Chapter 25
Reya's POV
Napahawak ako sa aking ulo.
Nakasandal lang ako sa pader. Tsk. Hindi ko na kayang maglakad kaya ang ginawa ko na lang ay humanap ng malapit na lugar kung saan walang tao.
I should be celebrating my victory. But here I am... alone.
Sa huli, sarili ko rin lang ang pwede kong maging karamay. Sariling hindi ko napahalagahan.
Mula sa pagkakapikit ay napadilat ako nang may marinig akong mga yabag. Napahinga ako ng malalim.
"Pink."
Hindi ako lumingon sa tawag na iyon. Kahit hindi pamilyar ang boses niya'y wala akong pakialam.
"Hindi mo na ba ako natatandaan?" Tanong ng boses babae.
"Wala akong oras alalahanin." I coldly answer.
"Gusto ko lang naman sabihin na..." Her voice became soft.
"Congrats." Pagpapatuloy niya na nagpadilat sa akin at nagpatingala para masdan ang babae.
Naalala ko na kung sino siya. The catwoman.
"Hi-hinahanap na s-siguro ako." She is about to leave but... "Sandali." Pigil ko.
"What's that for?" Tanong ko na mukhang nagpalito sa kanya.
"Dapat isumpa mo ako. Huwag kang matuwa na nanalo ako."
Umiling siya sa sinabi ko. "I'm glad you won." Kahit natatakpan ang mukha niya'y pakiramdam ko nakangiti siya.
Nang biglang magseryoso ang mukha niya. Iyon ang nakikita ko sa mata niya.
"Dahil gusto ko, ako ang tumalo sa iyo. Maglalaban pa tayo. Magpapalakas ako at magtutuos tayo ulit."
"Dream on." Walang ganang sagot ko.
"Hintayin mo lang. Magpapalakas ako para makalaya sa lugar na ito."
Hindi ko na matagalan ang mga mata niya kaya't napapikit na lamang ako. Wala akong balak na sumagot. Naintindihan naman niya ang pagtataboy ko sa kanya dahil naglakad na siya palayo. Her eyes...
I hate seeing innocent eyes. It makes me feel how damn useless I am.
Sa mundong ang lahat ay mali, paano ka magpapakatama?
Magkaiba kami ng babaeng iyon. Mas malakas siya. She has strong will to survive at baguhin ang kapalaran niya.
Sinubukan kong tumayo. Bwisit talaga. Pero imbes na sumimangot ay napatawa ako. Binati ako ng taong 'di ko naman kaanu-ano o ka-close.
Nagtatalo pa rin ang utak ko kung pupuntahan ba si Henry o aalis na lang. Gusto kong ipamukha sa kanya ang pagkapanalo ko sa kabila ng pandarayang ginawa niya. But I'm tired already.
Hindi pa ako tuluyang nakakalayo nang mapansing may makakasalubong akong lalaki. He is wearing a black suit kagaya ng mga tauhan dito. Pero isang bagay lang ang napansin ko... his cap.
At mas lalo kong na-kumpirma ang kutob ko nang lampasan niya ako. Naamoy ko ang isang pamilyar na mamahaling pabango. Nakatungo siya para hindi makita ang kanyang mukha.
So nagpunta nga siyang mag-isa. Hindi ako namalikmata kanina. Narito nga siya. Kung mahuli man siya, wala na akong pakialam doon.
May mas tanga pa pala sa akin. Bakit hindi niya gamitin ang ibang tao para malaman niya ang gusto niya? Pinapahamak niya ang kanyang sarili samantalang marami siyang pera para mag-utos ng iba.
Nagpatuloy ako sa paglalakad pero nakakailang hakbang pa lang ako nang mapatigil ulit. Hindi pa panahon...
"Lorenzo."
Alam ko, narinig niya ako kahit mahina lang ang pagkakasabi ko sa pangalan niya.
Bago pa man makalapit ay tiniyak ko na nakalayo na ako. Para bang nagkaroon ako ng rason para kumilos ng mabilis... upang hindi niya ako maabutan. Dulot marahil ng adrenalin rush.
Hindi siya dapat makaakyat sa itaas. Hindi pa, dahil masisira ang lahat.
Una kong nakita ang CR kaya't agad akong pumasok at ni-lock ang pinto. Tinanggal ko ang aking itim na saplot at itinapon sa basurahan. Inilugay ko ang nakatirintas na buhok. Nagmukha tuloy itong kulot-kulot.
Ngayon ay puro pink na ang suot ko. Kulay na kinamumuhian ko. It represents how I hate my life, my world that I once loved.
