Chapter 24
A/N: New update :). Sorry ulit for wrong grammars and spellings...
Woah! Nagdugo ang magulo kong utak sa scene na 'to.
———————————————
Reya's POV
Days passed... Wala akong ginawa kung hindi ang paghandaan ang aking laban. I need to prepare myself physically and even mentally. Sa umaga, nagjo-jogging ako sa isang private memorial park na nasa malapit sa tirahan ko. I sleep every after lunch and continue working out at night. Kumuha na rin ako ng random men na ka-sparring through Derek's minions.
Hindi na bumalik si Arthur simula noong huli naming pagkikita. Kung kailan hinahanap siya saka hindi magpapakita. I want to fight him again. I am not ready that time, and I badly want to try again.
Nakapatay ang phone ko dahil ayokong may mang-istorbo sa akin. Ngunit may mga oras na nati-tempt akong buksan ito lalo na kapag nagpapahinga lang ang ginagawa ko.
May mga oras na sumasagi sa utak ko kung ano na ba ang nangyayari sa mga iniwan ko. Tsk! Iniwan? What a word. I have to slap my own face dahil sa kung anu-anong pumapasok sa utak ko. Of course they'll continue their lives... normal lives. Unlike me. Napangisi ako sa sariling idea.
Dumating na ang gabing pinakahihintay ko. The fight that I've been preparing for... I must win.
***
"Is this really needed?" Naiinis kong tanong.
The middle-aged woman didn't mind my question at all. Nagpatuloy siya sa pagkapkap sa buong katawan ko.
"Hey! I'm talking to you!" Sigaw ko sabay tabig sa kamay niya.
"Utos ito ng organisasyon Pink, gusto nilang makasiguro na magiging patas ang laban. Na walang nakatagong armas ang sasalang sa laban."
Napataas ang kilay ko sa narinig. Nauna na nga silang mandaya e. Nakakagago.
"Ang galing. Bakit di na lang din sila magpa-drug test sa mga fighters? For sure marami ang babagsak diyan." Nang-uuyam kong puna. Totoo naman na walang pake ang organisasyon kung anumang iturok ng fighters sa katawan nila. Katotohanang hindi pinapansin.
Kagaya ng hindi pag-intindi ng babae sa sinabi ko. Wala ng matino sa lugar na ito.
Sa likod ng itim na kasuotang tumatakip sa'kin ay puro pink naman na fitted na damit sa loob. At kung natatakpan ang buong ulo ko ng itim na tela liban sa mata, naka-itim na mask naman ako sa loob.
Natapos ang pag-iinspeksyon sa akin at kaagad akong nagtungo sa pagdaraosan ng aming laban.
Nahagip ng mga mata ko ang mga nakamaskarang fighters sa gilid. Pati yata sila ay interesadong-interesado sa labang ito?
My eyes ended at the man wearing a mask of a knight. Kalahati lang ng mukha niya ang natatakpan ng maskara. Nakahiwalay siya sa iba habang naka-cross arms.
He is intently looking at me, parang sumisigaw na dapat ako ang manalo.
This time, desidido akong manalo. Not because he told me, but because I want to. Gusto kong isampal sa pagmumukha ni Arthur ito.
Pumasok ako sa ring. Kung maaari lang maglabas ng pwersa ng pagnanasang manalo, baka tumilapon na ang mga tao sa loob.
Ang fighter na makakalaban ko'y nasa kabilang parte na ng ring. Nakatayo siya at nakatingin sa direksyon ko. Mapula ang mga mata nito at nakasuot ng maskarang parang kaliskis ng ahas.
Wala akong marinig na ingay na siyang nagpasidhi sa tensyon na nangingibabaw sa buong lugar.
Hanggang sa ang ingay na gawa ng bell ang siyang tanging maririnig... umpisa na.
Halos sabay kaming gumalaw ng kalaban ko. Wala akong sinayang na sandali. He is Viper, sabi ng announcer.
Bigla siyang umamba ng suntok... nakaiwas naman ako. Napangisi ako nang mapagtantong hindi siya ganoon kabilis. Siguro dahil ang basehan ko ang mga galaw ni Arthur.
Nagpalitan kami ng mga suntok. May mga pagkakataong natatamaan ako pero alam kong solido ang mga tira ko.
