Chapter 21
Reya's POV
I am about to leave the shop nang makita ko mula sa transparent na salamin ang paglampas ni Renzo kasama si Celine. Mukhang may date ang dalawa. Busy daw siya lagi at masyadong time conscious pero kapag nariyan na ang white lady ay hindi magkandarapa sa pag-alis.
On the other hand, mabuti na rin iyan nang hindi ako tawagan ni Renzo. Baka kung ano na namang ipagawa, may lakad pa naman ako.
Tuluyan na akong lumabas para lisanin ang mall. Nagderetso ako sa parking area kung nasaan ang aking sasakyan. Nakikiramdam ako sa paligid, hindi ko alam kung kailan dadating ang panganib.
***
Titig na titig ako sa hawak kong baril na maaaring kumitil ng buhay sa isang kalabit lang. Napangisi ako.
Isang bala lang ang kailangan, maaari ko nang kitilin ang sarili kong buhay. O kumitil ng buhay ng iba.
Gaano ba kahalaga ang buhay ng tao? Nakakakilabot ang mundo, subalit marami ang nagnanais magpatuloy.
Ayaw ba nilang mapunta ng langit? Kung saan payapa, walang problema, hindi na mag-aalala kung paano ka hihinga sa bawat araw na daraan?
Kung sa bagay, sigurado ka bang doon ka hahantong? Kung mala-impyerno ang lupa at alam mong puro ka-demonyohan ang ginagawa mo, nanaisin mo pa kayang pumanaw at mapunta sa totoong impyerno?
Ganoon din marahil ako...
Ngunit sa kalagayan ko, ito-todo ko na ang lahat! Masama ako at bago ako mapunta ng impyerno, kailangang magsama muna ako ng kahit napaka-kaonting kampon ni Santanas. Sa huli, makakaya ko bang bawiin ang buhay ng ibang tao? Buhay na hindi naman sa akin nanggaling.
Napapikit ako kasabay ng pag-alala sa naging panaginip ko. Bakit nga ba gusto ko nang mamatay? Ngunit bakit hindi ko pa kailangang lisanin ang mundo?
Bakit ganito?...
Napadilat ako ng mata sabay taas ng baril at tinutok sa hugis bilog na aking natatanaw.
"Dahil lalaban na ako" bulong ko sa sarili.
Inayos ko ang aking postura ayon sa kung ano ang nabasa ko.
Gamit lamang ang kanang kamay ko'y kinalabit ko ang gantilyo. Napapikit ako kasabay ng putok ng baril na pikawalan ko. Sa wari ko ay napakalakas ng tunog nito samantalang natatakpan naman ang aking mga tainga.
Nanginginig ang kamay na binaba ko ang baril. Malamang sa malamang ay hindi ito tumama kahit sa malayong parte ng target ko. Napatawa ako ng mahina. First time kong magpaputok ng baril.
Ihinawak ko ang aking kaliwang kamay sa nanginginig kong kanan na may hawak ng baril.
Hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman. Basta kakaiba sa pakiramdam.
Kaagad akong kumilos para alisin ang nakakabit sa ulo ko at upang lisanin ang lugar...
Hindi ko pa kayang ipagpatuloy ang pag-aaral gumamit ng baril.
I went out of the firing range.
***
"Maraming salamat talaga sa tulong. Hay, halos patapos na ang lahat, thank you talaga."
"Walang anuman. Masaya akong nakatulong sa iyo." Tinapik ni Renzo si Celine sa balikat.
Tuwang-tuwa naman ang babaeng nasobrahan yata sa gluta.
"Talaga? Natutuwa ka? Ngumiti ka naman Renzo. Gusto kong makita na natutuwa ka."
Tssk. OA. Dito pa talaga sa parkeng area maglambingan ang dalawa. Hindi ko alam kung bakit dito ko naisipang magpunta. Hindi pwede sa lugar ni Derek dahil siguradong maraming gumagamit ng gym niya sa araw, ayoko sa bahay ko. Dito ako dinala ng mga paa ko.