Hindi naman kita ang mga pasa ko dahil fitted na long sleeves at pants ito. Tinanggal ko ang mask na nakatakip sa ibabang parte ng mukha ko. Bumungad sa salamin ang repleksyon ng mukha kong nababalutan ng natuyong dugo at may pasa.
Para akong isang kriminal, I hurt people to survive. I almost KILL a person. Ang mukhang ito, wala na talagang ginawang matino. Kahit gaano man kabigat ang nararamdaman ko, ayaw pumatak ni katiting na luha sa aking mga mata. The pain will continue as long as I breathe.
Ibinalik ko ang mask. Naihawak ko ang kamay sa braso habang palabas.
Hindi na ako nabigla nang makitang nakatayo si Renzo at tila may hinahanap. Medyo malayo siya sa akin. At nang mapadako ang mga mata niya sa gawi ko'y agad akong kumilos para lumayo.
He understood what I mean. Sige, sumunod ka lang.
Tinahak ko ang daan pabalik sa may arena kung nasaan ang maraming taong ayaw pang umuwi kahit wala ng laban at nagpapakasasa na lang sa paggawa ng kasalanan. Naisip niya talaga ang magpanggap na tauhan dito, dahilan para hindi siya pansinin ng mga taong nakakalat sa paligid.
Humalo ako sa mga tao, sapat na para hindi na niya ako makita. Pasimple ang mga kilos na nagtago ako sa isang sulok. Kailangan ko siyang iligaw.
Halos mapahiyaw ako nang may mahigpit na kumapit sa kaliwang braso ko at marahas na hinarap sa kanya. Bumungad ang nakakakilabot na hitsura ni Arthur.
"Lets go." Utos niya na hindi binibitawan ang malapit nang mabaling braso ko.
***
Iminulat ko ang aking mga mata at ang puting kisame ang bumungad sa aking paningin.
Narito na naman ako sa kwartong ito. Gumalaw ako at sinubukang bumangon. Urgh! Nararamdaman ko ang kirot lalo na sa aking braso.
Ganoon pa rin ang suot ko, ni hindi ko na naisipang gamotin ang mga injuries ko.
Kahit mahirap kumilos ay bumangon ako para maghanap ng maisusuot. Pagkatapos ng mahaba-habang pag-aayos ng sarili ay tinungo ko ang terrace. Dahil sa sama ng pakiramdam ko'y imbes na dumungaw sa view sa ibaba na palagi kong ginagawa ay naupo na lamang ako sa isang silya.
"Ano na namang kahibangan ang naiisip mong gawin kagabi?" Tanong ni Arthur habang naglalakad palapit sa akin. Hindi ako sumagot. Gusto ko sanang itanong kung saan doon ang tinutukoy niya... ang halos mapatay ang kalaban? O ang pagliligaw kay Renzo nang hindi niya maipagpatuloy ang pag-iispiya niya? Pero ayokong kausapin siya.
Umupo siya sa silyang katapat ko.
"Having fun with your stupidity?" Nang-uuyam niyang tanong.
"Yes." Deretsong sagot ko. Sinabi ko bang ayokong kausapin siya? Binabawi ko na.
"Kung ganoon baka matuwa ka sa ibabalita ko."
"Spill it." Ano na naman kaya ito? I'm curious.
"I will give you a mission. Isang misyong katumbas ng buhay mo."
Napatawa ako sa sinabi niya. "May halaga pa ba ang buhay na ito?" Pabiro kong sabi.
"I'm serious. Gagawin mo ito sa ayaw at sa gusto mo. Remember what I've said last night? When you told me to stop?"
Malinaw na malinaw... Pagbabayaran ko ang pagpigil sa kanyang pumatay sa harap ng maraming tao.
"Dahil sa pagkapanalo mo, tumaas ang ranking mo. You've entered the Class A level."
"Alam ko na 'yan." Sa isip ko na lang ako sumasagot. Sayang lang laway ko.
"Pero hindi ka muna mabibigyan ng match sa mga susunod na araw."
"What?!" Tanging reaksyon ko sa narinig. "Ipi-pending nila ako? Ano na namang kalokohan ang pumasok sa ng matanda?"
Hindi sa gusto ko ng laban kaagad pero parang hindi maganda sa pandinig. I feel like discriminated.
"Makinig kang maigi!" Mataas ang boses na utos niya. Napamulagat ako sa kanyang ma-otoridad na tono. Kahit simpleng sigaw lang niya, nakakapanindig ng balahibo. Kaya ayoko itong kausap e. Isa siya sa mga kinatatakutan ko kahit pa lagi akong sumasagot sa kanya. Kapag nagseryoso na siya, umaasta akong matapang at sinasabayan ang galit niya... sa huli, talo pa rin ako.
