Chapter 26

Reya's POV

"One week..." bigkas ko habang nagmamaneho ng aking sasakyan.

One week of healing. Tatlong linggo na lang ang nalalabi sa buhay ko. Mataman kong sinundan ang truck sa harapan. Dahil sa hindi ko alam kung kaya kong gawin ang lintik na misyong binigay sa akin, unti-unti kong tinatanggap na maari akong mawala na ng tuluyan.

I failed. Nagsisimula pa lang ako sa plano kong banggain ang organisasyon pero hindi ko alam kung maitutuloy ko pa ito. Ang lahat ng mga nasa isip kong gawin, nasapawan ng utos ni Arthur.

Nang makapasok sa parkeng area ay inunahan ko ang isang itim na van sa isang bakanteng area.

Napangisi ako nang maayos na maipwesto ang sariling sasakyan. Bumaba ako ng kotse. The atmosphere seems different. Parang may nagbago.

Napaangat ang gilid ng mapulang labi ko nang makita ang malaking pangalan ng mall na nasa harap ko lang.

Unang pumasok sa utak ko ang message ni Daven noon. Ang dami niyang pinagsasabi at wala ni isa ang nireplyan ko.

"Tinitibag na ang Nisia kagaya ng pano wasak ang puso ko ngayon. Kausap please!"

I still remember my reaction when I read his message. Gusto kong basagin ang phone ko sa mga kalokohan niya.

Ang dating Nisia Mall ay napalitan na ng tuluyan... Crystal Mall.

Hindi ko maintindihan si Renzo kung bakit iyan ang pinangalan niya. Ang daming mas cool at attractive, pero sa bagay, ang pangit din naman ng Nisia.

Papasok na ako nang mapansin ko ang isang malaking karaturang may nakalagay na notice to the public na nakapaskil sa may malapit sa akin. Dito nakasulat na ini-extend ang mall at na isang play area ang ilalagay dito. Sa likod naman ay patatayuan ng isang stadia named as LS Andrews Stadia.

Sa maikling panahon na nawala ako ay ang dami niya ng binago. Nagpatuloy na ako sa pagpasok. Tsk.

Wala naman palang nagbago rito sa loob. Same mall atmosphere. I need to visit my shop kung buo pa ba ito. I once contacted John and instructed him to be an acting owner for the meantime. Hindi ako basta nagtitiwala, kaya dapat matuwa siya. But, kapag may mapansin lang akong irregularities, humanda talaga siya sa akin. Nasabi ko naman na iyan sa kanya noon pa man.

Siya lang din pala ang sinabihan ko na babalik ako ngayong araw. Mariin ko ring inutos na walang dapat makaalam sa pag-uusap namin.

Pahakbang na sana ako sa escalator nang may maramdaman akong malamig na bagay sa daliri ko sa paa.

Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang matabang pusa. Bakit may pusa rito? Sino ang tangang mag-iiwan ng alaga niya sa ganitong lugar?

Sisipain ko na sana siya pero may kung ano na pumigil sa akin. I used to love animals.

Three weeks of freedom? Sige susunod ako sa agos. Gagamitin ko ang kalayaang ito ayon sa nais ko.

"Baka ilang araw na lang ang nalalabi sa akin. I should not restrain myself from enjoying this life."

Kinuha ko ang matabang pusa at hinaplos ang brown niyang balahibo. Ang amo niya. Kusang nag-arko ang akong mga labi habang karga siya. Wari'y nagpapakalma sa magulo kong isipan.

"Goldie!" Narinig kong sigaw ng isang babae. Napalingon ako at tumambad ang mukha ni white lady. Nakatingin siya sa pusa ng may pag-aalala. Dahil doon, napagtanto ko na itong pusa ang tinutukoy niyang Goldie.

Bigla kong nabitawan ang pusa. "Meow." Naglanding siya sa sahig ng safe.

Agad na tumakbo si Celine at kinuha ang pusa. "Bakit mo naman ginawa 'yon?" Kahit itago ay naramdaman ko ang pagkainis niya.

"Its a cat. Alam niyan magbalance kapag nahulog." I said. Duh, gawin bang big deal ito?

"Maski na. Its not proper." Giit niya pa. Ang OA talaga niya kahit kailan.

