Chapter 23

Reya's POV

"Huwag mo akong tignan ng ganyan!" I shouted.

I am about to stand up. Ayokong kinakaawaan ako. I don't need other's pity.

Pero bago pa man ako makatayo'y naupo siya sa tabi ko. Napasalampak din siya sa sahig at sinandal ang ulo sa pader. Ang isang binti niya'y naka-deretso, naka-bend naman ang kanan. He's like a model, waiting for the cameras to shoot his perfect angle.

May pagtatakang napabaling ako sa kaniya. Nakatingin siya sa harap at tila nakatanaw sa malayo.

"Are you okay?" Tanong niya na nagpabawi ng tingin ko sa kanya.

"What do you want? I've done my part. Why can't you just vanish?"

"I want to make sure that you are okay."

"Huwag mo akong kaawaan Lorenzo! Hindi ako katulad ng iba na matutuwa sa ganyan. I want you to leave me alone!" Hindi siya umimik, kahit kumilos palayo ay hindi niya ginawa.

"Ang hirap bang intindihin ng sinabi ko?"

"You're not pitiful. Hindi ko alam kung anong mayroon sa inyo ni Wilhenry Orietta."

Mapait akong ngumiti. Henry... gusto ko siyang sapakin sa pagpapaalala sa matanda. Kanina ko pa gustong alisin sa utak ko ang matandang hukluban...

"He is right. Suwail ako sa magulang ko. Rebelde. Ano pa ba ang mga sinabi niya?"

"Alam ko na lahat ng iyan. What's new?"

"Tsk!" Napahawak ako sa noo ko. Kung alam mo lang.

"Pero gusto kong pagkatiwalaan ang sarili kong instinct" he continued.

"I am not a good person. Hindi mo ako kilala. Hindi mo ba narinig ang mga sinabi niya?"

"A friend of mine once told me... layuan daw kita. Hindi rin ako nakinig. Don't you know how hardheaded am I? Lalo na noong mga panahong binatilyo pa lang ako. Sinasabi ko sa iyo, walang magnanais lapitan ako." Natawa pa siya habang nagsasalita.

"We have different situation." Mariin kong sagot. He will never understand... no one can understand me.

"Let's go. Malapit nang magsara ang Crystal."

Hindi ako kumilos sa pag-aaya niya. Tumayo siya at nagpagpag ng damit.

Inilahad niya ang kamay sa harap ko. Napaismid ako sabay tayo ng hindi kinukuha ang kamay niya.

Makakatayo ako ng mag-isa... kahit walang tulong ng iba.

Dahan-dahan niyang binaba ang kamay niya.

"Bago ko nga pala makalimutan." Kinuha niya sa lapag ang paper bag na kanina pa niya dala kasama ng bag niya. Inilahad niyang muli ang kanyang kamay but this time, inaabot ang paper bag.

"Pinapabigay ni Daven. Sabi niya kailangan mo raw iyan."

Hindi ko kinuha ito. Ganoon na lang ang aking pagkabigla nang hawakan niya ang mga kamay ko at pinilit na ipahawak ang paper bag. I want to talk but... Tsk, hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Kukulitin ako 'non kapag hindi ko ito naibigay sa'yo."

Sinubukan kong alisin ang kamay niya pero hindi siya nagpatinag. I just accepted the paper bag para bumitaw na siya sa kamay ko.

Bakit ba ganito ang nangyayari?

"Since narito ka na, hindi na ko mahihirapang ipasabi ito... I can't make it tomorrow." Buo na ang pasya ko. Bakas sa mukha niya ang pagkalito sa sinabi ko.

"Hindi ako makakapunta sa lakad natin, sa madaling sabi, binabali ko na ang pinangako ko. Give me few days. Ba-babalik ako pagkatapos ng ilang araw. May gagawin lang ako."

"Is it important?" Ang mga mata niya'y hindi ko magawang titigan. Bakit ganyan ang ibinibigay niyang tiwala?

"Sa totoo lang hindi ko alam kung makakabalik ba ako." Naging honest lang ako. Baka ako pa ang may kasalanan niyan kapag hindi na pala ako nagbalik dito. Hindi naman ako lalayo, I just don't like destructions... baka kung saang 'di kaaya-ayang sitwasyon na naman ako masabit.

"Then I'll wait for you. Ilang araw lang ha. You need to fulfill your responsibilties... as a co-owner of Crystal Mall and for the case of Merian."

