ng makakapagdiin sa akin bilang masamang anak? O dahil sa mga taong tsismoso sa tabi-tabi na alam kong nakatingin?

Isa lang ang alam ko, hindi ako nag-aya para puntahan ang aking ama! Pero mali yata ang salitang sinabi ko? Parang na misinterpret yata niya ito, na sumang-ayong akong dalawin siya.

Am I ready to face him?



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top