"Whatever" bulong ko bago siya talikuran.

"Sa-sandali. Parang ngayon lang kita nakita ulit?"

Umikot ako para tignan siya. "Yeah." Tipid kong sagot. She is wearing white clothe again, but this time hindi na isang dress.

"Doctor ka pala?"

"I'm a vet." Pagtatama niya. Gusto ko sanang idagdag na wala sa hitsura niya pero hindi ko na lang ginawa. "Nariyan lang ang clinic ko."

"Maganda 'yan." Labas sa ilong na sabi ko saka nagpaalam na.

I went to my shop and as usual, mukha na naman silang nakakita ng artista na galing pang Mars. Wala ako sa mood magtaray kaya dumeretso na ako sa office ko. Binuksan ko ang nasa ilalim ng table at kinuha ang laptop.

I opened it and searched for the latest news. Sa loob ng ilang Linggo ay wala na akong alam sa nangyayari sa paligid ko. Politics, disasters, entertainment, business world...

Napaawang ang mga labi ko nang mabasa ang isa sa top news ngayon. Tungkol ito sa eleksyon at sa mga nag-file ng candidacy.

"Francisco Mendoza" basa ko sa isa sa matunog daw na pangalan sa pagka-presidente. Ang lalaking kadikit ni Henry at minsan nang nanakit sa akin. Kung magkataon ay mapapasakamay na pala ni Henry ang buong kontrol sa bansa. How evil, akala naman niya kung madadala niya sa hukay ang pagkasakim niya sa kapangyarihan.Napangalumbaba ako habang nagbabasa.

Afterwards, nag-scroll ulit ako at napaawang muli ang ang mga labi ko sa nabasa. I clicked the article. May video na nakalagay kaya't ito kaagad ang binuksan ko.

"Nahaharap ngayon sa kontrobersiya ang matapang na blogger na nakatago sa pangalang HiddenTruth dahil sa walang takot na pagsulat ng isang artikulo tungkol sa pagkamatay ng dating senador Roman Felipe. Nakapaloob sa naturang blog na kung may sakit daw ang senador ay bakit hindi siya isinailalim sa hospital arrest? Isa pa ay nabanggit din niya na maaring my foul play sa pagkamatay ng anak niyang dalaga. Ang anak na ito'y matatandaang pinanatiling pribado sa masa ng naturang dating senador-"

Hindi ko na pinatapos ang video. Kung binubuhay nga talaga ang kasong iyan, posible kaya na may kinalaman si Renzo rito? Siya lang naman ang kilala ko na magnanais ungkatin ito. May pakiramdam ako na magugulo na naman ako ng dahil dito.

Nasa malalim na pag-iisip ako nang sa huli, naisipan kong tawagan ang gago.

"Hello." Sagot ng lalaking matagal ko nang hindi nakakausap.

"Hi Mr. Andrews, how are you?"

"Go to my office now." Iyon lang ang sinabi niya at pinatayan ako kaagad. Alam na ba niya na nakabalik na ako? Huminga ako ng malalim nang maalala lahat ng pinag-usapan namin ni Arthur.

Gagawin ko ba?

Its a tough decision. Basta ang alam ko, gagawin ko kung ano ang nasa isip ko. Not what their plan, but mine.

Inayos ko ang sarili saka humanda para harapin siya.

Bago makaliko ay nakasalubong ko ang isang matanda na pamilyar sa akin. Hindi lang naman siya ang makakasalubong ko pero siya lang ang napahinto. Nasa tapat kami ng admin office. Nakahiwalay kasi ang opisina ni Arthur, nasa bandang dulo pa.

"Miss Reya Clemente right?" Tanong niya sa akin.

"Yes. And you are?" Balik na tanong ko. Walang pinakilala sa akin noong huling meeting na dinaluhan ko kaya hindi ko siya kilala. Ang alam ko lang ay masama ang tingin niya sa akin.

"I'm Enrique Agustin. Kamusta ang papa mo?"

Tila umurong ang dila ko sa tanong na iyon. He knows my father. At sa tono ng pananalita niya'y parang pinabayaan ko na ang ama ko.

"He's okay and marami ang nag-aalaga sa kanya ngayon."

"I want to pay a visit one day. Nasaan ba siya ngayon?" Tanong niya ulit.