Napangisi ako sa narinig. Of course, kaya siya narito sa harap ko ngayon ay dahil sa pansarili niyang interes. Wala sa plano ko ang mga nangyayari, imbes na ako ang mang-gamit ay parang ako na yata ang ginagamit. No way!

"Tsk, hindi ka talaga nakikinig nuh." I hissed.

"Ang sabi ko, hindi ko alam kung babalik pa ako. Duh, bingi!" Masungit kong sabi habang naglalakad na palabas. Tahimik lang siyang sumunod sa akin.

"I'll wait..." mahina niyang sabi.
"Kapag hindi ka nagpakita, madali lang magpahanap ng tao and eventually mag-demanda dahil sa may kontrata kang pinirmahan."

Napatigil ako at pumihit para taliman siya ng tingin. Nakangiti ang gago habang nakahawak sa baba niyan.

Hindi ko alam pero parang gusto kong mapangiti sa hitsura niya. Tinalikuran ko na lang siya ulit para itago ang paggalaw ng labi ko.

"Ewan ko sa'yo."

Of course kailangan kong bumalik. Di ako palalamang. Sa larong ito, ako dapat ang magpaikot sa iba at hindi ang pinapaikot NILA.

Pero for the meanwhile, I need to focus on my fight. Walang dapat umabala sa akin hanggang hindi pa sumasapit ang aking laban. Bahala na pagtapos.

***
Third Person's POV

"Ito na ang lugar" wika ni Alvin nang marating nila ang tapat ng isang bahay. Nagprisenta siyang ipag-drive si Renzo nang magsabi ang huli na nais niyang puntahan ang nasabing tirahan.

"Wala nang nakatira riyan simula nang patayin ang pamilya Perez."

Bumalik sa alaala ni Renzo ang mga nangyari noong nakidnap si Reya at napatay ang mag-asawang Perez.

"Naka-pending pa rin ang kaso ng mga Perez dahil parang wala nang interesado rito. Walang witness, walang gustong magsalita. Ang tanging saksi ay walang balak magsalita. Its Reya Clemente.

"Nandoon din ako." 'Di tuwirang salungat niya sa kanyang private investigator.

"Tama. At sinabi niyo na wala kayong nakita. Pero ang nakakapagtaka ay kilala ng mga iyon si Merian Felipe. Pinuntahan ko na ang mga kamag-anak ng mag-asawa subalit wala ni isa ang sa tingin ko ay makakatulong sa palaisipang iyon.

Lumabas si Renzo ng sasakyan at nagderetso sa gate ng bahay ngunit naka-lock ito.

"Trespassing ang gagawin natin Mr. Andrews." Pigil ni Alvin nang makalapit sa lalaki.

"I just want to check the place."

"Nagawa na 'yan ng mga pulis. Maaring wala na tayong makita pa dahil kung may kahina-hinala man, mga pulis na ang gagalaw nito."

"Ang tagal na ng pinapagawa ko Alvin. Hanggang ngayon, wala pang developments. Sa tingin mo wala akong gagawin?

"Hindi ganoon kadali ang lahat Mr. Andrews. Una, mahirap buhayin ang kasong na-dismiss na ilang taon na ang nakararaan. Pangalawa, ang mga ebidensiya o lead, halos wala talaga."

"Are you implying me to stop?"

"Hindi sa ganoon. Maghintay ka lang Mr. Andrews, ginagawa ko ang lahat para makakuha ng ebidensya."

Nagpalinga-linga si Alvin sa paligid. "Its not the right place Sir. May mga gusto akong ipaalam sa iyo."

Sa mga sinabing ito ni Alvin ay nakumbinsi niya si Renzo na lisanin ang lugar at magpunta sa kanyang opisina. Nagsuot ng sumbrero at isang sunglass upang hindi raw siya makilala ng iba.

"Umpisahan natin sa mga Perez. Mayroong isang tauhan si Antonio Perez na hindi pa rin nakikita hanggang ngayon. Isa sa mga kamag-anak ang nakausap ko tungkol dito. Kung pinatay lahat ng may kaugnayan sa mag-asawa, maaaring wala na rin siya. Pero may posibilidad na nagtatago lang. Iyan ang hinahanap ko ngayon dahil baka may alam siya."

"Then find that person. Kahit magkano magbibigay ako, mahanap lang ang taong ito."

Tinanguan ni Alvin si Renzo.

"Isa pa, may mga listahan na ako ng mga malalapit kay Senador Felipe noon. I can't give you the list now sir hanggang hindi ko pa ma-verify kung sino ang dapat na imbestigahan sa kanila."