"You are given one month to get closer to Lorenzo Andrews."
Mas lalong namilog ang mga mata ko sa sinabi niya. "Anong kalokohan ito?"
"Hindi ito kalokohan. Its a command Reya. Sa loob ng panahong ito'y walang mangingialam sa iyo. You will taste freedom to its fullest. Pero may isang bagay kang dapat na maisagawa sa mga panahon ding iyan."
Napahinto siya sa pagsasalita.
"Ano?" Naiinip kong tanong. Binitin pa niya, 'di na lang i-deretso.
"You have to make Lorenzo Andrews approve the merging proposal of Henry Orietta."
"Ano?! Parang sinabi mo na rin na magtrabaho ako para sa kanya!" I'm referring to Henry and its a big no!
"Bakit? Hindi pa ba? You are his fighter. What's the difference?"
Napamaang ako sa mga sinabi niya. This is insane!
"Para sa akin magkaiba ang dalawa Arthur. I won't do it."
Hinawakan niya ang kamay ko na nag-trigger sa akin para mapaatras kasama ng inuupuan ko. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko kayang alisin ang kamay niya.
"Its a command. Hindi lang siya ang nakaisip nito dahil ako ang nagplano ng lahat. At hindi ako papayag na hindi ka sumunod."
"Na-nababaliw ka na." Halos pabulong nang sagot ko. Parang hinihigop ako ng malalim na titig niya, ng buong-buo.
Pakiramdam ko nabaliwala lahat ng mga pinaghirapan ko sa loob ng ilang araw. Magugulo lahat ng mga plano kong gawin. The mere fact that I'll work for organization's sake makes me want to be killed instead.
"Basta iyan na ang napagkasunduan. Wala ka ng magagawa pa. Time is ticking."
Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa akin nang wala siyang marinig na sagot.
"Nasa listahan ka na ng ipapa-patay niya. I'm tired of protecting you. There's only one way to keep living, kailangan mong magawa ang misyong ito. Gawin mo iyan para sa sarili mo. Mamili ka... patunayan mo ang sarili mo o mamatay ng walang ginagawa?"
Bumilis ang tibok ng puso ko. Mamatay? Ilang beses ko nang tinangkang gawin iyan. Sa wakas, may gagawa na nito para sa akin...
Pero bakit natatakot na ako ngayon pa lang?
"You only have one month. Enjoy the freedom Reya. Walang mangingialam hangga't hindi kinakailangan. After you've successfully closed the said proposal, mas lalo kang aangat sa iba. Ngunit kapag hindi mo ito magawa sa loob ng isang buwan. You'll die."
Binitawan niya ako at iniwan ng litong-lito ang utak. Pakiramdam ko nataningan na ang buhay ko. Should I be glad?
***
Matapos ng pag-uusap na iyon ay hindi ko na nakita pa si Arthur. Hindi ko pa rin alam kung anong gagawin ko.
Bumalik ako sa loob ng malaking kwarto para kunin ang susi ng sasakyang nasa table sa gilid ng kama. Ginamit namin ang sasakyan ko papunta rito. Of course Arthur didn't drive nor me. Isa sa tauhan niya ang nagmaneho.
Naghanap ako ng blazer sa cabinet. Bumaba ako sa ground floor ng bahay niya.
"Ma'am, sorry pero mahigpit na bilin ni Sir Arthur na kumain muna kayo bago umalis." Harang sa akin ng isang maid.
"Hindi ako nagugutom. Tabi."
Sa halip na tumabi ay lumapit pa ang tatlong maids sa pinto at sinara ito saka magkakatabing nakatayo sa harap ng malaking pintuan."Patawad pero kami ang malalagot kapag hindi nasunod ang utos ni Sir Arthur." Sabi muli ng maid na kaharap ko.
Napahawak ako sa buhok ko at halos sabunutan ko na ang sarili. Isa ito sa kinaaayawan ko sa lugar na ito e. Lagi na lang siya ang batas. Utos niya ito, utos niya iyan. The heck!
Kumain ako ng breakfast na para yata sa kakatayin na. Ang aga naman, may isang buwan pa ako para mabuhay pero parang last meal ko na ito. Nasinghalan ko pa nga ang mga katulong.Sabi ng isa, hindi raw nila alam ang ihahain kaya't iba't ibang putahe ang niluto nila.
After the breakfast, deretso na ako sa garahe kung nasaan ang itim na kotse ko.