"May I know your relationship with him?" Imbes na sagot ay tanong ko sa kanya.

"An old friend. Nagkakilala kami noong mga panahong nasa Japan ka pa. Hindi niya ba ako nabanggit sa iyo?" Napailing siya bago magsalita ulit. "Siguro hindi dahil sa pagkakaalala ko ay hindi kayo masyadong magkasundo."

Bakit ba parang siya pa ang affected sa relationship naming mag-ama?

Hindi ako kumibo. Sa klase ng tingin at pagsasalita niya'y halata ang pagdisgusto niya sa akin.

"Saang hospital naroon si Gerald?"

Naikuyom ko ang kamao sa narinig. Wala siyang alam sa kung anong hindi pagkakaintindihang mayroon sa amin kaya huwag siyang umasta na parang kasalanan ko ang nangyari sa aking ama.

"St. Joseph Hospital." Sagot ko.

"You're here." Pareho kaming napalingon sa nagsalita. '"Stating the obvious?" Pinigilan ko ang sariling masabi ito ng malakas .

May hawak siyang papel. Hindi ko man lang namalayang nasa likod ko na siya. Napansin ko ang pintong nakabukas sa gilid. Maaaring doon siya nanggaling sa loob ng Admin office. Ang nakapagtataka'y hindi ko narinig ang kahit mahinang pagpihit ng seradura? Maaari kayang nakabukas ito at kanina pa siya nakikinig?

Nakakatawa, masyado na yatang malawak ang imahinasyon ko.

"Well, I need to go. Take good care of your father Miss Clemente. He needs it." Makahulugang sabi ni Mr. Agustin bago siya pumasok sa loob ng pintong pinanggalingan ni Renzo. I really don't like him.

"Mabuti at nagpakita ka pa." Masungit na sabi naman nitong isa. Ano bang nangyayari sa mga tao rito?

I am about to talk pero inunahan niya ako. "Follow me."

Napahawak ako sa ulo ko. Anong buhay ang i-eenjoy ko sa klase ng lugar na ito? Toxic kamo. Iyong tipong may taning ka na nga, mauubos pa ang oras ko sa ganito? Nanlulumo akong sumunod sa kaniya.

Pagpasok namin ay inabot niya kaagad ang isang papel na kinuha niya sa kanyang lamesa.

"Read all the upcoming events and developments of the mall." He said.

Tahimik akong nagbasa. "Reopening Party?" Nasabi ko ng malakas ang una sa listahan.

"Yes. You are required to attend the said party."

"Ha?" I am not a party-goer for Pete's sake.

"Kailangan ko pa bang ulitin?" Sarkastikong tanong niya. Duh! Hindi na talaga ako natutuwa sa kanya. He has this cold voice and I don't know why.

"E sa isang araw na 'to ha?" Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Naupo siya sa kanyang upuan at seryoso ang mukhang napatingin sa akin.

"Wala ka namang gagawin except attending the said party. Sa araw ay magkakaroon ng mini programs ang mall. Mayroon ding Clearance Sales, limited promos and other events. Si Mr Enrique ang naghahawak ng mga ito. Sa gabi naman ang party, kasama lahat ng piling staffs at buong administration. Any question?"

Napaisip ako sa sinabi niya. He is waiting for my reply. Attending a party? Pwede na rin bago ako humandusay sa kung saan at mawala. "Okay. But in one condition."

"Wala ng kondisyon. Pupunta ka." Matigas at may diing wika niya.

"I don't want to speak in front! Huwag mo na akong ipakilala sa harap! Ayoko ng pakiramdam na nasa sentro ng atraksyon." I insist. Half is true while I lied in the last reason. Wala lang talaga akong pakialam sa mga bisita at wala silang karapatang titigan ako.

Hindi siya nag-abalang magsalita. "Hey!" Sigaw ko para ipaalam na naghihintay ako ng sagot mula sa kanya.

Bumukas ang pinto na siyang dahilan para mapabaling kami rito.

"Hiiii!" Pagkahaba-habang bati niya.

"Man, have you heard of the word 'knock'?" Masungit na sita ni Renzo. What's happening to this guy?