Hanggang sa sumipa siya na kaagad ko namang sinangga gamit ang dalawa kong kamay. Hawak-hawak ko na ang binti niya at humanda ako para ibalibag siya. Subalit nang magtama ang aming mga mata'y may kakaiba akong naramdaman. Parang may gagawin siya na kung ano.
Namalayan ko na lang na napabitaw na pala ako at nasa sahig na. Bwisit! Sumuntok siya sa mismong braso ko na may injury.
Oo pagaling na ito pero hindi ko sinabing magaling na. Alam niya ang kahinaan ko. Mandaraya talaga!
Patayo na sana ako nang bigla niya ulit tadyakan ang aking braso. Hindi niya ito tinigilan. Damn!
Halos mapasubsob na ako ng patagilid. Habang tumatagal ay tumitindi ang sakit na dulot ng ginagawa niya. Sinubukan kong tumayo pero paglingon ko'y isang suntok sa mukha ang natamo ko.
Nalasahan ko ang mala-kalawang na likidong dumaloy mula sa gilid ng labi ko. Tiningala ko ang kalabang may kagagawan nito. Nakatayo siya habang nakatagilid ang ulo na parang nanghahamon pa. Dito umingay ang mga tao.
Imbes na mawalan ng pag-asa'y isang matalim at nakakakilabot na titig ang binigay ko. Nakita ng dalawang mata ko ang pag-atras niya.
"Use my weapon? Tsk... I can endure pain longer than others do. Is it a weapon?" Bubulong-bulong ko habang tumatayo. Naihawak ko ang aking kanang kamay sa kaliwang braso. Inantay ng kalaban ko ang gagawin ko. Ni hindi siya gumalaw sa kanyang pwesto.
Hambog.
Umatras ako ng ilang hakbang, sapat na distansya para makabwelo.
"Yaaah!" Sigaw ko habang mabilis na sumugod. I use my feet. Like I'ved said magaling ako sa Taekwondo...
Puro ilag ang ginagawa ng kalaban ko. Pero sa nakikita ko, nasasaktan siya kahit nasasangga niya ng upper limb niya ang iba kong sipa. May pagkakataong gusto niyang hulihin ang paa ko pero naaagapan ko ito. Paatras siya ng paatras habang hindi ko siya tinitigilan.
Nang makakuha ng sapat na pagkakatao'y sa binti ko siya pinuntirya na nagpabagsak sa kanya sa sahig.
I smirked while attacking his back, gamit ang aking siko. Mas lalo siyang napadikit sa sahig.
Ngayon siya naman ang nasa lapag. Sinubukan niyang tumayo pero sa nakikita ko'y malaki na ang pinsalang nagawa ko. Napatingin siya sa akin kaya naigalaw ko ang ulo ko gaya ng ginawa niya kanina. Siguro naman na-gets niya ang gusto kong iparating na "ano ka ngayon?".
Mukha siyang hirap sa paggalaw. Inantay ko na makatayo siya pero hindi pa man ay tinulak niya ako. Shit! He tucked me in his arms na siyang nagpainit ng dugo ko.
"Ako ang mananalo! Die!" Sigaw niya na nagpalabas sa mga ugat niya sa leeg.
Naramdaman ko ang malakas na pagtama ng likod ko sa bakal na rehas. Hindi niya ako binitawan. Nablangko ako sa mga nangyari. Basta ang alam ko, sumusuntok siya habang payakap siya sa akin upang pigilan akong makagalaw.
Nanginginig ang kalamnan ko habang unti-unting nagbabalik ang isang alaalang matagal ko na'ng ibinaon. Hindi ako makagalaw... nandidilim ang paningin ko habang nakikita sa harapan ang isang nakaraan.
"Fight!" Iyan lang ang narinig kong nangingibabaw na boses sa halos ilang daan o libong taong naririto.
Nakita ko siya... ang kanyang maskarang hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan kung bakit disenyo ng isang kabalyero.
Ngunit 'di ko magawang gumalaw para sundin ang utos niya...
Iniwas ko ang tingin at sa kabundok na manonood ako bumaling. Nanlaki ang mga mata ko nang isang pamilyar na tao ang aking natanaw. Alam kong siya iyon. Tindig pa lang. Iyon pa rin ang sumbrerong ginamit niya gaya dati. He is watching at me, staring at me... I'm sure of it.
Gago...