Naglakad ako patungo sa loob ng mall kaya madadaanan ko ang dalawa.
Ala-siete na ng gabi at magkasama pa rin ang mga ito huh.
"Haist. You must leave now. Madilim na. Sigurado ka bang kaya mong mag-isa?" Narinig kong sagot ni Renzo.
Napangisi ako, ngumiti lang hindi magawa? Samantalang ako, pagtatawanan niya?
Nagderetso ako na parang hindi sila nakita.
"Oh, hi Reya!" Bati sa akin ni Celine. Tsk, papansin pa. Tinanguan ko lang siya saka sila nilampasan.
"Celine! Matagal ka pa ba diyan?!" Narinig kong sigaw ng isang lalaki. Napalingon ako out of curiousity. Isang lalaki ang nakadungaw sa bintana ng itim na kotseng hindi kalayuan sa pwesto ng dalawa.
"Wait lang, paalis na. Kanina ka pa ba diyan Silver?" Nagmamadaling lumapit si Celine sa kotse. Hindi ko narinig ang sagot ng lalaking tinawag niyang Silver sa sobrang hina ng boses niya.
Kumaway pa si Celine kay Renzo saka bumaling sa akin at kiming ngumiti.
Hindi ko alam ngunit parang may kakatwa sa mga kilos niya, sa mga tingin niyang napakainosente. Mga matang nagbibigay ng inis na pakiramdam.
Tinalikuran ko na sila at naglakad papunta sa loob.
"Ready for tomorrow?" Nagulat na lang ako nang magsalita si Renzo na siyang katabi ko na pala. Napalingon ako sa kaniya ng may pagtataka. Ang bilis namang makalapit ang gago. Tumakbo siguro.
I rolled my eyes. "Wala naman akong gagawin bukas. Anong paghahandaan ko?" Pagmamaang-maangan ko.
"Don't forget the meeting or else-"
"Yeah... yeah... yeah. 8 o'clock sharp." Putol ko sa sasabihin niya.
"Good." Aniya saka pumihit at naglakad sa direksyong pinanggalingan niya kanina.
"Wait! Lumapit ka lang ba para sabihin ang tungkol sa meeting bukas?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"To remind the meeting tomorrow." Pagtatama niya.
"Baka kasi nakalimutan mo.But congrats dahil mukhang hindi naman."
"Time is precious... I need to go, kailangan ako sa main office ng kompanya." Nagpatuloy siya sa paglalakad palayo.
Congrats? Pinuri niya ba ako?
***
Ala-singko na ng umaga pero heto ako at nakahiga lang habang nakatitig sa kisame. Is it worth all the efforts?
Hindi ko alam kung anong kahahantungan ng mga plano ko. Sumusugal ako.
No! Bakit ako kakabahan? I am Reya Clemente. Siguradong magwo-work lahat! First of all, kailangan kong alisin lahat ng alinlangan sa dibdib ko.
Bumangon ako upang makapaghanda sa kauna-unahang meeting na aking dadaluhan.
I'm ready. Inayos ko ang blusang suot ko na off shoulder. Mahaba ulit ang manggas nito. Sa ibaba nama'y skirt na two inches above the knee ang haba na pinaresan ng sandal na may mataas na heels.
Tuluyan na akong pumasok sa loob ng building kung saan gaganapin ang meeting. Hindi sa mall ang venue ng lintik na meeting kaya't wala akong idea kung saang lupalop ng building na ito.
"Good morning Ma'am, ano po ang kailangan nila?" Tanong kaagad ng security guard.
"I am here for a meeting."
"May ID po ba sila Ma'am?" Napakunot ang noo ko. Daming arte, mukha ba akong sinungaling?
"Pasensya na po Ma'am, trabaho lang po." Paliwanag ng gwardiya. Halata ang inis sa aking kilos nang magkalkal ako sa purse na dala ko.