"'Pre naman, hindi naman naka-lock ang pinto e. At saka naexcite lang ako nang ma-confirm kay secretary Jean na narito na ang long lost personal friend ko. Magkaibigan naman na kami ni Jean kaya't walang problema sa kanya kung pumasok ako." Kumindat pa si Daven. Ang landi ng peste.

Bago pa man may sumagot sa walang kwenta niyang rason ay bigla na naman siyang nagsalita habang palapit sa akin. "Yow! I missed you. Tama nga ang nabalitaan ko." He is about to hug me pero bago pa man dumapo sa katawan ko ang kahit kuko niya'y pinanlakihan ko siya ng mata. Iyong tipong matutunaw siya.

"Dare to touch me. Sisipain kita." Banta ko na nagpatigil sa kanya. Alam niyang hindi ako nagbibiro dahil ilang beses ko nang nagawa iyan.

"O, ok. Hindi na. Pero na-miss talaga kita. Saang planeta ka napunta? Buo ka pa naman ba?" Sunud-sunod niyang tanong. Akmang hahawakan niya ako sa braso nang itaas ko ang kamay ko at nagmuwestra ng suntok.

"Ikaw naman, masyado kang high blood." Tumigil siya sa kanyang kalokohan at naupo sa upuang katapat ko.

"Gusto mo ikaw ang palabasin ko ng Earth at itapon sa Mars?"

Natawa ng malakas si Daven na para bang nagbitaw ako ng joke. E seryoso ako sa sinabi ko. Note to myself, hindi ko na gagamitin pa ang mga terminong ginagamit niya. Nagmumukha akong ewan.

Nasa harap kami ni Renzo na kanina pa tahimik.

"Bro, galaw galaw baka ma-stroke." Biro na naman ni Daven. Hindi nagbago ang mukha ng lalaki. Inayos niya ang mga papel na nakatambak sa kanyang lamesa. Ano na namang nangyayari sa lalaking ito? Paiba-iba ng ugali.

"I have to go. Dadalhin ko na lang ang mga ito." Paalam ko.

Tumayo akong hawak ang papel na inabot niya sa akin kanina.

"Basahin mong mabuti ang mga iyan." Utos niya pa. Ang seryoso at firm ng boses niya. I rolled my eyes and landed my sight at ugly Daven.

Nakaawang ang bunganga niya habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa ni Renzo. Mukha siyang retarded sa totoo lang.

Nag-umpisa akong maglakad papuntang pintuan. "Sabay na ko sa'yo beautiful lady." Patakbo namang lumapit sa akin si Daven.

"Tse! Dyan ka sa kaibigan mo." Tiniyak ko na siya lang ang makakarinig sa sinabi ko.

"Ayoko, baka ako pag-initan niya." Sagot niya sa akin na pabulong din.

"I'll call you later." Napabalik ang tingin ko kay Renzo nang magsalita siya. Hindi ko alam kung sino ba ang kausap ng gago. Nasa mga papel ang atensyon niya.

Bigla siya lumingon. "May mga bagay pa tayong dapat na pag-usapan. Huwag na huwag kang magpapatay ng phone." Pagbabanta niya pa. Naituro ko ang sarili. Ako nga ang kausap.

Pumihit ako at kaagad binuksan ang pinto. "Anong problema niya? Bwisit!"

"Nagtatampo 'yon." Biglang sulpot ni Daven. Hindi ko namalayang sumunod talaga siya. Occupied na masyado ni Renzo ang utak ko. I need to erase him in my mind.

"Duh! Para saan naman? At hindi kami close para magtampo siya." I answered.

"Wala ka talagang pakiramdam ano?" Tatawa-tawa niyang tanong. "Kuwento ka naman, saan ka nagpunta?" Pag-iiba niya sa usapan.

"Mas lalong hindi tayo close para mag-kuwento sa'yo."

"Ahaha. Hindi pa ba? Dikit tayo 'di ba?" Pangungulit niya pa. Pinagdikit pa niya ang dalawang daliri niya. Tinaasan ko siya ng kilay pero parang wala siyang pakialam.

"Invited ka bukas ha. I'll text you the details. Wala ka namang messenger, mas madali sana doon."

"Asa kang pupunta ako. Mas gugustuhin ko na lang matulog." Tanggi ko.

"Tayo-tayo lang. Its for my birthday." Malungkot ang pagkakasabi niya. I heard his deep sigh.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top