Isang malakas na sutok sa likod ng ulo ko ang nagpabalik sa aking huwisyo. Dito ko naramdaman ang lahat ng sakit na hindi ko namalayan kanina dahil sa pakiramdam ko'y namanhid ako. Halos manlabo na rin ang paningin ko.
Naikuyom ko ang aking kamao sabay suntok sa tagiliran ng lalaking gusto kong itapon sa kabilang mundo.
"Enough. Magbabayad ka." Mahina kong bulong ngunit tiniyak ko na mangingilabot siya kung paano ko ito sabihin.
Kinagat ko siya sa balikat.Napahiyaw siya sa lalim ng kagat ko. Walang rule na bawal mangagat.
Lumuwag ang katawan niya sa katawan ko kaya't kinuha ko ang pagkakataong iyon para itulak siya. "Nakakadiri ka." Matalim ang tinging sabi ko.
Huminga ako ng malalim saka bumwelo. This time I want his head. Bago siya makakilos ay mabilis akong gumalaw at paikot na bumwelo habang sinusukat sa isip ang spot na patatamaan.
And I did it! Sakto sa ulo...
Bumagsak siya sa sahig at mukhang nawalan ng malay habang ako nama'y namali ng pagkakabagsak dahil sa hindi ko na halos makontrol ang sariling katawan sa pagod at panghihina.
Magkagayunman, nandidilim pa rin ang paningin ko. Isa lang ang gusto kong gawin. Nilapitan ko ang lalaking wala ng malay. Napaluhod ako sa tabi niya.
"Tumayo ka!" Hinablot ko ang kanyang kwelyo para iangat siya. Hindi ko alintanang may pinsala ang braso ko, ang alam ko lang, naaalala ko ang mukha ng mga hayop na tao sa kanya.
Sinuntok ko siya sabay binitawan. Hindi pa ako nakuntento at sumuntok ulit ako sa mukha. Wala akong marinig... basta ang alam ko, sinusuntok ko siya at duguan na ang mukha niya. Pero ayokong tumigil. Para iyan sa pagdikit niya sa akin, para sa pandaraya... para sa pagpapaalala sa mga bagay na nais ko nang kalimutan...
Hanggang sa isang kamay ang pumigil sa akin. Gamit ang isa pang kamay ay inambahan ko siya "aaaahhhh!". Inilabas ko sa isang sigaw ang galit na nararamdaman ko.
Pero nahuli niya ang kamao ko. Tumambad sa akin ang kanyang nakamaskarang mukha.
"You want to kill him? Use a gun or knife. Ikukuha kita kung gusto mo."
Hinihingal akong napatitig sa kanya, pina-process ang mga sinabi niya. Napatingin ako sa kalaban kong puro dugo ang maskara at may black-eye.
"O kung gusto mo ng madaling paraan, I'll do it. Ako na ang papatay." Inilislis niya ang manggas ng brown niyang kasuotan. Nanlaki ang mga mata ko, dito na ako tuluyang natauhan. Anong ginawa ko?
Umingay muli sa paligid. Iba-iba amg naririnig ko. Hinawakan ko si Arthur na desididong-desidido sa sinabi niyang papatayin si Viper. Sa tindig pa lang, alam kong kaya niyang totohanin ang sinabi niya.
Napatigil siya nang ginamit ko ang braso niya para piliting makatayo.
"S-stop" I stuttered. This is my fight, hanggang dito ba naman mangingialam siya? Marami ang nanonood pero mukhang wala siyang pakialam. Tumalim ang tingin niyang direktang nakatuon sa akin. Pakiramdam ko nanlambot ang mga tuhod ko. Pinanlisikan ko siya ng tingin upang itago ang kabang nais kumawala sa akin.
"I'll follow your command... pero malaki ang kapalit nito." Iniwan niya ako sa gitna ng ring matapos bitiwan ang mga salitang iyan.
Hindi ko pinansin ang mga hiyawan at mga pinagsasabi ng announcer.
I won...
Ito ang gusto ko hindi ba? Anong masasabi mo ngayon Henry? Natalo ka...
Pero hindi ako makaramdam ng galak? Dapat matuwa ako, pero anong ginagawa ko. I looked at my hands, mga kamay na may dugo.
Nang maalala ko ang nakita kanina, hinanap ng mga mata ko ang fireksyon kung nasaa ang lalaki kanina. Pero wala na siya sa pwesto niya. Iginala ko ang aking paningin pero hindi ko na siya makita pa.