"Gawin mo ang lahat Mr. Alvin." Utos pa ni Renzo.

"I will Mr. Andrews. Bigyan mo lang ako ng sapat na panahon
."

May biglang pumasok sa utak ni Renzo. "Alvin... can you get the copy of suicide note that Merian wrote? Nasa pulisya raw ito. May posibilidad ba na masilip ito?"

"Suicide note? Mahirap yata iyan lalo pa at matagal nang nangyari iyon. Pero susubukan natin Sir. Maimpluwensya kang tao, malaki ang magagawa mo kumpara sa akin."

Bumilis ang tibok ng puso ni Renzo. Kinakabahan siya sa maaaring matuklasan... hindi malaman kung nanaisin niyang sulat-kamay nga iyon ni Merian o hindi.

Makalipas ng mahabang diskusyon ay nagpaalam na ang kanyang imbestigador. Nasa kalagitnaan ng malalim na pag-iisip si Renzo nang tumunog ang teleponong nagku-konekta sa labas kung nasaan ang sekretarya niya.

"Sir, isang babaeng nagngangalang Celine ang nais kayong makausap."

"What's her full name?"

"Ahm, sandali lang po sir." Paalam ng kausap. Ilang sandali lang ay nagsalita ulit ang sekretarya niya.

"Celine Herra daw po."

"Let him in."

Matapos ng pag-uusap na iyo'y hindi nagtagal at pumasok na sa loob si Celine.

Ang masayahin nitong awra ay taliwas sa tahimik na ambiance sa loob.

"Hi!" Masayang bati ni Celine.

"Hi." Tipid na sagot naman ni Renzo.

"Let's eat?" Abot-taingang ngiti nng dalaga habang tinataas ang nasa supot na pagkaing dala niya.

***
Reya's POV

Malapit na... Ilang tulog na lang at laban ko na. Wala akong ginawa king hindi ang mag-ensayo. Maging ang pagkain ay hindi ko rin pinalalampas. Ingat na ingat ako kahit saan magpunta.

Kagaya ngayon, I am at Derek's gym.

"Nandito ka na naman. Good luck sa laban." Sinamaan ko ng tingin si Derek. Alam kong takot siya sa akin pero hanggang doon lang iyon. Sa simula pa lang mainit na ang dugo ko sa kaniya.

Ilang araw ko siyang hindi nakita. Wala pa ring pinagbago ang kanyang pagmumukha. Pangit.

Binuksan ko na ang pinto kung saan ako nag-eensayo.

Hindi kagaya ng dati, maliwanag sa loob dahil sa mga ilaw na nakabukas na siyang ikinataka ko. Palagi kong naaabutang nakapatay ang ilaw dahil sa dis-oras na ng gabi.

Hanggang sa mapansin ko ang bulto ng lalaking nakatayo sa gitna. Napataas ang kilay ko nang makilala kung sino ito.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko. Nakasuot siya ng itim na sando na siyang nagpalitaw sa matipuno niyang katawan samantalang itim na jogging pant naman sa ibaba. Magulo ang di kahabaang buhok.

"Naisip ko na baka kailangan mo ng ka-sparring. I'm available."

Gusto kong tanggihan siya but si Arthur siya. Hindi iyan alok kung hindi isang utos. Ibinaba ko ang string bag na bitbit sabay napangisi.

Napadako ang mata ko sa ring na nasa likod lang niya...

"Mabagal!" Sigaw niya nang masangga niya lahat ng suntok na pinapakawalan ko. Napamulagat ako sa sinabi niya nilakasan ko pa ang suntok ko na siyang nasasangga niya kahit saan pa itong direksyon.

Nahuli niya ang kamao ko at mabilis akong pinaikot. Patalikod akong napasandal sa dibdib niyan. Hawak niya ang kanan kong kamay samantalang nasa leeg ko na ang isa pa.

"Sabi ko, ang bagal mo... hindi lakasan ang suntok." Parang kung sinong sabi niya. Hindi ako maka-concentrate dahil sa siya ang kalaban ko.

Imbes na sumagot ay inapakan ko siya sa paa at siniko gamit ang kaliwa ko. Mabuti na lang at medyo maayos na ang aking braso. Epektibo ang mga gamot na pinadala ni Daven kay Renzo.

"Good, but you should exert more power." Sabi na naman ni Arthur matapos na hindi siya nagpatinag sa ginawa ko sa kaniya. Kung ibang tao lang ito ay napabitaw nang tiyak sa ginawa ko.