"O" sabay abot ko sa aking Postal ID.
"Okay na po Ma'am." Kumpirma niya matapos i-check sa listahan ang pangalan ko.
Tatanungin ko pa sana kung saan ang letseng meeting place na 'yan pero nawalan na ako ng gana. Nagderetso ako sa reception desk para magtanong.
Pinasamahan naman ako sa isang babae na wala akong pakialam kung sino.
Saktong pagtapat namin sa pintuan kung saan magaganap ang meeting ay siya namang pagbukas ng pinto.
Iniluwa nito si Renzo. Napataas ang aking kilay nang makitang naka-formal na puting polo siya. Taliwas sa suit na lagi niyang sinusuot. Mukhang mas bagay sa kaniya ang ayos ngayon. Duh! I'm just telling the truth. No malice at all.
Iniwan kami ng babaeng nagsama sa akin at dahil mabait ako, di ko pinansin ang pagpapaalam niya sa amin.
Si Renzo naman ay napakunot ang noo matapos tignan ako mula ulo hanggang paa. Parang napapadalas ang kasungitan ng lalaking ito huh.
"Can't you wear the same style as what you wore these past few days?"
"Ano bang problema sa suot ko?" Maang na tanong ko. Sinadya kong umikot para inisin pa siya.
"Hindi naman ganoon ka-revealing ang suot ko ha. Uso ang off-shoulder ngayon. Ang haba nga ng manggas kagaya ng suot ko nitong nakaraang araw. Sexy lang talaga ako kahit anong isuot ko." Mayabang na paliwanag ko.
Iginalaw ko pa ang kaliwa kong braso na parang nangangalay pero ang totoo, I want to check if may pagbabago rito. Masakit pa rin siya.
Walang nagawa si Renzo kundi ang papasukin ako.
"You're late again." Sita niya habang naglalakad kami. Akala ko bubungad kaagad ang area kung saan kami magmi-meeting pero kailangan pa palang maglakad para sa isa pang pinto.
Tinignan ko ang suot kong relo. "Its just 5 minutes for pete's sake. Naghahanap ka lang yata ng away e! Saka sisihin mo 'yang guard niyo, ang daming arte bago magpapasok." Namumula na ako sa inis. Darn.
"Late is late." Pagbibigay-diin niya pa.
"Mabuti nga pumunta ako, duh." Hindi ko alam kung narinig niya ang bulong ko. Bahala siya.
"Its good you came." Okay na sana ang sinabi niya kung hindi lang niya sinundan pa...
"Miss late Reya Clemente."
Binuksan niya ang pinto at tumambad sa akin ang mga taong tahimik na naghihintay na mag-umpisa ang meeting. Lahat ay napatingin sa direksyon namin.
"Anong sabi mo?"
Ngumisi siya sabay bulong sa tainga ko "anong pakiramdam ng inaasar?"
Awtomatikong tumaas ang kilay ko. Halos sigawan ko ang mga tao ng "anong tinitingin ninyo?"
Subalit inunahan ako ni Renzo nang mahina niya akong tabigin na waring sinasabing umayos ako.
Inirapan ko lang siya. "Where's my seat?" Tanong ko ng 'di alintanang may nakatingin.
Imbes na sumagot ay hinawakan niya ako sa wrist at iginiya sa gitna.
"Sorry for keeping everyone waiting. I want to introduce the co-owner of Nisia mall... Miss Reya Clemente." Hindi ko inaasahang ipapakilala ako ng ganito ni Renzo.
Samot-sari ang naging reaksyon ng mga narito sa loob. Ilan sa kanila ay nakikita ko na sa Nisia. Pero wala ni isa sa kanila ang nakakausap ko. Ngayon lang nila nalaman ang announcement na ito?
"Smile." Parang konsensyang nagsalita si Renzo sa gilid ko.
Isang pilit na ngiti ang pinakawalan ko. Wala akong sinabi. I don't care kung ano ba ang iniisip nila, duh.