Pagkapasok ko'y kinuha ko kaagad ang bag ko sa likod para sa aking cellphone.
Matagal ko ring hindi binuksan ito. Ang daming messages.
"Yow! Nasa Mars ka na ba?"
Iyan ang latest message ng pesteng si Daven. Halos punuin niya ng walang kwentang messages ang inbox ko.
Nailayo ko ang phone nang bigla itong magring.
Calling Andrews.
Hindi ko sinagot ang tawag, hinayaan ko lang na mag-ring hanggang sa mamatay ng kusa.
Celine's POV
Its just another normal day... I have this feeling na magiging masaya ang buong araw na ito. Sino nga ba ang hindi gaganahan kapag unti-unti, naipapatayo mo na naman ang pangarap mong akala mo ay tuluyan nang guguho?
"Oops! Done na." I said with full of glee.
"Good girl." I patted the cat's head. "Ang cute mo naman. Lets have selfie, mamaya ha habang narito ka pa."
Ibinalik ko na sa cage niya ang pusa. Lumapit naman sa may paa ko si Goldie. Hinaplos ko ang balahibo niyan
"Ang cute." Silver suddenly said. Napalingon ako sa kanya na busy sa pamumunas ng mga salamin.
"Talaga. Cute ako, matagal na." Pagmamalaki ko.
"Hindi, iyong pusa." Natatawa niyang sagot na nagpalabas sa mga dimples niya. Nag-pout ako at sinamaan siya ng tingin.
Ang sama pa rin ng tingin ko nang lumapit siya.
"Ang cute cute mo kapag ganyan." Bigla niyang hinila ang pisngi ko.
"Uy! Bi-bitaw." Hirap na hirap kong saway sa kanya. Binitawan naman niya ako kaagad.
"Hala! Baka lumaylay ang pisngi ko. Asar ka naman e. Madumi pa ang kamay mo."
Ganito na kami sa inaraw-araw na ginawa ng Diyos. Para na kaming magkapatid at madalas magkulitan. Kapag kasama ko si Silver parang bumabalik ako sa pagiging bata. Puro kasi siya kalokohan.
Ilang araw na ng lumipat kami rito sa Nisia na ngayon ay Crystal Mall na. And all I could say is everything's well.
Ang sama ng tingin ko sa basahang hawak niya.
"Uy Doc, sorry."
Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Sa halip ay inagaw ko ang basahan at pinunas sa mukha niya.
"Ahahaha. Quits na tayo."
"O-oo na. Tama na." Pigil niya sa akin. Napasulyap ako sa labas ng clinic through the glass door. Baka kasi para na kaming timang.
But to my surprise, si Renzo ang nakita kong dumaan. Agad akong tumakbo palabas para batiin siya. Ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita.
"Renzo! Gandang morning." Bati ko nang maabotan siya.
"Good morning." Sagot niya ng naka-poker face.
"How are you? Hindi kita nakita ng ilang araw ha."
"Excuse! Mga bata huwag nga kayong paharang-harang sa daan!"
Instead of answering me, lumingon siya sa babaeng nagpapaalis ng mga grupo ng teenagers sa daan niya.
Sinilip pa niyang mabuti ang babae na maraming bitbit na paper bags na pinamili niya. Maikli ang buhok at singkit ang eyes.
"Kilala mo?" Nakikitanaw kong tanong. Malayo na 'yong babae.
"Ah hindi. May naalala lang ako sa kanya.
"Sige ha." Paalam ko na lang. Tumango siya sa akin. But before I could walk away, inilabas niya ang phone niya at may tinawagan. Hanggang sa kunot-noo niyang binaba ang phone.
Paalis na talaga ako. Di ko lang maalis ang mata ko. Pati hindi maihakbang ang paa. Haist, makabalik na nga.
Nakakailang hakbang pa lang ako nang mapalingon ulit sa kinatatayuan niya.
My eyes widened as out of the blue ay napangiti siya habang nakatingin sa phone niya. Nagmadali akong lumapit muli para picturan sana siya kaya lang nahuli na ako.
"Sorry, mukha kasing may masayang balita kang nareceive?" Hindi mapigil ang labi ko sa pagngiti. Sa wakas nakita ko na masaya siya.
"Wa-wala." Kakamut-kamot siya sa ulo at nahihiya. Ito ang cute. Hindi na ako nag-usisa pa.
"A friend of mine promised to return. As soon as possible."
Hindi ko inexpect na pahayag niya. Lumapad lalo ang ngiti ko kahit wala akong idea kung sino ang tinutukoy niya. At least kahit hindi ako ang dahilan okay lang.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top