Binitawan niya ako pagkatapos ay ginalaw ang kamay na sinasabing lumusob ulit ako.

"Faster and stronger." Aniya.

Patakbo akong lumapit sa kanya sabay sipa ng malakas sa tagiliran. Dito siya natumba. Napangisi ako.

"Not bad. Pero kulang pa rin." Komento niya nang makatayo na siya.

"Yaaaahhhh!" Halos mapatid ang litid ng ugat ko sa sigaw at sa inis sa lalaking ito. Hindi ko na alam kung saan siya pinatatamaan, basta ang alam ko, sumusuntok at sumisipa ako.

Pero nahuli niya ako at ibinalibag sa sahig.

"Urrrgggh!" Hindi ko mapigilang mapaungol sa maling pagbagsak ko.

"How are you going to win with that kind of attitude? Mabuti pa, sumuko ka na lang kung ganyan din lang."

Napaupo ako sa sahig. Hindi ako sumagot. Paano ko kaya matatalo ang isang ito? Kapag siya ang kalaban ko ay hindi ako makaisip ng paraan.

"Concentrate. Mag-isip ka bago kumilos at huwag kang ma-intimidate sa kalaban mo." Natatakpan ng liwanang ang mukha niya.

Napaupo ako at bumuga ng malalim na paghinga. Pagkatapos ay tuluyan nang tumayo.

Agad ko siyang sinugod, pero kagaya ng dati ay nasasangga niya ang mga ito. Hindi siya sumusugod, puro depensa lang. Kaya't ang ginawa ko'y mas lalo kong nilakasan ang bawat tira ko. Imposibleng hindi siya matablan kahit papaano.

Napahinto ako at lumayo sa kanya hanggang sa maramdaman ko ang lubid ng ring na kinaroroonan namin.

Use your weapon.

Pumasok sa isip ko ang mga sinabi niya.

Paikot akong sumugod upang kumuha ng buwelo. Para makakuha ng malakas na pwersa sa aking pagsipa.

Napangiti ako nang sa wakas ay halos matumba siya kung 'di lang niya natukod ang kanyang kamay. Mabuti nga at hindi ang ulo niya ang pinatamaan ko.

Mas malakas ang mga binti ko iyon ang alam namin pareho...

"Good."

Napangiti ako sa tinuran niya. Pero nawala rin ito nang bigla siyang sumugod. Nakita kong gumalaw siya pero ang presensya niya lamang ay sapat na para hindi ako makagalaw. Ang mukha niyang walang bahid ng takot ay nakakapangilabot.

Sa isang iglap lang, nasa tabi ko na siya... nasa gilid, sa kanan ko. At ang kamao niya'y nasa sikmura ko na. Halos hindi ako makagalaw at makahinga.

"Always be extra careful. Hindi mo alam ang kayang gawin ng kalaban mo." Sermon niya pa.

Hindi ko magawang makasagot dahil sa ginawa niya. Shit! Napaluhod ako at agad na nailagay ang kamay ko sa aking sikmura. Ang lakas ng suntok niya!

"A-ang daya mo!" Hindi ko mapigilang masabi habang namimilipit.

"Huwag kang magpatawa" aniya.

Alam kong wala siyang ginawang pandaraya. But darn! I thought he will not fight back.

"Ang bagal mong kumilos. Galingan mo pa or else you'll lose."

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang pababa na siya ng ring.

"Wait! Kaya ko pa! Hi-hindi pa tayo tapos." Hawak-hawak ko ang aking sikmura habang pinipigilan siya. Napakapit ako sa lubid ng ring habang pinagmamasdan siya sa labas ng ring na ito.

He stopped from walking and faced me.

"Tapos na Reya. Mag-uumaga na at saka hindi ka pa handang labanan ako."

Pakiramdam ko may ibang kahulugan ang mga sinabi niya. Iniwan niya na ako pero naroon pa rin ako sa ganoong pwesto. You just wait, malalabanan din kita ng walang alinlangan.

-----------------
Yey! Another update, sinusulit ko na ang time dahil malapit na naman ang busy days ko.

Pasensya na sa grammatical errors and typos. Please help me correct it na rin po dahil duling na ako. Heheh

Thank you so much po sa lahat ng support at reads :). Di ko na maiisa-isa ang mga ilan pero para sa akin ay sobrang enough na na mga taong nagpaabot ng support sa story na ito. Again Thank you!

I'll update the next chapter as soon as I finish writing slash typing it. <3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top