Hindi naman ako ang may control sa buong mall. Pera ko lang ang pagagalawin ko, si Renzo ang bahala sa management. Iyon naman ang agreement namin. Nakakainis lang na may mga idinagdag si Renzo sa kontrata na hindi ko napagtuonan ng pansin.
Hindi nagtagal ay nag-umpisa ang meeting. Isang nakakabagot na meeting. Wala naman akong maintindihan sa mga pinag-uusapan nila.
Pinilit kong huwag maghikab. Tinakpan ko na lamang ang aking bibig at pipihit sana patalikod nang mahuli ko ang lalaking katapat ng inuupuan ko na matamang nakatingin sa akin.
Parang nasa singkuwenta anyos na siya.
Bumaling ako sa harap ngunit ang utak ko ay nasa lalaki pa rin. Anong problema niya? Kakaiba siya makatingin na para bang kilala niya ako.
"Bago matapos ang meeting, nais kong ipaalam na babaguhin ko na ang pangalan ng Nisia. Ako mismo ang magbibigay ng bagong pangalan. We will call it Crystal Mall."
"Corny" wala sa loob na naisatinig ko.
Napukaw ng kaisa-isang salitang binitiwan ko ang atensyon ng lahat. Nagtaas ako ng kilay "What?"
Nakita ko ang paglukot ng mukha ng lalaking katapat ko. Tatanungin ko na sana kung anong problema ng matanda nang magsalita muli si Renzo.
"Any problem Miss Clemente?"
"Ah, wala naman. Naalala ko lang kasi 'yong napanood kong drama kagabi. Ang corny ng lalaki." The heck, kailan pa ako nanood ng drama?
"Huwag niyo akong pansinin, lumilipad ang isip ko." Isang pilit na ngiti ang pikawalan ko.
Then Renzo continues his speech, may mga nagtanong, nagsuggest, sumang-ayon. Hindi na ko talaga nakinig pa at baka may masabi na naman akong hindi maganda.
Inantay kong matapos ang meeting ng walang ginagawa kundi maupo lang.
"That's all for today, meeting's adjourned."
Para akong estudyanteng sabik na sabik marinig ang mga salitang iyon. Sa wakas uwian na.
Hindi ko alam kung paano akong nakatagal sa loob. Parang buong araw akong nakaupo kahit pa ilang oras lang iyon. Nauna akong tumayo at lumabas nang hindi nagpapaalam. The meeting's ended kaya malaya na ako.
Binilisan ko ang aking paglalakad para makaalis na kaagad.
Nasa tapat na ako ng elevator at papasok na sana nang inunahan ako ng isang gago.
"You?!" Napasigaw ako sa inis habang tinuturo siya.
"What?" Cool na cool na tanong niya pa.
Pumasok na ako sa loob bago pa man ako masarhan.
"Bakit nandito ka?"
"Bababa? Ano bang klaseng tanong 'yan."
Bwisit ka.
Walang nagsalita sa amin habang nasa loob ng elevator.
Pagbukas ng pinto sa ground floor ay kaagad akong lumabas. Bago pa man ako makalayo ay nagsalita siya na siyang ikinatigil ko.
"Let's go to Crystal Mall together."
Maglalakad na sana ako nang hawakan niya ang kaliwang braso ko. Shet! Sa dinami-dami ng hahawakan, sa parteng ito pa?
Umakto ako na parang wala lang kahit pa gusto ko siyang sapakin.
"Ano na naman ba?" Tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko.
"Uuwi ako ng bahay." Tanggi ko. Kami lang ang tao rito ngayon.
"Ihahatid kita."
"Ha?!"
"I've done my part. Kailangan nating pag-usapan ang sa'yo. Una sa lahat, gusto kong bumalik ng underground battle."
Natigilan ako sa sinabi niya. Oo nga pala, I need him, he needs me. Naging mabagsik ang aking mukha.
Organization, mukhang hindi lang ako ang kakalaban sa iyo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top