Napanood niya ba lahat ng nangyari?
Minabuti kong lumabas na lang, ngayon ko tuluyang naramdaman ang hirap ng aking katawan. Damn! Ang dami ko na namang pasa.
***
Third Person's POV
Nakatingin lang si Henry sa salamin kung saan napanood niya ang buong laban. Walang emosyon ang mababakas sa kanyang mukha.
Bumukas ang pinto at pumasok ang tauhan niyang si Val. Kasunod nito ay si Arthur na ngayo'y hindi na suot ang kanyang maskara.
Napaharap siya at naupo sa isang couch.
Mababakas sa titig ni Arthur ang galit lalo na nang mapabaling ito kay Val. Naramdaman naman kaagad iyon ni Val at ang nagawa na lang niya ay tumungo.
"I'll spare your life... for now. Kapag ginawa mo ulit 'yon, I'll torture you 'til you scream and beg to die." Banta niya kay Val na siyang nagpalunok sa kanya ng ilang beses at nagpanginig sa kanyang mga tuhod.
Halos magderetso naman ang mga kilay ni Henry at kunot ang mga noong nakamasid sa dalawa. Alam nilang pareho na ang tinutukoy ni Arthur ay ang pagkanti kay Reya ng mga ito.
Lumabas si Val sa silid at naiwan ang dalawa.
"Anong makukuha mo sa pagprotekta sa babaeng iyon?" Tanong ni Henry. Hindi makapaniwala sa kapangahasan ng isa sa magaling niyang alagad.
Hindi sinagot ni Arthur si Henry, bagkus ay lumapit siya rito at naupo sa couch na nasa tapat ng matanda.
"I won't keep something that has no use to me." Kinuha niya ang bote ng wine sa maliit na lamesa at inamoy ito.
"Pero wala siyang pakinabang sa akin Arthur. Hindi magtatagal at ipapadispatsa ko na siya ng tuluyan. Masyado nang mahaba ang sungay at buntot niya."
"Huwag kang mag-alala, mas mahaba pa rin ang iyo." Seryosong sagot ni Arthur. Nagsalin siya ng alak sa kopita.
"Ano ba ang plano mo? Kung hindi mo sasabihin ay ipapaligpit ko na talaga ang babaeng iyon. Kahit tumutol ka pa." Nanggigigil na tanong ni Henry. Nanatili pa ring kalmado si Arthur kahit alam niya na maaaring totohanin ni Henry ang banta niya.
"Kamusta ang naging lakad mo? Ah, nabalitaan ko na hindi tinanggap ni Lorenzo Andrews ang alok mo." Uminom siya ng alak matapos magsalita.
"Huwag mong ibahin ang usapan Arthur." Mas lalong nadagdagan ang galit ni Henry nang maalala ang pagtangging iyon ni Renzo. Malaki sana ang pakinabang ng merging na inaalok niya subalit ayaw ng binata na pumayag.
"He's not like you. Sinabi ko na sa iyo na hindi niya kinakagat ang mga alok ko. Hindi ganoon kadaling mapasok ang teritoryo ng mga Andrews."
Hawak ng mga Andrews ang pinakamalaking shippings at airlines sa bansa at sa Canada. Kung mapapasok ng organisasyon ito'y madali na lang ang magpuslit ng illegal na gamit papasok at palabas ng bansa. Pati na rin ang paglabas-masok nila sa iba't ibang bansa ay hindi na ganoon kahirap. Plus the profit and power that he will gain.
Ibinaba ni Arthur ang iniinom na alak at naglabas ng sigarilyo at lighter. Sinindihan niya ito saka nanigarilyo.
"But if my plan works, maaari pa rin nating mapa-oo ang Lorenzo na ito."
Napukaw nito ang atensyon ng matanda. "How?" Tanong ni Henry.
"Have you seen Reya with Andrews? Mas nauna pa siyang makalapit kay Lorenzo."
Naghintay ng susunod na sasabihin ni Arthur ang matanda ngunit sa mga titig niya'y nangangahulugang naiintindihan na niya ang nais mangyari ng kausap.
"Give her one month. Kung hindi niya magawang mapa-pirma si Lorenzo, gawin mo ang gusto mo."
"One month..." ulit ng matanda.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top